Ma'am Karina.

Patagong tinatago

Winter's POV

Tatlong buwan.

Tatlong buwan na ang nakakalipas simula nung napalipat ako sa team nina Karina, tatlong buwan na ang nakakalipas at mabuti naman't wala parin silang alam tungkol sa buhay ko, at hindi sila ganong ka chismosa kagaya nung mga nauna kong team mates. Hindi naman sa misteryoso akong tao, sadyang hindi lang para sakin ang makipaghalubilo sa ibang tao, wala napilitan lang eh. Minsan pumasok ako sa office na kagagaling lang sa meeting sa isa ko pang trabaho kaya lahat sila naka tingin sakin na pumasok ako ng nakaformal, after noon kailangan kong lumipad pa Hong Kong para ayusin ung mga papeles kaya isang linggo akong hindi nakapasok, may isang beses ding pumasok ako diretso galing party dahil kailangan kong makipag halubilo sa mga investors. Napapansin kong bumababa na ung performance ko, at nahihiya ako sa kanila dahil pati team nila bumababa ung KPIs gawa ko. 

"Winter, usap tayo mamaya after shift" Banggit sakin ni Karina pagka upo ko sa upuan, graveyard shift ngayon, kaya lalong hindi ko kinakaya, hindi ako sanay na gising ng hanggang ala-sais nang umaga. 

"okay" Sagot ko sa kanya at binuksan na ung PC ko, aaminin ko hindi ako okay, babago palang ako na nakakaadjust dito pero dahil hindi lang naman ito ang trabaho ko pagod na pagod na ung katawan ko, pati ung utak ko pagod na pagod na din kaya hindi ko magawang makipagusap sa kahit kanino.

Natapos ang shift at pinapunta ako ni Karina sa meeting room.

"Okay ka lang ba?" Pagtatanong sakin ni Karina. Hindi man lang ako pinaupo, gets ko, mukhang gusto narin naman n'yang umuwi.

"Oo naman, Bakit?" Mahinahong sagot ko sa kanya

"ano kasi pansin ko lang ever since nag shift tayo to GY biglang bumaba ung energy mo? Pati ung performance mo medyo pumapanget na din, 2 weeks palang tayong GY meron ka nang 1 negative feedback at 1 OTD na job, pero di naman ganyan ung performance mo nung mga nakaraang buwan, hindi ka ba sanay mag puyat? If yes, do you want me to request na ilipat ka ng shift para hindi ka mahirapan? if no naman care to tell me anong problema mo???" Sagot ni Karina

"Sorry, ma'am, hindi po talaga kasi ako sanay mag puyat, tapos nagka problem pa sa bahay kaya nahihirapan din ako mag adjust siguro? Alam ko pong nakaka baba din ng performance as a team kapag may isang pumapanget ang performance, pasensya na po, susubukan ko maging okay po the next few days, kailangan ko lang po sigurong mag adjust." Sagot ni winter

"Tell me ha if you want to change shift, kasi I can talk to our shift lead and ask you na ilipat muna if nahihirapan ka talaga. Okay lang yun ha." Pagaassure ni Karina

Ilang minuto lang ung pag uusap namin, pag tingin ko ng telepono ko nandon na ung driver ko sa baba, may need pa akong ayusing papels, dahil may meeting parin ako ng alas nuebe ng umaga.

Tinanong ni Karina kung pupwede ba s'yang makisabay sa akin, nahihiya naman akong humindi, kaya wala akong choice kundi isabay s'ya. Buti nalang lumusot sa kanya ung sabi kong grab ito. Siguro na offend s'ya nung napalakas ang sabi ko na "hindi na" nung sinabi nyang bababa na lang s'ya sa bahay ko at doon na magbbabyahe.

Nagpaalam na ako sa kanya, at tuluyan ko nang isinara ung bintana ko.

------

. Di ko pa naayos ung papeles ko, nasa byahe pa rin ako, at may meeting pa ako ng alas nuebe. Nag papanic na ako. tapos friday morning pa, napaka traffic sa EDSA.

