- 4 -

Mananatiling Ikaw
Please Subscribe to read the full chapter

"Hi, VP!" masiglang bati sa 'kin ni Sungchan pagpasok ko pa lang sa loob ng silid.

Mayroon siyang mga papel na nakapatong sa mesa niya, at tila ba marami inaasikaso.

Ang balita ko, siya raw palagi ang nauunang pumasok sa lahat ng mga kaklase namin. Hindi pa ako sigurado ro'n dati dahil akala ko ay nagbibiro lang ang mga kaklase ko, ngunit ngayon na nasaksihan ko siyang nag-iisa ngayon sa loob ng kwarto ay kaagad naman akong sumang-ayon.

Kauna-unahan namin itong klase, na kung tutuusin ay mamaya pang alas otso ang simula, pero mag-aalas siyete pa lang ay nandito na kaming dalawa.

Sakto rin naman na walang naunang klase bukod sa klase namin kaya't pupwede pa kaming maghintay ng panandaliang oras.

"H-Hi." nahihiyang sagot ko at naupo sa upuan na  nakapuwesto sa gitna ng klase.

"Bakit pala ang aga mo?"

Halata sa mukha niya na hindi siya sanay na nauuna akong pumasok. Kitang-kita kasi ekspresyon niya ang pagtataka dahil napa-aga ako ng dating. Dahil sa harapang linya siya nakapwesto ay kinakailangan niya pa akong lingunin sa likuran para masilayan. Isa na siguro 'yon sa mga dahilan kung bakit bigla siyang tumayo mula sa upuan niya, at naupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Hindi naman siya lumapit sa 'kin nang sobra. Ramdam ko naman na pinananatili niyang ligtas 'yung layo namin mula sa isa't isa.

"Naparami yata ako ng ininom na kape kagabi dahil sa trabaho kaya hindi ako nakatulog buong gabi."

Napangiwi na lang ako dahil sa palusot na binanggit ko.

Ang totoo niyan ay wala talagang epekto sa 'kin ang kape, dahil siguro sa sobrang hilig ko rito o marahil halos araw-araw akong puyat. Wala akong ideya, at wala rin akong planong alamin.

Ang totoong dahilan lang naman kung bakit hindi ako nakatulog kagabi ay dahil sa ingay na narinig ko mula sa katabi kong kwarto sa apartment. Sa palagay ko ay alam nilang walang bantay ang apartment kagabi dahil wala si Ma'am Irene. Sinamantala nila ang pagkakataon na mag-imbita ng mga kaibigan upang makasama sa inuman.

"You mean, wala ka pang tulog?"

Tumango lang ako nang mahinahon sa kaniya.

"Aren't you overworking yourself? Baka mapa'no ka niyan?" pag-aalala niya, nakatingin din siya sa 'kin na para bang maamong tupa, "Try mo kayang umidlip muna ngayon? I'll wake you up once na dumating yung prof."

"Talaga?" kaagad na nagliwanag ang mga mata ko sa alok niya.

Ang orihinal na plano ko talaga kung kaya't pumasok ako nang maaga ay para matulog, pero naisip ko na nakakatakot din ako kung mag-isa lang ako dito sa loob; baka kasi kung anong isipin ng ibang tao na makakakita sa 'kin.

Mabuti na lang talaga at nandito si Sungchan, mas magiging komportable ang tulog ko kahit pa kulang isang oras lang.

"Salamat! Nag-aalala rin kasi ako kanina kung makakatulog akong mag-isa rito."

Ngumiti lang siya nang marahan sa 'kin—dahilan para mapangiti ako sa kaniya pabalik.

'Di ko maipaliwanag nang mabuti kung pa'no nagagawang mangusap ng mga mata niya; 'yung tipo na wala naman siyang binabanggit gamit ang bibig niya, pero para bang naintindihan ko kaagad ang mensahe na gusto niyang iparating. Parang gusto niyang ipaalam sa 'kin na, ​​​​'ayos lang', pwede ka mamahinga sa tabi ko.' Parang gano'n ang dating ng mga tingin niya.

At aminin ko man o sa hindi, naging panatag ako sa tabi niya nu'ng maramdaman ko na dahan-dahang bumababa ang ulo ko sa mesa at mahimbing na nakatulog.

 

——

 

"Winter,"

Nakaramdam ako nang malumanay na pagtapik sa braso ko na naging dahilan nang dahan-dahang pag mulat ng aking mga mata.

"Wake up, Ma'am Garcia is coming." 

Bumungad sa paningin ko ang mukha niya na halata namang pinagtuunan ng oras ng Diyos nu'ng mga panahong nililikha pa lamang siya.

Para tuloy akong sinikatan ng araw kahit nandito lang kami sa loob ng aming silid.

"Karina.."

"Yes, it's me," ngumiti pa siya sa 'kin dahilan para manlaki ang mga mata ko—kasabay nang pagbalikwas ko sa aking kinauupuan, "Wake up na."

Wala pa ako sa wisyo nu'ng tinawag ko ang pangalan niya. Ang buong akala ko ay nananaginip pa ako. Mali ba ako ng alala? Hindi ba si Sungchan ang nasa tabi ko bago ako matulog?

"Nasa'n si Sungchan?" wala sa loob na tanong ko.

