ikalawang pahina: eto na naman?

ikaw at ako
Please Subscribe to read the full chapter

Ginawa ko na ang lahat para hindi ako mapili sa pa tiktok contest ni Sir Kai.  Ang sabi niya kasi, as long as mataas naman ang grades mo, pwedeng hindi na sumali sa additional project since pampadagdag lang naman sa grade 'yon.

 

Pero sa totoo lang hindi ko rin talaga maintindihan kung bakit negative ang thinking sa mga kabataan na laging inuubos ang atensyon sa social media but kapag may mga pa contest naman sa school, laging social media din ang basehan particularly pag popularity or votings. So saan talaga kame lulugar na mga kabataan?

 

Talagang todo aral ako at pa recite tuwing si Sir Kai ang nag tu-turo para ma make sure na hindi ko na need sumali sa mga pa tiktok na yan. First time kong mag advance study ever sa isang subject, sumali pa ko sa study group led by Yeji, medyo outcast lang kasi ang tatalino nila and sobrang grade conscious pa. Gusto ko lang naman makapasa pero sila kase lagi na talagang may pa study group and always been part sa rankings ng buong school namin

 

Tapos medyo nahirapan din ako makihalubilo sa kanila.  Hindi man halata, medyo mahiyain talaga ako, introvert yata ang tawag sakin, ayaw ko talaga sumali sa mga study session lalo na pag wala akong kakilala kase nahihiya ako, feeling ko napaka uncomfortable at parang lagi akong kinakabahan, pero syempre mas lalong ayaw ko naman mapasali sa mga tiktok na yan

 

Buti na lang talaga sanggol pa lang ako at hindi pa man ako marunong mag salita at hindi ko pa alam kung ano man ang ibig sabihin ng MBTI, inampon na ko agad ng ever extrovert na si Gigi. Iba talaga pag mayroong kadiapermates and gatasmates ang introvert na kagaya ko, kaso since go na go lang si Gigi sa tiktok, hindi niya na ako sinamahan sa study group. Well, siguro isa na rin dahil nga andoon si Yeji but that's a story for another time


Isa rin siguro sa dahilan kung bakit parang ayaw ko na sumali sa study group, lagi na lang kasi ako yung ginigisa sa recitations and sa pa Q&A nila. Gusto daw nila ma-make sure na I've joined the study session para matuto at hindi makipaglandian sa kanila. Marami na daw kase sumali sa study session nila pero nag papa-cute lang daw pala. Edi kayo na magaganda. Kaloka!

 

Pakiramdam ko nga parang ang unfair din ng basehan nila para makasama sa study group. Kaya nga ako sasali dahil hindi ako maalam sa mga subject. Bakit agad nila akong tatanongin? Edi kung alam ko ang sagot, sana hindi na lang ako sumali sa study sessions nila. 'Di ba?

 

Pero na-realize ko na may pag ka judger din pala talaga ako. Habang nag hihintay kase ako para sa parang interview portion nila if isa ko sa mapipili nilang bagong kasama sa study group nila, nakita ko rin kung paano makihalubilo ang ibang mga estudyante na kagayang ko na gusto rin sumali. Halata nga na maraming nag papa-cute lang sa kanila at wala talagang interest sa study sessions.

 

Kaya naman pala sobrang pili nila sa gusto nilang makasama. Nag set lang pala sila ng boundaries para hindi na sila kulitin ng mga ibang estudyante. Unfortunately, mukhang madami pa din ang nag ta-try na makasali para lang makipag landian sa kanila. Kahit nga akong nanonood lang naiinis na din, pakiramdam ko nasasayang yung oras nila. Halata din naman na naiirita sila sa mga ganoong estudyante. In the end, puro babae kaming pinalad na mapili para mapasama sa famous study sessions ng school.

 

Ilang beses pa nga akong natutulala kapag sumasabay ako papunta sa Student Council, doon kase ginaganap yung study sessions namin. Pero kase ramdam na ramdam ko na pinag ti-tinginan ang mga ka study group ko kahit saang parte man kame mapadaan sa school. Feeling ko kasama ko ang F4 o kaya naman ay ang Mean Girls. Feeling ko nga kumikinang kinang pa sila sa mata ng mga schoolmates namin.