"Kuya, paderetso nalang po ako sa office sa BGC." Pagsasabi ko sa driver ko.

Ininput naman agad ni kuya lance ang address ng opisina ko sa Waze at nag patuloy na kami sa byahe.

"Ma'am nag iintay na po sila." Bungad ng secretary ko pag dating ko sa opisina

"sorry for making you wait." Sabi ko pagkabukas ko ng pinto

"Need natin pag planuhan ung sa bidding para sa ginagawang malaking gusali dito sa BGC, sa lunes na ang bidding non, nacheck mo na ba ma'am ung mga papeles? Engr. Winter?" Pag tatanong sakin nung isa kong katrabaho

"Yup, I checked them all. I have already sent the revised version to everyone's email. You can just check it and see if there's something you oppose..." Sagot ko naman sa kanila.

"...If there are no objections, you can all continue working. I'll be here if any of you have any questions." I smiled and went inside my office. Hay salamat makakapag pahinga din.

----

Ngayon bago n'yo pa ako tanungin bakit dalawa ang trabaho ko, eto na nga't sasabihin ko.

Taboo saming pamilya ang pagiging bakla. Typical mayayaman na pag nalaman mong bakla ung anak mo palalayasin ka. Matagal ko ding tinatago to, eh nahuli ako ng tatay ko na may ka date na babae sa mall. I tried to deny it, pero I can't help myself na hindi maawa sa girlfriend ko kasi bakit ko ba s'ya itatago? Eh wala namang masama sa pagmamahalan namin, di ba? So 'yun inamin ko sa tatay ko sa gitna ng mall na girlfriend ko ung kasama ko at nagmamahalan kami. Dagdag ko lang pari ung kapatid ko kaya talagang g na g ung mga magulang ko. 

Pinaglaban ko ung  relasyon namin and it cOST me A LOT, when I said a lot, it costed me our house, my mana (lol) anyway. Pinalayas ako sa bahay, they basically disowned me. I need to support myself financially kaya ako nagtrabaho bilang isang call center agent, tried to apply sa mga construction industries pero to my surprise, hindi nila ako tinatanggap kahit ang ganda ganda ng CV ko, turned out blinocklist ako ng sarili kong tatay para hindi ako makapag trabaho sa ibang construction companies. Galing di ba?

3 months after nakipag break sakin ung girlfriend ko, pinagpalit parin ako sa talong at dahil wala na daw akong pera, putangina dibaa? Pagkatapos kong ipaglaban malalaman ko pera lang pala ung habol sakin hahahahaha. Anyway nagmakaawa ung tatay ko na bumalik ako sa companya dahil nalulugi na sila. Hindi naman sa pagaano pero ako ang pinaka magaling nilang empleyado, lahat ng bidding competition na hawak no, naipapanalo ko. Eventually I moved back our house (kahit para lang akong hangin don at hindi pinapansin, hindi sinasabihan na mag didinner na pala, para akong boarder na hindi nila kakilala) and started working na ulit sa company namin. 

Habang nangyayari lahat ng 'yon, nag wowork parin ako sa call center, kaya siguro drain na drain ako dahil sa mga bagay na nasa paligid ko, and as the panganay, ginagawa ko ang lahat magisa as much as possible kasi ayoko din namang maging burden sa mga tao sa paligid ko. Plano ko na sanang mag awol sa call center ko dahil maliit lang naman ung sahod, 18,000 lang sinasahod ko don tapos dito sa company namin sumasahod akong mahigit isang daang libo. Pero hindi ko magawa, siguro dahil masaya ung mga katrabaho ko, tsaka nararamdaman ko ung pagtrato nila sakin equally, tsaka siguro dahil din cute si ma'am Karina.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
mamamo_onbyul
Back to back update!!!! Yehey, ayoko ng slowburn so mag dito na magsstart ang love story ng mga bading: baka may suggestion kayo anong restaurant sila unang mag ffirst date? :p

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
#1
Chapter 6: ahahahahhaahahha awit gago laptrip aminan agad ah
Kannakobayashi09 12 streak #2
👀
howdoyouknowmee
547 streak #3
Uyy