Tumingin ako sa kaniya, pero nanatili lang din siyang nakatitig sa 'kin. Hindi ko alam kung nabingi lang ako o sadyang tumahimik ang paligid. Ilang segundo na ba ang lumipas? Segundo nga ba o minuto na simula nu'ng nabanggit ko ang katanungan ko, pero wala pa rin akong naririnig na sagot mula sa kaniya.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto. Noon ko lang napansin na ang dami na palang estudyante ang nakapasok dito sa loob, ngunit hindi ko sila naramdaman. Binaling kong muli ang atensyon ko sa babaeng ngayon ay mukhang nagulat sa naging reaksyon niya.

"S-Sorry, I spaced out for a moment." umiiling na sagot niya.

"Talaga ba, Winter? Si Sungchan agad ang hinanap pagkagising na pagkagising pa lang?"

Napakunot ang noo ko nu'ng mapansin ko na nasa tabing upuan pala ni Karina si Ningning; na ngayon ay labis ang pang-aasar sa 'kin. Kasunod din naman ni Ningning sa upuan si Chaewon, kumaway lang ito sa 'kin at natatawa dahil sa kalokohan ng nasa tabi niya.

"Nakaka-inis ka!" pabiro kong bulyaw kay Ningning ngunit tinawanan lang niya ako.

"He's over there," tinuro pa ni Karina si Sungchan na ngayon ay naka-upo na muli sa orihinal na pwesto niya, "He insisted to stay by your side kanina. Sinabi ko na lang na ako na ang gigising sa 'yo para hindi na siya maabala."

Sumang-ayon na lang ako sa sinabi niya dahil nakakahiya na rin kay Sungchan. Mukha pa namang marami siyang inaasikaso kanina. Nahiya na lang siguro siyang tumanggi sa 'kin.

"Here, take it," bulong pa niya sa tabi ko habang inilalapag ang isang baso ng kape sa ibabaw ng mesa, "I happened to come across a nearby cafe, and naalala ko na you love coffee."

"S-Salamat."

Nakainom na talaga ako ng kape kanina, pero sino ba naman ako para tumanggi kung kape na ang usapan? Lalo na't siya pa ang nag-alok sa 'kin.

"You look exhausted. Are you okay?" 

Ngumiti lang ako nang pilit sa kaniya, kahit alam ko sa sarili ko na alam din niya na hindi maganda ang pakiramdam ko—lalo pa ngayon na nangingitim ang ilalim ng mata ko dahil sa kakulangan ng tulog.

"Ayos lang ako, medyo napagod lang siguro sa trabaho." nakangiting paliwanag ko sa kaniya,  ngunit mukhang hindi siya kumbinsido sa naging sagot ko.

Nakatuon lang ang paningin niya sa 'kin sa buong oras na hinihintay namin ang pag dating ni Ma'am Garcia. Hindi ko alam kung ilang minuto rin ang lumipas pero ang masasabi ko lang ay naramdaman ko kung gaano kabigat ang titig niya—yung tipo na parang malulusaw na ako sa kina-uupuan ko. Bumaling lang ang atensyon niya sa klase nu'ng dumating na si Ma'am Garcia sa loob ng silid.

Nakahinga ako nang maluwag, ngunit ramdam ko pa rin ang pamumula ng pisngi ko dahil sa pag-titig niya sa 'kin.

 

——

 

"Karina, nasa'n sina Ning at Chaewon? Hindi man lang nagpaalam sa 'kin." 

Lumingon ako sa loob ng silid at iilang estudyante na lang ang naiwan, kabilang na si Karina. Lumabas lang ako sandali para mag banyo ngunit pagbalik ko ay wala na sila.

"Nauna na, they have separate plans daw," lumingon siya sa 'kin at ngumiti, "What about you?"

"Ako? Baka sa apartment lang."

Kinuha ko na ang mga gamit ko upang maghanda na sa pag-alis. Naisipan kong silipin saglit ang cellphone ko at kaagad nagulat nang makita ko kung gaano karaming tawag ang naroon—ang lahat ay nasa pangalan nina Ningning at Chaewon. Nalimutan ko palang dalhin ang cellphone ko nu'ng nag banyo ako. Paniguradong magagalit na naman sila sa 'kin.

"I want to ask you if you wanna hangout, pero you look extremely tired, kaya I'll just let you rest." malumanay na ngumiti ito sa 'kin na para bang sinasabi niya na ayos lang na hindi ko siya masasamahan.

Pero bakit parang ang big

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
900 streak #1
Chapter 5: 😊😊😊😊❤️
Etoile__
359 streak #2
🥳🥳🥳🥳🥳
tenixwnrn #3
congratulations promoted.
barontagalog #4
promoted 👏
EzraSeige
#5
Congrats po otornim promoted 👏👏👏😀💙❄
greatonceu
#6
Chapter 5: Chapter 5: waaahhh sobrang ganda huhuhu nanakit ang mga pisnge ko kaka smile sa bawat nangyayari, feel na feel ko ang slowburn. I love the way you write po, author ʃƪ^3^ can't wait sa mga susunod na chapters \・◡・/
longgadog #7
Chapter 5: ouuuu so far so good
longgadog #8
Chapter 2: huy anong lovely ka jarn sissykorn
Vbjmyij #9
Chapter 4: Love the pacing, looking forward to this !
13luvsfriday
#10
Chapter 4: Ang ganda ng kwento