i. form of escape

Pinagtagpo
Please Subscribe to read the full chapter

“You can take a break muna, Winter. Wala pa naman tayong masyadong customers.”

 

Napangiti si Winter sa kanyang boss na tinatawag niyang Miss Naeun. Sakto kasing kakatapos lang nila ng kanyang kasamang part-timer din na mag ayos ng kakadating lang na supplies sa pantry. Medyo madami-dami din ang mga dumating na supplies ngayong araw. “Thank you po.” bulong ni Winter nang madaanan ang boss on her way sa resting area nila. 

 

Grabe, ang ganda na nga ng boss niya, sobrang bait pa. 

 

Nang makaupo ay agad kinuha ni Winter ang phone mula sa kanyang bulsa. Kanina pa kasi ito nag-vivibrate.

 

Ryu: WINNNNNN

 

Ryu: WINTERRRR

 

Ryu: WINTER KIMMMMM

 

10: puta ang ingay nanaman

 

Win: YUNG NOTIFS KO PLEASE

 

Ryu: INAAYA KO NGA SIYA MANUOD NG TRYOUTS NYO HOY

 

10: ah ganun ba hahahah onga Win tara panuorin mo kami

 

G: May part time work siya today diba?

 

Ryu: oo nga edi wag na siya pumasok 👍 

 

Napa-iling si Winter. Kahit kelan talaga puro kawalang kwentahan ang input ng kanyang kaklase at teammate. Pero ito din siguro ang dahilan kung bakit sila naging malapit na dalawa. Di niya maitanggi na same lang ang wavelength ng humor nilang dalawa ni Ryujin. 

 

Win: Kung ikaw ba magpapakain sa akin araw araw ed g 👍

 

Sa totoo lang di naman kailangan ni Winter mag part time. Scholar naman siya sa kanilang university, at binibigyan naman siya ng allowance ng kanyang ate na working student din kagaya niya. Alam niyang hindi siya pababayaan ng kanyang ate, pero yun din mismo ang pinaka dahilan kung bakit gusto niya kumita ng sarili niyang pera.

 

Marami na din kasing na-sakripisyo at pinaubaya ang ate nya para sa kanya, kaya ngayon na may kakayahan na siyang tumulong kahit papano, gagawin niya ang lahat para makabawi sa kanyang kapatid.

 

Ryu: eto naman di mabiro

 

Ryu: syempre joke lang yon

 

Ning: wow so funny ha ha

 

Ryu: weh epal

 

G: ANYWAY

 

G: Pero Win you can still make it sa training mamaya diba?

 

Win: syempre ako pa ba ✨

 

Volleyball.

 

Bawat tao ay merong tinatawag na “a form of escape”, at para kay Winter, yun ay ang paglalaro ng volleyball. Kapag nasa loob siya ng court, kapag grabe na ang daloy ng adrenaline sa kanyang katawan, tila ba nakakalimutan ni Winter ang kahit ano mang pagod na kanyang nararamdaman. Kaya kahit saan pa man siya galing, hinding-hindi siya nakaka-miss ng training.

 

Malaking bagay ang nagawa sa kanya ng sport na ito, dahil ito ang naging takbuhan niya noong mga panahong matindi ang kanyang pinagdaanan– mga panahong pakiramdam niya ay nag-iisa na lamang siya.

 

Pero bukod sa “form of escape”, sadyang mahal lang din talaga ni Winter ang sport na ito. Kaya pa kahit na sinasabi sa kanya ng mga naging coach niya na may natural na talent siya para dito, hindi tumigil si Winter sa pagte-training. Kaya after 2 years ng paglalaro, naging parte agad siya ng starting line up, at ito ang naging dahilan kung bakit siya naging scholar ng university.

 

Dahil nagbabangayan nalang naman si Ryujin at Ning sa gc nila, chineck na niya ang iba pang notifications sa kanyang phone. Karamihan ay galing sa gc ng kanilang team at pinag uusapan ang magaganap na tryouts at training mamaya. At dahil nandon din si Ryujin, pinuputakte parin siya nito na manuod.

 

Nakakainggit. Gusto din niya kasi talagang manuod. Nakasanayan na kasi nilang manuod everytime na magkakaroon ng tryouts ang men’s team, kaya grabe nalang ang inggit niya dahil for the first time ay hindi siya makakanuod. 

 

Malelate nga din siya sa training . Buti nalang at alam ng kanyang coach na may part-time siya kaya okay lang.

 

Nag-check din siya ng kanyang twitter feed, at as usual, nagkakagulo nanaman ang mga kaibigan niya. Dinodogshow nila ang kaibigang si Ten na member din ng men’s volleyball team. Si Ryujin naman, ganun padin. Ilang ulit pa siyang minention para yayain sumama manuod. 

 

Ang kulit talaga!

 

G: Guys hindi ba aware si Ryujin kung sino mag-llead ng training today?

 

Natawa siya sa tanong ni Giselle. Oo nga pala, siya nga pala ang magllead ng training ngayon. Bigla naman siyang napangisi dahil ibig sabihin, pwede niya ipagawa ang kahit ano sa kanyang mga teammates ngayon. 

