- 3 -

Mananatiling Ikaw
Please Subscribe to read the full chapter

"Okay..?"

"So, you're saying na may nakabangga ka sa exit ng campus kahapon, and Karina came to help you?"

Tumango lang ako sa interogasyon nilang dalawa at pilit na ngumiti.

"Sounds like a cliche movie scene to me." sagot ni Chaewon habang nginunguya ang pagkain niya dahilan para matawa si Ningning.

"Kamusta pala 'yang paa mo?"

Sabay-sabay kaming tumingin sa paa ko na ngayon ay hindi ko na nalagyan ng benda. Una sa lahat ay hindi ako marunong, at pangalawa, wala akong oras para asikasuhin pa 'yon dahil mahuhuli na ako sa klase. Alisin pa natin ang ideya na tanghali na akong nagising dahil hindi tumunog ang alarm ko sa cellphone.

"Ayos naman na. Kahit medyo hirap pa akong lumakad nang diretso, mas ayos naman na siya kung ikukumpara sa sakit niya kahapon."

"Mabuti naman," huminga pa si Chaewon nang malalim bago nagpatuloy, "Pero sana sa susunod, 'wag ka magpapapasok ng kung sino-sino lang sa apartment mo. You know naman na hindi na safe magtiwala nang basta-basta sa kung sino lang sa panahon ngayon."

"Tama! Gulat na gulat pa kaming dalawa ni Chaewon nu'ng nakita ka naming akay-akay ni Karina papasok ng classroom, kala namin kung ano nang nangyari sa 'yo."

"Yes, then after class bigla na lang naglaho."

Napayuko na lang ako sa sunod-sunod na bato nila sa 'kin ng mga kasalanan ko. Tinakasan ko na lang kasi sila kahapon pagkayari ng klase namin, at dumiretso na ako pauwi sa apartment. Alam ko naman na nag-aalala sila sa 'kin, pero wala na kasi akong lakas para magpaliwanag at magkwento tungkol sa mga nangyari. Masiyado na akong napagod sa dami ng mga kaganapan kahapon, at isa pa, alam ko rin na bobombahin nila ako ng mga katanungan tungkol kay Karina. Iniisip ko pa lang na mangyayari iyon ay parang hihimatayin na ako sa pagod.

"Pasensiya na, wala na talaga akong lakas mag-paliwanag kahapon kaya dumiretso na akong umuwi ng hindi nagpapa-alam." sagot ko para malaman nilang nag-tataas na ako ng puting bandera.

"Even still, kahit alam nating maganda si Karina, 'di ka pa rin dapat nagtiwala sa kaniya kaagad." pangaral din ni NingNing kaya't mas lalo akong yumuko sa kinauupuan ko.

"Ay eto pala ang chismis! Balita ko, Jeno was hitting on Karina kahapon daw?" 

"Why are you asking us? Bakit hindi siya mismo ang tanungin mo?" nakataas ang kilay na sagot pa ni Chaewon kay Ningning.

"Ang sungit naman 'te! Gusto ko lang naman ng chismis!"

"Oh? Kami hindi."

Natawa na lang ako sa pag-tataray ni Chaewon, samantalang si Ningning naman ay umismid na lang sa kaniya bilang sagot.

"Hello? Why are you guys talking about me like I'm not here?"

Napatigil kaming lahat sa kinauupuan namin nang magsalita si Karina na kasalukuyang nasa tabi ko.

Natatawa lang ito habang palipat-lipat ang tingin sa 'ming tatlo.

"Ay, nandiyan ka nga pala! Alam mo, hindi na kasi uso ang backstabbing ngayon, tawagin na lang natin siyang frontstabbing. Pero since nandito ka naman mismo, sige ikaw na lang ang sumagot," diretsong pananalita ni Ningning at uminom ng tubig mula sa tumbler niya, "What do you think of Jeno?"

Hindi sa gusto namin manghimasok sa personal niyang buhay, ngunit hindi na rin namin maiwasan kaya't napatingin na lang din kami ni Chaewon kay Karina, at inaabangan ang magiging sagot niya.

Siguro ay dahil na rin sa kilala namin ni NingNing si Jeno mula pagkabata, isa na siguro iyon sa mga dahilan kung bakit nag pantig ang mga tainga namin na maki-usiyoso sa kung ano'ng mayroon sa kanila.

"Jeno? Let me think," pinaibabaw niya pa ang kamay niya sa kaniyang baba na tila ba nag-iisip siya nang mabuti kung ano ang tamang isasagot sa 'min, "To be honest, he's not that bad. He's lovely, and he looks like a good man naman. He even offered to take me home yesterday."

Napahinto ako sa pag-subo ng ulam ko.

​​​​Lovely?

I find you lovely.

Napaiwas ako kaagad ng tingin noong marinig ko ang buong sagot niya.

Ilang sandali akong parang nanigas sa kinauupuan ko at pinipilit intindihin kung bakit umaalingawngaw sa isip ko ang mga katagang sinasabi niya sa 'kin kahapon. Parang may kung anong kakaibang pakiramdam sa tiyan ko na hindi ko maipaliwanag. Marahil ba nabalewala ang tuwang naramdaman ko sa sinabi niya kahapon dahil hindi lang naman pala ako ang sinasabihan niya ng mga salitang kagaya no'n?

Umiling ako nang sunod-sunod sa isipan ko.

Siguro ay sadyang ganito lang talaga ang paraan niyang makitungo sa mga taong gusto niyang maging kaibigan. Ngunit kung gano'n nga, wala rin naman palang espesyal sa salitang binanggit niya sa 'kin. Masiyado lang siguro akong natuwa dahil nakarinig ako ng gano'ng salita mula sa isang babae na kasing ganda niya.

