Sans Rival

Sans Rival

Sabi nila, ang opposite ng love ay hate, pero kapag kasi may hate ka pa sa isang bagay, ibig sabihin may pakielam ka pa. 'Pag may pakielam ka pa, ibig sabihin, mahal mo pa.

 

A way to a (wo)man's heart is through his(her) stomach, ika nga nila. We could interpret this saying in hundreds of ways, pero sino nga ba naman kasing tao ang hindi sumasaya kapag nabubusog sila?

 

Ang recipe ay parang love, pwede mong ibigay ang same ingredients na sugar, spice, and everything nice pero bawat tao may sariling sukat, katangian at bersyon nila ng pagpapakita nito. Kaya nga kahit pare-parehas ang mga pamagat ng dish tulad ng adobo, bawat household sa mundo, iba-iba ng istilo.

 

The recipe for the perfect silky leche flan has 10 egg yolks, 1 can condensed milk, 1 can evaporated milk, and a teaspoon of lemon juice. In a bowl, SLOWLY mix it well, mix it good, and mix it like you should. Don't overmix! Then pour the mixture through a sieve to a llanera with golden arnibal. And lastly, tap it to release bubbles, cover it with foil and steam it on low heat for an hour.

Chef Irene knows this recipe by heart, kahit i-blindfold pa siya kayang-kaya niya gawin dahil ito ang recipe na pinamana pa ng Lola niya bago ito namaalam. It's a simple recipe kung tutuusin, but if not done right, for sure palpak na mabulang leche flan ang kalalabasan. Ito ang item sa menu ng restaurant ng family niya na siya lang ang bukod tanging nakakagawa perfectly like how her Lola does it na binabalik-balikan at humuhuli sa panlasa ng karamihan at isa na roon ang sa photographer na si Wendy. Hindi niya alam kung anong gayuma 'yung nilagay ng restaurant owner dahil sa simpleng leche flan na pinasalubong ng best friend niya, nag-drive siya ng dalawang oras para lang makakain noon ulit.


Mas instant pa sa instant coffee ang mutual attraction na naramdaman nila the first time Irene and Wendy saw each other. Salamat sa baguhang waiter na dalawang beses nang nagkakamali sa pagdadala ng order ni Wendy kaya lumabas si Chef Irene mula sa kitchen para mag-sorry sa abala.

Magkasalubong ang kilay ni Wendy, hindi natutuwa sa service ng restaurant na pinagbilhan ng best friend niya na si Joy ng heavenly good leche flan dahil sobrang tagal, parang ayaw niya na tuloy umulit. "Ma'am, here's your order."

"Wait, mukha bang leche flan 'to? Eh ube halaya 'to eh."

"Umm, sorry po ma'am, I'll bring your order right away."

Makalipas ang kinse minutos, bumalik ang waiter pero sylvannas ang nasa loob ng paperbag, "Waiter, ano ba 'to? Kanina mo pa mina-mali order ko. I didn't drive for two hours just to--"

Slowmo. Para siyang breath of fresh air sa maalikabok na hangin, 'yung feeling kapag Christmas morning, the perfect subject sa mata ng tulad niyang isang maniniyot. "Hi ma'am, I'm the Head Chef here and here's your order. I made sure leche flan na 'to. I'm so sorry for the inconvenience. Trainee pa lang kasi 'yung waiter namin."

Actually nawala na lahat ng galit ni Wendy at inip, nalulutang na siya dahil sobrang ganda ng nasa harap niya wala na siyang pake sa leche flan. "Uh it's all good, no worries."

"Glad to hear that po, uh do you need anything else pa?"

"Your number."

Willing naman si Irene kung ito ang paraan para masalba ang reputasyon ng restaurant ng pamilya niya at dahil cute din naman itong customer kaya kinuha niya ang ballpen sa braso ng jacket niya and wrote her digits sa palad ni Wendy. "There."

"Do you usually write the restaurant's contact number sa kamay ng customer?"

Na-fluster bigla si Irene, not expecting na number pala ng restaurant ang gusto. God, ang tagal niya na kasing walang jowa. "Ah, ...I'm sorry." Agad naman siya bumunot ng calling card sa bulsa niya, buti meron nag-iisa.

"Hindi naman ako na-inform na 'yung Chef na pala ang tatawagan para mag-order." Natawa pa si Wendy, gusto niya lang talaga mang-gago, number naman talaga ni Irene ang gusto niya. Tiningnan niya pa ang nametag nito, "Thank you for this, Chef Irene." Hindi na nakapag-salita si Irene dahil hiyang-hiya siya sa sarili.

 

"Hello?"

"Hi. Is this Lola Bae's?"

Napakagat sa labi si Irene, wala naman ibang tatawag sa cellphone niyang inaamag kundi ang customer na napahiya pa siya kanina, "Uh..hindi?"

"What? Mali ba 'yung binigay ng Chef sa'kin? Loko 'yun ah."

"Ugh, sige na, oo na, ako na 'yung loko-lokong assumera na Chef na nagbigay ng personal number instead sa resto." 

Natawa pa si Wendy at parang music sa dumbo ears ni Irene 'yon, "Gusto ko lang naman kasi mag-advance order para less hassle, ang binigay ito."

"Oh edi mag-direct order ka sa'kin, ayaw mo non hindi na mamamali 'yung order mo?"

"Sige, pa-order ako. Isang Chef Irene naman para sa isang coffee date sa Saturday."

"Your name please."

"Wendy Shon. Anong oras pwede i-pick up?"

"Pwede ba ng 8 AM?"

"Sure, g."

 

Si Wendy ay parang traditional pinoy breakfast, nasa kanya na lahat. Parang nakakabusog na sinangag, hindi nakakasawa parang itlog, tapa na perpektong halo ng tamis at alat na paborito ni Irene at siyempre, kamatis o atsara pambalanse.

"Say cheese!" Sabi ni Wendy while taking a picture of Irene na nag-smile habang nag-luluto ng breakfast set for two. "Beautiful."

"Sunny side up for me and over-hard for you." Sabi nito while putting the over-hard egg sa plato ni Wendy na may tapa at sinangag. 

"Thanks, Chef. The best talaga tapsi niyo." Kukunin na sana ni Wendy, pero pinalo ni Irene ang kamay niya dahil hindi pa pala kumpleto. Binudburan niya pa ng garlic bits on top ang sinangag at nilagyan ng sliced kamatis ang gilid. "Gosh, always a perfectionist."

"Of course, kailangan pasok sa standards."

"Eh ako ba, papasa sa standards mo?" Nakangising sabi ni Wendy at hindi maiwasan ni Irene na umirap habang nagpipigil ng ngiti.

"Gutom lang 'yan."

 

Ang feelings ay parang dumplings na xiao long bao, makikita mo ang kabasaan pag binulatlat mo charot, pero ang feelings ay parang dumplings dahil nakatago man ito sa una, 'pag binuksan mo at kahit iba-iba na halo-halo ang ingredients, the taste will make sense once you have a bite. 

"Sarap?"

"Uh..yeah, yeah."

"Ehh, parang hindi naman." Tinikman pa ulit ni Irene ang ine-experiment niyang bagong recipe ng sinigang sa pakwan habang busy si Wendy na nage-edit sa laptop niya.

"Masarap naman ah?" Mukhang bothered talaga si Irene at dahil may pagka-perfectionist, hindi siya mapakali kapag hindi tumatama ang panlasa niya.

"Wen it's not going to work kung palaging masarap ang feedback mo."

"Akala ko ba subjective ang taste? Eh sa masarap naman sa'kin talaga." Tumayo na siya sa kinauupuan at niyakap ang bewang ni Irene, "You're the best Chef sa mundo, wala ka naman niluluto na hindi masarap."

"Tingnan mo na!"

Natawa pa si Wendy nung humarap siya sa kanyang haba na haba nguso, "It's unique and a bit unusual na i-serve 'yan sa restaurant, I'm sure magugustuhan 'yan ng customers lalo na 'yung naghahanap ng adventure."

"Talaga?" Napapangiti na si Irene, alam na alam talaga ni Wendy paano i-boost ang confidence niya.

"Oo naman."

Nagkatitigan sila, hinawakan ni Wendy ang pisngi niya kaya napasabi si Irene nang pabiro, "Oh baka mag-I love you ka na ah?"

Nagtawanan sila pareho at tinuloy na ang kanya-kanyang mga ginagawa.

 

"Ground beef, splash of Worcestershire sauce, one egg, teaspoon of garlic and onion powder, salt and generous amount of black pepper powder. Medium doneness. Brioche buns, three pieces of bacon, butterhead lettuce, three slices of tomatoes, one slice of red onion, slice of melted cheddar cheese and Irene's special dressing." Umiiyak na sabi ni Irene while holding a paperbag containing Wendy's special burger na personally niya pa dineliver sa studio nito para lang mag-apologize dahil lang nagkaroon sila ng misunderstanding over some petty debate tungkol sa pineapple kung karapat-dapat bang ilagay sa pizza. Hindi nagpatalo ang Chef, pero tanggal angas niya nung lumipas dose oras na hindi siya nire-replyan ni Wendy.

Natulala si Wendy sa speech ni Irene ng recipe ng favorite niyang burger, pero niyakap niya siya agad at hinalikan sa noo, "What are you doing here? Why are you crying?"

"Galit ka pa ba?"

"What? Bakit ako magagalit?"

"'Di naman kasi talaga dapat nilalagyan ng pinya 'yung pizza, 'di mo na ko nireplyan."

Natawa pa si Wendy, "Sorry, busy lang ako sa dami ng work." Naka-pout pa si Irene na ayaw bumitaw sa photographer.

"'Di ka galit?"

"No po." Nakangiti na si Irene habang pinupunasan ni Wendy ang luha niya, "Come, medyo na-surprise ako nag-recite ka ng recipe sa mukha ko. You're so cute." Umupo na si Wendy sa swivel chair at inupo si Irene sa pagitan ng hita niya para yakapin ito.

Tiningnan ni Irene 'yung ginagawa ni Wendy at bigla siyang kinilabutan nung ibinaon nito ang mukha sa may batok niya, "Mag-break ka muna, parang dami mo naman ginagawa."

"Malapit na kasi deadline na binigay ng client." Sinubuan pa siya ni Irene ng fries na medyo soggy na dahil dalawang oras ang binyahe niya, "Pero since my favorite cute Chef's here to distract me, papa-distract ako ng ilang oras." Kiniliti niya pa siya at napasandal si Irene sa dibdib niya.

"Wen!" Humarap siya sa kanya para paluin habang nagpipigil ng kilig. Ngumunguso si Wendy, asking for a kiss--wala pa silang first kiss sa lips at lalo lang natatawa si Irene, hindi niya siya kunwari pinagbibigyan, pero habang lumalapit mukha ni Wendy sa kanya, hindi siya gumagalaw at parang iniipit sikmura niya dahil sa tensyon na nararamdaman. Hinigpitan ni Wendy ang yakap sa kanya para 'di siya makawala unlike other times na tinakbuhan niya siya. At ayon, hinayaan na ni Irene na halikan siya ni Wendy for the first time since nag-date sila. 

Nakangiting tagumpay si Wendy sa Irene na tahimik lang na nakangiti habang humihimas sa maiksi niyang buhok, "Oh baka mag-I love you ka na diyan ah?"

Natawa bigla si Irene saka siya hinampas bago humalik ulit at yumakap pabalik.

 

Baka mag-I love you ka na? Was a running joke between them dahil ganoon naman when you're dating someone sa umpisa. Hindi mo naman mahal agad at sinasabi ang mahal kita dahil nagpapakiramdaman pa rin naman kayo kahit kinikilig kayo sa isa't isa.

 

Mahal kita. Sobrang simple, very straightforward, pero ang tunay na kahulugan sa likod nito hindi ata sasapat ang lahat ng salita sa mundo para mapaliwanag mo ito. Kaya nga maingat itong sinasabi at hindi dapat basta-basta lang, kasi oras na sinabi mo na dapat wala nang bawian.

 

It was a cold and quiet night, tunog lang ng nagniningas na mga tuyong kahoy ng bonfire ang naririnig sa paligid. May work trip kasi si Wendy at ang napiling location ng kliyente ay sa countryside at sinama niya si Irene para naman makapag-unwind kahit nandon siya talaga for work.

"Sorry, boring dito sa location."

"No, masaya nga eh. Nakakatanggal ng stress kasi tahimik, thank you pala sinama mo ako."

Umupo si Wendy sa damuhan katabi ni Irene kaharap ng apoy, "Nung bata ako ayaw ng Mama ko na lumalapit ako sa apoy, maiihi raw kasi ako sa kama."

Natawa bigla si Irene, "Anong relevance ng apoy sa pantog mo?"

"'Di ko rin alam eh, well, ganon naman ang Mama ko nung bata ako. Kung ano-ano sinasabi para mapahinto ako sa mga kalokohan ko. Promotor kasi ako ng kaguluhan nung bata ako eh."

Komportableng sumandal si Irene sa balikat ni Wendy at inakbayan naman siya nito, "Aww, your Mom loves you so much."

"Alam mo, I used to think na kasalanan ko na kaya niya kami iniwan, nag-sawa na siya kakasaway sa mga kalokohan ko." Tumulo ang luha ni Wendy na pinunasan niya naman agad.

"Wen.."

"I know, I know, it's a stupid thought na tinatawanan ko na lang ngayon, pero sometimes I still can't help but wonder bakit siya umalis nang walang paalam. Masaya naman kami the night bago siya nawala."

"Wen, I'm sure merong valid reason, pero sure rin ako hindi ikaw at wala kang kasalanan." Niyakap niya siya nang mahigpit, "Kung bigla ba siyang bumalik, anong gagawin mo?"

