Part 2/3

TORETE
Please Subscribe to read the full chapter

 

Marahas na ginulo ni Sunoo ang kanyang buhok matapos ang usapan nila ng kaibigan nyang si Jungwon. Matapos magpakilala ni Heeseung kanina, chinika sya ng kanyang ina pati ng ninang nya tungkol sa mga bagay-bagay at matapos nun, hindi na din naman sya nagtagal at bumalik na sya ng kwarto nya.

Muntik pa syang masamid nang sabihin pa ng ina nyang single daw ito at kung single din daw kuno si Heeseung eh baka naman daw pwedeng ipilit.

Namula ang buong mukha nya doon at kung pwede lang talagang umalis at umuwi na eh gagawin talaga nya.

Pero syempre hindi naman sya bastos para gawin yun.

Nakahinga nalang talaga sya ng maluwag nang bumalik na ito sa kanyang kwarto.

Napatingin si Sunoo sa kanyang ina na hanggang ngayon ay nasa table pa din pero this time, kasama na yung mga kaklase at tropa nila. Instant reunion na din talaga nila itong birthday ng ninang nya.

Mukhang hindi sila agad-agad makakauwi nito.

Napansin naman nya ang tahimik nyang kapatid na ang dumi-dumi na ng damit dahil sa kinakain. Kapit pa rin ito ng kanyang ina kaya naman hindi na nagdalawang isip si Sunoo na tumayo at lumapit sa kanila para kunin ang kapatid nya.

Tutal wala naman syang magawa sa ngayon, lalaruin nalang nya si Sunny.

Gustuhin man nyang umidlip, hindi nya din magagawa. Naisip nyang minsang minsan lang magkita-kita ang ina nya at mga kaklase nito kaya nagdecide syang bantayan nalang si Sunny.

Mukhang tapos ng kumain si Sunny kaya pumunta si Sunoo sa koche nila para kunin ang ibang gamit ng kapatid nya pati ang pamalit nito.

"You're done eating na ba Sunny?"

Tumingin lang ito sa kanya at nagpacute pa kaya mahinang natawa si Sunoo.

"Eeh ang cute mo talaga. Manang mana ka sakin." Sabi pa nya at nagsimula na syang linisan ang kapatid.

Ang maganda pa dito sa kapatid nya, hindi maligalig. Kahit saan sya dalhin, tahimik lang o kaya doon lang sa laruan nya magfofocus hanggang sa makatulog na sya. Kaya naman si Sunoo ay tuwang tuwa din syang alagaan.

Kung pwede nga lang na wag na syang pumasok at alagaan nalang si Sunny, why not diba?

Pero syempre eme lang yon.

Nakakalimutan talaga ni Sunoo ang kanyang pagod kakalaro nya sa kapatid nya kaya naman habang naghihintay sila, naglalaro lang sila.

Hindi naman nagtagal iyon at napansin nyang namumungay na ang mga mata ng kapatid.

Kaagad naman nya inihiga ito sa kanyang braso at nagsimulang i-hele para makatulog.

Ang problema lang, kada pipikit ito, lumalakas naman ang ingay sa paligid nila kaya nagugulat ito. Naawa naman si Sunoo sa kanya kaya tinawag nya saglit ang ina para magsabi.

"Bakit?" Tanong ng ina nya.

"Inaantok na si Sunny. Nagugulat sa ingay kaya hindi makatulog." Sunoo pouted at tuloy pa din sa paghele sa kapatid.

"Teka sandali." Umalis ito saglit at lumapit sa ninang nya. May ibinulong pa at ngayon ay nakatingin na din sa kanya.

Maya maya pa eh lumapit na kay Sunoo ang ninang nya at ngiting ngiti pa ito.

"Nak. Punta kayo ni Sunny sa second floor. May makikita kang pinto doon na color mint green. Pasok ka lang doon at dun mo na din patulugin si Sunny. Pwede ka din matulog para makapagpahinga ka na din. Mukhang hindi pa kayo agad makakauwi eh."

"Hala salamat po ninang. Pasensya na kayo sa abala."

"Anong abala? Hindi kayo abala dito. Ituring mo na din itong pangalawang tahanan mo. Sige na akyat ka na dun at magpahinga."

Tumango si Sunoo bilang sagot at matapos nun ay umakyat na din sya papuntang second floor at dala ang gamit ng kapatid. Mabilis naman nyang nakita yung pintong tinutukoy ng ninang nya dahil iyon lang naman ang namumukod tanging kulay na makikita doon.

Pinihit nya yung doorknob at hindi yun nakalock kaya mabilis syang pumasok dito.

At sa ikalawang pagkakataon, nanlaki nanaman ang kanyang mga mata dahil sa gulat.

Pagbukas na pagbukas kasi nya ng pinto ay bumungad sa harap nya si Heeseung. Nakatayo lang ito sa di nya malamang dahilan.

