Ano kaya yun?

Patagong tinatago

Tatlong buwan.

Tatlong buwan na ang nakakalipas simula nung napalipat si winter sa team namin, tatlong buwan na ang nakakalipas at wala parin akong alam na kahit ano tungkol sa kanya, hindi naman sa pinakekealaman ko ang buhay nya, it's just me being a chismosa... charot! Sobra kasi n'yang misteryosang tao, may isang beses na pumasok s'ya sa office na sobrang naka ayos, tapos nag half day tapos hindi na pumasok nang isang buong linggo, may isang beses ding pumasok s'ya na amoy alak kaya napaka pangit ng performance n'ya, gusto ko s'yang kausapin at tanungin kung okay lang ba s'ya dahil s'yempre nakakasama din ng score sa team namin kapag may isang aanga anga.

"Winter, usap tayo mamaya after shift" Banggit ni Karina pagka upong pagkaupo ni winter sa kanyang upuan, Graveyard shift sila ngayon at lahat sila'y sabog na sabog buti na lamang ay wala gaanong trabaho ngayon kaya kahit lutang sila, nakaka pag kwentuhan sila at nakakapag break ng ayos.

"okay" un lang ang sagot ni winter at agad n'yang binuksan ang kanyang computer.

"Okay lang ba yang si winter?" Tanong ni Giselle kay Karina "nung nakaraang buwan nakikipag halubilo s'ya satin ngayon di na naman tayo kinakausap... tsaka chineck ko soc med n'ya... wala s'yang social media..." Dagdag pa nito

"Hindi ko alam, kakausapin ko na nga mamaya kasi pumapanget ang performance n'ya." Sagot ni Karina habang pinapanood nila si Winter na naglalakad palabas ng office nila para ata pumunta sa pantry or sa CR.

Makalipas ang 8 oras, 30 mins nalnag patapos na ang shift nila, mag 6am na, kaya niremind n'ya si  Winter na wag muna umuwi dahil need nila na magusap. Matapos nilang mag log out at mag shutdown ng kanilang mga sari sariling PC, agad nang pinapunta ni Karina si Winter sa meeting room upang kausapin

"Ok ka lang ba?" Bungad na tanong ni karina kay winter

"oo naman, Bakit?" Sagot naman ng dalaga

"ano kasi pansin ko lang ever since nag shift tayo to GY biglang bumaba ung energy mo? Pati ung performance mo medyo pumapanget na din, 2 weeks palang tayong GY meron ka nang 1 negative feedback at 1 OTD na job, pero di naman ganyan ung performance mo nung mga nakaraang buwan, hindi ka ba sanay mag puyat? If yes, do you want me to request na ilipat ka ng shift para hindi ka mahirapan? if no naman care to tell me anong problema mo???" Sagot ni Karina

"Sorry, ma'am, hindi po talaga kasi ako sanay mag puyat, tapos nagka problem pa sa bahay kaya nahihirapan din ako mag adjust siguro? Alam ko pong nakaka baba din ng performance as a team kapag may isang pumapanget ang performance, pasensya na po, susubukan ko maging okay po the next few days, kailangan ko lang po sigurong mag adjust." Sagot ni winter

"Tell me ha if you want to change shift, kasi I can talk to our shift lead and ask you na ilipat muna if nahihirapan ka talaga. Okay lang yun ha." Pagaassure ni Karina

"Hindi na, gusto ko sa team na to bigyan mo lang akong ilang araw magiging okay din ako." Sagot ni Winter

"Oh sige, basta tell me if I can help you ha? As a Team leader I need to know kung kamusta na ung mga kateam ko at kung may maitutulong ba ako sa kanila. In the mean time, i'll help you adjust sa shift natin, mas tututukan kita, sabihan mo ko pag inaantok ka para mabatukan kita." Ngumiti si karina at nag motion na babatukan nga si winter making winter to squint her eyes. Karina just laughed, and asked her san s'ya uuwi baka pupwedeng magsabay na sila. Hindi maka sagot ang dalaga at nginitian na lamang nito si Karina. Pag baba nila ng lobby may naka abang na puting vios sa labas ng pinto agad namang pumasok si Winter sa sasakyan,

"ano pang hinihintay mo? kala ko ba sasakay ka?" Sabi ni winter kay Karina.

"san ka nakatira?" tanong ni winter kay karina

"Ano to? Nag grab ka nang hindi naka lagay ung loc ko???" Sagot naman ni Karina sa dalaga

"Ah, oo pasensya bigla ka kasi nagsabi na sasabay k eh nakapag book na ako." Kamot ulong sabi ni winter habang naka awkward na ngiti kay Karina

"Hindi ibaba mo nalang ako sa bababaan mo tapos mag babyahe nalang ako pa apartment ko." Suggestion ni Karina

"HINDI NA." Napalakas na sagot ni winter "... ihahatid ka nalang namin sa apartment mo ako na ang bahala kay kuya grab, sabihin mo nalang ung address mo para malagay natin sa waze, para hindi ka narin mahirapan." Grabe maka tanggi tong si ate mong girl hindi naman ako makkikitulog sa bahay neto. sabi nalang ni karina sa sarili niya. 

After 20 mins naihatid na ni Winter si karina sa bahay niya, agad namang ngumiti si Winter at nagpaalam kay Karina.

-------

"That's like the longest ride home of my life... sobrang awkward hindi kami nag uusap the whole ride." Pag chichika nito kay Giselle "... Bakit kasi hindi mo pa ako inintay!!" dagdag naman nito, nakatira sila sa iisang apartment para menos gastos at para din may kakilala na s'ya 

"That's your time to ask her questions!! kung single ba s'ya, or may boyfriend, or kung bakla at pupwede mo bang maging girlfriend!!" pang aasar ni Giselle kay Karina

"Sira ulo ka talaga matulog ka na nga" Sinipa ni Karina ung kama ni giselle (nasa bunk bed sila) at tumagilid na at humiga.

At dahil day off n'ya na din naman napag pasyahan n'yang hanapin si winter sa social media, may messenger kasi s'ya pero wala namang facebook, instagram, or even twitter. Sobrang nag spike ung curiousity n'ya sa dalaga dahil nga sa ka misteryosohan nitong tinataglay, hindi n'ya namalayan ang oras at alas dose na pala ng tanghali, binitiwan na n'ya ang kanyang telepono at nagmuni muni hanggang sa s'yay makatulog

"Meron talagang tinatago itong si Winter, ano kaya yun?"

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
mamamo_onbyul
Back to back update!!!! Yehey, ayoko ng slowburn so mag dito na magsstart ang love story ng mga bading: baka may suggestion kayo anong restaurant sila unang mag ffirst date? :p

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
#1
Chapter 6: ahahahahhaahahha awit gago laptrip aminan agad ah
Kannakobayashi09 12 streak #2
👀
howdoyouknowmee
547 streak #3
Uyy