00. The Beginning.

Alongside Yu
Please Subscribe to read the full chapter

 

Winter’s POV

Grabe lang ‘yung pagod ko ngayong araw, isipin niyo hindi pa nagsisimula ‘yung totoong laban eh gan’tong pagod na ‘yung nararamdaman ko. What more pa kapag start of classes na uli. Kasalukuyan akong nakahiga sa kwarto ko dito sa condo namin ng best friend ko. Oo, tama kayo si Ning ang best friend ko (as if may choice ako). Best friends din kasi ang mga mommies namin and ayun napagkasunduan nila na mag-sama kaming dalawa sa iisang condo! Tutal daw parehas kaming sa FEU magc-college.

Freshmen kaming dalawa ni Ning, baby tams nga raw. Siya sa FEU manila ako naman sa FEU Tech. Sa totoo lang, hindi ko alam na may Tech version pala ang FEU pero medyo bagong building daw ‘to for engineering eh. Civil engineering ang course ko at MedTech naman si Ning.

“Hoy, Minjeong! Kanina pa kita tinatawag. Nakatulala ka lang diyan.” sigaw ni ning na nakatayo na pala sa may pintuan ng kwarto ko.

“Bakit, ano ba ‘yun?” sagot ko sakaniya.

“Julet-julet naman! Ang sabi ko kung may gusto ka ba kainin. Tinatamad ako mag-luto, napagod ako mag-ayos ng gamit gusto ko na lang humiga buong araw” 

“Padeliver na lang tayo or kain tayo sa labas. Nakita ko sa tiktok marami raw kainan sa may p.noval” sabi ko habang nagu-unat ng katawan at saka tumayo para lapitan siya. 

“Padeliver na lang muna tayo today tapos bukas na lang tayo mag-libot” 

“Anong mag-libot? Ginawa mo namang staycation ‘tong condo natin. At hindi naman tayo sabay ng lunch bukas eh. Magkaiba schedule nating dalawa, 1 ng hapon tapos na klase ko”.

“Weird flex but okay”. Sabi ni Ning habang palakas papunta sa living room para maupo sa couch at binuksan ang TV namin. 

Habang nagh-hanap siya ng mapapanood sa netflix, kinuha ko na ang phone ko para magpa-deliver ng food. Hmm, ano kayang masarap? Parang nagc-crave ako ng jollibee, nalalasahan ko na agad ‘yung chicken joy nila. Bakit ang mahal na ng chicken na may palabok nila, parang 109 php lang ‘to noon ah.

“Nag-order na akong jollibee, super meal sa’yo tapos with large fries and large coke and then sundae na may chocolate fudge” nakita ko naman na tumingin sa’kin si Ning na may malaking ngiti sa mga labi tapos binalik rin agad sa TV. sinilip ko ‘yung pinapanood niya, A Business Proposal na K-Drama ata ‘to. 

Kinuha ko ‘yung phone ko at ni-recheck ‘yung schedule ko for tomorrow. Medyo maganda schedule na kinuha ko kasi 9 am ‘yung pinaka maaga kong class. Wala akong pasok every wed, flex ko lang naman. 4 days lang pasok ko sa isang linggo. Ang saya ko lang. Tinabihan ko na si Ning habang inaantay namin ‘yung foodpanda. Nanood lang naman ako ng tiktok kasi hindi ko naman gusto ‘yung pinapanood ni Ning. Ang baduy lang. 

“Patayin ko na lang kaya ‘yung TV tapos manood na lang tayo sa phone mo. Ang lakas-lakas ng volume dinag pa ‘yung speaker ng TV eh!” padabog niyang sabi. Nag-peace sign naman ako tsaka hininaan ang volume ng phone ko. Bumalik naman siya sa pinapanood. Sakto nag-ring ang phone ko, nasa baba na raw si kuya. 

“Okay, kuya. Pababa na po, thank you”. Hindi ko na kinuha ‘yung key card ko kasi nandito naman si Ning. Lumabas na ako ng kwarto at nag-hintay ng elevator. Pagkababa ko sa lobby nakita ko na ang daming rider sa labas. Ang dami rin sigurong tinamad mag-luto kaya nagpa-deliver na lang din. Lumapit ako sa isa at tinanong kung ayun ba ‘yung order ko.

“For Ms.Winter po?” sabi ni kuya.

“Yes, kuya. Thank you po” kinuha ko na ang plastic bag at inabot ‘yung bayad. Nagsimula na akong maglakad pabalik nang tawagin ako uli ni kuya.

“Ma’am, ‘yung change niyo po” tawag sa'kin ni kuya rider.

“Tip na ‘yan, kuya. Ingat po sa byahe” Nginitian niya ako at nagpasalamat.  Nung pagpasok ko sa elevator sakto nung pasara na ito may narinig akong sumigaw. 

“Wait, hold the elevator!” 

Pinindot ko naman agad ‘yung open button para sakaniya.  Sabay may pumasok na babaeng matangkad na maputi at napansin kong may bitbit din siyang plastic bag tulad ko. 

"Thanks" sabi niya na medyo hinihingal pa.

Pinindot ko naman agad ‘yung open button para sakaniya.  Sabay may pumasok na babaeng matangkad na maputi at napansin kong may bitbit din siyang plastic bag tulad ko. 

Nakita kong pinindot niya ang 11th floor, mas mauna siyang bababa kasi sa 13th floor ang condo namin ni Ning. Nakikita ko 'yung reflection ni Miss matangkad-na-maputi sa may door ng elevator. Nagulat naman ako nung nakitang nakatingin din siya sa'kin mula sa reflection. Agad kong iniwas 'yung tingin ko at tumingin na lang sa gilid. Ano 'to pader. Tumunog naman ang elevator at bumukas, nasa 11th floor na pala kami. Bago lumabas si Miss matangkad-na-maputi lumingon siya sa'kin at ngumiti. 

"Thanks for holding the elevator for me" at parang nasa movie scene kami, ngumiti siya at nag-lakad na paalis sabay ang unti-unting pagsara ng elevator. 

 

 

Ang aga ko lang nagising ngayon, naunahan ko pa 'yung alarm ko. Hindi naman ako excited more on, kinakabahan siguro. Medyo hindi ko kasi alam ia-act ko if surrounded ako ng mga taong hindi ko naman kilala. Pero syempre, part 'to ng life hindi ko naman 'to ikakamatay siguro. Paglabas ko ng kwarto ko nakita ko si Ning na nagmamadali, late na naman 'to panigurado. First day na first day. 

"Alis na ako! late na ko jusko!" Sigaw niya habang palabas ng condo,

"ingat" hindi ko sure kung narinig niya, telepathy na lang siguro. Best friends naman kami. 

Sinilip ko naman ang phone ko at napansing may message ang pamilya ko.

KIMmie GC ng family is love:

Chaewon😾 (07:52): @Minjeong my favorite cousin wya?

Ate Lisa (07:52): Gan'on? bawiin ko 'yung Macbook na regalo ko sa'yo eh. 

Chae

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wntryu___
happy 100 subscribers to us! :D

Comments

You must be logged in to comment
Gungdaengie
45 streak #1
Chapter 1: Mga bading!
Gungdaengie
45 streak #2
Chapter 1: Hahahha cute
readingatdawn_
#3
Waiting po. 🙇🏻‍♀️❤️
Eunbilievable
#4
let’s gaurrr
howdoyouknowmee
529 streak #5
Upvoted and subscribed