Shoulder to cry on

Our Secret Paradise

 

Lei’s life had been a total mayhem in the past few weeks. Tinatamabayan ng isa sa mga pinakasikat grupo sa buong Asya ang café na pagmamay-ari niya kaya naman kinailangan niyang doblehin ang security ng lugar, the man she loves was dating her closest friend and lastly, there’s this guy named Kim Heechul who never failed to drive her nuts. She let out a deep sigh as she felt sorry for her petty miseries.

“Ate Lei! Ate Lei!” Nagulat niya nang bigla na lamang sumulpot sa kanyang harapan si Kardy at hinatak siya palabas ng café.

“Ano bang problema mo?” Kunot ang noong tanong niya pero siya na mismo ang sumagot ng sarili niyang katanungan nang mapagtagpi-tagpi niya ang ibig sabihin ng eksena sa kanyang harapan: the man she loves was kneeling in front of her best friend while holding a diamond adored ring.

It was one of the most romantic scenes she’d ever seen in her life, but why was it so painful? Why did she feel like her heart was being pierced by a ton of sharp needles? Bakit siya nasasaktan ng ganoon? She wanted to be happy for her friend she couldnt keep herself from feeling the pain.

Nilingon siya ng kaibigan, dahilan para lalong umigting ang sakit na unti-unting kumakain sa kanyang puso. Ivy’s, her friend, eyes were full of confusion and she clearly knows the reason why: iniisip nito ang kanyang nararamdaman.

Tinanguan na lamang niya ito bilang tanda ng pagsuporta niya sa kung anumang kasagutang nais nitong ibigay sa lalaki. Isang tango na tanda na rin ng tuluyan niyang paglimot sa kung ano mang damdamin ang mayroon siya para sa nobyo ng kanyang kaibigan.

“Yes.”

Nang maproseso ng kanyang utak ang ibig sabihin ng salitang iyon ay awtomatikong namuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Pilit niyang pinigilan ang mga luhang iyon pero bigo siya, lalo pa nang maramdaman niyang may isang pares ng mga matang nagmamasid sa kanya. Those eyes were owned by none other than her nemesis, Kim Heechul.

Seeing him with such inexplicable emotions in his eyes while staring at her somehow eased the pain that she was feeling although it wasn’t enough to make her forget that she was hurting.

She looked at the very happy, newly engaged couple bago siya nagumpisang magmartsa papasok sa loob ng café bago man may makapansin sa drama niya.

Nagtuloy tuloy siya sa pinakapaborito niyang parte ng lugar na iyon, ang tinatawag niyang hidden paradise. It was a garden that was specifically made to be kept from public. Tanging mga pili at masususwerteng customers at crews nila ang nakakahanap ng lugar, perpekto para sa pagkukubli ng kanyang mga luha.

Naupo siya sa hammock na naroon at nilunod ang sarili sa sarili niyang mga luha. Hinayaan niya ang sariling umiyak ng umiyak hanggang sa mga mata na mismo niya ang mapagod, dahil sisiguruhin niyang iyon na ang huling pagkakataong iiyak siya.

“Are you done?” nagitla siya nang marinig niya ang isang malalim na tinig kasabay ng pagsulpot ng isang kulay rosas na panyo sa kanyang harapan at napaawang ang kanyang mga labi nang makilala niya kung sino ang nagsalita.

“Kim Heechul.”

“Isara mo iyang bibig mo. Alam ko nang gwapo ako pero wag ka naman masyadong obvious.” Naupo ito sa kanyang tabi at tumingala sa langit habang siya naman ay hindi mapuknat ang tingin sa lalaki.

“Kung andito ka para asarin lang ako mas mabuti pang umalis ka na lang. Wala ako sa mood na makipaglaro sa iyo.” Kung siguro kasi ay wala siyang iniinda ng mga oras na iyon ay malamang na hinagisan na niya ng granada ang lalaki dahil sa kaargontehan nito pero dahil pakiramdam niya nauubos ang kanyang lakas kasabay ng bawat patak ng kanyang mga luha ay hinayaan na lamang niya ito.

“Hindi naman kita sinundan rito para lang asarin ka.”

Kumunot ang kanyang noo at nilingong muli ang katabi. “Then what brought you here?”

“Because I know that you need at least a shoulder to cry on.” Ito na mismo ang nagpunas ng mga luhang bumasa sa kanyang mga pisngi. Dahil doon ay hindi niya maitatanggi sa sariling may  kaunting paghangang namuo sa kanyang puso para sa lalaki.

“Pero isang balikat lang ha? Mahal ang talent fee ko.”

Biglang tumikwas ang kanyang kilay dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Akala naman niya ay iccomforrt siya nito pero mali pala siya, nahampas tuloy niya ito sa balikat.

“Aray aah! Pinayagan kita ng balikat ko para iyakan, hindi para saktan.”

Tuluyan na siyang napangiti. “So okay lang talaga na umiyak ako sa balikat mo?”

“Well… parang ganun na nga.” He awkwardly answered. Cute.

Isinandal niya ang ulo sa balikat ng lalaki at tumitig sa kawalan.  She also felt his arms wrapped around her shoulders and then, a very relaxing silence enveloped both of them. It was very relaxing that she almost forgot that she was hurting.

“Alam mo bang kaunting tao lang ang nakakaalam ng lugar na ito?” Basag niya sa katahimikan.

“Talaga?”

“Yes. This place was specially built to be kept from public.” Hindi niya alam kung bakit pero isiniksik niya pa lalo ang sarili sa bisig ng lalaki. Humigpit rin naman ang pagkakaakbay nito sa kanya. “Some people even say that if you found this garden, susuwertehin ka daw sa pagibig especially if you came here with the person you love.”

