ii. the ghost of you

Pinagtagpo
Please Subscribe to read the full chapter

10 am.

 

Nakasanayan na nina Winter at Ningning na mag-brunch sa mga araw na may klase sila after lunch time. 

 

Nauna si Winter sa usual place kung saan sila nag-aalmusal kaya gumawa na muna ito ng mga homework habang inaantay ang kaibigang mukhang napasarap ata ng onti sa tulog. Hindi naman ito kaso kay Winter dahil madami pa naman silang oras, at siya naman ang magpa-paturo kay Ning na nag-eexcel sa subject kung saan siya nahihirapan.

 

Hindi na namalayan ni Winter ang oras, pero mga ilang sandali lang din ay may narinig siyang boses mula sa di kalayuan.

 

“Good morning, Winter!!!” sigaw ni Ning, at natawa naman si Winter nang makita ang kasiyahan sa mukha ng kaibigan. 

 

Sinara ni Winter ang laptop at itinabi na muna ito sa tabi niya, “Wow ang ganda ng gising ah.” Pang-asar nito habang tinutulungan si Ning sa mga pagkain na dala nito.

 

Alam niya kasi ang dahilan kung bakit hindi mawala-wala ang ngiti ni Ning. 

 

Kagabi kasi ay nakatanggap ito ng chat mula kay Ning. Nagwawala ang kaibigan dahil niyaya daw ito ni Giselle mag-spa. Kahit pa nadismaya ito ng onti dahil nalaman niyang nayaya lang siya dahil hindi sumama si Somi, nanaig pa din ang saya sa puso ng kaibigang in love kay Giselle.

 

“Jowa mo?” Ginatungan pa ni Winter ang pang-aasar, kaya nakakuha ito ng hampas mula sa kaibigang ngayon ay mukhang naiinis na. 

 

Umupo si Ning sa tapat ni Winter, “Ang KJ mo Win!”

 

“Ano?” Tinawanan lang ni Winter ang kaibigan. “Kung umamin ka kaagad kay G edi sana ikaw ang jowa, hindi ba?”

 

“Sira! Alam mo namang noon pa non gusto si Somi, diba. Ba’t ako aamin?” Uminom muna si Ning ng kape bago nagpatuloy, “Saka…masaya na din ako kasi at least friends kami.”

 

“Naks…” Narinig ni Winter ang paghina ng boses ni Ningning. Wala na ang excitement, pero kahit may bahid ng lungkot sa boses nito ay nakangiti pa din ang kanyang kasama. “Pero edi sana mas masaya ka ngayon diba?” 

 

“Ang aga aga Win pwede time out muna sa panenermon?” Sagot ni Ning at binato si Winter ng fries. “Saka oo nga pala, tignan tignan mo yang si G ah...”

 

Napatigil sa pagtawa at kumunot bigla ang noo ni Winter sa narinig, “Ha? Anong meron?”

 

“Pansin ko parang ang lalim ng iniisip niya kagabi.” Simula ni Ning. “Alam mo naman yun, hindi palasabi kapag namomroblema siya. Wala ba siyang nababanggit sayo?”

 

“Wala naman…” Iling ni Winter. 

 

“Ano ba yan. Nakatira ba talaga kayo sa iisang unit?”

 

“Eh alam mo naman yon, madaming pinupuntahan. Kapag nasa unit naman, direcho sa kwarto niya. Di ko naman na ginugulo kapag nagpapahinga siya dahil nga madalas busy yon.”

 

“Ah basta,” pilit ni Ning. “Kausapin mo.”

 

“Grabe naman ang concern mo friend.” 

 

“At least friends kami. ‘Di tulad ng iba dyan…” Tumigil si Ning saglit at tumitig kay Winter. “...friends na nga lang, na-ghost pa.” nakangising bulong nito sa kasama.

 

“Manahimik ka nga,” Bahagyang pumalatak si Winter.

 

“Hindi mo ba siya naaalala kapag naglalaro ka ng volleyball?”

 

Nanahimik na nga si Winter para hindi na umusad pa ang kanilang pinag-uusapan, ngunit mukhang walang plano si Ningning na bitawan ito. “Sabi mo dahil sa kanya kaya ka nag-start maglaro, ‘di ba?”

 

Tama naman si Ning.

 

It’s because of her.

 

At kahit hindi siya naglalaro ng volleyball, naaalala niya ito palagi.

 

Sa totoo lang, hindi inaasahan ni Winter na volleyball ang magiging passion niya. Noon naman kasi hindi siya ganun ka-active. Ang alam niya lang, mabilis siya tumakbo (ayon sa PE teacher niya noon).

 

Nagsimula ang lahat nang pinaglaro sila ng kanilang PE teacher ng volleyball bilang pampalipas oras. Noong mga panahong iyon, hindi alam ni Winter ang kanyang gagawin dahil never naman niya itong nasubukan. Pero dahil pampalipas oras lang naman ito, hindi na siya nagreklamo. Inisip na lang niya yung mga napanuod niya nung huling beses na naabutan niya mag-practice ang school team nila sa school grounds. Gagayahin na lang niya ito.

 

Pero bukod doon, wala nang ibang maalala si Winter. Hindi na din niya matandaan kung nanalo ba sila ng mga kasama niya o hindi. 

 

Ang tanging naaalala na lang ni Winter ay ang kanyang mga ngiti. Kung paano siya niyakap nito habang sinisigaw, “Grabe, ang galing mo Minmin!”