"Iniisip ko rin naman 'yan kasi sobrang sakit ng nangyari, hanggang ngayon dala-dala ko, pero kung umuwi man siya one of these days, tatanggapin ko siya. Mahal ko siya eh. Mahirap mawala 'yung taong mahal mo, pero mas mahirap kung sa pangalawang pagkakataon pakakawalan mo pa ulit."

"I agree. I promise na I'll always be by your side dahil ikaw ang pinaka-special na taong nakilala ko. You're sweet, caring and thoughtful. Sobrang swerte ng mga taong nakapaligid sa'yo dahil nage-exist ang isang Wendy Shon sa mga buhay nila lalo na sa'kin...parang mahal na nga kita eh."

Napatingin si Wendy sa kanya na medyo nagulat sa binitawan niyang salita, pero kalmado lang si Irene dahil sincere siya at gusto niya iparamdam kay Wendy na seryoso siya sa sinabi niya. Napalitan ng saya ang malungkot na puso ni Wendy kaya dali-dali niya siyang hinalikan sa mga labi, nagulat pa si Irene nung tumayo ang photographer saka siya kinarga nito sa mga bisig.

"Hala! Ibaba mo ako!"

Tumatawa lang si Wendy at patuloy na nilalagyan siya ng mga halik sa iba-ibang parte ng katawan niya habang dinadala siya nito sa loob ng kwarto nila.

"Ay! Ano ba 'yan!" Tumatawang sabi ni Irene dahil inihagis siya ni Wendy sa kama, nagmadali siya umayos at ibinalot ang sarili sa kumot dahil naghuhubad na ng jacket si Wendy at hinaharot siya sa mga tingin with matching evil laugh.

"Andyan na 'ko~"

"Mommy don't..." Nakakaramdam na ng init si Irene at kumakabog na dibdib niya sabay nag-dive si Wendy papunta sa may pwesto niya. "...stop." Don't stop.

"Rawr! Akin ka na!"

"Hiyaaaa!!"

 

At natapos na ang flashback ni Irene, sabay ng pagka-sunog ng niluluto niyang adobo.

"Ay! Putang--" Dali-dali niya kinuha ang kawali para alisin sa apoy.

"What the--sunog na naman?!" Inis na sabi ni Yeri habang pinapaypayan ang sarili dahil sa kusinang may makapal na usok.

"." Madaling sinagip ni Irene ang natitirang piraso ng mga manok na hindi naman gaanong inabutan ng tutong.

"Ate naman, kaharap mo na nga, pinabayaan mo pa masunog kaloka."

"Sorry na bunso."

"Hello--" Masaya sana babati si Seulgi kundi lang talaga sa amoy ng sunog na adobo. "Oh, nagba-barbecue kayo sa loob ng bahay?"

"Hinde, si Ate nagsusunog na naman ng ulam."

"Magbukas na lang tayo delata."

"Ano ba iniisip mo?" Tanong ni Seulgi at una pang sumandok ng kanin sa plato.

"Wala, natulala lang."

"Bakit ba natutulala? 'Di ba may iniisip?"

"Wala nga." Pilit na sabi naman ni Irene na nagbukas na lang ng sardinas at binuhos sa mangkok.

"Ex mo 'no?" Sasandok pa lang sana si Seulgi pero nilayo sa kanya ni Irene.

"Hoy, napapansin ko araw-araw ka kumakain dito, wala ka bang sariling paminggalan?"

"Ex nga, Yeri." Nag-tanguan pa ang dalawa at kumuha si Seulgi ng sunog na manok.

"Ate, it's been two years, iniisip mo pa rin 'yon? Move on na."

"Naka-move on na ako, pwede ba? Alam niyo dami niyo satsat, kumain na lang kayo."

"Parang ikaw 'tong adobo mo."

"Bakit?"

"Tuyot na."

Naghagalpakan at apiran pa ang kaibigan at bunsong kapatid, "Mga gaga!"

 

Dalawang taon na lumipas at ito 'yung mismong date na iniwan siya ni Wendy na naglahong parang bula. Masaya naman sila eh, sobra pa nga na parang everyday lagi siyang nakangiti dahil sa saya nilang dalawa. Hindi niya lang talaga lubos na maisip anong dahilan bakit bigla na lang hindi nagparamdam si Wendy sa kanya at simula nung araw na 'yon, araw-araw na niyang kinimkim ang galit, gulo at tampo sa isipan niya na kapag dumating man ang oras na magpapakita ulit si Wendy, hindi niya na siya kahit kailan tatanggapin pa.

 

Food is linked with memories. Memories na minsan masarap alalahanin tulad ng sa heavenly good leche flan na pinapaalala sa kanya ang pagmamahal sa kaniya ng Lola niya dahil siya ang naturang paboritong apo nito na two years old pa lang siya, karga-karga na siya sa kusina habang nagluluto, at memories na minsan masarap na kalimutan tulad ng nabibigay ng special burger ni Wendy na hindi matanggal ni Irene sa menu dahil naging bestseller na nila. Minsan nga iniisip niya na i-sabotahe ang business nila, pero nanghihinayang pa rin naman siya.

 

"Bilisan mo naman kumilos Ayren!"

Nagkakandarapa na si Irene na isuot ang slip-on checkerboard vans niya dahil pinagmamadali na siya ni Seulgi at aalis na sila papunta sa isang event. "Ito na wait!"

Singer si Seulgi sa mga birthday-an, restobar, fiesta, libing, basta kahit saan pa na may raket na kantahan, nandoon siya. Sinama niya lang talaga sa araw na 'to si Irene dahil kailangan niya ng moral support at wala ang partner niya na si Jisoo.

"Una sa lahat, happy 7th birthday sa ating very beautiful princess na si Hyein. Palakpakan! Yay!!" At nagsimula na kumanta si Seulgi habang si Irene nasa isang tabi kumakain ng shanghai na masarap, pero for sure mas masarap 'yung ginagawa niya dito. Kulang sa lutong, kulang sa ingredients--

"Sigurado, may pintas nang iniisip 'yan." Napatigil si Irene sa pagkagat at napatingin sa lalaki sa harap niya.

"Mingyu?!"

"Oh, gwapo pa rin 'di ba?" At nag-pose pa para magpa-cute.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Irene na bumeso sa ex niya.

"Nakiki-kain ka ng handa, 'di mo man lang inalam sino magulang."

Nanlaki mata niya bigla at napatakip ng kamay sa bibig, "Gagi, ganoon na ba katagal?"

Natawa ang lalaki at umupo sa tabi niya, "Oo 'no, huli kong balita ayaw mo na raw sa lalaki."

"Gunggong ka talaga, pero yeah, huli kong jowa babae..." Naalala na naman niya siya, "Anyway, kumusta na? Tatay na tatay na bigote natin ah?"

Wala naman nang ilangan sa kanila ni Mingyu dahil seven years naman na 'yung breakup nila at pamilyado na rin 'yung tao. 'Yung latest ex niya lang talaga 'yung nanggigigil pa rin siya tuwing naaalala niya. Tirisin niya talaga 'yon 'pag nakita niya, pero sana 'wag.

"CR lang ako Irene."

"Go! It's nice seeing you ah."

At mag-isa na naman si Irene sa table, hindi pa tapos ang set ni Seulgi at medyo nabo-bore na siya kaya tumayo na lang siya para mag-ikot ikot.

"Ma'am, french fries? Hotdog?"

Ang saya talaga nitong party ng anak ni Mingyu, daming pagkain at kung ano-anong booths. Napaisip siya tuloy kung hindi kaya siya nakipag-break kay Mingyu, ito 'yung buhay niya ngayon?

"Face paint ma'am." Tumango lang si Irene, aba't twenty seven na siya inaalok pa siya ng face paint. May humawak sa kamay niya bigla, 'yung birthday celebrant na naka-Snow White costume.

"Ate, pa-face paint tayo." Shock si Irene, pero okay alangan naman magpaiyak siya ng bata sa sariling birthday nito, wala pa naman siya balak ipahiya sarili niya. Pero parang nakakahiya din 'to.

"A-ah? Ako? Okay."

At habang pinipintahan sila sa mukha, nagsalita ang bata, "Kamukha niyo po 'yung totoong Snow White."

"'Wag naman sana ako malason ng apple ano? Wala kasing magsa-save sa'kin na handsome prince."

"Meron Ate."

"Hm? Asan?" Nakikipaglaro lang naman siya.

"Daddy ko."

Gusto matawa ni Irene, "Nako bata ka, issue ka ha. Si Mommy mo ang queen ng Daddy mo na king at ikaw ang baby princess nila."

"Edi wala pa rin po kayong prince."

"Ay, oo nga 'no." Buti pa ang bata mas gumagana utak. "Nasaan na kaya 'yung handsome prince ko?"

"Baby girl smile ka dali."

Tumigil ang mundo ni Irene nang marinig ang boses na 'yon na dalawang taon niya nang pilit kinakalimutan. Nangilid luha niya at nanginginig ang mga labi. Akala niya moved on na siya sa sakit, pero ang sakit sakit pa rin pala.

"Ah excuse me, Miss? Harap ka rito, picture kayo ni Hyein."

Iniisip ni Irene kung anong gagawin niya oras na magtama mga mata nila. Mananampal? Mambibigwas? Sasakalin niya siya? Humigpit at bumilog ang mga kamao niya at pagharap niya sa kanya, nakangiti pa ito sa kanya na parang hindi niya siya sinaktan nang malala. Kapal ng mukha.

"Beautiful." Sabi pa nito, tulad ng sinasabi niya sa kanya noon, habang nakasilip sa camera. "Thank you." Saka naglakad palayo.

"Ayren, tapos na set ko. Uwi na tayo?" Masayang sabi ni Seulgi, pero napansin niya nakatulala si Irene sa isang direksyon.

"Gaga anyare sa'yo, na-castan ka ba ng spell ng evil queen?"

"S-Si Wendy."

"Ha?! Asan?!"

Tumuro si Irene sa babaeng naka-varsity jacket na kumukuha ng litrato malapit sa kanila. "Hala gago oo nga, gusto mo kidnapin natin mamaya chop-chopin tapos itapon sa ilog? Teka nga--"

Pinigilan niya si Seulgi, "Parang hindi niya ako kilala."

"Huh? Bakit naman?"

"Pinicturan niya kami ni Hyein tapos parang wala lang."

Natawa pa si Seulgi, 'di pinapansin ang kalokohan na 'to kaya tumakbo siya palapit sa maniniyot, "Wendy! Hi!"

Litong humarap si Wendy sa singer, "Hello? Ikaw 'yung singer 'di ba? Galing mo."

Tumaas kilay ni Seulgi, may amnesia ba 'to? Parang dati lang nagja-jamming pa sila 'pag kumakanta siya sa restaurant nila Irene ah, "'Di mo 'ko naaalala? Si Seulgi pre!" Binangga niya pa ang balakang nito nung sa kanya.

"Sorry, may amnesia kasi ako. Wala akong maalala."

Napahawak si Seulgi sa bibig, "Huh?! 'Di nga?!" Napakamot sa ulo si Wendy na may apologetic smile, "Sorry, sorry. Ah sige excuse me."

"Um...hindi naman siguro naging tayo 'no?"

Natawa bigla si Seulgi, "Hindi, hindi. Hindi ako."

"Ah...okay. Pwede ko ba makuha number mo?"

"Bakit? Gusto mo ba kwentuhan kita about past?"

"No, gusto lang sana kasi kita i-hire para sa birthday celeb ng Mom ko."

"Oh sure, sure. Catering? Baka kailangan niyo, may kakilala ako mas better sa catering dito."

"Great, umm ano? Text text na lang?"

"Sure sige, thank you Wendy!"

Bumalik na si Seulgi sa tabi ni Irene, "Oh bakla may amnesia daw."

'Di pa rin makapaniwala si Irene, "Gago paano?"

"Hindi ko rin alam, pero i-hire niya daw ako tsaka ni-recommend na kita mag-cater sa birthday ng Mom niya."

"HA?!"

 

Gulong-gulo na isip ni Irene sa sobrang daming nangyayari. Amnesia, Mommy ni Wendy bumalik pati lintik na catering sumabay pa. Potangina shabay shabay na happenings pero pinaka-gusto niya malaman paano, kailan at bakit siya nagka-amnesia.

 

 

"Beautiful." Ang paboritong sinasabi ni Wendy tuwing kinukuhanan niya ng litrato si Irene. Si Irene ang mukha ng restaurant nila kaya maraming tao ang nakakakilala sa kanya. Hindi naman lahat ng tao pare-pareho ng nakikita sa'yo. Minsan ang tingin sa'yo ng isa suplada ka, 'yung iba mabait, strikto, palabigay, pero sa paningin ni Wendy, si Irene 'yung parang leche flan ng restaurant nila. Masarap, yes. Pero siya 'yung simple, humble pero may impact. Marami naman diyan na katulad niya na mabait, sweet at thoughtful, pero nag-iisa lang ang Irene sa mundo na kaya siyang pasayahin.

"Chef!" Kumaway si Wendy while paying sa may cashier dahil nasilip niya sa loob ng kitchen si Irene, pero mukhang bad mood ito.

Inaya siya lumabas ng chef sa may smoking area. "Oh nakabusangot na naman mukha mo." Hinawakan niya siya sa baba, pero inalis lang ni Irene.

"Kainis eh, kukulit ng mga waiter."

"Relax na, relax na." Minamasahe pa siya sa balikat ni Wendy, "Matatapos rin work."

Sumubsob si Irene bigla sa dibdib niya at niyakap niya naman siya agad, "Papagod na 'ko."

"Kaya mo 'yan, two hours na lang closing na. Galingan mo my Chefy na cutie."

"Stay ka?"

"May event ako bukas eh."

