Chapter 1

Simbang Gabi
Please Subscribe to read the full chapter

(W)

15th of December

 

Nakaabang ako sa harap ng architecture building dahil nagpapahintay sila Ryujin at Yujin. Sa amin kasing tatlo na magkababata ako lang ang nahiwalay dahil accountancy ang course na kinuha ko. Pero kahit na nakahiwalay ako sakanilang dalawa lagi kaming sabay sabay umuuwi dahil magkakalapit lang yung bahay namin. Yung bahay namin nila Ryujin ay isang bahay lang ang pagitan samantalang yung kina Yujin naman ay nasa may bandang dulo ng street namin.

 

After ng halos isang oras na paghihintay, nakita ko na silang palabas ng building. Grabe ha, ngiting ngiti pa sila akala mo mga walang pinaghintay ng matagal.

 

“Oh, bat nakabusangot ka?” tanong ni Ryujin saakin. “Lagi namang nakabusangot yan, hindi kapa nasanay” sabat ni Yujin. Hindi siguro talaga mabubuhay si Yujin kung hindi ako naaasar.

 

“Ang tagal niyo kaya! Nakita ko na yung ibang classmates niyo na lumalabas kanina pa tapos kayo ngayon lang” sagot ko.

 

“Meron lang inutos samin yung prof namin. Wag kanang bumusangot diyan, libre kita ng bibingka mamaya” sabi ni Ryujin na pataas taas pa yung dalawang kilay. Palibhasa alam niyo yung kahinaan ko eh… pagkain.

 

“Ay oo nga no simbang gabi na nga pala mamaya. Anong oras daw yung misa, Rj?” tanong ni Yujin. Rj ang tawag namin kay Ryujin, Yj naman kay Yujin, at Mj naman tawag nila sakin.

 

“Alas otso, agahan niyo para may maupuan kayo” sagot ni Ryujin na sakristan sa simbahan namin.

Naglalakad na kami papunta sa may sakayan. Medyo malapit lang din naman ang school sa bahay namin, isang sakay ng jeep lang.

 

Katapos ng 10 minuto ay nakarating na rin kami ng bahay. Nasa tapat kami ng bahay nila Ryujin. “Sabay sabay na tayong pumuntang simbahan mamaya” sabi ni Ryujin habang binubuksan yung gate nila.

“Sige daanan niyo nalang ako saamin ah” sabi ni Yujin. Malapit kasi sa bahay nila Yujin yung simbahan kaya nagpapadaan nalang siya.

“Oo pero pag dating namin dapat nakagayak kana ah, kilala kita eh” sagot ko kay Yujin.  “Gusto mo ako pa magbukas ng simbahan eh” pabalang niyang sagot.

“Wag ka nalang kayang magsimba? Pwede rin naman yon” inis kong sabi.

“Eh kung umuwi na kayo para nakapagpahinga na kayo” sabat naman ni Ryujin.

“Sige, later nalang” sabi ko. Sabay na kaming naglakad ni Yujin hanggang sa makarating samin. Nagtanguan lang kaming dalawa ni Yujin at pumasok nako sa loob.

***

“MINJEEEEOOOONGGGGG!!!!” sigaw ni Ryujin na nakatapat pa sa tenga ko. Napamulagat ako at tinignan siya ng masama. Kahit nasa dreamland pa ako talagang magigising diwa ko sa ginawa ni Ryujin eh.

“Tumayo kana diyan oras na!” chineck ko yung relo ko na nasa lamesa sa gilid ng kama ko, 6:00 na nga.

Tumayo ako at binato siya ng unan, “Ang sakit ng tenga ko sa boses mo!” sabi ko sakanya. “Tulog mantika ka kaya, kanina pa kita ginigising niyuyugyog pa nga kita. Pasalamat ka hindi kita sinampal eh” sagot naman ni Ryujin.

“Edi salamat” sabi ko sakanya. “Buti nalang nasa baba si tita at narinig yung pagtawag ko sa labas” sabi niya.

 

Biglang pumasok si mama sa kwarto, “Minjeong…Ryujin…mga anak kumai

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TakuyaKen
#1
Chapter 1: Keep staring Minjeong haha este keep praying
howdoyouknowmee
539 streak #2
UPVOTED