End!

It's You!

-------

 


"Ay oh!! Tingnan mo tong isa tulala na naman!"


Napapitlag ako ng maramdaman kong may humila ng buhok ko. Pagka tingin ko si Giselle pala. Bwiset talaga tong babae na to!


"Ano na naman ba!!?"


" Hahahaha ang sungit mo naman girl!!" Pang aasar pa ni Ningning.


"Isa ka pa!! Hindi nyo ba talaga ako titigilan ngayong araw!!? Patahimikin nyo naman buhay ko kahit ngayon lang!" Inis ko.

 

"Hahaha hoy kayong tatlo dyan! Nagbabangayan na naman ba kayo!? Hahaha" 


Sigaw ni Seulgi sa hindi kalayuan habang nakaakbay sa girlfriend nya na si Irene.


"Oo naman yes!! Hahaha you want to join!?" Giselle.


"Hahaha kayo nalang kaya nyo na yan! Baka mainggit pa yung isa sa amin." 
Napatingin ako sa sinabing yun ni Seulgi.


"Oh ang talim ng tingin mo! Wala akong binanggit na pangalan ah!" Sabay pigil nilang pareho ni Irene sa pagtawa nila. "Sibat na kami! Baka mamatay na kami sa mga mata ni Winter hahaha"


Nakahanda na yung maliit na dalawang bato sa kamay ko upang ibato sa kanila ngunit mabilis silang nakatakbo. Ina nga naman oh!! Kabanas!!

 


"Pfffftt hahahahaha" 
Napalingon ako kina Giselle at Ningning ng bigla silang humagalpak ng tawa.


"Oh Ano!!!?" Kunot noo kong sigaw.


"Inggit ka nga girl hahahaha" sabay uli sila.


"Sige bwisitin nyo pa ako lalo!!"


Pag susungit ko at nag walk out uli. Yun lang talaga magagawa ko ngayon.


Tumambay nalang ako dito sa tabing dagat para makalanghap ng hangin at mawala yung inis ko. Oo nainis talaga ako!! Akala ba nila ganun kadali ng may namimiss na tao!!! AKala ba nila ganun lang kadaling matulog sa gabi ng hindi ko man lang alam kung ano na bang balita sa kanya. Akala ba nila ganun lang kadaling mag panggap na okay lang kahit hindi naman talaga! Akala ba nila tahimik lang yung utak ko!? ni hindi nga ako mapakali sa kakaisip na baka may nagugustuhan na sya dun sa kanila! Hindi nila alam kung gano kahirap na hindi ko man lang nasabi sa taong gusto ko na gustong gusto ko sya!!!


Nakaka tang ina na rin!!

Eto naman kasing si Karina ang tagal bumalik dito! 

 

Umuwi na sya sa kanila last year upang dun na uli mag-aral. Kinailangan nyang bumalik dun kasi hindi na daw kakayanin ng parents nya ang matrikula sa school namin dahil may pagkamahal iyon. Hindi nila kayang isabay sa gastusin sa gamot at pagpapagaling  ng kapatid nya na nainvolve sa isang car accident kaya naman wala syang pagpipilian kundi ang bumalik sa kanila at doon na lang uli ipagpapatuloy ang studies nya.


Kinumbinsi pa sya ng family ni Ningning na sila na muna ang mag papaaral sa kanya pero tumanggi sya dahil nakakahiya daw kung ganun. Kaya hindi narin nag pumilit pa ang parents ni Ningning.

Nung mga araw na yun, sobrang lungkot ko kasi alam kong malalayo sya sa akin. Gustong gusto ko ng umamin sa kanya pero palagi akong pinanghihinaan ng loob. Ang dami kong what if's kung sakaling aamin ako sa kanya kaya lagi akong umuurong.

Naalala ko pa nung araw na paalis na sya, isang mahigpit na yakap ang binigay nya sa akin. Isang yakap na hinding hindi ko makakalimutan. Habang yakap nya ako  bumulong sya sa akin ng "hihintayin mo ako ah"
Hindi ko alam, pero automatic na napatango ako sa sinabi nya.

 

Nakalimutan na nya siguro na may taong naghihintay sa kanya dito, kaya hindi na sya bumalik. Naiinis ako kasi pakiramdam ko ang unfair unfair!