"Stay ka na." Nagpapa-cute pa si Irene gamit ang mga matang parang mata ng kuneho na 'di matatanggihan ni Wendy na akala mo hindi nagiging mata ng dragon sa ibang tao, "Bigyan kita free sans rival. Alam ko mahilig ka sa matamis na mani--may mani I mean."

"I'm watching my sugar intake." At biglang pinisil ni Wendy pwet ni Irene na napa-singhap, "Pero kung mani mo, diabetes na lang siguro."

 

Sa litratong pinagmamasdan ni Wendy, nakangiti ang mga labi ni Irene, kita ang mga ngipin na nasingkit na ang mga mata sa sobrang galak at makikita na nakahawak pa ang kaliwang kamay ni Wendy sa kanang pisngi nito. Ito ang pinaka-paboritong larawan ni Wendy sa buong buhay maniniyot niya dahil ito ang larawan ng mahal niya. Ito rin ang huling litrato niya ni Irene dahil ito 'yung parehong araw ng pag-alis niya. Walang kahawig at walang kapalit. Ito 'yung saya niya kay Irene. At sinayang niya lahat ng 'yon dahil isa siyang duwag.

 

"Gaga ka talaga! Bakit mo naman ginawa 'yon?!" Tanong ni Joy na napahawak sa noo. "Hindi ba pwedeng maging normal na mag-hi tapos, tapos na?"

"Nabigla kasi ako and I'd look suspicious kung iiwas ako 'di ba?"

"Wendy, Wendy, Wendy. Ano 'tong pinasok mo?"

 

Ano nga ba talaga 'tong pinasok ni Wendy?

 

Since settled na ang usapan nila ni Seulgi, it's time for her to settle 'yung sa catering. Mixed emotions ang nararamdaman niya while looking sa number ng Lola Bae's na tine-text niya gamit ang bago niyang number. Ayaw naman niya sana manggulo pa dahil nahihiya na rin siya sa pinaggagawa niya noon, pero curious din naman siya kung kumusta na si Irene at 'yung resto matapos ang nagawa niya. Titingnan niya lang naman kung kumusta na siya tapos sasabihin niya na iba na lang gusto niya mag-cater para hindi na humaba ang usapan nila.

 

Habang nagma-maneho ng bago niyang kotse sa lumang daan papunta sa destinasyon, hindi niya maiwasang maramdaman ang nostalgia. Ang tagal din niyang nagpapabalik-balik sa daan na 'to noon, pero marami na palang nagbago sa dalawang taon.

"Hello, table for ilan po ma'am?"

Iba na rin ang host at servers, buti na lang. "For one lang." Nakangiti niyang sabi.

"Here's the menu po, tawag na lang po kayo kapag ready na kayo."

"Thank you." Tatalikod na sana ang host, pero nagsalita siya ulit, "Nandito ba 'yung Head Chef?"

"Unfortunately po wala. Day off po." Nakahinga siya nang maluwag doon pero medyo disappointed.

"Ah okay, thanks ulit."

 

Tuwing kumakain siya sa resto na 'to noon, satisfied ang paleta niya pati tiyan, ganoon pa rin kaya ngayon?

"Wendy's Burger po." Nakangiting sabi ng waiter, "Buti po umabot kayo."

"Hm? Umabot saan?"

"Malapit na po kasi i-pullout sa menu 'yan sabi ng may-ari."

"Huh? Bakit naman? Bestseller 'to 'di ba?"

"'Di ko rin po alam, pero ang chika, namatay na daw po 'yung dahilan bakit ginawa 'yan at bad luck daw po sa business 'yon."

Sobra naman, buhay pa naman siya, pero pinatay na siya agad ni Irene. "A-ah, okay, thank you, boss."

"Enjoy your meal po."

 

W: Hi Seulgi, I went na sa resto na ni-recommend mo. Okay naman yung food, pero I'm not sure kung ito 'yung magugustuhan ng mom ko. Salamat sa reco tho.

S: Ay ganern? Sige okay lang try lang naman hehe


S: Ren, ekis catering

I: SALAMAT SA DIYOS

 

Mabuti na 'to, putol agad koneksyon nila.

 

"Bebe, nandito ka na pala. Kakarating mo lang?"

"Yes." Inilagay niya sa mesa ang inuwi niyang leche flan saka inalis ang jacket niya.

Actually, hindi naman niya biological Mom ang tinutukoy niya. May jinowa lang ulit ang tatay niya noong nalaman na namatay na pala ang tunay niyang ina, pero hindi rin nagtagal, namatay na rin ang tatay kaya kung tutuusin ulila na talaga siya. Nagpapasalamat na lang siya na kahit wala naman na talagang obligasyon si Tiffany sa kanya, nanatili ito para magsilbing nanay-nanayan niya. 

"Saan ka galing?"

"Laguna pa, may client lang."

"Ah ganon." Sinubo ni Tiffany 'yung kutsara na may leche flan at parang sumabog ulo niya sa sarap, 'di makapaniwala na may leche flan na ganoon ka-perfect, "Bebe, saan 'to?" 

"Lola Bae's."

"Sila na lang mag-cater sa birthday ko."

"Ha? Marami naman ibang option, 'Te Fany." 'Te Fany or minsan Fany lang ang tawag niya dahil hindi naman sobrang laki ng agwat nila, mga ten years ganon. May galang, pero parang wala, 'Te Fany...Tiffany. 'Di ba?

"Hinde, sila gusto ko mag-cater kahit anong mangyari."

"Ha?!"


Tulala si Wendy sa pc niya, hayop na 'yan sana pala hindi na siya bumili ng leche flan. May gayuma nga pala 'yon. Napahawak siya sa noo, hindi alam ang gagawin dahil desidido ang 'Te Fany niya na sila Irene ang gusto niya mag-cater sa birthday niya.

"Hello?"

"Lola Bae's po, ano pong kailangan nila?"

"Catering."

 

Paro't-parito si Irene na naglalakad sa loob ng kitchen, hindi niya alam paano haharapin ang ex niya na may amnesia. Akala niya 'di na magku-krus landas nila, kaya napa-putangina talaga siya nung tumawag ulit. Gusto niya siya sapakin, pero hindi naman pwede dahil magmu-mukha pa siyang baliw na nananakit ng inosente.

"Chef, andito na 'yung kliyente mo. 'Yung papa-cater."

"Ah oo sige. Wait lang kamo."

Huminga na lang siya malalim, wala na siyang magagawa andito na. Medyo matumal pa ang business kaya hindi rin siya makatanggi sa catering service na 'to.

 

Irene wore a fake smile while approaching Wendy, ibig niya talaga siya sakalin at balian ng buto, pero kakamayan na lang muna niya siya nang mahigpit.

"Hi, I'm Chef Irene, pleasure to meet you."

Napatingin pa si Wendy sa kamay niya na parang sinasakal ni Irene sa higpit, "Ah, nice to meet you, I'm Wendy."

"Alam ko, kilalang-kilala kita." Seryoso niyang sabi. 

Kinakabahan na talaga si Wendy, "H-Ha?"

Tumawa pa si Irene, "Of course, tumawag ka na in advance 'di ba? Bakit pumunta ka pa rito? Pwede naman sa call na lang."

Ang sarcastic ng datingan ni Irene, halatang bitter. Mas bitter pa sa ampalaya, "Ah..gusto ko kasi i-check din 'yung place at kumain."

"May delivery app naman." Grabe, parang ayaw ni Irene talaga makipag-transaksyon.

"I don't like eating food na malamig."

Umirap pang subtle si Irene saka tumayo, "Wait lang, kunin ko lang 'yung menu for catering."

And they had an agreement na sa date, time, place, ilang pax pati na rin sa kung ano-anong mga bagay na kailangan.

"Name pala ng Mom mo?" Alam ni Irene, tinatanong niya lang talaga.

"Tiffany."

"Tiffany?" Naguluhan siya bigla. Kailan pa naging Tiffany ang Jessica?

"Oo, Tiffany." Walang ano man na sabi ni Wendy.

"Ah...okay, okay." Napabulong siya tuloy habang nagsusulat, "Pati pangalan ng nanay ginago ako ng hayop."

"Ano 'yon?"

"Nothing, nothing." Nag-fake smile na naman siya at sobrang naa-amuse si Wendy, "So, Wendy, fifty percent downpayment ang need."

"Sure." Pumirma si Wendy sa cheke saka ibinigay.

"Thanks. Hindi mo na need pumunta dito basta sa August 1 na lang. Wala ka na iintindihin, ako na bahala sa lahat.

"I know, magaling ka eh." Nakangiting sabi ni Wendy at sumikip bigla dibdib ni Irene. Tanginang smile talaga 'yan Wendy Shon, "Hindi ka naman ire-recommend kung 'di ka masarap magluto. Thank you pala for your time."

"Y-Yeah, yeah."

"Makikita ba kita ulit?"

Nakatitig si Irene sa kanya ng ilang segundo, "No. Staff ko na bahala."

"Oh...okay."

 

At dahil settled na lahat, thank god hindi niya na makikita ang isang Wendy Shon para guluhin buhay niya. Wala na ulit. Kaya niya naman sigurong magpanggap na okay at ayaw niya siya patayin for one whole day ulit dahil sa transaction nila. Ayaw na isipin ni Irene si Wendy, sa August 1 na lang ulit, that's like a month away pa naman. Carry on na ulit sa buhay chef niyang nakakapagod, pero masaya.

Lagari ang ganapan sa kitchen preparations kaya nang magkaroon ng oras para mag-break, sumuot siya sa ilalim ng stainless counter at natulog. Ilang minuto pa lang iniidlip niya nang biglang...

"AYREN!" Bawal talaga si Seulgi sa loob pero dahil code red, nagpumilit siya pumasok sa kitchen.

Untog si accla sa gulat, "Putangina mo naman Seulgi namamahinga 'yung tao, ano ba 'yon?!"

"GAGI 'YUNG EX MO ASA LABAS!"

"HA?!" Gumapang palabas si Irene saka tumayo, "Bakit daw? Settled na kami sa usapan nung isang araw ah?" Sumilip siya sa bintana at nakita si Wendy na nakaupo sa isang table na may kasamang babae. Tumaas kilay ni Irene bigla. "Aba gago."

Dahil dakilang mosang si Irene, nagpanggap siya na may sinabi sa host para may rason siya na lumabas, "Baekhyun..."

"Chef Irene?"

Tumikhim pa si Irene bago dahan-dahan lumingon sa way ni Wendy at nagkunwari na 'di niya alam na andon siya, "Yes? Oh hi, ikaw pala, Wendy."

Ngumiti na namang nakakasilaw ang photographer na daig pa ang araw, "Yeah, mag-lunch lang."

"Ah talaga? So nice naman of you." Nag-fake smile pabalik si Irene, "May kasama ka?"

"Ah, oo. Special person sa buhay ko. 'Yung kahit maraming nangyari at pwede siya umalis, hindi pa rin ako iniwan."

Nadudurog si Irene, pero oo nga pala, amnesia. Hindi na naaalala ni Wendy na iniwan niya siya nang basta-basta. Nakahanap na pala ng pamalit ang kumag. Siya rin naman eh, hindi siya nang-iwan, siya pa nga 'tong iniwan at kaharap niya pa gumawa. Kapal talaga ng mukha nitong ex niya na hindi niya rin masisi. 

"Buti ka pa." Bulong ni Irene sa sarili.

"Tara, pakilala kita."

"Ha? 'Di--" Hinatak siya ni Wendy at hindi na siya nakapalag. Tinitigan talaga ni Irene ang babae at hindi niya maiwasan mabadtrip. Talagang ipinagpalit siya sa sugar mommy ng kupal na 'to?

"Fany, si Chef Irene pala, 'yung caterer." Nakipagkamay naman si Irene at ngumiti, "Chef, si Fany pala."

"Hello! Nako Chef, ang sarap-sarap ng leche flan mo talaga! Nung inuwian ako ni Bebe, talagang 'di na ako nag-share."

"Ah thank you, I'm glad nagustuhan niyo PO."

"Kinulit niya na ako na i-date ko siya dito nung natikman niya." Talagang gusto niya na kalbuhin si Wendy sa loob-loob niya, nab-bwisit talaga siya sa kanya.

"Aw ang sweet niyo naman." Sarkastiko niyang sabi. "Matagal na kayo?"

"Mag-two years na?" Bumibilog na kamao ni Irene, made-demanda ata siya today, "Anyway, 'yung leche flan mo talaga reason bakit ikaw gusto niya mag-cater sa birthday niya."

"Ha? Birthday?" Umiikot na ulo ni Irene sa nangyayari.

"Siya 'yung Mom ko, ano ba?" Natatawa pang sabi ni Wendy.

"Paano? Eh--"

"Ang cute mo Chef Irene." Sapakin na talaga ni Irene 'to, namula bigla mukha niya, "Stepmom ko siya. Fany, Tiffany."

"Oo, almost two years ago naging jowa ko tatay nito ni Bebe, eh na-deadz ang lolo mo. Ayun, hindi na kami naghiwalay, wala rin naman na kasi ako balak mag-asawa ulit tsaka anak-anakan ko na rin 'to."

"Ahhh." Parang gusto i-umpog ni Irene ang ulo sa kawali habang tumatawa na pilit, "Akala ko ho mag-jowa kayo, ang ganda niyo po tsaka ang bata-bata niyo."

"Ikaw talaga, Chef, marunong ka mambola."

 

Tulala si Irene na naman, ano ba 'tong nangyayari? Parang sa mga palabas lang 'to nagaganap.

"Chef! Nasusunog!"

"Ay putang--"

May pumasok na waiter, "Chef? Okay na po order sa table five?"

Pumalo ng kamay sa counter si Irene sa inis, pero kalmado niyang sabi, "Wait lang. Ako na maglalabas." Tangina Irene, ambobo. Nasunog pa 'yung pasta na order sana ni Wendy. Dali-dali siya nagluto na naman at paglabas niya sa kitchen, may kasama pang slice ng sans rival.

