follow me

follow me
Please Subscribe to read the full chapter

Bad trip! 

 

Sa sobrang pag ka-frustrated ko ay pilit kong pinaandar ang Sedan kong bigay pa ni Daddy kahit alam ko namang na stuck na siya sa puddle. In the end, nakita ko na lang na umuusok na yung sasakyan ko. Nag over heat na ata. Gusto ko lang naman makauwi na para makahabol sana sa Noche Buena.

 

Unfortunately, yung shortcut na dinadaanan ko dati pabalik ay sarado na pala, nag show naman sa Google Map na pwede pa rin siya daanan. Hindi ko na tuloy alam kung saan ako dadaan pauwi kase yung ibang daan, malayo na yung U-turn, wala rin kwenta ang GPS dahil mali-mali din ang turo sa akin. I ended up being stuck in God knows where, puro talahib lang ang nakikita ko. It's kinda eerie but I know I can handle myself. Well, I'm a cop after all.

 

I tried to push my car but everybody knows I'm just wasting my energy, na stuck ako around 11PM but it's already past 2AM now and the sky is darker than the usual night, wala rin signal and I'm running out of fuel, I think it's better to ask for help na talaga. Hopefully meron malapit na residence dito. I do have extra cash and a pistol to protect myself, what makes me icks more is the fact that I'm a cop but I was put into this kind of situation.

 

Nag lakad lakad ako trying to find any resemblance of a path using my flashlight kaso kahit saan ako pasikot sikot ay wala akong makita, there's only breeze that's hugging me, mas lalo ko tuloy naramdaman ang pagiging single ko ngayong pasko. But wait, it's not the time para mag emote, naliligaw ako.

 

15 minutes walking around, may nakita akong sako, puno ng damo, probably used para mag siga, if that's the case may malapit na residente dito, I was scanning the sack with my flashlight on nang may naramdaman akong malamig na hangin at bumulong sa tenga ko

 

"Are you lost baby girl?" galing sa matamis na boses na bumulong sa tenga ko

 

"AY PUKI NG INA MO KA!" sigaw ko naman, muntik ko pang mahulog ang flashlight na hawak ko

 

I was planning to hit that someone with my elbow while turning para harapin ang nag salita pero buti na lang hindi siya na tamaan, it's just the most beautiful woman I ever seen, para siyang anghel sa ganda. Hindi ako agad nakapag salita ng maayos dahil na starstruck ako sa ganda niya. She laughed at my reaction kase literal akong napasinghap sa ganda niya, nakakahiya pero ganoon siya kaganda.

 

"Sino ka?" Tanong ko sa kanya at nginitian niya naman ako. Sobrang bagay sa mukha niya ang nakangiti

 

"Hello, I'm Karina, nakita kase kita paikot-ikot dito kanina pa e, kaya nilapitan na kita" She warmly smiled at me again. Parang natutunaw ako sa ngiti niya

 

Familiar ang mukha at pangalan niya, Maybe kase parang mukha at tunog future girlfriend ko. Charot!

 

"Hi, I'm Winter, naliligaw kase ako, alam mo ba kung saan ang malapit na kabihasnan dito?" She laughed at what I've said. Ang ganda talaga. Iaabot ko sana ang kamay ko para makipag hand shake pero tumalikod na siya at tinuro ang Sedan ko

 

"Sasakyan mo ba yon? Tara, ayusin natin, may tools ka ba diyan?" Nag simula na siyang mag lakad palapit sa sasakyan ko when I confessed

 

"Actually, I forgot my tools e" Napaharap siya ulit agad sa akin at napakamot ng ulo

 

"Naku pa'no yan? Walang signal dito, hindi ka makakatawag para humingi ng tulong, Ba't ka kase umaalis ng walang dala man lang tools?" Tinaasan niya pa ako ng kilay pero imbis na maiinis sa kanya ay parang kinilig pa ako, parang nagagalit ang future misis ko.

 

"E nag madali kase ako since nakikisabay ako sa Christmas Rush, nakalimutan ko na mag prepare ng kung anu-ano. Sorry!" I ended up clasping my hand to ask for forgiveness, ewan ko din ba bakit ako todo hingi ng tawad kay Karina

 

"Huy alisin mo nga, yung flashlight nakatutok sa mukha mo, mukha kang mumu" Nag takip pa siya ng mata habang nag sasalita, pinag hiwalay ko na ang kamay ko at 'di maiwasan na mapangiti sa cute na reaction niya

 

"Okay na! Okay na! Sorry ulit" Nag tanggal na siya ng kamay at tinawanan ako ulit, nag lakad na ulit siya palapit

 

"Buti na lang cute ka Winnie, punta na lang tayo sa talipapa, malapit naman na dito yun"

 

"Anong Winnie?! Winter ang pangalan ko!"

