Unti-unti

Unti-unti
Please log in to read the full chapter

Ang bobo lang maging hopeless romantic. Pero kahit ilang beses pa mabigo, hindi mo talaga matatanggal sa sistema na maniwala sa love. Siguro, 'yon na 'yung flaw ni Wendy as a person kaya nga kahit ilang failed relationships at almosts ang dumaan sa buhay niya, hindi siya nasasawang suklian at punan lahat ng pagmamahal na nakukuha at binibigay niya. Hindi naman masama ang pagiging hopeless romantic, pero ang bobo lang talaga. Madalas.

 

Akala niya biro. Akala niya hindi seryoso. Akala niya hindi totoong ayaw na pala talaga ng girlfriend niyang si Jennie sa kanya.

Ayoko na, Wendy, pagod na 'ko talaga.

Nang binitawan ni Jennie ang mga salitang 'yon, hindi agad nag-sink in sa utak ni Wendy, siguro dahil ilang beses na rin nila sinabi 'yon sa isa't isa pero nagbalikan din naman sila, pero itong pang-huli na kahit ilang pagmamakaawa ang gawin, wala na talagang natirang pag-asa. Pag-asang magbabago pa ang sitwasyon nila at pag-asang may kapupuntahan pa ang pagtitiis sa relasyon nila. Akala niya, huli na talaga niya si Jennie. Minahal niya naman talaga exes niya, pero iba kasi si Jennie sa kanila, sa kanya lang kasi naranasan 'yung love na parang sa mga pelikula, 'yung bawat scene nakangiti at 'yung lagi silang masaya. Sa sobrang movie-like ng relasyon nila, movie-like lang din ang pagre-resolba nila ng mga problema. Konting halikan at romansahan, ayos na ulit, ngiti na ulit sa next scene. Kinaibahan lang, hindi happy ang ending nila tulad ng inaakala niya.

 

Ang hirap mag-move on at buti na lang nandito ang best friend niyang kayang palubagin ang loob niya, ang mayelo-yelo sa lamig na Pale Pilsen. 

 

"Ganyan ka talaga?" Tanong ng isang camerawoman sa kanya.

"Po?" Malamlam na sabi ni Wendy.

"Aga-aga nakasimangot ka," Natatawa nitong sabi habang nagtitimpla ng kape, "Bawal 'yan sa TV."

"Ahh...hindi po," Kunwari ngumiti si Wendy kahit wala talaga siya sa mood, tanging tumatakbo lang sa utak niya 'yung ex niyang hindi niya pa makalimutan.

"Intern!" At napalingon agad si Wendy dahil siya lang naman nag-iisang intern sa department na 'to. "Tawag ka ni Miss T!"

 

Alas-nuwebe natapos ang shift ni Wendy at parang kating-kati magpi-pindot ang mga kamay para may i-text at tawagan. Gusto niya talaga gumawa ng paraan para mag-kausap sila, kahit mag-habal pa siya sa gitna ng EDSA gagawin niya, maparamdam niya lang na sincere siya at nag-eeffort talaga. Dahil marupok, dali-dali siyang sumakay sa motor at itinuro ang address kung saan sila huling nagkita. Dasal-dasal na lang talaga habang binabaybay nila ang edsa. Kapag nalaman ng magulang niya mga pinaggagagawa niya sa Maynila, sigurado, sampal aabutin niya.

"Ate, wala na bang mas bagong roses? Lanta na eh." Dumukot siya ng two hundred sa wallet, nagmamadali dahil mag-aalas diyes na.

"Ay 'ne, sa iba ka bumili kung mamimintas ka ng paninda." Nakasimangot na sabi ng tindera kaya inabot na ni Wendy ang bayad.

"Bahala na, okay na 'to." Bulong niya sa sarili sabay takbo sa iskinita.

 

Nagbabakasakali lang naman si Wendy. Hindi naman masama maging hopeful 'di ba? Kaya ganon na lang pagliwanag ng mukha niya nang nakita niyang pababa si Jennie sa hagdan ng apartment building na tinitirahan nila ng pamilya niya.

"H-hi." Ilang na bati ni Jennie, naka-krus ang mga braso sa dibdib at parang naaalangan sa presensya ni Wendy, "Para saan 'to?"

"W-wala, flowers for you lang." Hiyang sabi ni Wendy habang nakahawak sa batok.

"Dapat 'di ka na nagpunta, gabi na oh, baka mapano ka pa."

"Hindi, okay lang. Gusto ko lang talaga ibigay."

"Next time, 'wag na ah? Delikado tapos galing ka pa sa shift mo."