"Oh Chef, bakit ikaw nag-serve?" Tanong ni Wendy.

"Sorry natagalan, hinuli ko pa 'yung manok na sahog eh."

Natawa naman si Wendy at nakita niyang naglagay ng sans rival si Irene sa table nila, "Wala kami order na cake."

"On the house na, naghintay ka naman nang matagal."

"Wow, I love sans rival."

"Alam ko." Bulong ni Irene.

"Ano 'yon?"

"Wala, I mean wala naman may hindi gusto 'yan. Sige, enjoy." Pagbalik ni Irene sa kitchen, napaluhod siya na napasandal sa katabing ref, "Putangina naman talaga."

 

"Ang ganda pala ni Chef Irene, ligawan mo kaya? Bagay kayo." Sabi ni Tiffany habang papauwi sila.

"Issue ka."

"Bakit naman?" Natawa pa si Tiffany, ""Parang sa buong pagkakasama natin, hindi ka man lang nag-jowa. Ayaw mo ba umibig?"

"Ikaw 'Te Fany, ayaw mo mag-asawa ulit?"

"Mag-drive ka na lang."

 

Naiisip din naman ni Wendy si Irene, pati 'yung katarantaduhan niyang panggo-ghost sa kanya. Nagsisisi naman talaga siya at alam niyang nasaktan niya siya. Gusto naman niya makabawi, pero hindi niya alam paano lalo na't may amnesia siya sa paningin niya ngayon.

"Nice! Isa pa po." Sabi ni Wendy sa mga tao habang nasa photobooth siya, nagbabantay.

"Tsk, Seulgi naman para kang engot. Mag-isa ka mag-picture."

"Ayren naman ang corny mo kasama." Naglagay ng wig si Seulgi.

"Seulgi!" Masayang bati ni Wendy.

"Oy si Wendy pala! Hello!"

"Mag-isa ka lang?"

Ayaw na sana humarap ni Irene nung narinig niya pangalan na Wendy, tarantadong Seulgi talaga may balat ata talaga sa pwet. Tuwing sinasamahan niya siya sa mga raket niya, napapahamak siya. Tahimik na tumango si Irene at kumaway.

"Hay nako, kasama ko 'tong corny na 'to. Ayaw ako samahan dito sa photobooth. Ikaw na lang sumama sa'kin, Wen."

"Ako?"

"Oo, may kasama ka naman na taga-pindot. Dali na!"

Hindi na naka-hindi si Wendy dahil sinuotan siya ni Seulgi ng sungay na headband. "Bagay sa'yo." Bulong ni Irene habang natatawa.

"Ano 'yon?" Tanong ni Wendy.

"Wala, sabi ko corny niyo."

"Kanina ka pa corny nang corny." Hinablot bigla ni Seulgi si Irene saka sinuotan ng clown mask, "Ayan bagay sa'yo."

 

Kumanta na si Seulgi sa stage para aliwin ang mga bisita ng kliyente, samantalang si Irene nag-ikot ikot sa garden venue para magtanggal ng buryo. Boring kasi wedding anniversary ng dalawang matanda ang event.

"Say cheese." Sabi ni Wendy bago niya kinuhanan ng picture si Irene. "Singer ka rin ba?" Tanong nito habang binababa ang camera sa leeg.

"Sa banyo."

Natawa pa si Wendy saka tumingin-tingin sa paligid, "Sumama ka lang?"

"Oo, may sakit pa kasi partner ni Seulgi. Kailangan niya daw moral support, pero ako yata ang maloloka."

"Bakit naman?"

"Ikaw."

"Ako?"

"Allergic ako sa mga kagaya mo."

Nakaramdam ng tensyon sa sikmura si Wendy, "Kagaya ko?"

Tumuro si Irene sa camera, "Ayoko kasi sa mga picture picture."

"Bakit? Sayang naman kagandahan mo kung camera shy ka o camera phobic."

Sama talaga ng loob ni Irene, para siyang pinaglalaruan talaga ng universe, "No, mas gugustuhin ko pa nga kung ganon ang rason. But I used to date someone na laging nagpi-picture, importante daw pictures para hindi makalimot sa memories. Pero siya mismo, kinalimutan ako."

"Baka naman hindi ka gustong kalimutan?"

"Oo, nakikita ko naman, hindi naman siguro sinadya." Nagingilid luha at parang pinipiga puso ni Irene.

"Ano ba nangyari?"

Normal pa sa normal ang araw na 'yon. Nag-trabaho si Irene sa restaurant at si Wendy naman nagkataon na walang kliyente kaya pumunta siya sa bahay nila Irene. Kumain pa sila nang sabay-sabay kasama ng pamilya ni Irene at doon na rin siya pinatulog dahil gabi na. Tanggap naman sila kaya walang problema. They were perfect partners, the situation nila with both of their families perfect rin, may perfect jobs sila na mahal nila na parang nag-align ang stars sa pagkakakilala nila.

It's past midnight, lights were off and only the two of them were awake. They're making out on Irene's bed. She's on top of Wendy and as usual, they couldn't get enough of each other when they're together.

Wendy's planting kisses all over her face and neck, gusto ni Irene nagpapahalik at siya na mismo nag-iikot sa ulo niya para malagyan ni Wendy lahat ng espasyo sa mukha niya. "Sans rival."

Natawa nang bahagya si Wendy at napatigil, "Magkaka-diabetes na talaga ako kaka-kain ng mani mo."

"Dali na, nalulusaw na 'yung icing." Inabot ni Wendy ang camera niya na nakapatong sa gilid at binuksan, "Shuta, gagawa ba tayo ng scandal?"

Pinigil ni Wendy ang malakas na tawa dahil baka magising ang mga tao saka hinawakan ang pisngi ni Irene at kinuhanan niya siya ng litrato. Sobrang saya niya na hawak niya ang mundo niya sa palad niya, "Beautiful."

"I love you."

And Wendy's usual response wasn't 'I love you too', instead, she would hold her and make Irene feel how much she loves her back with her touch.

Hindi usual sa mag-girlfriend ang ganon kahit hindi words of affirmation ang love language ng partner. Pero tanggap ni Irene kung ano ang kayang ibigay ni Wendy.

Kaso, 'yon na ang huling beses na nakita niya siya.

"Tinatanong ko rin sa sarili ko 'yan araw-araw. Kasi masaya naman kami bago siya naglaho na parang bula. Wala kaming problema. Mas gugustuhin ko pa nga na sinabi niya na mag-break na kami o ayaw niya na kaysa sa ginawa niyang pag-alis na walang paalam. Alam niya 'yung pakiramdam, iniwan siya ng nanay niya, pero hindi ko alam ba't ginawa niya sa'kin." Hindi na napigilan ni Irene ang luha niya, "Sa tingin mo, bakit kaya niya ako iniwan?"

"Takot naman ang palaging rason 'di ba?" Tahimik na sabi ni Wendy.

"'Yun lang? Putangina niya pala eh."

"Marami namang dahilan ang isang tao, Irene. Baka natakot siya sa'yo, sa nararamdaman niya para sa'yo."

"Gago pala siya eh, bakit siya nag-first move at nanligaw kung takot siya sa feelings?"

"Baka na-realize niya na kung pinagpatuloy niyo pa, masaktan ka lang niya in the long run."

"Bakit? Tingin ba niya hindi masakit 'yung nararamdaman ko na bigla na lang siya nawala? Halos mabaliw ako, Wendy. Ang tagal kong nawala sa sarili ko kasi hindi ko alam saan ako nagkamali."

"Hindi naman siguro ikaw 'yung may problema, Irene, baka natakot siya na hindi niya mapantayan 'yung binibigay mo at hindi ka niya mapanindigan kasi marami siyang doubts sa sarili niya."

"Ano pa bang kinukwestiyon niya sa sarili niya? Eh wala naman na ako hinihiling sa kanya noon, Wendy, masaya na ako kung ano meron sa'min noon dahil kuntento at tanggap ko buong pagkatao niya."

"Alam mo, Irene, nakikita ko kung bakit ka niya minahal. Kung nasaan man ang taong 'yon, sigurado ako, nagsisisi siya na pinakawalan ka niya kasi bibihira ang isang kagaya mo. Sigurado rin ako na kung kaharap ka niya ngayon, hihingi siya ng tawad sa'yo sa pagiging duwag niya at sa pag-alis niya na walang paalam kasi hindi 'yon ang dapat na naranasan mo na ang tanging ginawa lang naman sa kanya, mahalin siya."

 

"ATE, NASUSUNOG 'YUNG NILULUTO MO!" Sigaw ni Yeri mula sa hagdan.

"Ay putang--" Agad pinatay ni Irene ang apoy at kinuha ang tangkay ng kawali, pero dahil nawala sa loob niya na magpot-holder, napaso siya. "! Aray!"

"Anong nangyayari dito?!" Nagmadali pumasok si Seulgi.

"Ate! Nakakaloka, ilang adobo pa ba susunugin mo kakaisip kay Ate Wendy?"

"Moved on na ako." Hinihingal niyang sabi habang pinapatuluan ng tubig ang kamay sa lababo. Tinitigan siya nina Yeri at Seulgi.

"Nako po, eh bakit ganyan itsura mo? Parang hindi ka sa paso nasasaktan eh."

"Kasi nagagalit pa rin ako sa kanya!"

"Ate, wala nang point magalit kasi wala na siya. May bago nang Wendy kaya palayain mo na 'yung sarili mo. Kalimutan mo na 'yung galit mo kasi nakalimutan na niyang sinaktan ka niya."

 

"Sana 'yung pagbubura ng kasalanan, kasing dali ng pagbubura ng pictures sa gallery." Sabi ni Wendy, "Ang sama sama kong tao, Joy, hindi ko alam paano ako...makakabawi sa kanya sa lahat ng nagawa ko."

"Just like taking a photo with an instant film or baking, you can't undo things na nagawa mo na. Nandyan na eh. Either you walk away or start over again."

"Gusto ko makita ulit 'yung ngiti niya, Joy, 'yung totoo dahil ngayon tuwing tinitingnan niya ako, alam ko peke lang lahat kasi nasasaktan pa rin siya. I took all her happiness away dahil sa sarili kong kapalpakan."

"I say walk away na lang, pero if nagi-guilty ka at hindi mo kayang iwanan na ganyan 'yung sitwasyon, help her regain happiness, show her na pwede pa rin siyang maging masaya, na hindi lahat ng tao sasaktan siya. Pero may consequence."

"What? Alam mo kahit anong consequence tatanggapin ko na at this point kasi--"

"You can't fall in love with her again."

"What? Why?"

"May amnesia ka 'di ba? Kaya mo ba habambuhay na magpanggap na walang naaalala sa harap niya? Kapag sinabi mo naman ang totoo, mawawala pa rin siya sa'yo dahil sigurado magagalit siya nang todo sa kasinungalingan mo. Don't you think it's better na mag-part ways kayo na peaceful kayo this time around?"

"Joy, ang sakit naman niyan."

"Well sinaktan mo siya. This it the consequence na sinasabi ko sa'yo. Help her get over sa dating ikaw and when that happens, you stay away from her. For good."

 

You stay away from her. For good.

Mahirap tanggapin dahil si Irene lang naman ang bukod tanging minahal niya nang lubos, pero kung 'yon ang kailangan para maging masaya siya ulit, gagawin niya para sa kanya. Kahit man lang sa huli, magawa niya ang bagay na noon pa da niya dapat ginawa.

 

Sa pagkuha ng perfect shot at paggawa ng tinapay, kailangan mo magkaroon ng matinding patience. Hindi madali na ibalik ang tiwala, pero kung magpupursigi at magtitiyaga, naniniwala si Wendy na posible ito.

 

Wendy's not a great cook, pero kaya niya naman mag-bake basta susunod sa instructions. Alam niya na magaling si Irene at baka nga sawa na siya sa pagkain, pero susubukan pa rin ni Wendy gumawa ng carrot cake. Sino ba may ayaw na ipinagluluto?

"Baekhyun? Nandyan ba si Chef Irene sa loob?"

"Yes, ma'am. Gusto niyo po tawagin ko?"

"Sure! Salamat."

Mga limang minuto lumipas, walang kasunod na babae si Baekhyun, "Ma'am, busy pa po sa kitchen."

Tumingin si Wendy sa relo, akala niya matumal ang oras na alas dos ng hapon tsaka wala naman masyado customers, pero baka naman maraming prep lang, "O-Okay lang, mag-wait na lang ako dito."

At lumipas ang isang oras.

"Baekhyun, pwede na ba?"

"Wait lang ma'am ah?"

At lumipas ang oras hanggang nag-alas sais na at marami nang pumapasok na customer kaya hindi na nangulit si Wendy at naghintay na lang sa waiting area. Dumukdok siya sa isa sa mga upuan dahil sa antok.

"Ma'am?" May gumising bigla kay Wendy, pero hindi na si Baekhyun, ibang host na.

"O-Oh?"

"Malapit na po closing, may order po kayo?"

"Ah wala, wala. Nandyan na ba si Irene?"

"Nag-out na po kaninang ten."

"Ha?! Anong oras na ba?"

"Ten fifty na po."

"Ah ." Tiningnan ni Wendy ang paperbag ng carrot cake at nanghinayang.

Feeling guilty naman si Irene sa loob ng kitchen. Ayaw niya harapin si Wendy dahil naiinis siya sa kanya. Tama naman si Yeri na mag-move on na sa galit, pero ang hirap pa rin gawin.

Pero mas mahirap si Wendy na tiisin.

Paalis na dapat si Wendy nang biglang dumating si Irene, naglalakad papasok sa main entrance.

"Irene."

"Oh Wendy, ano ginagawa mo dito?"

