Jeepney Love Story 1.2

ABC

B's pov

 

 

 

"Sa wakas awasan na" I sigh in relief, semester break na. 

 

 

 

Dali-dali akong lumabas nang makapag-paalam sa mga kaklase ko, mabubudol/maglalakwatsiya pa ang mga iyon panigurado. hindi naman sa ayaw ko sila kasama pero gusto ko na kasi umuwi at matulog, dahil we all know na may ilalapag pa rin naman na pendings kahit bakasiyon. sakit nila sa bangs.

 

 

 

"ay utin" napatakip ang ng bunganga, ano ba. 

 

 

 

may naka sagi sa akin, tatarayan ko na sana pero si ano pala 'to. si sc president, minju. ang crush ng bayan, pati na din ang ng siraulo kong kapatid ay crush din ata siya.  "Ikaw pala, minju. sorry uwing-uwi na" _"oy bianca, ayos lang. ano ka ba"_ "pasensiya ka na uli, una na ako" "_okay lang talaga bianca, ingat_." kumaway kami sa isa't isa after that. "_bye_!" "ingat ka din"

 

 

 

Naka labas na ako ng campus at dumiretso sa sakayan. naabutan ko pa yung isang pa alis na sanang jeep. 

 

 

 

Sumalta ako at tinignan kung saan ako uupo at tumungo sa tabi ate na naka palsak na earphones. 'estetik' chariz, pretty niya though. ay yung kabaklaan ko talaga oo, umiiral na naman.

 

 

 

Paupo na ako sa tabi niya at ayon na nga naka-sagi na naman ang bading. mahiya at mahina akong nag-pasensiya pero mukha hindi niya ako narinig, tulog na ata (sana all).

 

 

 

Hindi talaga maiiwasan hindi makatulog sa biyahe pero kasi mga teh, ang cute netong katabi ko. tuwid na tuwid, hindi siya yung tulog na bigla lalaglag ulo tapos itutuwid uli, kung ganun siya ngayon baka hindi ko na mapigil ang tawa ko.. Ang steady teh, estatwa ata 'to dati. 

 

 

 

hindi sa pinapanood ko siya ah, ang creepy naman pero kasi cute siya. don't judge me kasi couple ang nasa kaliwa at harapan ko, kung hindi ako medyo humarap kay ate na parang estatwa matulog baka masabihan lang ako inggitera kasi mapapairap talaga ako sa mga magjojowang 'to. rold when is my turn?kung naririninig mo ako ngayon, p'wede na siguro 'tong katabi ko. chariz lang emz

 

 

 

"—ay" na putol ang aking mga sinasabi sa isipan dahil sa wakas ay ay gumalaw na ang estatwa, gising na siya.

 

 

 

she opened her phone, swear I am not that nosy (hindi talaga sadya), I saw na Jeepney Love Story by Yeng is playing on her Spotify right now. hindi ko alam pero medyo na pangiti ako, grabe naman dami-dami kanta diyan. buti na lang nakayuko ako ng bahagya.

 

 

 

Malapit na ako sa bababaan. dito sa bago namin tirahan, sa village kami lumipat. medyo na ninibago pa ako pero I need to adjust sa mga bagay na ganito, mga bagay na hindi ko kontrolado. ang sakit pa din kahit ilang buwan na ang naka lipas. Kung masakit sa akin lalo na siguro sa kaniya, hindi ko man lang na pansin na may nangyayari na pala. Was I to focus on myself that I have failed to notice what's been happening noong mga nakaraang buwan?

 

 

 

I heavily sighed, I looked outside. 

 

 

 

Ito na pala ang babaan ko.

 

 

 

"Manong, para!" "Para po!"

 

 

 

Napatingin ako kay ate na parang estatwa matulog. nagka-tinginan kami. ano ba! umiwas agad ako ng tingin at bumaba na. 

 

 

 

 

 

I stopped and composed myself. , ang ganda ng mga mata niya.

 

 

 

she walked passed me

 

 

 

hm parang parehas kami ng pupuntahan? karesidente ko ba siya?

 

 

 

nagmumukha na sinusundan ko siya kung titignan mo ito sa malayuan pero swear dito talaga yung daan pauwi. Kasi naman from the way she was low-key looking sa likudan niya, akala niya siguro sinusundan ko siya. oo I find her cute pero hindi naman ako ganun, hindi ako nang gaganun emz. 

 

 

 

anyway lumiko na siya. Sa wakas hindi na ako mukhang stalker chariz. Ako naman ang low-key tumingin sa kaniya, so karesidente ko nga siya. ang lapit ng kaniya, ang haba-haba pa nang lalakarin ko, bakit ba sa malayo ang na pili ni mama, hustisiya sa aking maiikling biyas! 

 

 

 

Sa wakas(hindi ko alam kung pang-ilan), nasa bahay na ako. I sat sa sala at nag-pahinga ng ilang minuto, then I quickly showered and headed to take a nap. mamaya na lang ako kakain. goodnight to me.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
531 streak #1
UPVOTED