Fin.

A Bittersweet Encounter
Please Subscribe to read the full chapter

“Ma, alis na ako.” yan ang sigaw ko kay Mama nang matapos na ako sa lahat. Ngayon kasi ang kauna-unang pasok namin sa eskwela. Ayokong ma-late dahil first day of class nga.

 

“Mag-ingat ka, okay?” balik na sigaw naman ni Mama. Nasa banyo kasi siya ngayon kaya ganito kami, nagsisigawan.

 

Mag co-commute lang ako patungo sa aming eskwelahan. Nagsabi na kasi ako kay Mama na hindi na ako magpapahatid sa kanya, hindi niya na rin ako pinilit pa kaya ito ako ngayon, tamang naaantay lang ng jeep.

 

Makalipas ang ilang minuto, meron na akong nakitang jeep patungo sa aming school. Pinara ko ito at agad naman itong tumigil sa harapan ko. Hindi na ako nag aalinlangang sumakay. 

 

Habang nasa loob ako ng jeep, bigla namang tumigil ang sinasakyan kong jeep dahil may pasaherong sasakyan. Papasok palang ito nang bigla siyang nauntog. Kaya pumikit muna ako para pigilan itong sarili kong hindi matawa. 

 

Ilang sandali, minulat ko ang aking mata at nakita kong nakatingin ng masama ang babae sa akin. Hindi nagtagal, umiwas na rin ito ng tingin at agad niyang inilabas ang phone nito at tila ba may ka-text ito sa kanyang phone.

 

Nakarating na agad ako sa aming eskwelahan kaya agad na akong bumaba. Napansin ko namang bumaba rin ang babaeng nauntog kanina. Ngayon ko lang nakita na estudyante pala ito sa parehas kami ng eskwelahan na pinapasukan. Saka niya palang kasi nilabas ang kanyang I.D. mula sa kanyang bag. 

 

Papasok na ako at agad ko namang binuksan itong bag ko, chini-check kasi lagi ng guard. Minsan nga naiinis ako eh kasi tinusok-tusok lang naman nila, hindi talaga nila tinitignan ng maigi kung ano ang laman. Feeling ko nga pinapahirapan lang nila ako, eh. 

 

Charot. 

 

Nakakatamad kasi magbukas ng bag.

 

Nagtungo na agad ako sa building ko kung saan located ‘yung room ko. Hinanap ko ang aming room, at nakita ko naman agad ito kaya pumasok na ako. Sa ngayon, konti palang ang nandito.

 

Umupo na ako sa may likuran dito sa left side, dahil gusto ko talaga na sa likuran ako umuupo. Nang makaupo ako, timing naman na may bagong pumasok sa room. Pagkita ko sa mukha niya, ito ‘yung nauntog kanina sa jeep. Nagtinginan kami saglit, at nag-iwas na rin siya ng tingin.

 

Lumipas ang ilang minuto, marami-rami na rin ang mga estudyante ang nandito. Masyado na ring maingay ang classroom namin, parang ngang hindi first day of class eh.

 

Bigla naman silang nagtahimikan ng mag biglang magandang babae. Sobrang ganda niya talaga, at sobrang puti rin. Siya si Karina, ang crush simula pa last year.

 

“Mag kaklase kami?” tanong ko sa aking isipan.

 

Nakakagulat lang, hindi ko talaga alam na mag kaklase kami dahil sa pagkakaalam ko, nasa kabila ang classroom niya. Or maybe, maling classroom itong napasukan niya ngayon?

 

Pero parang hindi naman dahil umupo na ito doon sa may bakanting upuan na nasa right side. Marami ang nakatingin sa kanya ngayon. Sino ba naman kasi ang hindi? Sa sobrang ganda niya ba naman. Kaya nga crush na crush ko siya. Pero nakakagulat pa rin, parang na a-awkward ako dahil kaklase ko siya. Jusko.

 

Dumating na rin ang aming class adviser ngayon, kaya nasa kanya ang tingin namin ngayon. Marami siyang discuss about sa class namin. Binanggit niya rin ‘yung subject teachers namin, at meron pa siyang pinapakitang mga pictures nila. Maliban doon, diniscuss niya rin sa amin ang aming schedule, so for now, wala kaming klase dahil parang orientation lang itong nagaganap sa amin ngayon. 