Napakamot sa ulo si Wendy, itanong ba naman na ano ginagawa niya, eh ano nga ba kasi ginagawa niyang walong oras mahigit na siya naghihintay sa kanya, "I've been waiting for you. Akala ko nag-out ka na?"

"Oo nga, busy sa kitchen buong operating hours. May nakalimutan lang ako kunin sa loob."

"Umm...ginawa ko pala para sa'yo." Iniabot niya ang paperbag at kinuha naman ni Irene.

"What's this?"

"Carrot cake lang naman."

"Ah talaga? Thanks." Malamig niyang sabi at pumasok na sa loob para sana itabi sa ref pakain na lang sa crew bukas, pero sumunod si Wendy sa kanya. "Oh bakit?"

"Tikman mo na dali." Excited nitong sabi.

Kumaway siya sa kanya, inaaya sa loob ng kitchen at kumuha ng tinidor. Binuksan niya ang packaging at tumusok sa tinapay. "Bakit ganon?" Nagsalubong pa kilay niya at natakot naman si Wendy.

"May problema ba?"

"It's too sweet, you put too much cinnamon na nakakasamid." Naubo pa si Irene at agad kumuha ng tubig.

Kinuha ni Wendy tinidor at tinikman, "O-Okay naman ah?" Ang harsh talaga ni Chef mang-critique.

"Taste is subjective, eh sa hindi ako nasarapan eh." Walang ano man nitong sabi saka niligpit ang pagkain at nilagay sa ref, "Don't waste your time like this again."

"Hindi naman 'to pagwa-waste ng time, Irene. I just want us to be friends."

"I'm a busy person. We should go, i-cclose na ang resto."

 

Wala naman kay Wendy kung mahirap paamuhin si Irene, basta determinado siya na maibalik niya ang saya sa puso at pagkatao niya.

 

"Chef?"

"Oh Baekhyun? 'Di ba sabi ko bawal ka dito?"

"Chef 'yung kaibigan niyo asa labas po ulit."

Napabuntong hininga na lang si Irene, pang-apat na araw na 'tong hinihintay siya palagi ni Wendy mag-out. Kinabisado na ata schedule niya.

"Wen, wala ka bang trabaho?"

Nasa may smoking area sila, parang noong dati lang, dito sila nagkikita kapag gusto magpalambing ni Irene.

"I cleared all my schedules at hindi muna ako tumatanggap ng clients."

Napangisi naman si Irene, "Ganyan ka ka-determinado na maging friends tayo?"

"Oo naman, I need a break rin naman kasi. Hindi ako tumitigil ng trabaho for almost two years."

"Nga pala, do you mind telling me the story?"

"Ng?"

"Paano ka nagka-amnesia."

And she's ed, ang hirap mag-come up ng storya. Nabagok? Sinuntok habang nakikipag-away? Nabangga?

"It's okay kung ayaw mo, hindi kita pipilitin."

"Umm...I don't remember much, basta ang kwento sa'kin, gabi na daw non, nagda-drive ako galing sa bahay dahil pupuntahan ko daw 'yung girlfriend ko para makipag-ayos kasi may nagawa daw akong kasalanan. I wasn't even speeding daw, but a truck suddenly hit the car I was driving. I hit my head sa window. Thankfully, may nagdala sa'kin sa ospital and paggising ko, wala na akong maalala. Blangko lahat. Maybe that's why nakasundo ko si Fany agad, wala akong memories ng tunay kong Mama kaya hindi ako nasaktan na may bago na ang tatay ko. Siya na 'yung nag-alaga sa'kin from then on."

"The girlfriend...asan na siya?"

"Hindi na sinabi ng tatay ko, hindi na rin siya sinabihan, alam niyang mahirap ang sitwasyon ko at hindi naman daw kami okay nung girlfriend ko kaya ginusto niya na mag-move on na lang siya at humanap ng bago. Kasi back to zero lahat. One thing lang na hindi nawala sa'kin is photography, I felt a connection right away sa paghawak ko sa camera."

Hindi nila alam, pareho silang nasasaktan sa isang bagay, pero sa magkaibang paraan. Nagsisinungaling si Wendy at si Irene naman, nagagalit sa sarili.

"Wen..."

"It's okay, matagal naman nang tapos 'yon." Hinawakan niya siya sa pisngi at naramdaman ni Wendy 'yung pamilyar na pakiramdam na mahawakan ang mundo niya. "What matters is okay na and I'm moving forward from all the nasty things na nangyari. 'Di ba 'yon naman ang importante?"

Tumango si Irene na tumulo ang luha.

At sa oras na 'yon, parang naramdaman niyang napatawad niya na 'yung dating Wendy.

 

"Grabe, ang gwapo naman ng mga bagong staff ni Irene. Parang gusto ko pabuhat." Bulong ni Joy kay Wendy na inaayos ang mga gamit dahil araw na ng birthday ni Tiffany.

"Ang landi mo, nakakita ka lang ng muscles para kang uhaw diyan."

"Che! Palibhasa tomboy ka."

"Nyenyenye."

"Pupunta ba siya?"

"Hindi siguro, for sure busy 'yon sa restaurant."

"Whew, buti naman. Ayoko nga pakita sa babae na 'yon, baka sabunutan ako sa mga ginagawa kong pagtatakip sa kagagahan mo."

Natawa si Wendy na yumakap kay Joy, "Malamang best friend kita, kanino ka kakampi?"

"Good afternoon, Ladies and Gentlemen! Binabati ko nga pala ng happy birthday ang napaka-y, napaka-hot at nakakatakam na si Miss Tiffany!" Sabi pa ni Seulgi bago ang set niya.

Hindi naman talaga umaasa si Wendy na magpapakita si Irene, pero laking gulat niya nung dumalo ito isang oras after ng opening prayer.

"Uy, Chef." Dali-dali naman tumakbo si Wendy papunta sa kanya at bumeso sa pisngi, "Akala ko 'di ka darating."

"Tumal naman ngayong gabi, kaya na ng staff ko 'yon." Nakangiti nitong sabi sabay abot ng regalo, "Para pala sa Mom mo."

"Thank you, upo ka. Nandon 'yung seat ko sa may table na 'yon."

Birthday ba ni Tiffany o Irene? Grabe estimahin ni Wendy eh.

"Uh..wait lang Irene ha? Papaka-photographer muna ako. Kain ka lang diyan."

"Go, dito lang ako." Habang kumakain si Irene, natanaw niya ang best friend ni Wendy na umiinom sa tabi ng mobile bar. Tumayo siya sa upuan at pinuntahan ang babae.

Ang takaw ni Joy sa alak, pero unli naman 'to kaya sinusulit niya na, "Sir isa pang shot please." Nilagok niya 'yung laman ng shot glass at muntik mabuga nung nakita niya sa harap niya si Irene na magkasalubong kilay. "H-Hey." Akala niya 'di darating.

"Pwede ba tayo mag-usap?"

"Uh...sure."

Hindi na sigurado si Joy kung alak o natural na kaba ang nararamdaman niya dahil hinatak siya ni Irene sa banyo, "Why didn't you tell me?"

"Irene, sumunod lang ako sa gusto ng tatay ni Wendy."

"Kahit ba! Girlfriend niya ako!"

"Edi hukayin mo 'yung bangkay. Jusko, bakit sa'kin ka nagagalit? Wala ako sa posisyon na suwayin ang gusto nila dahil sila 'yung pamilya. Kaibigan lang ako."

"But--" Nababaliw na si Irene, may point naman si Joy. Wala siya sa katayuan na magsabi ng mga bagay, tama man o mali ang nangyayari. "Sorry."

"Alam ko nasaktan ka, pero it's been years, Irene. Dapat mag-move on na tayong lahat. Iba na 'yung Wendy na nasa harap mo."

 

Habang hinihintay ang staff niya na makaligpit ng mga gamit, nag-punta siya sa parking para ilabas ang ipad niya sa sasakyan at nag-check ng cctv sa restaurant. Nagliligpit na rin sila at mukhang patapos na.

"Ano 'yan?"

"Ay puke!" Napatakip bigla ng bibig si Irene at natawa si Wendy sa kanya. "Kakagulat ka naman. Just checking the resto."

"Thank you pala sa pagpunta, alam ko naman busy ka, pero pumunta ka pa rin."

"Of course, birthday ng Mom ng friend ko."

"Oohh we're friends na pala." Itinukod pa ni Wendy ang kamay sa bintana ng kotse at lumapit pa kay Irene.

"Ayaw mo ata, 'wag na lang."

"Luh! Binawi agad."

"Edi sige, friends na tayo, wala nang bawian, mamatay man, period, no erase."

"Yown! 'Yan gusto ko! Sige, Irene, drive safe. I-uuwi ko na si 'Te Fany, hinihintay na ako."

"Okay, ingat din kayo."

"Umm.."

"Hm?"

"Makikita pa rin naman kita 'di ba? Kahit tapos na 'tong catering service?"

"Friends na tayo 'di ba?"

"Nililinaw ko lang." Kamot pa sa ulo si Wendy at nag-jogging na paalis, "Bye Chef!"

"Bye." Nakangiting sabi ni Irene habang pinapanood na umalis si Wendy.

 

"Hindi na tatanggalin sa menu ang Wendy's Burger." Sabi ni Irene sa meeting.

"Eh bakit ba naman kasi hinold at binalak mo i-pullout completely? Eh bestseller nga." Sabi ng tatay niya na si Sooman.

"Bakit ba? Strategy 'yon para hanap-hanapin."

 

Ganon nga ata talaga 'pag nawala nang saglit, hahanap-hanapin mo. Pang-apat na araw na ni Wendy na hindi siya tine-text at naiinis na siya. Pero masyado siya ma-pride para mag-text nang una dahil siya na ang huling message sa chatbox. 

"Edi 'wag!" Irap niya sabay idlip sa ilalim ng stainless counter.

"CHEF, SI MA'AM WENDY!"

Untog na naman si accla dahil hindi magkandarapa na bumangon, "Ano ba Baekhyun?! Kailangan sumigaw?!"

"Hehe, nasa may smoking area po."

 

Naka-krus mga braso ni Irene at nakasimangot habang naglalakad. Nakatalikod si Wendy at nakatanaw sa mga halaman sa gilid, nagmumuni-muni nang tahimik. Iyon pa rin naman 'yung dating Wendy, pati 'yung mga galaw, bago nga lang ang utak.

"Wendy."

"Chef," Excited na humarap si Wendy, pero ang na-meet niya lang 'yung haba ng nguso ni Irene na gusto niya dati kini-kiss. "Pagod?"

Konti lang customers kaya nga nakakatulog si Irene sa ilalim ng table, pero wala siyang balak sabihin kay Wendy na siya ang dahilan mg paghaba ng nguso niya, "Oo, sakit na nga katawan ko eh."

"Massage kita? Magaling ako mag-massage." Pinutok-putok pa ni Wendy mga daliri at tumalikod naman si Irene sa kanya, "Grabe, tense ah? Palagay ko maraming lamig dito." Komento niya habang pinipisil-pisil ang balikat ni Irene at chino-chop chop parang karne.

Napapakagat sa labi si Irene, ang galing talaga ng kamay ni Wendy, nadadala siya sa langit, "Baba mo." Binaba naman ni Wendy at napangisi, alam niya kung aling spot ang kapag piniga, mapapa-ungol si Irene. Dahil gusto niyang naglalaro ng apoy, pinindot niya at napasinghap ang babae.

Bibigay na si Irene anytime, "Tama na, tama na."

Inalis naman ni Wendy ang mga kamay, "Ano? Sarap 'di ba?"

"Ewan ko sa'yo." Umirap si Irene at pumwesto sa tabi ni Wendy saka sumandal sa bakal. "Ba't ngayon ka lang gumawi?"

"Busy eh, siyempre work work na ulit. Travel para sa shoot."

"Wala bang wifi sa location niyo or signal man lang?"

"Meron."

Oh bakit 'di mo 'ko tine-text?

"Ah ganon? Ba't naman naisipan mo dumaan? Mukhang wala ka naman dalang takeout."

"Bakit? Kailangan ba ng rason para makita ka?"

Parang iniipit mani--puso ni Irene, lakas bumanat nito matapos magpa-miss. Edi okay. "Asus, baka may pa-I miss you ka pa diyan, apat na araw pa lang tayo 'di nag-uusap Wendy ah?"

"Binilang mo? 'Di ko nga alam ilan na eh. Baka ikaw ang may gusto mag-I miss you diyan?" Nakangisi si Wendy, alam na alam banatan at barahin si Irene sa laro niya.

"Heh, babalik na ako." Humarap na si Irene at maglalakad na paalis.

"Chef."

"Oh?"

"Na-miss..." Nangamatis na naman mukha ni Irene, "Ko 'yung sans rival mo, pa-takeout naman."

Ibang sans rival asa isip ni Irene, "Sige, gusto mo ba ngayon na o mamaya sa closing?"

"Siyempre ngayon na, pauwi na ako."

Oo nga pala, bagong Wendy 'to, hindi alam ang sans rival.

"Sabihin mo kay Baekhyun, libre ko na."

"Wow! Lakas ko naman sa'yo."

"Ako kailan mo lilibre?"

"Gusto mo ba lumabas tayo?"

"Date ba 'yan?" Nakangisi na sabi ni Irene, galing niya don ah. Gusto niya ng date, pero si Wendy ang napaikot niya na mag-aya.

Nautal bigla si Wendy, "Uh..."

"Tomorrow, 8 am pwede ako." At lumakad na siya nang tuluyan.

"Irene..."

"Hmm?"

Ang sabi ni Joy, don't fall in love and stay away, "Just wear something casual." 