 

"Winnie yung nickname ko sayo" Nalagpasan niya na ako at dumiretso, sumenyas naman siya for me to follow her, kaya naman nag simula na rin akong mag lakad para sundan siya

 

"Ayaw ko niyan, ang pangit pangit, parang Winnie the Pooh"

 

"Edi Pooh na lang"

 

"Sige ikaw si Kari Kari"

 

"Wow binigyan mo agad ako ng nickname ha, crush mo ba ako? Tunog pagkain pa talaga ha, masarap ba ako sa iyong paningin?" She even wiggled her eyes multiple times with a devilish smirk.

 

Apparently, her angelic face can easily transform into a seductress and both are just so attractive to me. What the hell? She even winked at the end kaya napatakip ako ng mukha, I ended up hitting my forehead with my flashlight tuloy. Ang sakit. Shet. Tinawanan niya lang ako sa nangyari. Hindi pala talaga siya angel. Natutuwa siya sa katangahan ko

 

"Hala ikaw kaya nauna mag bigay ng nickname, baka ikaw ang may crush sa akin"

 

"Hindi no, ang pangit lang ng pangalan mo, wala naman Winter dito sa Pinas"

 

"Awayin mo magulang ko, 'wag ako"

 

"Ay ipapakilala mo na agad ako sa parents mo? Ang speed mo naman babe"

 

I just groaned. Fine, akala ko ako yung mag lalandi sa aming dalawa, natalo ako, mas magaling siya sa akin sa landian. Hindi na ako lalaban, sa kanya na ang korona.

 

"Puro ka naman kalokohan e, malapit lang ba talaga dito yung sinasabi mong talipapa?"

 

"Malapit lang yon babe, konting kembot lang yon" 

 

Todo chika lang kami while walking, we ended up telling random stories about each other. Apparently, single din siya which I quickly commented na dapat lang dahil grabe ang pang lalandi ang ginagawa niya sakin. She still keeps on giving me compliments from time to time, buti na lang talaga madilim so she cannot really see how red my cheeks na every time na bumabanat siya

 

"Karina, no offense ha, just so you know, I'm a cop, so if you're planning something against me, mali ka ng kinakalaban"

 

"Talaga ba? Actually, hindi ko alam na cop ka, akala ko trip mo lang mag suot ng police uniform" She said obviously filled with sarcasm. I forgot, naka uniform pa nga pala ako. Nakakahiya naman

 

"No offense din babe, I don't really trust cops but you look harmless naman, ang cute mo pa humikbi when you're not able to push your car from the puddle so I decided to help you, basta tulungan mo din ako ha" She gave me a warm smile, I was hypnotized by her gaze, hindi ko man lang napansin na tumatango na pala ako sa sinabi niya until I was done doing it multiple times.

 

"Okay, I'll take that as a promise. Pero nakakaloko ka din, we've been walking for half an hour na syaka mo pa naisipan mag disclaimer, bakit hindi mo na lang agad sinabi?"

 

"You look trustworthy e. I don't know why but it felt like I already knew you dati pa, ang gaan ng loob ko sayo, parang almost feels like deja vu nga kase yung ibang nakwekwento mo somehow felt like I already knew it about you, parang tadhana no?" I smiled naman sa sa naisip ko. When did I became this cheesy? 

​​​​

"Naku, is that what you always say to all of the girls you met?" She even scrunched her nose which I really find adorable

 

"Grabe ka, ngayon ko nga lang 'to naramdaman, nahihiya pa nga akong sabihin e, kaso yung bibig ko dumideretso na"

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bpandap
I was planning to include it in Collision but I thought having its own story is better. After all, Collision is longer with different theme

Comments

You must be logged in to comment
0101ae_cj #1
Chapter 1: Okay lang po kahit walang part 2🤧 in my mind, missing lang si Karina, probably in a coma tas tinatago ng kalaban sa politics ng parents niya, stay strong ka lang girl, magigising ka rin agad after ka mahanap ni officer Winter🤧🤧🤧🤧
jysowee
#2
Chapter 1: Chapter 1: "15 minute walking around, may nakita akong sako, puno ng damo"

"Baka ikaw ang hindi tumawag sakin, siguraduhin mong hahanapin mo ko ha"
"Oo naman, kahit saan ka pa magtago"
"Well I believe you, nakita mo na nga ako e"

"Ang cute mo pa humikbi when you're not able to push your car from the puddle so i decided to help you, basta tulungan mo din ako ha"

MF DAMN 🤯 I mean sobrang lakas ng kutob ko simula pa lang nung binulungan siya ni karina pero nakakawtf parin hahah LIKE I HAVE SO MANY THINGS TO SAY kasi how did karina end up as next winter's case? Magpapakita parin ba si karina after malaman ni winter? Maalala ba ni winter kung saan niya nakita yung sako? Anong meron sa flashlight pag tinutukan? Pano na yung feelings ni winter? Otor naloloka na ako dito panagutan mo toh eme
howdoyouknowmee
530 streak #3
Parang need ng part 2
NolanParkJeon
#4
english version pls? i dont understand tagalog
Genniee #5
Chapter 1: sabi ko na eh may nararamdaman na akong kakaiba umpisa pa lang
Ardem_Joseph23
#6
Chapter 1: Luh.. Creepy