Wala narin kaming communication kaya mas napapaisip ako na baka nakalimutan na talaga nya ako. Siguro masaya na sya dun. Masaya na sya na hindi na nya ko nakikita, nakakausap at nakakasama. Baka nga para sa kanya wala na lang yung pinag samahan namin na binuo naming pareho.


Naluluha na naman ako! Nakakainis!
Sa tuwing maaalala ko sya hindi ko mapigilang malungkot at maluha. Sobra akong na attached kay Karina! Kung alam ko lang na ganito yung mangyayari, sana nung naramdaman kong nahuhulog na ako sa kanya, sana dun palang tinigil ko na! Para hindi ako nagkaka ganito! Ang hirap!

 

 

----


"Buti naman bumalik ka na dito sa hotel, kanina ka pa namin hinahanap eh. Tapos hindi ka pa namin ma contact! Nag alala kami sayo" Salubong sa akin ni Seulgi.

 

"Hindi ko namalayan na battery empty na pala yung phone ko, saka naglakad lakad lang ako. Nag pahangin." Sagot ko at saka ako ngumiti ng pilit. Ewan ba! Sabi ko hindi na ako magpapa apekto sa kanya, pero eto na naman ako!


Lumapit sa akin si Giselle saka ako inakbayan.


"Alam naming nainis ka kanina, sorry kung sumobra kami."  Sambit nya habang kinakamot ng bahagya yung ulo nya at saka nag pout.

 

"Tsk!" Binatukan ko sya "Buti alam nyo" sabay irap ko sa kanila. Tapos tumawa sila kaya naman napatawa nalang din ako. Hay! Buti nalang at nandito tong mga toh! "Mga lechugas kasi kayo! Wagas kung mang asar!"

 

"Hahaha sorry na nga!" 
At saka nila ako niyakap. Potek!

 

"Teka! Asan nga pala si Ningning?" Tanong ko ng humiwalay na ako ng yakap sa kanila. Napansin ko kasing wala sya dito.

 

"Ahh... May pinuntahan lang saglit. Nandito narin yun mamaya maya lang" nakangiting sagot ni Irene habang baba taas pa ang kilay nya 


Tumango naman ako sa sinabi nya.

 

 

----


" Dito ka lang ah, bibilhan kita ng Iced coffee" Ngisi sa akin ni Ningning.


"Aba!! Bakit? Hahaha bumabawi ka sa ginawa mo kanina ano?" Asar ko naman sa kanya.


Nag pout sya at saka nag cross ng arms.


"Hahaha baliw! Okay na yun!" I pat her head 


"Ah basta bibilihan kita! Dito ka lang wag kang aalis!"


"Oo na oo na sige na nga! Dito lang ako. Dami mong alam"

 

"Ako pa ba!? Hahaha baka nga mag pasalamat ka pa ng sobra sa akin eh"


"Ay wow! Dahil lang sa kape? Grabe kaya ginawa nyo!"


"Hahaha oo na! Alis na muna ako. Basta dito ka lang ah"


"Oo nga! Ang kulit!!"


"Wag kang aalis!!"


"Oo na nga!!!

 

At umalis na nga sya. Problema nun? Paulit ulit tsk!
Nandito lang kami sa tabing dagat. Hapon na kaya inaabangan lang namin yung sunset. Samantalang sila Giselle naman ay nag libot libot muna. Kaya dalawa lang din kami ni Ningning ang mag kasama. Medyo matagal din syang nawala kanina, ewan ba kung san nagpunta at kung ano ang ginawa nung babaitang yun.

 

Tahimik ko lang na pinapanuod ang magandang alon ng dagat at maya maya ay lulubog narin yung araw. Ang saya din panuorin ng mga batang naliligo dito. Parang napaka laya nila, walang masyadong iniisip. Kaya naman napapangiti nalang ako kasi ang gaan gaan sa loob na makita silang ganun.

 

Nagulat naman ako bigla ng may nag abot ng Iced coffee sa akin mula sa aking likuran. Nandito na pala si Ningning.

 


"Napaka tagal---" naputol yung sasabihin ko nung ibang mukha ang nakita ko pagkalingon ko sa likod. Nanlaki yung mga mata ko at parang hirap akong makapag salita.

Walang ni ano mang letra ang lumabas sa aming mga labi kundi isang marahan na yakap na mula sa kanya ang akin lang naramdaman.