 

'Yung feeling na parang kumakain ka ng pagkain na matagal nang nabaon sa limot pero sa 'di mo inaasahan, na-miss pala ng panlasa mo. Nostalgic kumbaga, parang kumain ka sa Tropical Hut. It reminds you of the good things from the past na ang sarap-sarap alalahanin, ang sarap balik-balikan. That's how it feels like habang nasa date sila ni Wendy.

 

It's like looking at old photos, bumabalik lahat ng memorya na hindi naman nakalimutan, pero hindi lang naiisip. Ito sila, sobrang saya parang noon, bago niya siya nasaktan. Bumabalik na tunay na ngiti ni Irene at masaya si Wendy na kaya naman pala niyang ayusin ang dati niyang nasira. Hindi madali, pero wala naman hindi nakukuha kung hindi pagpu-pursigihan.

 

Ground beef, splash of Worcestershire sauce, one egg, teaspoon of garlic and onion powder, salt and generous amount of black pepper powder. Medium doneness. Brioche buns, three pieces of bacon, butterhead lettuce, three slices of tomatoes, one slice of red onion, slice of melted cheddar cheese and Irene's special dressing. Saulong-saulo ni Irene ang recipe ng Wendy's Burger, kahit tulog kaya niya lutuin.

"Chef, bakit pala Wendy's Burger ang tawag sa burger mo? Na-in love ka na ba sa isa pang Wendy noon?" Tanong ni Wendy habang pumapapak ng kamatis. Ang galing niya umarte, dapat maka-receive na siya ng FAMAS award sa sobrang galing.

"Parang," Nakangiting sabi ni Irene habang ina-assemble ang burger ni Wendy.

"Mas pogi pa sa'kin?"

"Tingin nga," Tiningnan siya ni Irene, parang inaaral ang bawat linya ng mukha niya habang nag-iisip nang malalim kunwari, "Hmm, medyo."

Binagsak ni Wendy ang kinakain sa plato, hinampas niya ang kitchen counter saka tinrap si Irene na nagulat, "Mas pogi pa talaga sa'kin?!" 

Natatawa si Irene, umiiwas ng tingin dahil hinuhuli ni Wendy ang mga mata niya, "Wen! Malalaglag 'tong burger!"

"Sagot!"

Ibinaba ni Irene ang plato sa counter at umurong na akala mo may uurungan pa, pero wala naman na at pilit na nagpipigil ng ngiti, "Change my mind." Pinulupot niya ang mga braso sa bewang ni Wendy at hinimas ang likod nito.

Kapag ginawa ni Wendy ang gusto niya, hindi niya na pwedeng bawiin. Kaya naman niya siyang panindigan ngayon, kaso lang, ilusyon lang lahat nang 'to. Mas mabuti pang 'wag niya nang palalimin hangga't maaga pa dahil masasaktan niya lang ulit si Irene kapag nalaman niya ang totoo. Ilang pulgada na lang, malapit na si Irene na mahalikan siya, pero bigla niyang iniwas ang mukha at sumubo ng lettuce, "Lettuce eat na, Chef, gutom na ako." Umalis na si Wendy at kinuha mga plato nila saka umupo sa may mesa.

Naguluhan naman bigla si Irene, she thought they were on the same page sa mga pinaggagagawa nila, pero bakit ganon? Nag-iilusyon lang ba siya na akala niya meron? Pero hindi eh, lumalabas sila na silang dalawa lang, magkatawagan o text kung ma-tripan at nagu-update sa isa't isa. Ganon lang ba ang bagong Wendy as a friend? Parang mas masakit naman ata? Ino-overthink niya ba? Baka naman ayaw lang ni Wendy mahalikan nang hindi nagtoo-toothbrush? 

"Mhmm, sarap talaga ng burger mo, Chef. Panalo." 

"Ah, sige, enjoy."

Pero hindi, hindi papayag si Irene. Lalandiin niya si Wendy hanggang hindi na maging as a friend 'tong status nila.

"Gusto mo ng himagas?"

"Sure, anong available?" Masaya pang sabi ni Wendy.

"Peanut brittle, peanut kisses, reese's peanut butter cups, peanut butter cookies, pistachio ice cream..."

"Teka Chef, bakit parang lahat may mani?"

Napangisi si Irene, "Bakit? Ayaw mo ba ng mani?"

Nautal na naman si Wendy at nagpunas ng bibig, "M-Mahilig naman, oo."

"'Yon naman pala eh. Oh baka gusto mo 'yung akin?"

"Ha?"

"'Yung gawa ko na sarili, sans rival."

"A-Ah, pistachio ice cream na lang, medyo nauumay na ako sa sans rival."

Nagdilim agad paningin ni Irene, "Ede wow."

Nag-sandok si Irene ng pistachio ice cream sa isang mangkok para share na lang sila ni Wendy pati sa kutsara, baka sakaling magayuma niya siya 'pag nakain niya 'yung laway niya. Andugyot isipin, pero gusto niya talaga siya. Manlalandi siya, malamang gagawa siya ng paraan kahit ano pa 'yan. Buti na lang nag-out of town pamilya niya para hindi ma-witness ang kagagahan niya ngayong gabi. Pumunta siya sa sala dahil nandoon ang Wendy na walang kamalay-malay, nanonood pa ng TV.

"Ice creaaaam!" Nakangiti niyang sabi na parang anghel, pero may sa-demonyo ang agenda niya.

"Oh, bakit iisa? Asan 'yung sa--"

Hindi binigay ni Irene ang mangkok, pero kumutsara siya at inangat para subuan si Wendy. Kakainin na sana nito, pero binawi ng maharot na chef at inilayo, "Ngek, nandito kaya."

"Baka tumulo sa sofa." Sabi ni Wendy saka hinabol ang kutsara, pero sa bibig ni Irene dumiretso kaya napahinto si Wendy.

"Isa pa." Kumutsara ulit si Irene at pinasunggab na naman si Wendy na halos masubsob sa katawan niya kaya natawa si Irene.

"Chef naman, akala ko ba dessert ko 'yan? Tsaka 'di ba dapat hindi naglalaro ng pagkain?"

Nag-iba bigla mga mata ni Irene at sumandok ng malusaw-lusaw na ice cream sa mangkok. Sinubo niya kay Wendy na tinuluan pa sa gilid ng labi dahil sa kalokohan ni Irene.

"Hindi rin dapat sinasayang." Sabi niya sabay punas sa bibig ni Wendy gamit ang hinlalaki at sinubo ito.

Natuyuan bigla ng labi si Wendy na sukdulan na ang pagpipigil na ginagawa. "Ang ligalig naman kasi." Alam niya 'to, hinaharot talaga siya ni Irene pero hindi pwede pumatol. Susunggaban na sana siya, pero tumayo si Wendy at pumunta sa kusina para maghugas ng kamay. "Ang lagkit ng ice cream."

 

First time ni Wendy matutulog sa bahay ni Irene as may amnesia na Wendy. Natapos na siya maligo at magbihis kaya umupo na siya sa kama. Habang iginagala niya ang paningin, wala naman masyado nagbago bukod sa mga pictures nila na hindi na nakasabit sa pader.

"Tapos ka na?" Kakapasok lang ni Irene, nakabalot pa ng headband na bunny ears ang buhok niya bago maligo.

"Oo. Ang cute mo naman."

Natawa pa si Irene nung tumuro si Wendy sa headband, "Sige, ako naman maliligo."

Kung pwede siguro matanggal ang balat kaka-hilod, nabalatan na 'yung kay Irene dahil napakatagal niyang nagkukuskos ng katawan. Gusto niya maging mabangong-mabango para naman pagtabi niya kay Wendy sa kama, humalimuyak siya nang malala. 'Yung tipong sa sobrang bango, maaakit si Wendy na ibaon mukha niya sa leeg niya at papapakin pagkatao niya ganon. Kung kanina bunny ears na inosente ang tema niya, ngayon nag-animal print pa siya na bestida pantulog. Siguro naman mase-yhan at mababanguhan na si Wendy sa kanya na hindi na siya tatakbuhan nito.

Kaso paglabas niya ng banyo, plakda na si Wendy sa kama niya.

Badtrip si Irene na nahiga sa tabi ni Wendy, bulilyaso ang plano niya. Haba na haba ang nguso niya at napatitig sa mukha ng babaeng natutulog.

"Hmp, tulugan ba naman ako."

Pinagmamasdan ni Irene si Wendy, nag-iisip ng mga bagay-bagay. Ang tagal niyang galit na galit kay Wendy dahil sa pag-alis nito na walang paalam sa kanya, pero may dahilan naman pala kung bakit 'di na tuluyang nakabalik. Dalawang taon siyang nag-iisip ng mga sagot na balewala naman pala kung tutuusin dahil hindi na darating at nabura na ang lahat. Pero, nandito na si Wendy ulit, kaharap niya siya. Iba man ang bersyon, siya pa rin naman 'yung dati niyang minahal. Nabura mga alaala, pero kung paano siya maging siya noon, 'yon at 'yon pa rin, walang nagbago. Kaya nga siguro ang dali niya nahulog ulit at gusto niya maging sila ulit tulad ng dati. Baka naman sa pagkakataon na 'to, hindi niya na siya iiwanan.

 

Nagising si Irene sa kama niya, nag-iisa. Binalot siya ulit ng takot dahil parang ganito 'yung nangyari noon bago niya hindi na muling nakita si Wendy. Sabay silang natulog, pero nagising siya na mag-isa. Parang iniipit ang sikmura niya, baka pagbaba niya, wala na siya talaga.

Mabigat ang mga yapak niya pababa sa hagdan, dahan-dahan dahil ayaw niya masaktan. Pero mali naman pala siya ng akala, nasa baba si Wendy, may ginagawa sa laptop niya. Sa puntong 'yon, kumalma na ulit si Irene at pinaalala sa sariling, hindi na siya 'yung dating Wendy.

"Pst."

"Oh Chef, gising ka na pala. Good morning."

"Good morning. Kanina ka pa dito?" Tumabi si Irene kay Wendy at sumandal sa bisig nito.

"Medyo, naalala ko may mga gagawin nga pala ako."

"Luto ako breakfast, ano gusto mo?"

"'Di na, kailangan ko na rin umalis."

"Ganon?" Aga-aga, haba ng nguso ni madam chef.

"Oh baka ma-miss mo agad ako?"

"Paano kung oo?"

Hindi naman inaasahan ni Wendy 'yon, akala niya laro ibabalik sa kanya, "Ah...edi kita na lang tayo ulit sa isang araw."

"Sa isang araw pa? Ba 'yan."

"Bakit? Kailan mo ba gusto?"

"Mamaya. Tomorrow. Everyday gusto kita nakikita."

Napakagat sa labi si Wendy, paano niya ba siya iiwasan kung ganito ang pinaparamdam sa kanya ni Irene?

Hinawakan niya siya sa pisngi at humawak naman si Irene sa kamay niya, "Tambak ako ng trabaho sa studio eh."

"Fine."

"Oh, tampo na naman. 'Pag free ako, punta ako dito."

"Bahala ka."

"Ikaw talaga." Pinisil niya muna pisngi nito bago tumayo sa sofa.

 

Marami naman talaga trabaho si Wendy, pero mas nagta-trabaho ata utak niya kakaisip kay Irene. Sinusubukan niya naman umiwas, pero kahit gusto niya bumigay, hindi niya kaya na mabuhay sa kasinungalingan. Uunti-untiin niya nang lumayo sa kanya para hindi na lumalim pa ugnayan nila.

Nag-eedit lang si Wendy sa pc niya nang biglang may nag-doorbell sa studio. "Chef." Gulat niyang sabi.

"Pwede magpa-picture?" Nakangiti nitong sabi.

"Ah, oo naman. Um.." Nauutal na naman siya, kasasabi lang niya na iiwas na siya, pero siya ang pinuntahan, "I.d. ba?"

"Yes, 1x1 and 2x2."

"Sige, upo ka." Inayos ni Wendy ang background at umupo naman si Irene, "Ang layo naman ng binyahe mo para magpa-picture ng i.d. pic."

"Mukhang kailangan ko pa kasi ng rason para makita ka, hirap mo hagilapin eh.

"Busy lang." Nag-kunwaring smile pa siya at hinawakan na ang camera sa leeg.

"Dinalhan pala kita ng sans rival."

"Uh..thank you. Okay na? 1, 2...beautiful." Dumiretso na siya sa may pc niya at naupo sa swivel chair. Konti lang naman i-eedit dahil perfect naman na mukha ni Irene, walang ka-blemish blemish, pero hindi niya na nagawa dahil biglang kumandong ang babae sa harap niya para mangielam.

"Mahirap ba ginagawa mo?" 

"Oo, sobra." Hindi na yata 'yung pag-eedit ang tinutukoy niya.

"Turuan mo ako." Hinawakan ni Irene ang mouse at nag-alinlangan pa nang bahagya si Wendy na hawakan ang kamay niya para i-guide.

"G-Ganito lang." Pindot-pindot lang, sinusubukan niya mag-focus sa ginagawa, pero nararamdaman niya sa kanya na nakaharap mukha ni Irene. Napahinto siya at napakapit nang mahigpit sa dalawang braso ng upuan. Delikado 'to, sa loob-loob niya. "Printing na."

Tunog na lang ng printer ang naririnig sa paligid, tahimik silang dalawa na umaaligid sa mukha ng isa't isa, nagpapakiramdaman kung itutuloy ba. Umuurong si Wendy, pero sumusulong si Irene. Wala na siyang kawala sa pagkakataon na 'to.

At sabay ng paglabas ng papel sa printer 'yung pagdidikit ng mga labi nila.

Kayang pigilan ni Wendy ang sarili niya, pero si Irene ang hindi niya na kayang pigilan pa.

 

", Joy, I don't know what to do." Sinabunutan ni Wendy ang sarili, kanina pa siya ginigisa ni Joy dahil kay Irene. 