"A-Ahhm ano, m-mali ata n-napasukan ko. S-Sorry."

He was about to exit and close the door pero nagsalita kaagad si Heeseung.

"Hindi. Tama ka ng pinuntahan. Kwarto ko lang naman yung may kulay ang pinto." Sagot nito. "I'm sure sinabi yun ni mommy sayo."

Napakunot-noo si Sunoo.

Wow. Kanina ang bait nyang tingnan.

Bakit ngayon parang umiba ang ihip ng hangin? Palabas na anyo lang ba yun?

"Hmm? Don't worry about me. Kumakain pa naman ako. Masyado kang nag-aalala." Sabi pa ni Heeseung. Akala tuloy si Sunoo sya pa din ang kausap nito. Yun pala may earpod sa kanang tenga nito at may kinakausap.

"I sent you a pic as a proof ah?" Dagdag pa nya.

The design is very naglalandian.

Bakit ba kasi dito? Ang dami pa naman nilang kwarto ah?

Sini-set up ba kami ni ninang?

Ninang naman ehhh...

Saka sino yung kausap nun? Ang lambing nya makipag-usap ha?

On the other hand, naisip din ni Sunoo na wala syang karapatan magreklamo. Hindi nya to bahay, buti nga eh nag-offer pa ng kwarto para sa kapatid nya.

Eh pero bakit kasi sa kwarto ng isang to?

Well, wala na naman syang magagawa.

"I'll call you late. Mm. Bye."

Bigla namang lumabas ng kawarto si Heeseung at naiwang nakatayo doon si Sunoo.

Para tuloy syang batang naliligaw kaya naman naupo nalang sa couch si Sunoo.

Malakas ang tibok ng kanyang puso at ang kabang nararamdaman nya ay hindi nakakatulong. Gusto nyang lumabas pero syempre kapakanan ng kapatid nya ang iniisip nya.

"Bakit dito tayo pinapunta ni ninang bebe?" Bulong nya sa tulog nyang kapatid at mangiyak-ngiyak itong tiningnan.

Di naman sa ayaw nya.

Ang awkward kasi.

Inikot nya ang paningin sa kwarto ni Heeseung.

Ngayon nya lang ito nakita ng personal. Mostly kasi sa mga video calls lang nila. Malaki at malawak yung kwarto nya. Mukhang nag-aaral din ito dahil bukas yung computer nya at may mga documents doon na nakabukas.

"Nakakahiya. Naabala pa natin sya."

Hindi naman nagtagal ay dumating na din si Heeseung. Nagulat pa si Sunoo dahil may dala itong maliit na crib at may mga gamit na pang baby.

"Hala?"

"Use this para komportable ang tulog nya." He said, pertaining to Sunoo's sister. 

Malamig yung boses nya at hindi man lang nya pinadaanan ng tingin si Sunoo.

"You don't have to do it naman. O-Okay na kami dito sa couch eh, n-nag abala ka pa."

"Hindi comfortable sa couch. Come on, you put her in the crib na."

Kahit naiilang ay tumango nalang si Sunoo at sinunod ang sinabi ni Heeseung. Tinulungan din sya nitong ibaba yung mga gamit ni Sunny.

Hindi maiwasang pamulahan ng pisngi ni Sunoo.

Para kasi silang mag-asawa ni Heeseung dahil sa ginagawa nilang pag-ayos ng hinihigaan ni Sunny at kung asikasuhin pa sila eh aakalain mong tatay na tatay din ang dating.

Tanginang utak to kung ano-ano nanaman ang iniisip!

Sabagay, sadya namang caring talaga si Heeseung.

Di nga nya alam kung anong pumasok sa kokote nya at ghinost ito eh. Tinatrato naman sya ng tama.

"S-Salamat ng marami."

Tiningnan lang sya ni Heeseung at hindi pinansin kaya pinagpatuloy nya ang pagsasalita.

"H-Hindi ako mag-iingay promise. Para hindi ka maabala sa pag-aaral mo. Pasensya na talaga."

Dahan-dahan nyang hinaplos ang dibdib nya para pakiramdaman iyon dahil feeling nya eh ang lakas lakas ng tunog.

Bakit kasi nagwawala to? Akala mo eh first time makakita ng gwapo?

Pero naaalala ni Sunoo na ganito din pala yung naramdaman nya nung unang beses nyang nakita si Heeseung.

Shuta may time pa talaga akong mag-reminisce ng memories ha.

Isang tango lang ang sinagot ni Heeseung at matapos nun ay sinoot na nya yung kanyang headset at umupo na ulit sa harap ng computer nya para ituloy ang ginagawa.

Sunoo pouted.

Biglang sumungit si Heeseung samantalang kanina ngiting

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kixhai
#1
Chapter 1: natawa ako sa "yawa" pero tang ina alas 4 na di pa ko tulog kababasa ng fic 😆😆