 

“That’s all, class dismissed.” anunsyo ng aming guro, at agad na itong lumabas ng aming classroom.

 

Kung kanina ay sobrang tahimik ng aming classroom, ngayon naman ay sobrang ingay na. Porque wala ng guro. 

 

Tumayo na ako dahil pupunta na akong cafeteria ngayon. Nakapag-chat na rin kasi ako sa mga kaibigan ko na doon nalang kami magkikita. 

 

Nakarating na agad ako sa cafeteria at agad na akong pumunta sa kung saan talaga kami nakasanayan umupo. Kaya hindi na ako mag me-message muli kung saan ako umupo, dahil alam naman nila na dito na talaga kami umuupo.

 

Ilang sandali ang nakalipas, dumating na rin itong mga kaibigan ko. Meron silang dalang mga pagkain, kaya napangiti ako. Kakagawan naman ito su Aeri, akala mo talaga apo ni Henry Sy, eh. 

 

Chariz.

 

Mayaman talaga ’yang si Aeri, kapag nga meron kaming galaan, sagot na niya lahat eh. 

 

“Hi,” nakangiting bati sa akin ni Aeri, at agad niyang hinila ang upuan na nasa ko, sabay upo.

 

“Kanina ka pa ba rito, Min?” tanong naman ni Ningning.

 

Umiling ako, “Mga 5 minutes lang siguro.” sagot ko naman.

 

“So, kumusta first day of class?” tanong ni Sunoo, habang binubuksan niya ang cheetos. 

 

“Maayos naman, at meron kaming subject orientation mamaya. Nakakainis.” ani Aeri. 

 

“Alam niyo ba?” agad naman silang napatingin sa akin. Kita sa mukha nila na naghihintay nga ito sa aking sasabihin.

 

“Kaklase ko si Karina.” nagulat ang lahat, para silang hindi makapaniwala.

 

“Seryoso ba?” tanong ni Ningning na hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwala.

 

Tumango ko, “Hindi ba room 202 siya?” tanong ko. 

 

“Oo, ‘yun din ‘yung nakita ko sa list.” sagot naman ni Sunoo, habang nag e-enjoy sa pagkain ng cheetos.

 

“Ayiee, baka lumipat siya, Min, dahil alam niyang nandoon ka.” parang tanga talaga itong si Ningning.

 

“Manahimik ka nga, as if naman na kilala ako non.” sagot ko naman. Nakikita ko lang siya pero never pa kami nagkaroon ng interactions niya. 

 

“Sus, malay natin diba? Mag-iisang taon mo na rin kaya siyang crush. Siguro ito na ‘yung right time para maging kayo.” baliw talaga, ano-ano nalang ang pumapasok sa isipan.

 

”Huwag ka magpadala sa sinabi ni Ningning, Min,” ani Aeri.

 

Talaga

 

Hindi naman ako assuming. 

 

 

 

...

 

                                                     3 days passed

 

 

“So, today, we’re going to have a by pair activity.” anunsyo ni Ma’am sa amin.

 

“I’ve prepared sa mga magka-pair, so listen carefully.” nakinig naman ang lahat at nakay Ma’am ang atensyon namin ngayon.

 

“Alfredo and Alcantara” 

 

“Fernandez and Atayde”

 

“Shin and Lee”

 

“Kim and Yu” nang marinig ko ang aking last name, agad akong kinabahan dahil... si Karina ang partner ko.

 

Tumingin ako sa kinaroroonan ni Karina ngayon, at nasa harapan lang ang atensyon niya. 

 

Patuloy lang si Ma’am sa pagbabanggit ng mag apilyedo. Kaya ilang minuto ang lumipas, natapos din ito. 

 

“Sit with you partner now.” ampo—

 

Bakit ganito ang nangyayari ngayon? Parang may gumagawa ng paraan para magkalapit kami nito ni Karina. Tatayo na sana ako nang biglang umupo sa akin si Karina.

 

“You’re Kim, right?” nahihiya akong tumango sa kanya. 

 

And here it is, my heart beats faster, which I have never experienced before. 

 

This is so new to me. 

 

But who wouldn’t feel this way if your crush is beside you?