"My god, you're so stupid." Sabi ni Joy sa kabilang linya, "'Di ba sabi ko stay away? Anong hindi malinaw doon na nakipaghalikan ka pa?!"

"Joy, I had no choice, siya 'yung lumapit."

"No! May choice ka, pero ginusto mo rin! , Wendy, lalo mo lang pinalalala sitwasyon mo sa karupukan mo!"

"Anong gagawin ko?"

"Tapusin mo na kasi hangga't maaga pa, nabubuhay ka na sa kasinungalingan, pinagmumukha mo pa siyang tanga."

"What if ibangga ko talaga sarili ko para totoong magka-amnesia ako?"

"Nasisiraan ka ba?! Alam mo, sinabihan na kita ng posible na mangyayari. Ikaw lang 'tong matigas ang ulo. Kiss pa lang naman 'di ba? Kaya pa 'yan."

"Uh..."

"'Di ba, Wendy?" Hindi sumasagot ang babae, "Oh my god don't tell me nag- na agad kayo!"

"Sorry?"

 

Lahat na ng pamigil nilabas ni Wendy, pero oras na dumampi 'yung labi ni Irene sa kanya, nawala lahat ng prinsipyo niya. Mula sa mga braso ng upuan, gumapang ang mga kamay niya papunta sa katawan ni Irene at hinigpitan ang yakap niya sa kanya. Naramdaman niya napangiti pa si Irene habang naghahalikan sila kaya mas lalo siyang ginanahan at diniinan ang halik. Momol lang naman talaga, pero nagsama-sama 'yung ungol, singhap, at kilabot sa balat ni Irene habang hinahalikan niya siya sa leeg. Ito pa rin 'yung Irene niya na gustong-gusto nagpapahalik sa palibot ng mukha at leeg at hindi niya na napigilan damdamin niya at ipinasok ang kamay sa may loobang hita nito para himasin. Nag-aalinlangan pa siya dahil naglalaban pa rin ang gusto ng utak niyang pag-iwas sa puso niyang nasasabik. At ayon, nanalo ang pagka-sabik ni Wendy at wala naman reklamo si Irene na bumukaka at sumandal sa dibdib niya habang hinahawakan niya siya.

 

Parang favorite mong pagkain na ni-request mo para maglambing tapos ipagluluto ka naman ng Mama mo.

Ang saya ng puso ni Irene pati ng sans rival niya. Finally hindi na sayang ang pagka-tunaw ng icing. Feel na feel niya pagiging buo ng pagkatao niya. Natutulala na naman siya sa harap ng kalan, pero sa pagkakataon na 'yon, hindi na masamang alaala nasa isip niya. Naalala niya paano siya hawakan, himasin, romansahin at arugain ng mga labi, dila at mga kamay ni Wendy. Buti na lang hindi niya nakalimutan paano gamitin lahat ng 'yon na naaayon sa gusto ni Irene. Sobra niya siyang na-miss.

"ATE NAMAN NAGSUSUNOG KA NA NAMAN!"

"GAGA SAKTO LANG LUTO!"

 

"Tao po!"

"Oh Chef, what are you doing here?" Agad umalis si Wendy sa harap ng computer at nilapitan ang kadarating lang na Irene sa studio.

"Kailangan ko pa rin ba ng reason para makita ka?"

Umiiling ng ulo si Wendy at hinalikan ang kamay niya, "Upo ka muna, may tinatapos lang ako." Binaliktad niya ang sign na closed ang studio para walang maka-istorbo sa kanila saka ibinaba ang blinds. "Kumusta resto?"

"Okay naman, 'di naman ako kailangan today. Nga pala, kailan ka pala pwede? Gusto ko kasi pa-picturan 'yung resto and some items sa menu. Para naman ma-update 'yung website."

"Uh, let me check sa calendar. Next month pa."

"Nge."

"Pero dahil special ka naman sa'kin, Monday next week."

Yumakap si Irene sa kanya at ibinaon ang mukha sa dibdib kaya niyakap niya siya pabalik at hinalikan ang noo. Umurong siya saglit, hinawakan niya ang pisngi ng babae at pinagmasdan ang mukha nito. Taliwas sa plano ang ginagawa niya dahil hindi niya maikakaila, mahal niya pa rin si Irene talaga at kung papipiliin siya, tatanggapin niya na lang na mabuhay sa kasinungalingan kahit mahirap dahil mas mahirap na mawala ulit siya sa kanya.

Hinalikan niya siya at sinabing, "I love you."

Pangalawang beses pa lang naririnig 'yon ni Irene galing kay Wendy sa buong buhay niya. Unang beses, sa dating Wendy nung tinanong siya kung pwede ba siyang maging girlfriend niya, at ito ang pangalawa.

"Pwede ba kita maging girlfriend?"

Magkaiba man ang noon at ngayon na Wendy, iisa pa rin naman ang sagot ni Irene sa kanya.

"Yes."

 

Nakatitig na naman si Irene kay Wendy habang natutulog ito, gustong-gusto niya talaga siya pinapanood matulog. Para kasing sobrang himbing at masasakal talaga ni Irene kung sino magtangkang umabala sa kanya. Hinalikan niya siya sa noo at umalis na sa sofa para magbihis. Nakita niya nakabukas 'yung pc ni Wendy, nakalimutan na patayin dahil na-distract niya na naman siya. Hindi niya naman sana papakielamanan, pero may nakita siyang folder na sans rival ang pamagat. Na-curious tuloy siya kung ano laman non. Pinindot niya at nag-open ito. Kinilig siya agad, ito palang girlfriend niya nangongolekta ng mga picture niya nang hindi niya alam. Puro stolen shots tulad ng ginagawa niya noon. In-exit niya na at bumalik sa tabi ni Wendy sa sofa dahil bumabangon na 'to.

Naisip ni Irene, wala nga kayang chance na maalala ni Wendy ang nakaraan? Coincidence lang ba lahat na kung paano sila noon, kuhang-kuha ng Wendy ngayon? Memorya lang ba talaga nawawala sa isang tao, hindi ang pagkatao niya? Kasi kung ganon, tama lang naman siguro na sabihin niya na ang totoo dahil second chance na nila 'to at ayaw ni Irene na may tinatago siya kay Wendy.

Bumiling-biling si Wendy at naaninag si Irene sa tabi niya kaya hinatak niya siya palapit, "Chefy."

"Wen?

"Hm?"

"Paano kung biglang bumalik 'yung dati mong girlfriend? Anong gagawin mo?"

"Kakausapin ko at hihingi ng tawad sa nangyari, pero hindi ko na babalikan kasi may Chef Irene na ako eh. Ikaw na 'yung present ko. Masaya na ako sa'yo." Hinalikan niya siya sa labi, "Ano? Ayos ba sagot ko? Natatakot ako na awayin mo ako eh." Natawa pa si Irene saka niya siya hinampas.

 

 

Magpapaka-John Lloyd si Irene sa My Amnesia Girl at uulitin niya 'yung moment na nagkakilala sila sa restaurant. Hindi siya sure kung effective, pero gusto niya ipakita kay Wendy at masabi niya na 'yung totoong storya nila.

 

Abala kumuha ng mga litrato si Wendy sa restaurant para sa website ng Lola Bae's na i-uupdate, samantalang si Irene kinakabahan na sa kitchen dahil sa magiging reaction ng girlfriend niya. Sobra niya pinaghandaan ang araw na 'to at sana hindi sumama loob ni Wendy sa malalaman.

"Pagod na?" Hinimas pa ni Irene ang buhok niya.

"Nope, kayang-kaya."

"Wen, may gusto pala ako sabihin sa'yo."

"Ano?"

"Dito ka lang, upo ka." Hinatak ni Irene papunta sa table si Wendy kung saan siya naka-pwesto noong nagkakilala sila, "'Wag ka sana mabibigla sa sasabihin ko, Wendy. Hindi ko alam paano ipapaliwanag, pero ito lang kasi 'yung nakikita kong paraan. Ayoko ng may tinatago sa'yo at deserve mo rin naman na malaman ang totoo. Three years ago, nakaupo ka sa same seat na 'yan." Lumabas mula sa kitchen ang pamilyar na mukha ng dating waiter sa restaurant, "May takeout kang leche flan, pero ube halaya ang binigay ni Taeyeong sa'yo."

"Ma'am, here's your order." Sabi ni Taeyeong.

"Tiningnan mo tapos ang sabi mo, 'Wait, mukha bang leche flan 'to? Eh ube halaya 'to eh.' Tapos sabi naman ni Tayeong..."

"Umm, sorry po ma'am, I'll bring your order right away."

"Lumipas ang kinse minutos, bumalik siya pero sylvannas ang dala kaya nagalit ka, lumabas ako agad sa kitchen para ayusin ang problema. Sabi ko, 'Hi ma'am, I'm the Head Chef here and here's your order. I made sure leche flan na 'to. I'm so sorry for the inconvenience. Trainee pa lang kasi 'yung waiter namin.' At kumalma ka naman nung oras na 'yon at sinabing, 'It's all good, no worries.' Tinanong ko kung may kailangan ka pa at sinabi mo naman, 'Your number.'" Kumuha ng ballpen si Irene at nilatag ang palad ni Wendy sa mesa. "There, ang sabi ko. Tapos sabi mo, 'Do you usually write the restaurant's contact number sa kamay ng customer?'" Natawa pa nang bahagya si Irene, "Alam mo, bwisit ka talaga sa moment na 'yon, grabe 'yung hiya na naramdaman ko, pero okay lang. Worth all the hiya naman kasi tinawagan mo rin naman ako para--"

"Para orderin ka sa isang date sa Saturday." Tahimik na sabi ni Wendy, ang bigat bigat ng dibdib niya dahil sobrang nag-effort si Irene sa lahat ng 'to, pero ginagago niya lang siya all this time, "Tinanong ko kung anong oras ipi-pick up at sabi mo, 8 AM." Sobra siyang nagi-guilty.

Napanganga at nautal pa si Irene, "N-Naalala mo na?"

"Kasi...hindi ko naman nakalimutan."

Parang nakaramdam si Irene ng pag-ikot sa sikmura niya, pero hindi eh, may storya siya kung paano siya nagka-amnesia at sa buong pagkakakilanlan nila sa pangalawang pagkakataon, kahit minsan wala siyang binanggit tungkol sa nakaraan. Kahit minsan, wala siyang nagawa para pagtakahan siya ni Irene.

"Deserve mo rin malaman ang totoo. Wala akong amnesia." 

Napahawak si Irene sa bibig at agad tumulo ang luha niya. Nakaramdam siya ng sakit sa dibdib dahil hindi ganito ang inaasahan niya na kasinungalingan lang pala ang lahat.

"I'm sorry nagsinungaling ako, pero may rason ako."

Tumutulo na lang mga luha ni Irene, wala siyang masabi.

"I-Irene." Nilapitan siya ni Wendy, pero umurong lang ang babae. "Magpapaliwanag ako."

Napatakip sa mukha si Irene, humihikbi, kahit anong isip niya, naba-blangko siya. Gusto niya magkaroon ng amnesia sa oras na 'to, baka sakaling makalimutan niya gaano kasakit ang nararamdaman.

"Irene please, pakinggan mo muna ako. Hindi ko sinabi kasi..."

Wala nang narinig si Irene dahil bigla siyang tumakbo paalis ng restaurant habang umiiyak.

 

Sana, trinato na lang siyang parang disposable camera ni Wendy, pagtapos ipa-develop, tapon na, hindi na babalikan pa para saktan ulit.

 

"Chef?"

"BAEKHYUN ILANG BESES KO BA SASABIHIN NA BAWAL KA DITO SA LOOB?!"

"Chef, may reklamo na naman po kasing natanggap sa comment section sa page," Napakamot sa ulo ang lalaki, "'Yung leche flan niyo daw po. Parang iniba niyo daw po recipe, hindi tulad ng dati."

"EDI 'WAG SILA BUMILI KUNG AYAW NILA NG BAGONG RECIPE!! BINAGO NA NGA 'DI BA?! HINDI NA DAPAT BINABALIKAN ANG NAKARAAN KASI NAKARAAN NA NGA 'DI BA?!" Hinagis pa ni Irene ang kawali sa lababo at kumalabog ang ibang kasangkapan dahil sa pagdadabog.

Kamot ulo na lang magagawa ni Baekhyun, isang buwan nang ganito si Chef Irene at mukhang hindi pa huhupa sa mga susunod na panahon. 

"AH !" Sa pagdadabog niya, napaso pa siya bigla.

"Chef!" Tumakbo ang ibang kusinero, pero hindi sila pinalapit ni Irene.

"UMALIS KAYO LAHAT! LABAS!"

"Pero Chef--"

"I SAID LEAVE ME ALONE! CLOSE THE RESTAURANT!"

Sumunod sila sa utos at naiwan si Irene na namimilipit sa lapag.

 

Isang buwan din si Wendy na hindi nakakalapit kay Irene. Alam niyang galit na galit siya sa kanya, sinubukan niya naman siya kausapin, pero wala, pinagtataguan siya nito. Ang kupal lang, noon siya ang nagtatago kay Irene, pero ngayon siya itong hanap nang hanap dahil siya ang pinagtataguan.

"Ma'am Wendy, closed po kami today." Sinuot ni Baekhyun ang panakip sa mukha, nasa bisig ang helmet.

"Huh? Eh 'di ba--"

"Pinasara po muna ng management."

"Alam ko nakukulitan ka na sa'kin dahil araw-araw na ginawa ng diyos tinatanong ko kung pumunta ba siya, pero hindi ako titigil hangga't 'di kami nagkakaharap."

