Part 1/3

TORETE
Please Subscribe to read the full chapter

🌟

 

"Sumama ka na anak dali na. Matagal ka nang gustong makita ng ninang mo."

Bumalikwas si Sunoo sa kanyang higaan at pwinersa ang sarili na harapin ang kanyang ina na kanina pa syang pinipilit na sumama.

Hindi naman sa ayaw nyang sumama.

Kakauwi lang kasi ni Sunoo galing team-building ng kanilang department sa resort ng kanilang president at ngayon ay nagpapahinga na sya.

At ito namang mama nya, bigla nalang syang yayayain eh gustong-gusto na nga ni Sunoo magpahinga.

Sa tatlong araw na team-building nilang iyon, ni hindi manlang sya nakatulog ng maayos dahil nahihirapan sya. Hindi naman ganoong kadaling mag-adjust si Sunoo kapag nasa ibang lugar sya.

"Mama naman eh. Bakit naman ngayon nyo lang pinaalala? Edi sana hindi nalang ako sumama sa team-building?" Maktol pa ni Sunoo at tamad na sinandal ang kanyang buong katawan sa malaking unan na dinadantayan nya. Madaming unan na kumakalat sa kama nya dahil hindi sya makatulog na walang dinadantayan.

"Bakit naman ayaw mong sumama doon?"

"Nakakapagod po at hindi naman required. Hindi ako nag-enjoy." Sumbong pa nya.

Hindi naman talaga sya nag-enjoy.

Paano kasi, yung president ng dept nila na si Sunghoon ay buntot ng buntot sa kanya kahit hindi naman nya pinapansin.

Hindi ba makaintindi na ayaw nga nyang magpaligaw. Kinukulit sya ng kinukulit at akala ata nya eh madadala nya si Sunoo sa ganun. Mas lalo lang itong nabawisit sa kanya.

Huminga ng malalim ang mama ni Sunoo at tinabihan sya sa kanyang higaan.

"Sorry na anak at ngayon ko lang talaga naalala. Minsan lang kasi umuwi yun at ang huling kita pa nya sayo ay 4 years old ka palang. Eh gustong-gusto kang makita ng ninang mo, mahihindian ko ba yun? Ikaw mismo, mahihindian mo ba sya kung ikaw yung kausapin?"

Umiling din naman si Sunoo bilang sagot dahil hindi naman nya kaya.

Gusto din naman nyang makita ang ninang nya, pero yun nga pagod talaga sya.

Pero dahil ninang nya yun at mahal na mahal nila ito ng mama nya, syempre hindi na sya magdadalawang isip na magsacrifice ng pahinga nya.

Bahala na si batman.

"Dali na anak. Dadagdagan ko nalang ang allowance mo."

In the end, pumayag na din si Sunoo. Siguro ay iyon talaga yung hinihintay nyang sabihin ng mama nya para mapapayag sya.

Aba eh sino bang aayaw sa dadag allowance?

Hindi naman masamang mas mapagod pa diba?

Pero kahit naman walang ganoong offer ay willing naman syang sumama. Pero syempre hindi na nya yun sasabihin at baka bawiin pa. Delikado.

Mabilis lang na naligo at mag-ayos ng sarili si Sunoo. Binilisan nya na lang din para naman mabantayan nya yung bunso nyang kapatid na isang taon pa lang habang nag-iintindi yung mama nya ng kanyang sarili.

Matapos ang ilang minutong pag-iintindi ay gumayak na din sila paalis.

Tamad na sumandal si Sunoo sa upuan sa loob ng koche nila habang pinapanood nya kung paano intindihin ng mama nya ang kanyang kapatid. Tabi sila nito sa backseat pero syempre may isa pa itong safe seat at doon sya nakaupo ngayon.

Hindi nila kasama ang kanyang papa dahil nasa isang business trip ito sa ibang bansa kaya silang tatlo nalang muna.

When his sister glanced at him, Sunoo chuckled and grinned as he reached for her hand with his pointer finger at hinayaan ang kapatid na hawakan ito. "Cute mo talaga Sunny. Mana ka sakin."

The baby chuckled after nyang sabihin yun.

Kahit papaano, napapawi ang pagod nya habang nakatingin sa kapatid nya. Ang cute kasi talaga lalo na yung pisngi nito na sobrang mabilog.

Buong byahe nila, walang ibang ginawa si Sunoo kundi ang laruin ang kapatid para madistract sya sa pagod na nararamdaman nya. Plano sana nyang matulog pero hindi naman nya kayang tiisin na manahimik lang ang kapatid nyang energetic sa tabi kaya nilalaro nalang nya. Effective din naman at hindi nya din namalayan na nakarating na pala sila sa kanilang pupuntahan.
 

 

 

🌟

 

Pagkakitang-pagkakita ni Sunoo sa kanyang ninang ay kaagad naman syang nagmano dito at bigla nalang din sya nitong niyakap at pinanggigilan. Bitbit nya yung regalo ng kanyang mama para dito pero hindi nya kaagad naibigay dahil niyakap agad sya.

"Ikaw na ba yan Sunoo? Hala anak ang pogi pogi mo naman!" She said at bineso pa sya.

"Hello po ninang. Happy birthday po." Masayang bati nya dito sabay abot ng regalo saka ng mano.

"Thank you! Buti nakarating kayo ano? Grabe hindi ako makapaniwala. Ang laki-laki mo na talaga anak. Ang pogi pa." Puri pa ng ninang nya sa kanya at marahan syang hinaplos sa buhok.

"Sabi ko na nga ba popogi ka pa paglaki mo eh. Eto nga oh, ang ganda-ganda pa. Buti nalang talaga nakarating kayo. Namiss ko talaga itong inaanak ko na 'to." She added excitedly na nagpangiti pa lalo kay Sunoo.

Sino bang di sasaya eh sinabihan nga syan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kixhai
#1
Chapter 1: natawa ako sa "yawa" pero tang ina alas 4 na di pa ko tulog kababasa ng fic 😆😆