 

After ng ilang araw naming study sessions, mas nagiging comfortable na rin ako sa kanila. Nakakatuwa din kase ang mag pinsan na si Ate Eunbi at Ate Irene. Talagang bine-baby ako kapag mas nag i-improve ako sa mga pa-test nila. May libre ako palaging free snacks dahil nag aaral daw ako akong mabuti at dahil cute daw ako. Sino ba naman ako para tumanggi?

 

Kaya naman nakakapag tricycle na ako tuwing pa-pasok. Since hindi ko na kailangan bumili ng food tuwing break time. Nalaman ko kase na malaki pala ang impact sa scholarship ni Karina ang tardiness, kaya nakiusap ako kay Teacher Sooyoung na sakin nalang ibilang yung isang late ni Karina. Pumayag naman siya para daw sa ngalan ng pag-ibig. Hindi ko na lang ni-deny that time para pumayag siya. Convince pa rin siya talaga na mag jowa kami ni Karina. Akala ko inaasar niya lang kame last time.

 

Speaking of Karina, wala na kaming naging pag uusap matapos ko siyang i-hatid (julalay walked her amo home ang peg namin kase bitbit ko ang gamit niya) pauwi sa bahay nila, hindi man lang ako pinansin sa haba ng nilakad namin. Bago pa siya pumasok sa loob ng bahay nila ay humingi pa siya ng paumanhin. Halos hindi ko nga narinig dahil sobrang hina ng boses niya. Agad din siyang kumaripas pa-pasok ng bahay nila kaya 'di na ako nakasagot sa kanya.

 

Hindi ko alam if alam na ba ni Karina na kinausap ko na si Teacher Sooyoung para sa late niya. May isang salita pala ang crush ng bayan kase kahit na delikads yung scholarship niya since pumayag siya sa libre kong kwekkwek para kwits na kame, hindi niya na ako kinulit at hindi niya rin sakin sinumbat yung kasalanan ko. Techinically, hindi niya na talaga inacknowledged ang existence ko so 'di niya na talaga masu-sumbat yon.

 

Ganunpaman, hindi ko talaga totally ma-dispute ang fake news na mag jowaers kami ni Karina, may mga schoolmates or classmates pa rin ang nag ta-tanong if may LQ daw ba kami kaya hindi kami nag pa-pansinan. Meron pang kinokomfort ako na dapat mag jowa daw ako na handa akong ipag-malaki sa public. Iniisip kasi nila kaya sinabihan ako ni Karina ng kadiri is para ma-pag takpan ang relationship namin dahil nga sa prejudice sa mga kagaya naming parehas na babae na  "nag ma-mahalan".

 

Sino ba naman kasi ako para paniwalaan? E si Teacher Sooyoung ang nag pakalat ng chismax! 

 

Tahimik lang akong nag hi-hintay para dumating na si Teacher Sooyung. Iba na talaga ang nag ta-tricycle pag pa-pasok. Mas una pa sa first! Iniisip ko nga if matutulog muna ako saglit. May 15 minutes pa naman bago mag start ang klase.  Nilagay ko na ang bag ko sa lamesa para gawing unan ng tumunog ang phone ko. Napasilip tuloy ako kung anong meron.

 

Study Group FY2023 Q2

Yeji: Guys let's cancel our study session for today

Wonyoung: Oh okay, thanks for the heads up Ate Yej!

Eunbi: anmeron bhe?

Yujin: is this a real life? is this a fantasy?

Irene: u ok yeji?

 

Hindi na ako makasingit sa mga text nila dahil sunod sunod na ang mga reply. Pero tamang read lang din naman kase ako sa GC

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
543 streak #1
Chapter 2: Aguyy haha
Ardem_Joseph23
15 streak #2
Chapter 2: Kawawa naman si Katrina. Pero dyan naman si boss Winter. Alagang ritemed yan!
Topkangseul
#3
Chapter 1: Kadiri daw oh
ryujinie__
698 streak #4
Chapter 1: Subscribed and upvoted! 🥳