Coffee Break? 2

ABC


B's pov

I texted Maya(Ning) para lumayas ng bahay, na buburyo na ako dito sa bahay. Sa umaga at sa gabi lang ako may kasama dito sa bahay dahil busy pa sila sa work, literal na sa Holidays pa sila may off sa work. Tapos etong namang kapatid ko sa weekends pa daw siya uuwi, nag-drom siya at ako naman uwian. 

 

Bakit kasi sumiwalay pa sa akin 'to hmp. nagtampo talaga ako sa kaniya nung una kasi naman ang hirap-hirap na nga maging kolehiyo tapos hihiwalay pa siya sa akin, wala na ako maasar at wala nang naglalambing sa akin emz. 

 

Pero ayos na din siguro kasi ngayon, kaya ko na lumabas mag-isa. "Wow gumala ka magisa? Galing naman ng abunjing na 'yan" may kiss pa ako sa bunbunan niyan , haist miss ko na tuloy siya. 

 

Kaya si Je na lang, gugulohin ko. Best friend ko siya yak emz, mahal ko yan. Je for jejemon chariz 

 

 

Bea: Maya, kape tayo?
Je sa jemon ko: Paano kung ayaw ko?
Bea: Kaya nga nag-tanong ako🙄
Je sa jemon ko: chill bea, yeah g naman ako but...alam mo na 
Bea: 🙂 
Bea: oo na, I'll pick you up.
Je sa jemon ko: yey! see you, alipin. 

 

 

Na pa-irap na lang ako sa nabaasa ko at binaba ang telepono. Minsan na papaiisip na lang ako na kaya siguro ako kinaibigan netong si Maya ay para may taga hatid siya kapag wala yung driver nila. Kung hindi niya ako driver ay ako ang taga libre niya, akala mo naman walang pangbili. 

 

ayos lang naman sa akin na mag-drive, iwas disgrasiya na din siguro kung mag-kasama kami, she's clumsy so much at makakalimutin most of the time. She lost multiple airpod pairs, I suggested na mag-earphones na wired  na lang uli siya para hindi bili nang bili and of course she refused kasi daw "out of trend na siya" a very Maya to say so I let her be but I did gifted her a couple of airpod cases.

 

 

Je's pov

 

Bea Binene: omw, siguradahin mo lang na bihis ka na ha.
Maya: oo na ante, g na g ka na naman.

Bea Binene: alam ko kasi na bagya ka pa maka ready

 

Natawa na lang ako sa reply ni Bea, true naman. syempre kailangan ng maganda na outfit para sa isang magandang tulad ko no para pak na pak, yung kapag nakita ka ng iba ay "andiyan na ang mga estetik" 

lip balm, last touch pak. huling tingin sa salamin, ang ganda ko talaga. 

teka kailangan ko mag-picture, mirror selca ganern. habang nag-aawra ako nang bigla may bumusina at tumunog ang notifications ko. si Binene na 'to panigurado, I took one last selca at kinuha ang aking purse at bumababa na. 

Mini Cooper ang dala ni bakla, akala ko yung pagka-laking Jeep na ni tito na naman. at least dito sakto sa height at pangangatawan namin. 

 

"Ano tinitingin mo diyan?" pagtataray ko sa kaniya, " you're overdressed for someone na pupunta at tatambay lang sa café, je." "ay sino ba may sabi na tatambay tayo, we're going shopping after bea." 

she sighed and drove, natwa na lang ako. she dislike shopping kasi...with me, na palakas ang tawa ko. She glared at me, hay naku but one thing she loves is shopping...for snacks. Yup shopping para sa snacks. 

At syempre shopping with her kapatid na nakapabait, kabaligtaran netong bff ko chariz. pababy lasi neto sa kapatid niya pero kung ako din naman ay magpapababy emz. baka patayin ako ni Bea 

 

Mayroon siya jar sa car full of different types candy. Sa bag niyan hindi yan mawawalan ng sour candy and chocolate, naka zip lock pa accla bongga. Kaya kapag nagta-tampo 'to, alam niyo na ang pang-suhol. 

 

 

 

B's pov 

"ang tahimik mo buong car ride, we can go shopping first then coffee naman." "Bea, I am good. Let's get coffee first at kumain na din." "Okay" 

Hindi ako sanay na tahimik siya kasi chismosa siya joke, she probably thinking of something lang or binabackstab ako sa isip niya. 

She lead the way, alam naman niya kung saan ang gusto kong café. 

 

 

We entered, Kape G!

People call it, Kap G It's a local branch café, yung main branch nila ay sa Batangas kung saan mismo originated ang kapeng barako. Kaya siguro patok talaga siya bc for someone who likes sweet kasi I kinda like their black coffee but only with cookies, specially their butter cookies. 

I only ordered that kapag exam week obviously. Pangpagising!

 


"Bea, go find a sit na for us. ako na oorder, the usual ba sa'yo?"
"No, I'll go with Salted caramel Iced brew." 

 

 Gladly It was not that crowded, kaya nakahanap naman agad ako ng mauupuan namin.

 

As usual ang dami chika netong babae na 'to, kaya siguro ang tahimik niya kanina ay iniipon niya.

"For Maya po!" that was my cue para kuhain ang order namin, we're usually like this kung ako ang oorder siya ang mag-claim and vise versa.

 

 

Lumakad ako sa counter then suddenly I see a familiar face. 

"Maya? uhm here's you're order po, one regular Salted caramel Iced brew, one Medium Iced Americano, and a six butter cookies. May hahabol po ba kayo?"

"None, thank you..." I looked at her tag name "thank you, Xavi." I politely smile at kinuha ang order namin.

hm so Xavi is the name, what a unique one. 

With the squint of her eyebrows, I guess na mukhaan niya ako right?

Eto ang pangalawa beses na kita ko siya. Sa tagal ko na nagpupunta dito, ngayon ko lang siya na kita.

 

 

"Lika na shopping na tayo?" "And for snacks too, please?"i sabi ko habang naka pout, inirapan niya lang ako at tumayo na. "oo na, itigil mo na 'yan hindi bagay, tampalin kita diyan sis" 

Natawa na lang kami parehas

 

Habang papalabas kami narinig ko ang pagtawag niya sa customer, kaya naman lumingon ako sa gawi niya.

At sa pangalawang pagkakataon katulad noong una ko siya nakita, I glanced muli sa counter bago kami lumabas ng café.

"oh bakit ka nakangiti diyan, mukha kang timang teh." konti na lang talaga hihigitin ko na buhok neto, inirapan ko na lang siya. 

"whatever maya"

 

At tuluyan nang lumabas.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
532 streak #1
UPVOTED