Laging sinasabi ni Baekhyun wala, pero sa pagkakataon na 'to, magpapaka-paladesisyon siya at sasabihin ang totoo, "Nasa loob po." Lumaki mata ni Wendy, pero bago siya makapasok, hinawakan siya ni Baekhyun sa pulso, "Ma'am, hindi naman po sa nanghihimasok, pero sobrang lala po ng lagay ni Chef. Hindi ko po alam kung ano aabutan niyo sa loob, basta kayo na po muna bahala sa kanya."

"Salamat, Baekhyun."

 

Pinapanood ni Irene ang namumula niyang kamay na tinutuluan ng tubig gripo, hindi siya matapos ng kaka-iyak kahit humupa naman na nang bahagya ang sakit ng paso niya. Narinig niyang bumukas ang pinto ng kitchen.

"MAKULIT KA BA BAEKHYUN?! SABI KO--"

"Irene."

Napa-pikit at buntong hininga na lang si Irene, pinatay niya ang gripo at pinunasan ang kamay.

"Irene, mag-usap naman tayo."

"Sino ka?" Sarkastikong sabi nito.

"Tsk, Ire--" Lumapit si Wendy, pero lumayo lang si Irene at pumunta sa kabila ng mesa.

Pinunasan ni Irene ang luha, "Hindi kita kilala. Gusto mo ba i-report kita sa pulis ng trespassing?"

"Irene, I'm sorry nasaktan kita."

", ang kulit mo ah?!"

"Hindi lang isa, kundi dalawang beses pa. At sobra akong nagsisisi sa nagawa ko sa'yo."

"Hindi ka ba titigil?! Baliw ka na yata!"

"Irene, hindi ko sinabi 'yung totoo kasi mahal kita at ayokong mawala ka sa'kin ulit. I'm sorry sa mga nagawa ko sa'yo, sa pag-iwan ko sa'yo at sa pagsisinungaling ko tungkol sa totoo. Hindi mo ako kailangan patawarin sa lahat ng kasalanan ko, pero humihingi ako ng chance na pakinggan mo ako. Sana kahit sinungaling na ang tingin mo sa'kin, paniwalaan mo pa rin lahat ng sasabihin ko ngayon. Nung umalis ako two years ago, takot ang dahilan ko. Natakot ako na baka hindi kita makayanang panindigan kasi ang dami kong doubts sa sarili ko. Pakiramdam ko hindi sapat 'yung sinusukli ko sa lahat ng binibigay mo at baka kung tumagal, kamuhian mo lang ako, pero hindi pala, Irene. Namuhi lang din ako sa sarili ko kasi mas nasaktan pala kita kaysa sa sarili ko. Nung nagkita tayo sa party, hindi ko naman talaga inaasahan na magkikita pa tayo kasi ayoko naman na talagang guluhin ka, nag-panic ako kaya ko sinabing may amnesia ako. Alam ko naging selfish ako sa oras na 'yon dahil ayokong makarinig ng masakit na salita galing sa'yo. Wala naman talaga sa plano ko na pahabain pa 'yung pagpapanggap ko dahil sa maniwala ka o sa hindi, catering lang naman talaga 'yung puntirya ko tapos aalis na ulit ako. Pero nung nagkasama tayo, bumalik sa'kin lahat. Lahat ng lungkot, saya at na-realize ko na mahal pa rin talaga kita. Natakot na ako na mawala ka sa'kin ulit kaya hindi ko sinabi sa'yo ang totoo. Mahal na mahal kita, Irene."

Umuurong si Irene na pilit na tumatanggi makinig, nakita ni Wendy na mapapaso siya sa kumukulong tubig kaya tumakbo siya palapit, pero sa pagtakbo niya papunta sa kanya, bigla siyang nadulas sa sahig na may tapon ng mantika at malakas na tumama ang ulo sa industrial mixer.

"Wendy? Wendy!"

 

 

Tulala si Irene habang hinihintay na maluto ang leche flan niya. Ibinalik niya na ang original na recipe at hindi na rin nag-iinit ang ulo niya dahil ilang buwan na ang nakalipas pagtapos ng nangyari sa restaurant. Ilang buwan na rin siyang walang balita kay Wendy dahil pinalayo siya ni Joy sa kanya at hindi sinabi kung saan siya dinala. Nagkaroon kasi ng totoong amnesia si Wendy sa pagkaka-bagok at ayaw na ng kaibigan na mas maguluhan pa ito sa nangyari.

Napapahiling siya minsan na sana, kasing dali ng pagsunog sa mga larawan ang pagkalimot sa taong minsang naging parte ng buhay mo at lubusan kang napasaya. Sana, kasing dali tigilan ang nararamdaman tulad ng pagtigil nila sa pagbebenta ng Wendy's Burger. Sana ganoon kadali lahat dahil mahal niya pa rin siya at nahihirapan siyang kalimutan siya. Iniisip niya, darating kaya 'yung araw na bigla na lang babalik memorya niya at maaalala niya siya? Kasi hindi na magpapatumpik-tumpik si Irene, tatanggapin niya na siya uli dahil mas mahirap pala na wala siya sa tabi niya kaysa sa lahat ng napagdaanan nila.

"Chef!" Nagmamadali pumasok ang isang waiter.

"Oh Johnny?" Pinatay na ni Irene ang nakasalang.

"Chef may naghahanap sa inyo."

"Sino?"

 

Slowmo. Parang rainbow after the rain, 'yung excitement habang nagbubukas ng regalo, 'yung feeling kapag nakuha mo na 'yung tamang recipe na matagal mo na tine-testing.

Nangilid luha ni Irene pagkita niya sa nakaupo, hindi siya magkakamali kung sino 'yung babaeng may maiksing buhok kahit nakatalikod pa ito. Parang taon 'yung tagal nilang hindi nagkita at sobrang saya ni Irene na bumalik nga talaga siya. Posible pala.

"Wendy?"

"Irene." Nakangiti nitong sabi, pero sumimangot bigla ang chef.

"Seulgi? Walangya ka! Bakit ganyan buhok mo?!"

"Wala trip ko lang hehe. Siya ba inaasahan mo?"

"Ugh, anong ginagawa mo dito?"

"Sama ka? May event akong pupuntahan."

Nakaluto naman na siya ng leche flan at Lunes naman wala masyadong customer. Minsan okay din lumabas, palagi na lang si Wendy iniisip niya at sobra siyang nade-depress sa mga pangyayari sa buhay niya.

 

Mali rin atang desisyon na sumama sa event, lahat na lang ng bagay, si Wendy naaalala niya. 'Yung photobooth pati mga photographer tinitingnan niya isa-isa, nagbabakasakali na si Wendy na 'yon, pero paulit-ulit nabibigo siya.


Minsan, nakakapagod maghintay kasi wala naman kasiguraduhan kung darating ba. Hindi mo alam kung aasa ka ba o 'wag na o kalimutan na lang, pero kahit alin naman sa pipiliin mo daraan ka pa rin naman sa hirap. Miss na miss niya na talaga si Wendy, pero wala siya magawa gustuhin man niya na hanapin siya dahil hindi niya alam saan magsisimula.

 

Toasted bun, dressing, lettuce, tomatoes, onion, bacon slices, patty with melted cheese on top and the other half of the bun. Tuwing anniversary ng pagka-aksidente ni Wendy, nagluluto si Irene ng burger niya. Dalawa ang palagi niyang ginagawa dahil umaasa siya na biglang babalik si Wendy at hahanapin 'yung favorite niya. Gusto niya sabay sila kakain, pero taon-taon, wala naman dumarating kaya hindi niya rin ginagalaw at sa pagkakataon na 'to, parang nag-click na sa utak niya na hindi na talaga babalik si Wendy.

Tinitigan ni Irene ang burger, kinuha niya ito saka kumagat. Hindi niya na napigilan malungkot dahil kahit tatlong taon na lumipas, hindi niya pa rin pala nakakalimutan 'yung lasa. Hindi niya pa rin talaga makalimutan si Wendy.

"Sobrang sarap ba ng burger na 'yan?" 'Yung boses na 'yon, 'yung tindig at paano ngumiti, "I'm sorry, na-curious lang ako kanina mo pa kasi tinititigan." Napatulala si Irene sa kanya, "Are you okay, Chef?" 

"Y-You're back."

"Huh?" Natawa pa ang babae na may halong pagka-confused saka umupo sa harap niya, sa dati niyang upuan kung saan sila nagkakilala, "Nasan ba mga waiter niyo dito? I want one too." Akala pa naman ni Irene, 'yung pagtawag niya sa kanya ng 'Chef' naalala niya na siya. Dahil lang pala sa uniform na suot niya.

Inusog ni Irene ang plato ng isang burger sa kanya, "Sa'yo na 'to."

"Oh no, no. Mag-order na lang ako."

"Kainin mo na. Wala sa menu 'yan, ginawa ko lang dahil special ang araw na 'to."

"Talaga? Umm...nakakahiya naman." Inudyok siya ni Irene na kainin na kaya kahit nahihiya si Wendy, kinuha niya at kinagat, "Sarap, Chef. Parang familiar 'yung lasa."

Nararamdaman ni Irene na may hikbing lalabas sa lalamunan niya kaya tumayo na siya sa upuan para umalis, "Mabuti naman nagustuhan mo. Sige, enjoy."

"Ilagay mo 'to sa menu, sigurado ako magiging rason 'to para balik-balikan kayo ng mga tao."

"Ikaw, babalik ka pa ba?"

"Iisang rason lang naman ang kailangan ko para bumalik. Kapag tatanggapin pa ako ng chef na nagluluto ng favorite burger ko."

 

 

-END-

thanks for reading hahaha eme lang to. been watching jlc movies LOL

just wanna thank everyone na naghihintay ng update at nagbabasa ng fics kong eme hahaha 🙏 sobrang naappreciate ko rin po yung mga comments niyo lalo yung mga nobela kung magcomment enjoy ako basahin 🥹 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
hyehye29
#1
Chapter 1: hayyy jusq nalulungkot ako para kay irene sa part na pinagmumukha siyang tanga ni wendy sa pagsisinungaling niya na may amnesia siya. kasi naman masakit ang ma-ghost 'di ba. sobrang nakakapanliit in a way na mapapaisip ka talaga kung anong kulang sa'yo, kung may nagawa ka bang mali, or baka pinagtitiisan ka lang pala tas nung 'di na keri bigla na lang umalis chz. e 'di ka rin naman makakakuha ng sagot kasi nga wala na yung tao. tas nung nagkita ulit imbis na bigyan ka ng honest na sagot sasabihin puro lies pa huhu.
irene pa'no mo kinakaya na tanggapin pa ulit e ginagago ka naman HAHAHAHAHA dapat may assurance muna na 'di na magsisinungaling at mang-iiwan ulit aba

otor salamat ulit sa pag-share ng magaganda mong story huhu isa ka talaga sa peborits kong wr otor ang galing-galing mo kasi magsulat 💯 every story na pino-post mo ang satisfying basahin and at the same time parang nagce-crave pa for more hahahahaha beke nemen may part 2 cheret 🙈
yujiminthusiast
#2
Chapter 1: bwiset dinogshow pa nga ni seulgi bigong-bigo na nga yung isa 😭 grbe parang lugi naman ata masyado si irene sa story na to author huhu ang gago lang ng pinagagawa ni wendy pero sana pwede pa ulit third time's a charm daw sabi nga nila, part 2 po happy ending 🤲🏻

maraming salamat nadagdagan nanaman god tier tagalog wr fics, ang galing nyo po talaga magsulat sana ol
blueorangebae #3
Chapter 1: Sana my part 2 author nim! Ang Ganda Ng flow Ng story🥺 panalong panalo!💙
blueorangebae #4
Chapter 1: Sana my part 2 author nim! Ang Ganda Ng flow Ng story🥺 panalong panalo!💙
PANDANDAN
#5
Chapter 1: Juskoooooo, salamat sa pag buhay ng dugo ko na naman author, relate ako kay Wendy, nadulas tas ayun na ospital ngayon🤦🏽‍♀️ buti nalang walang amnesia hehe
SEEKER_
#6
Chapter 1: Nabibilib talaga ako pano tumatakbo yung utak mo otornim. Una sa lahat pano mo na-squeeze yan lahat sa brain cells mo tapos di ka natuyot. Salamat sa parang burger patty mong utak na sobrang juicy at napasaya mo ko ngayong madaling araw. Gustong gusto ko talaga yung mga fanfic na ang daming ganap eh. Alam mo yung tipong mapapatigil ka magbasa kasi sobrang intense ng mga pangyayari. Parang ayoko na tuloy mag jowa hahahaha na-trauma na naman. Pero panigurado uulit ulitin ko 'to. Sana po may part two and thanks sa pag sagip sa WR community sa panahon na tagtuyot ang ating parents

Hulaan ko zodiac sign ni Wendy dito sa story hahaha Aquarius. Napaka-Aquarius coded ni Wendy dito like... Perfect lover pero medyo takot makasakit ng iba pero proceeds to hurt others like... San tayo makakarating nito mga aqua? Ghosting nalang ba ang solusyon sa lahat?
saintloost
#7
Chapter 1: OMG. SANA MAY PART 2.. and the Seulgi with the short hair?? HAHAHHAHAHAHA.
wishwishwish #8
GANDA HUHU the best otor. part 2 pls
mklarisse_ #9
Chapter 1: ISA NANAMAN NADAGDAG SA BEST FICS NA NABASA KO SA BUHAY KO 😭😭😭😭😭 grabe kuhang kuha lahat sjdjs lahat ng hirit pighati yearning grabe sobrang hands down 😭 really enjoyed this one n i agree w ur post na iba talaga pag tagalog fic n yung humor na nakakabit dito thank u so much for sharing this w us :"( sana masarap ulam niyo authornim
WenRene_77 #10
Chapter 1: Tengenenemen otor pinakaba mo ko dun😅 apakagaling mo talaga magsulat, sana may part 2. Thank you💙💝