"Uy, concerned." Nakangiti niyang sabi kaya inirapan siya ni Jennie.

"Parang tanga eh, umuwi ka na, Wen. Matutulog na rin kasi ako."

"Okay po."

Sapat na para kay Wendy na makita siya at masabihan na mag-ingat. May baon na ulit siya para magpatuloy huminga, ilang beses niya na kasi iniisip tumalon sa harap ng tren sa sobrang lungkot.

 

Isa na namang panibagong araw ang bumungad kay Wendy kaya naman nagmadali siyang mag-ayos para makapasok sa trabaho. Kagabi good mood siya dahil kay Jennie, baka sakali kasi na pwede pa at matakpan ang lamat sa "relasyon" nila. Nag-send siya ng good morning text sa kanya habang nag-aayos at umasa na may matatanggap din siya na reply. Nakapag-time in na nga si Wendy, pero kahit seen galing kay Jennie, wala. Dumilim na naman mundo niya at nakasimalmal ang kanina lang nakangiting mga labi.

"Intern, patulong naman oh."

Ibinulsa ni Wendy ang phone at sumunod sa camerawoman, "Sige po." Pumasok sila sa isang kwarto at tumingin-tingin nga sila sa paligid, "Ano po ba 'yon?" Nag-abot ang camerawoman ng doughnut saka sumenyas ng shh, "Oh...thank you po."

"Mag-smile ka na." Kumindat ang camerawoman saka lumabas at parang kinilig nang slight si Wendy, pero siyempre, Jennie pa rin talaga. 

Hindi na nag-isip si Wendy ng kung ano pa man at nilantakan agad ang tinapay saka lumabas na rin, "Beh!" Hindi pa nga siya nakakalunok sa kinain na huling kagat kaya muntik na siya mabilaukan nung may tumawag sa kanya, "Hoy Wen!"

Parang oso talaga 'tong ka-intern niya na si Seulgi, bilis ng pang-amoy kapag pagkain, "Mmh?"

"Ano ginagawa mo sa room?" Sinabayan niya siya ng lakad at nakatingin nga sa kabilang side si Wendy para hindi halata na ngumunguya pa siya.

"Ah, may inayos lang."

"Sabay tayo lunch mamaya ah?"

"S-sige ba," Nakangiti niyang sabi. Introvert talaga si Wendy at nagpapasalamat siya na unang nag-approach si Seulgi para kaibiganin siya. Hindi rin kasi madali na makipag-interact ngayon lalo na na may iniisip siyang malalim, madali siyang mapagod at puro Jennie na lang nasa isip niya.

 

"Cut!" Sigaw ng direktor at nakapag-relax na nga ang crew sa studio. Inalis ni Irene ang mata sa camera pati na rin ang headset na nakasuot sa tenga niya. Pang-ilang beses na ngang take at ngayon lang nakuha ng direk ang gusto, nakaramdam siya ng antok kaya naman umalis siya sa upuan at pumunta sa may timplahan ng kape. Naghanap siya ng 3 in 1, pero mukhang inubusan siya ng mga kasama kaya naman naisip niyang magpunta sa convenience store mamaya.

"Umm, ito po oh, baka gusto niyo." Lumingon si Irene at nakita na inaabutan siya ng intern ng hot choco mix.

"Pwede na," Nakangiti niyang sabi, "Akin na 'to, intern?"

"Opo," Ngumiti rin siya, "Wendy na lang po."

"Irene. 'Wag ka na mag-po, nakakatanda naman masyado, mukhang 'di naman tayo nagkakalayo ng age," Isinalin niya sa baso ang mix at naglagay ng mainit na tubig, "Thank you ah." Tumango si Wendy at dahil wala na masabi dahil introvert nga, tumalikod na siya para umalis.

 

Nag-out na si Wendy sa studio at sumakay na ng elevator pababa ng building. Iniisip na naman niya kung pupuntahan niya si Jennie, hindi na kasi siya nakikipag-usap talaga at natatakot si Wendy na baka may kapalit na siya. Nag-book na nga siya ng motor at dahil alanganing oras, wala pa nag-accept.

"Pst!"

Napatingin si Wendy sa sumuwit, "Uy, 'Te Irene."

Tinapon nga ni Irene ang upos ng yosi sa daliri at lumapit, "Pauwi ka na?"

"A-ah, oo. Ikaw ba, ate?"

"Gusto mo sumabay kumain? 'Di pa 'ko nag-dinner eh."