 

At dahil makulit si Ryujn…

 

Bora: Aware yan bobo lang talaga\

 

Ryu: GRABE TE BORA AH

 

Ryu: KAYA WALANG NANINIWALANG JOWA MO YUNG SC PRES EH AMBAHO NG BUNGANGA MO PI

 

Rachel: hahahahahahahahahahahahahaha

 

Somi: Parang bunganga mo lang din Ryu

 

Bora: TAWANG TAWA AH RACHEL KIM

 

Ryu: pero teka sino ba kasi magllead ngayon??

 

Siyeon: Si Win, actually…

 

Ryu: weh?

 

Mas lalo siyang natawa dahil hindi din talaga alam ni Ryujin. Hindi naman na ito bago.

 

Win: See you later bobo^^

 

Naramdaman niyang mag-vibrate ng sunod sunod ang kanyang phone pero dahil alam niyang si Ryujin lang ito na nagmamaka-awang wag siya pahirapan mamaya, hindi na niya ito pinansin. Bumalik na din siya sa kanyang trabaho dahil fifteen minutes na din naman ang nakalipas.

 

Hanggang 6 pa ng gabi ang shift niya, pero dahil wala paring masyadong tao, napag-pasyahan ng kanyang boss na pauwiin na silang dalawa kahit alas singko palang. Tumango nalang sila at bumalik sa kanilang mga lockers para mag-ayos.

 

“Pustahan maaga ulit magsasara si Miss Naeun,” batid niya sa kasama, si Chaewon. 

 

“Andyan si Miss Jung ano?”

 

Tumango si Winter, “Wala pa naman sa loob, pero nakita ko na yung car niyang naka-park sa tapat.”

 

“Eh well ano pa nga ba,” Chaewon shrugged. “Sana all.”

 

Weh? Napaisip si Winter. May jowa naman kasi si Chaewon. Na-curious tuloy siya kung nag-away ba ang dalawa dahil madalas siyang kwentuhan nito tungkol sa jowa, pero di na lang niya tinanong at nauna nang lumabas ng cafe. At dahil alam niyang madaming ritwal na ginagawa si Chaewon bago umalis, nag-phone nalang muna siya ulit habang inaantay ang kasama. 

 

Pagbukas ng twitter ay tumambad sa kanya ang mga tweets ng teammates niya, at mukhang may stand out this year sa mga tryouts. Nabasa din niyang nahirapan si Yeonjun depensahan ang net dahil sa tryout. Na-impress agad si Winter, dahil si Yeonjun lang naman ang best blocker ng league. Kung nahirapan ito mang-block, edi ibig sabihin magaling nga talaga yung tryout na tinutukoy ng kanyang mga teammates. 

 

TANGINA MAY RIVAL NA SI WIN???

 

Kumunot ang noo ni Winter sa nabasang tweet. Sira ulo ka talaga Ryu. Pumunta agad siya sa kanilang gc.

 

Win: Anong rival nanaman pinagsasasabi netong mokong na to

 

Win: issue ka ryu

 

Ryu: HELLO?? SAYO LANG NAHIHIRAPAN MAG BLOCK SI YEONJUN???

 

G: And he’s very quick din. Parang ang light niya maglaro, just like you

 

Chae: HELLO TAPOS NA PRACTICE NAMIN ANONG MERON

 

Chae: OMG MAY RIVAL NA SI WIN??

 

Win: WALA. FAKE NEWS YANG MGA YAN

 

Ryu: TAKOT KA NA BA MAAGAWAN NG SPOTLIGHT HUEHUEHUE

 

Napailing si Winter sa nabasa. She never cared about the spotlight kasi, kahit na siya pa yung tinuturing na ace player ng team nila, at ng buong university. Mas nae-excite pa nga siya dahil mas gusto niyang na-chachallenge siya sa kanyang mga nakakalaro. Ramdam niya kasing mas nag-iimprove siya as a player kapag mas malakas yung opposing team. 

 

Nagpatuloy siyang makipag-chat sa mga kaibigan, at napag-planuhang kikitain nalang niya sina Chaeryeong at Ning bago dumerecho sa court. Manunuod din kasi yung dalawa. 

 

“Tara?” Sabi ni Chaewon pagkalabas ng pinto. Inabutan din siya neto ng paborito niyang Iced Latte, pinapa-abot daw ni Miss Naeun. 

 

Hays, ang bait talaga.

 

Masaya namang tinanggap ito ni Winter, “Uy thank you.” Sabay inom.

 

Nag-vibrate muli ang kanyang phone.

 

Ryu: uY GAGO NAMUKHAAN NI KUYS SI TEN HAHAHAHAHA

 

Nabuga ni Winter ang kanyang iniinom na kape.

 

 

Nang matapos na ang tryouts, finally ay nalapitan na din nila Ryujin and Giselle ang tropa nilang nagpapahinga at may hawak na yelo sa mukha. "Are you okay?" Tanong ni Giselle, ha

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
icedkyoffee_
Sorry po sa late update;; sporadic po ang magiging updates due to work ;u; sorry po and thanks for understanding ^^

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Chapter 2: Damn, time to relapse again 😣😀😁😂💙❄
kwinterrr_
#2
Chapter 2: Hellour
kwinterrr_
#3
Chapter 1: ♥️
justsomeanimelover
#4
Chapter 1: Kaexcite! 🙌😩
MyJMJTY
#5
Chapter 1: bookmark na agad 😊
Maatt_booii #6
Chapter 1: Uupuan na agad to' 😁
justsomeanimelover
#7
may bago akong aabangan nice!! 🙌😩