 

“So, that’s it. Pass your paper later before 3 p.m. class dismissed.” agad namang nagsitayuan ang mga kaklase ko. Umalis na rin si Ma’am dala-dala ang kanyang bag. 

 

“Let’s do it nalang later sa lunch natin? We have 1 hour vacant din naman.” sabi sa akin ni Karina, kaya tumango-tango lang ko.

 

”See you later, Miss Kim.” sabi nito.

 

“S-sige,” nauutal kong sagot. Buti nalang at hindi na niya iyon pinansin at nagsimula na itong maglakad palabas sa aming classroom.

 

 

...

 

 

“Pair kayo ni Karina sa activity ni Ma’am Laura?” tumango ako sa paulit-ulit na tanong sa akin ni Ningning. Kanina pa niya yan tinatanong sa akin. Parang ayaw niya pa nga maniwala, eh.

 

“Wow, parang ang swerte mo naman. May naamoy tuloy akong kakaiba this time.” saad naman ni Ningning. Kahit kumakain ang isang ‘to, sobrang daldal pa rin siya. 

 

“Nagiging delulu kana talaga sa kanilang dalawa, Ning.” komento naman ni Aeri. Habang si Sunoo ngayon ay busy lang siyang naglalaro ng ML. Gusto ko nga rin maglaro kaso konti nalang percentage ng phone ko. Wala pa naman akong dalang charger.

 

“Hindi, ah. Meron lang talaga akong nararamdaman na kakaiba.” sabi naman nito. Kumunot naman ang noo namin ni Aeri.

 

Hinayaan ko lag ang sinabi ni Ningning. Ayokong magpadala sa mga sinasabi niya. Siguro nangyayari lang ito para talaga magkalapit kami ni Karina. 

 

Charot. 

 

“Bano na MM!” nagulat nalang kami ng biglang sumigaw si Sunoo. Sobrang tahimik niya kanina tapos ngayon, bigla-bigla siyang sisigaw. Sino ang hindi magugulat nun.

 

“Parang tanga naman ‘tong si Sunoo.” reklamo ni Ningning. 

 

“Eh kasi itong MM namin, ang bano. Parang ‘di nag grade 2 ampota” ayan nagmumura na.

 

”Tingin,” ani Ningning at sumilip nga ito sa hawak na phone na Sunoo. 

 

“Gagi 0 8 0 ba naman.” natatawang saad ni Ningning.

 

“Ako n’yan, mag su-surrender na ako.” ani Giselle.

 

“Kaya pa ‘yan, pa-late game lang.” pabiro kong sabi. Natawa naman ang dalawa kong kaibigan habang si Sunoo ay focus na focus na nakatingin sa kanyang phone ngayon.

 

”Ayoko na!” biglang sigaw ni Sunoo. “Bano talaga bwisit.” naiinis nitong saad. Pinagtawanan naman nila Ningning si Sunoo ngayon dahil parang inis na inis talaga ang isang ‘to.

 

“Laro lang ‘yan, eh.” sambit naman ni Ningning.

 

“Kahit na, sayang kaya sa star.”

 

“Iiyak na ‘yan,” malokong sabi ko, at inikutan niya lang ako ng mata.

 

Baklang ‘to, oh.

 

...

 

Kakatapos ko lang mag lunch break, at patungo na akong Library. Kanina kasi nung nasa cafeteria kami, nakita ko si Karina. Sabi niya sa akin na o

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
k_yuji
Sorry na agad sa wrong grammar at typos :)

Comments

You must be logged in to comment
swagie19 #1
Chapter 2: 🥺
kwinterrr_
#2
Chapter 2: sana all
lenwr004
#3
Chapter 2: TAMA BEHAVIOR
bbiiWinkim #4
Chapter 2: 💙💙
kmj_01 #5
Chapter 1: hoy grabe 🥺🥲
kwinterrr_
#6
Chapter 1: 😭😭
jmjdumpx #7
Chapter 1: war flashback except sa nagconfess part 🥹
yelmanlutac #8
Chapter 1: why namn ganyan.🥺
Seoleo
#9
Chapter 1: ebarg naman😞😭
rinagayed
#10
Chapter 1: bt ako masasaktan sa isip ko masaya na sila ni minju or somi or kazuha or chaehyun