"Omg! Bagay sila, 'di ba?" kinikilig na sigaw ni Ningning at siniko pa si Chaewon upang idamay.

"Yes, I bet magiging power couple kayo ng univ kung kayo man 'yung magkakatuluyan."

"Is that so?" sagot ni Karina at ngumisi lang pagkatapos.

Nanatili lang akong tahimik na naka-upo, samantalang sina Ningning at Chaewon ay tuloy lang sa pag-uusap.

Nang mapansin kong parang tumahimik din ang katabi ko ay kaagad akong napalingon para suriin ang kalagayan niya, at laking gulat ko na lang nu'ng pag baling ko ng tingin ay kaagad din namang nagtama ang mga mata naming dalawa.

Diyos ko.

Kanina pa ba siya nakatingin sa'kin?

"Pero, it's a good thing na you decided to hang out with us," bumaling ang atensyon ng lahat kay Ningning, "I mean, we're the best sa block natin 'no. Unless, gusto mong sumama ro'n kila Sharmaine na twice lang pumasok sa isang sem tapos half day pa."

"Huy, grabe ka!" pabiro ko siyang hinampas sa braso.

"True rin naman kasi. 'Di ba bali-balita pa na gusto nilang mag cutting sa klase ni Ma'am Santos pero nahuli sila?" sagot naman ni Chaewon.

"Really? Sayang." sagot naman ng katabi ko.

"Anong sayang 'teh? Bakit parang gusto mo namang hindi na mag-aral yung tao?"

"No! I mean, syempre it sounds funnier kasi kung nakalusot sila sa class since twice na nga lang papasok tapos mag cutting pa."

"Ah, gano'n ba? Kala ko naman eh." pagbibiro pa ni Ningning dahilan para mapuno ng halakhakan ang gawi namin sa cafeteria.

Napangiti ako nang palihim.

Ang saya ko lang na makita silang nagkakasundo. Gumaan ang loob ko nang tinanggap nila si Karina sa grupo na parang matagal na namin itong kakilala.

Sana ay magtuloy-tuloy lang ang ganitong pagsasama.

 

——

 

"Hello 'Nay?"

"Anak! Kamusta ka na diyan sa maynila? 'Yung kalusugan mo? Hindi mo naman pinapabayaan? Kumakain ka ba tatlong beses sa isang araw? Tama lang ba ang perang nakukuha mo mula sa skolar mo? Kung kailangan mo pa ng karagdagang—"

"Sandali lang, 'Nay! Hinay-hinay lang ho, ninenerbyos ako sa inyo parang hindi na ho kayo humihinga sa sobrang dami niyong katanungan." pagbibiro ko sa Nanay ko, kung kaya't tinawanan niya lang ako sa kabilang linya.

"Alam mo 'nak, nag-aalala lang kami ng tatay mo dahil ilang buwan na rin simula nu'ng huli ka naming nakita."

"Ayos naman ho ako rito 'Nay, 'wag niyo rin ho masiyadong alalahanin ang mga gastusin ko dahil sapat naman po ang perang nakukuha ko mula sa skolar."

Sa totoo niyan ay sapat lang ang perang iyon para makakain ako sa araw-araw, ngunit upang mabayaran ko ang renta ko sa apartment ay kailangan kong maghanap ng ibang pagkakakitaan. Sa ngayon ay nagta-trabaho ako bilang clerk sa isang convenience store hindi kalayuan sa apartment ko. Mas malayo ito kung ikukumpara sa 7/11 na halos katapat ko lang. Wala kasi silang bakanteng posisyon nu'ng nagtanong ako. Ngunit, laking pasasalamat ko na lang din na tumatanggap ng part timer ang pinasukan kong kumpanya, kung hindi ay malamang gumagapang na ako lupa para lang mabayaran ang lahat ng gastusin ko sa araw-araw.

"Mabuti naman kung gano'n. Basta kung kailangan mo ng karagdagang pera ay 'wag kang mahihiyang humingi sa 'min ng tatay mo. Panahon pa naman ng palay ngayon, kaya't nakakadiskarte pa kami ng kita sa bukid."

Pinilit ko na lang ngumiti kahit na nararamdaman ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko sa nakaraang buhay ko at binigyan ako ng sobrang mapagmahal na magulang. Alam ko sa sarili ko na hirap din silang bayaran ang mga gastusin sa bahay, ngunit kahit gano'n pa man ay hindi pa rin nila pinababayaan kaming tatlong magkakapatid. Kahit na alam nilang hirap silang kumita ng pera sa bukid ay gumagawa sila ng paraan upang mabigay lang ang mga gusto at pangangailangan namin.

"Ga

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
902 streak #1
Chapter 5: 😊😊😊😊❤️
Etoile__
362 streak #2
🥳🥳🥳🥳🥳
tenixwnrn #3
congratulations promoted.
barontagalog #4
promoted 👏
EzraSeige
#5
Congrats po otornim promoted 👏👏👏😀💙❄
greatonceu
#6
Chapter 5: Chapter 5: waaahhh sobrang ganda huhuhu nanakit ang mga pisnge ko kaka smile sa bawat nangyayari, feel na feel ko ang slowburn. I love the way you write po, author ʃƪ^3^ can't wait sa mga susunod na chapters \・◡・/
longgadog #7
Chapter 5: ouuuu so far so good
longgadog #8
Chapter 2: huy anong lovely ka jarn sissykorn
Vbjmyij #9
Chapter 4: Love the pacing, looking forward to this !
13luvsfriday
#10
Chapter 4: Ang ganda ng kwento