unang pahina: ayaw ko na

ikaw at ako
Please Subscribe to read the full chapter

Pag ka-mulat na pag ka mulat pa lang ng mata ko, sinilip ko na agad kung anong oras na, 4:47 AM

 

Shet ayoko na mag aral!

 

Kahit ano namang iyak ko, at the end papasok pa rin ako. Ayoko nga mapalo sa pwet. Syaka tuwing hindi ako pumapasok, feeling ko ang sama sama kong tao. Parang wala na kong purpose in life. Parang wala akong kwentang anak, ganern, mas na i-i-stress ako lalo kapag wala ako sa klase.

 

Tuwing nagigising ako ng madaling araw, unang pumapasok sa isip ko "Sana hindi pa tumugtog ang Hype Boy, sana hindi pa mag 5AM". Hindi ako swerte ngayong araw, 13 minutes na lang at dapat gumising na ako para pumasok. Mas lalong hindi ako si Taylor Swift para gawing lucky charm ang number 13. 

 

Ay teka!

 

Ayaw ko pala pag usapan si Taylor Swift, nalulungkot pa rin ako kase walang The Eras sa pilipinas. "Kasalanan 'to ng gobyerno! Pabagsakin!" Pero kahit naman mag concert si Taylor dito, wala rin naman akong pambili ng ticket, so wala talaga akong karapatan mag himutok

 

Anyway, kailangan talaga masunurin ako sa alarm clock ko. May isang oras lang kasi ako para gumayak na kulang na kulang para sakin. Sa pag ligo ko pa lang, nauubos na yung isang oras ko:

2 minutes para kumbinsihin ang sarili ko na hindi malamig ang tubig 3 minutes para sa acceptance stage na kailangan ko na pumasok 5 minutes para umiyak kase malamig talaga ang tubig, first buhos pa lang 2 minutes na mag wish na may heater na lang kami habang nag wa-walling, "Bakit ako pinangak na mahirap?" Another 3 minutes ulit para magalit kay Mama na ayaw akong mag init ng tubig dahil sayang daw sa gasul

 

Hindi pa ako nakapag start maligo, 15 minutes agad ang nauubos sa oras ko, buti na lang talaga hindi na ako nag hihilod, kapag maaga na lang ako nagigising kaya mga once in a blue moon lang yon. Oh well, maganda naman ang kutis ko. Ganun talaga pag pinag lihi sa baby johnson's powder, yung color pink, kaya pinkish ang cheeks ko pag naarawan. Makinis na mabango pa!

 

Kaya laging itlog o hotdog lang almusal ko para mabilis mag luto, tapos bahaw na lang yung kanin. Kapag sobrang late na talaga, bumibili na lang ako ng pandesal o kaya Rebisco. Kapag medyo may konting ipon ako, Oreo tapos nag babaon ako ng gatas, tapos isasawsaw ko yung Oreo sa gatas, parang pastillas na choco flavor. Sarap!

 

Sa araw araw, lagi akong buzzer beater bago isara ang gate, but in a good way, naging very athletic ako, hindi ko na rin kailangan mag diet kase sinusubok talaga ako ng panahon tuwing papasok sa school, feeling ko lagi akong nasa action movie, malayo pa lang ako iniisip ko na kung saan ako lulusot sa madaming tao.

 

Tinatakbo ko na lang kase papasok ng school. Ang mahal na din kase ng tricycle, dati sampung piso lang, ngayon bente na, inflation problems at sobrang pag taas daw ng langis. Sayang din ang bente, pang canton in a mini cup ko din yun e

 

Pero eto na ata ang karma ko sa pakikipag laro sa oras, kasalanan talaga 'to ng dalawang nag chichismisan na schoolmates ko sa gitna ng daan e, sinubukan ko silang iwasan kaya naman nabunggo ko yung nasa gilid nila. Hindi kase kita sa view ko na may tao pala sa likod ng dalawang chismosa kong schoolmate

 

Nabunggo ko lang naman ang crush ng bayan na si Miss Karina Yu. Sa kamalas-malasan pa, sobrang lakas ng pag kabunggo ko, napaupo pa siya at nag sihulugan ang gamit niya. Tutulungan ko sana siya tumayo at inoffer ko ang kamay ko pero tinignan niya lang yon at tumayo mag isa.

 

Shet! Ayaw ko na talaga!

 

Iwas pa naman talaga ako sa kanya, maliban kasi sa maraming chismis na masungit siya, nasample-an na rin ako ng kasungitan niya. Ni-comfort na lang ako ni Gigi. Nilibre niya ako ng kwekkwek.

 

Hindi ko pa rin kase matanggap na inaway-away ako ni Karina dati kahit literal na napadaan lang naman ako. Nabigla na lang ako ng kinabig niya ko at pinag salitaan ng mga masasakit na words. Pinag papawisan na tuloy ako, yun nga na wala akong kasalanan ay na trashtalk na ako. Paano pa kaya na ngayon na nabunggo ko siya?

 

Nag da-dalawang isip ako if tatakbo na ako habang busy pa siya sa pag kuha ng mga nahulog niyang gamit o tutulungan ko siya at tanggapin ang galit niya. Pero mas umiral ang anghel sa aking isip kaya naman tinulungan ko na lang siya mag pulot ng mga gamit. Medyo natagalan pa kaming dalawa dahil yung mga maliit niyang gamit gaya ng ballpen ay gumulung gulong pa ng may kalayuan sa sahig

 

"Pasensya na talaga Karina, hindi ko sinasadya! Mag start na kase yung klase, baka 'di ako umabot" sabi ko sa kanya habang inaabot ang libro niya, habol ko din ang hininga ko, hinihintay na ilabas niya ang galit niya

 

Agad niyang kinuha yung libro niya na inaabot ko, making sure na 'di mag dikit ang mga kamay namin. Sayang wala akong tiktok kimi no toriko moments, kahit one time lang po Lord. Tinignan niya lang ako ng saglit, kahit pahapyaw lang siyang tumingin parang na-judge na buong pag katao ko. Sobrang sungit talaga niya makatingin

 

"Nandadamay ka pa ng iba" sabay walk out ni Ate Girl

 

Mas ok na rin siguro yon kesa naman mag ratatat siya at awayin ako ng bongga. Kahit na dasurb ko yon

 

Pag dating ko sa klase, hindi ko masabi kung swerte ba ako o malas. Inumpisaha

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
544 streak #1
Chapter 2: Aguyy haha
Ardem_Joseph23
15 streak #2
Chapter 2: Kawawa naman si Katrina. Pero dyan naman si boss Winter. Alagang ritemed yan!
Topkangseul
#3
Chapter 1: Kadiri daw oh
ryujinie__
698 streak #4
Chapter 1: Subscribed and upvoted! 🥳