 

"Hinintay mo ako?"
Nanginginig yung boses nya pero ramdam ko na may halong saya yun.


Hindi ako makapaniwala na nandito na sya. Bumalik sya!! Hindi sya nakalimot!!

 

"Araw araw..." Niyakap ko din sya pabalik "Araw araw kitang hinihintay."


"Sorry kung natagalan ako sa pag balik ko."


"Okay na, okay na ako dahil nandito ka na uli."


Hinawakan nya yung dalawang balikat ko upang iharap yung mukha ko sa kanya. Ngumiti sya ng medyo naluluha.

 

"Natatandaan mo pa ba yung sinabi ko dati?"


"Alin sa mga yun?" 


Hinawakan nya ng dahan dahan ang mga kamay ko.
"Yung sinabi kong... aamin ako sa taong gusto ko sa tamang panahon.... At tingin ko ito na yung tamang panahon Winter."


Kinakabahan ako ng sobra, parang ang hirap huminga! Ito na ba yung matagal ko ng hinihintay?


"Matagal na kitang gusto Winter. Hindi ako makapag confess kasi natatakot ako na baka bigla mo kong iwasan, na baka biglang may mag bago, na baka---"


I kissed her on her cheek at napahinto sya sa mga sinasabi nya.


"Gustong gusto din kita Karina!" I smiled.


"Ta--talaga?"


" Oo! Nakakainis ka! Hindi pa ba halata sa mga kilos ko dati? Ang manhid mo! Sila Ningning nga nahalata yun, tapos ikaw---"


Naputol yung sasabihin ko ng tumawa sya ng mahina sabay yakap uli sa akin.

 

"I like you!" She kissed me on my forehead at tumingin sa mga mata ko.


Ngumiti sya " I like you, I like you, I like you!"


Napangiti nalang din tuloy ako hahaha. Tang ina! Nakakakilig pala talaga yung ganito!!!


"I like you too!" At niyakap ko uli sya.

 

"Ay oh!!! Buti naman at nag kaaminan na!!" Salubong ni Giselle na pumapalakpak pa habang papalapit dito sa amin kasama sila Ningning.

 

" Kanina pa namin kayo pinapanood dun oh!" 
Tinuro naman ni Irene yung pwesto nila kanina, hindi pala ganun kalayo mula sa kinakatayuan namin.

 

"Puchang inamerz nalang talaga kung hindi pa kayo nagka aminan! Ang layo ng dinrive ko para sunduin lang yang pinsan ko! Gosh! Maling lugar kasi ang binabaan eh!"


Tumawa naman si Karina sa reklamong iyon ni Ningning

 "Sorry na! Baluga kasi ni kuya driver hindi sinabi na lampas na pala ako haha"


"Ay naku tama na nga kayo!! Ang mahalaga malinaw na sa inyo yung totoo!! Hahaha ina nga naman!! Pati kami nag hintay ng matagal sa confession nyong dalawa!!" Singit naman ni Suelgi habang naka akbay kay Irene.

 


"Hahaha sorry na!! At least worth it!" Sabi ko sabay tingin dito kay Karina na naka back hug na sa akin."Diba?"


Ngumiti sya at saka ako hinalikan sa pisngi "Sobra" tapos hinigpitan na nya yung pagkakayakap sa akin.

 

"Tama na yan!! Naiinggit na ako!!! Malapit ko ng yakapin tong si Ningning!!!" Biro ni Giselle na akmang lalapit naman kay Ningning 

 

"Yuck!!! Mandiri ka nga!!"

 

"Choosy ka pa!! Ako na to oh!!! Dali na!! Isang yakap lang"

"Tumigil ka Sel ah!!"


" Uy kinikilig na yan!! Eto na malapit na ako!!" 


At lumapit na nga sya kay Ningning, pero agad na nakatakbo yung isa hahaha. 


Wala kaming magawa kundi ang tawanan nalang sila.
Anong malay namin, baka balang araw magka developan din sila. Kahit sobra ang saltik nilang pareho.

 

"Ningning!!! Isa lang eh!!! Kiss na lang kung ayaw mong hug!!!.....HOY!!!!....HOY DALI NA!!!!"

 

 

 

 

THE END!!!

Thank you for reading! 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
545 streak #1
UPVOTED