Tumingin si Wendy sa phone, wala talaga nag-accept. Siguro sign na 'yon para hindi siya tumuloy, "Sige, g," Sumakay na sila sa kotse ni Irene at komportable namang naupo si Wendy sa harap, "Sosyal mo naman."

"Luh, hindi ah. Bigay 'to ng magulang ko, hindi ko pera 'to."

"Kahit na," Sinuot ni Wendy ang seatbelt at tuluyan na nag-drive si Irene palabas ng parking, "Lahat kami commute ikaw lang may car."

"Ampucha, kulit ng batang 'to." Natatawang sabi ni Irene.

 

Tingin nang tingin sa phone si Wendy habang nag-oorder si Irene, parang sinusundot pwet niya at stalk nang stalk kay Jennie. Tumikhim si Irene pag-alis ng waiter kaya naman ibinaba ni Wendy ang phone. Dumukdok siya sa table, parang nawawalan na ng pag-asa. 

"Tsk, masama 'yan, baka lumayo pagkain."

"Haaay, kapagod naman kasi araw na 'to, gg na lang palagi si direk."

"Ganon lang talaga 'yon, masanay ka na dahil may mas malala pa kay Direk Boa."

"Tagal ka na sa network, ate?"

"Mag-three years na?"

Napansin ni Wendy, medyo dumadaldal na siya. Parang mas komportable pa siya kay Irene kaysa sa ibang ka-intern niya. First and foremost, ang ganda kasi, approachable pa tas walang arte. "Ilang taon ka na ba?"

"Hindi pa naman lumalampas sa kalendaryo."

"Ah ganon? Tanda mo na pala." Biro niya habang pinaglalaruan 'yung tissue.

Napailing si Irene at pinalo pa siya sa balikat, "Bastos kang bata ka, bata pa rin ako no."

Natawa si Wendy at nagtanong, "Pero may jowa ka na?"

"Wala," Dumating na ang order nila kaya naman nagsimula na sila kumain, "Saan pala school mo?"

"Sa SM."

Ang bait talaga ni Ate Irene, hinatid niya pa si Wendy sa tinutuluyang dorm kahit malayo ang iikutan niya pauwi, hindi alintana kahit mataas ang presyo ng gasolina. Mukhang may bago nang friend si Wendy, ang loner niya kasi at mas feeling alone siya na wala na si Jennie kaya naman talagang malaking bagay na may nakakasama siya at nakaka-kwentuhan. Okay naman si Irene, very chill kasama at walang kuskos balungos kaya naman nakaka-distract din sa mga iniisip ni Wendy.

 

Bago magsimula ang shooting, nag-usap usap muna ang mga staff at crew. Si Wendy naman nakikinig lang sa isang tabi habang nagj-jot down ng notes. Tumabi si Irene sa kanya at ipinatong ang si

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
giegiwellplayed #1
Chapter 1: Agoi moments
SEEKER_
#2
Chapter 1: Natyempuhan kasi si Wendy kasi malungkot at mag-isa sya kaya nung nagkaroon ng komportableng presensya na mapapaglalabasan ng mga hinanakit sa buhay, nakapagpapasaya sa kanya akala nya new chapter na yon. Di ko rin naman sya masisi lalo na maganda si irene.

I think dahil mahirap nga makahanap ng friend sa set since fast paced lahat and since may position si irene sa set kaya medyo intimidated sa kanya yung mga tao. Kaya nung nakahanap sya ng komportable kausap naaliw na sya. Honestly, i do think na alam na ni mother earth na bet na sya ni bagets kaya sya na rin yung umiwas, i mean sya na rin nagsabi na di nya bet mas Bata sa kanya. Feeling ko lang talaga bored sya haha. Madalas.
Baechu34 #3
Happy wenrene day po! Char! Pero sobrang relatable po. Yang mga pa-fall talaga dapat paulit-ulit na ibagsak sa 40th floor sa afterlife as punishment eh.
anothersabstory
#4
Chapter 1: sakit naman
taintedcolor #5
Chapter 1: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1542326/1'>Unti-unti</a></span>
irene can be at fault here tho, di naman aasa si wendy kung di lang nagbibigay si madam ng mixed signals. wendy literally shared her karupukan and irene should've taken a hint to avoid being labeled as a ghoster
paradoxicalninja
#6
Chapter 1: bye iiiyak ko lang po sa gedli. happy wenrene day? </3

ps. otor hindi pa tapos wenrene day pwede pang may part 2 hahahaha 😔
yujiminthusiast
#7
Chapter 1: bat po kayo nananakit :( *upvotes
PANDANDAN
#8
Chapter 1: hayyysss mga pa-fall talaga, minsan na nga lang sumaya eh😢