 

At dahil doon, pinasok ni Winter ang mundo ng volleyball. Kahit pa hindi siya sigurado sa kung anong mangyayari sa kanya, sinubukan niya ito.

 

Dahil gagawin niya ang lahat makita lang palagi ang ngiti niya.

 

“Luh…malala na ‘yan, Win.”

 

Biglang bumalik sa realidad si Winter at napakurap, “Ha?”

 

Natawa naman si Ning sa reaksyon ng kaibigan, “Ganda ng ngiti natin eh.”

 

“Di ah!” Agad napakunot ng noo ni Winter at binato nito ang kaibigan niya ng fries. “Imbento ka dyan.”

 

“Hay nako, Win…” Umiling nalang ang kanyang kaibigan. “Siya padin talaga hanggang ngayon, no?”

 

Hindi na umimik si Winter.

 

 

Babe: Babe, classmate mo pala yung girlfriend ni Haechan!

 

Medyo napa-aga ang dating ni Giselle sa classroom at halos makatulog na ito sa pag-aantay na magsimula ang kanilang klase. Kaya naman nang mabasa nito ang message ng kanyang girlfriend, ang antok niya ay naglaho ng parang bula. 

 

Umayos si Giselle sa kanyang pagkaka-upo.

 

Babe: She’s looking for your classroom pala rn

 

Naalala na naman yung araw na nakita niya ang girlfriend ni Henry. Medyo matagal din niya itong tinitigan noon dahil sa pamilyar ang ichura nito. Kahit hanggang sa makauwi siya ay hindi nawala sa isipan niya ang babaeng nakita. Pilit niyang inalala kung nakita na ba niya ito kung saan man, pero dahil mukhang nakakahalata na ang iba na parang may pinoproblema siya, hindi na niya ito masyadong binigyang pansin. 

 

Halos malimutan na nga ni Giselle ang tungkol dito.

 

Yun ay hanggang sa natanggap niya ang message mula kay Somi.

 

Kaya ngayon, namomroblema na naman siya ulit. Nakailang bura na nga siya ng tinatype niya. Hindi niya alam kung anong isasagot niya sa mga impormasyong ibinigay sa kanya ni Somi.

 

Babe: You’re there na, diba? Can you wait for her outside? Para lang di na siya maligaw. 

 

Or maybe she’s just thinking too much of it, right?

 

Giselle: Sure ^^

 

Babe: Thank you so much! I’ll let Rina know ♥️

 

Giselle: Rina?

 

Babe: Yeah, pero her full name is Karina Yoo. Just in case magpakilala siya by full name.

 

Babe: Don’t tell Ryu that ah!

 

Yoo?

 

Nanlaki ang mga mata ni Giselle sa kanyang napagtanto. Kaya naman pala sobrang pamilyar nito sa kanya. Iisa lang naman ang kilala niyang Yoo, at hindi siya maaring magkamali.

 

Agad niyang naisip si Winter. She doesn’t know she’s back?

 

Bumigat bigla ang nararamdaman ni Giselle. Naalala nito ang mga nangyari noon– ang mga pinagdaanan nila, lalo na ng kaibigan niyang si Winter. Iniisip palang niya ang magiging reaksyon nito ay nanghihina na siya agad.

 

Parang hindi niya kaya.

 

Parang hindi niya kayang makitang ganun ulit si Winter.

 

Tinignan si Giselle ng iba niyang mga kaklase nang biglaan siyang tumayo sa kanyang kinauupuan, pero umiwas na lang siya ng tingin at lumabas muna ng kanilang classroom. Sumampa siya sa railing at dumungaw sa malawak na field sa tapat ng kanilang building. 

 

Sasabihin ko ba kay Win?

 

Sakto namang nahagilap ng kanyang mga mata ang paparating mula sa kabilang dulo ng corridor. 

 

Si Karina.

 

Napabuntong hininga si Giselle. 

 

Sang-ayon naman siya sa paglalarawan ni Ryu na "anghel sa lupa" si Karina, pero hindi iyon ang rason kung bakit siya huminga ng malalim. More than her beauty, ang mas naiisip ni Giselle ay ang kanyang mabuting kaibigan at teammate na si Win at ang connection nito kay Karina. 

 

"Sasabihin ko ba kay Win?" Inulit ni Giselle sa kanyang sarili. She starts weighing the pros and cons, and sa sobrang lalim ng kanyang iniisip, di na niya namalayang nakatayo na si Karina sa kanyang harapan.

 

"Giselle?" Bahagyang ngumiti si Karina.

 

Tumango lang si Giselle at umiwas agad ng tingin. Wala na siyang ibang naisip na sabihin, "Tara?" Agad siyang naglakad papasok ng classroom nang makitang paparating na din ang iba nilang mga kaklase. Naramdaman naman niyang sumunod si Karina sa kanya,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
icedkyoffee_
Sorry po sa late update;; sporadic po ang magiging updates due to work ;u; sorry po and thanks for understanding ^^

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Chapter 2: Damn, time to relapse again 😣😀😁😂💙❄
kwinterrr_
#2
Chapter 2: Hellour
kwinterrr_
#3
Chapter 1: ♥️
justsomeanimelover
#4
Chapter 1: Kaexcite! 🙌😩
MyJMJTY
#5
Chapter 1: bookmark na agad 😊
Maatt_booii #6
Chapter 1: Uupuan na agad to' 😁
justsomeanimelover
#7
may bago akong aabangan nice!! 🙌😩