“Really?”

“I don’t know. Ako kasi araw araw tumatambay dito pero tingnan mo naman ako ngayon, bigo.”

“Siguro kasi yung swerte mo ay hindi para kay Jungsu. Maybe you’re meant to share your luck in love with somebody else.”

She let out a deep sigh. “Sana nga.”

“And since I also found this place, maybe I should consider myself lucky as well.”

“Maybe.”

Another silence enveloped the place, but this time it was little strange yet still so relaxing that she decided to close her eyes.

“Are you asleep?” hinawi ng lalaki ang kaunting hibla ng buhok na tumaban sa kanyang mukha and feeling his fingers on her forehead brought a strange shiver to her system. Kaya naman iling na lamang kanyang naisagot. “Can I ask you something? I hope you don’t mind.”

Tumango siya.

“Bakit mo minahal si Jungsu?”                                                                                              

Bakit nga ba?

“I don’t know.” Mabilis na sagot niya na sinabayan pa ng kibit ng balikat. “I just woke up one day and I already know that I love him.”

“Really?” akala niya ay muli nanaman silang babalutin ng katahimikan ngunit nagpatuloy sa pagtatanong ang lalaki. He was like a little child, eager for answers. “So ano nang plano mo ngayon?”

“Forget and go on with my life.” She opened her eyes and she didn’t know what to feel when she caught him immensely staring at her, lalo pa nang hindi ito natinag nang salubungin niya ang mga titig nito.

“Heechul.” She whispered. “Why are you doing this?”

“Doing what?”

“This.” She shrugged. “I don’t know. Letting me cry on your shoulder? When you used to tease me to death before?”

Ngumiti ito at muling tumingala sa langit. “There are some reasons that some people ought not to know.”

Bigla siyang natawa dahil sa sinabing iyon ng lalaki. This guy has a very interesting and mysterious personality. Mahirap ispelengin kumabaga.

“Kim Heechul.” Muling tawag niya sa lalaki. She didn’t know why but saying his name over and over again somehow made her heart flutter.

He looked at her with his beautiful smile still plastered on his lips. He looked so incredibly handsome that she had to unconsciously touch his face to make sure that he was real.

“Salamat.”

Hinawakan ng lalaki ang kanyang kamay na nakahawak pa rin sa gwapo nitong mukha. “You’re very welcome.”

Another round of silence passed between the two of them. Hindi man sila nagkikibuan ay ramdam na ramdam pa rin niya ang presensiya nito. Hindi nito inialis ang bisig nitong nakaakbay pa rin sa kanya at hindi rin nito binitiwan ang kanyang kamay. Him, holding her like that made her totally forget about the pain that she was feeling. She felt special…and loved to the point that something came into her mind.

“Hee.”

“Hmmm?”

“Sa tingin mo, kung mas nauna kitang nakilala, mamahalin ko pa rin kaya si Leeteuk? Sa tingin mo ba ikaw ang mamahalin ko kung hindi si Leeteuk ang unang dumating sa buhay ko?”

Binitawan ng lalaki ang kanyang kamay at pinakawalan rin siya nito mula sa pagkakaakbay nito. It made her feel uneasy. She shouldn’t have asked that stupid question.

“Never-“ nagulat siya nang hindi pa man siya natatapos magsalita ay bigla na lamang siyang kinabig ng lalaki at niyakap ng pagkahigpit higpit, tila ba’y wala na itong balak na bitiwan pa siya.

“You can still love me kahit na hindi ako ang una mong nakilala.”

Pakiramdam niya ay tumigil ang paginog ng kanyang mundo nang marinig niya ang mga salitang iyon mula sa lalaki. She didn’t know why but it somehow made her feel.  . . happy.

“Pwede mo pa rin naman akong mahalin kahit na may ilang milyong lalaki pa ang nauna mong minahal bago ako. I don’t care whomever you loved before me, as long as I’m gonna be the last. Gusto ko ako na ang huling lalaking mamahalin mo.”

“Hindi kita maintindihan.” Shock and confusion filled her mind and her heart. She didn’t know what to say or what to fee about what she just heard.

Kumalas ang lalaki sa pagkakayakap sa kanya at dinampian ng halik ang kanyang noo.

“I’m giving you permission to fall in love with me.”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
AngelMyth
#1
Ma ma paradise with suju
arukas26 #2
Hi! Ngayon ko lang nalaman na may Tagalog fanfics pala dito. Eto ang una kong nabasa. Hehe. And I must say, para akong nagbabasa ng PHR! Kinilig talaga ako ng bongga!
This is so nice! Keep it up! Hwaiting! =)
C_Areum
#3
anlupet netoh!! ang galing mo naman~~ gusto tong story mo!puwede may seqeul!!!sige na~~ maganda eh!please?!
heepidemic #4
ay shet nagngatog ako nung nabasa ko yung pangalan ijnvcjlvifnvfuibefnlveivfe namiss ko to hhahah
LittlePumpkin
#5
Oh Em Gee I cried and I'm so touch about this fic!! I mean I really cried! Haha.. I can feel the pain and the happiness of this story.. I really loved this fic even though nahihirapan ako a little bit sa pag read sa Tagalog because ang lalim ng words na ginamit mo.. But anyways, please make a sequel.. And once again I really love your fic!! Fighting for you eonnie!!
sujusyndrome #6
Grabe. hindi mo talaga alam kung pano ako nabaliw sa kakasigaw at kakatalon habang nagbabasa ng fanfic mo!! :) Congrats! Ang galing mo!! umpisa pa lang inulan na ng palo itong laptop ko! Magsulat ka pa ng Heechul Fanfic with OC haaa! Ako no. 1 fan mo! :))))