One

It's You!

"Hoy! Tantanan mo nga yung pag tingin dyan sa mag jowa!  Mamaya isipin pa ng isa sa kanila, kabit ka eh! "
Bulabog sa akin ni Giselle na may kasama pang hampas sa balikat ko habang tumatawa sya ng malakas. 
Binatukan ko nga pabalik! 

 

"Pwede ba! Para namang magkakagusto ako sa isa dyan kina Seulgi at Irene!? Tsk! Isipin ko palang kinikilabutan na ko noh!!"


"Ay ikaw pa choosy!? Kapal din naman! Hahahaha"


"Gaga!! Hindi ako choosy! Sadyang kapatid lang talaga ang turing ko sa kanilang dalawa!"


"Sus! Hindi pa kasi aminin na may namimiss eh kaya nakatingin sa couple! Hahaha"


Napalingon naman kami ni Giselle sa bagong sulpot na si Ningning.  Hay naku! Wala na! Gisado na naman ako neto! 

 

"Pwede ba tigilan nyo nga ako!! Hindi ko tuloy ma enjoy tong outing natin dahil sa inyo!"


"Hahahaha hindi mo talaga ma eenjoy, kasi wala sya!" 


Inirapan ko lang si Giselle sa pang aasar nya. Nakakainis naman!! Bakit ba may kaibigan akong ganito!? 

 

"True ka dyan Sel! Hahahaha wala kasi si Karina kaya ayan nagmumukmok hahahaha"

 

"Bahala na nga kayo sa buhay nyo! Mga leche!!"


Nag walk out na ko. Nakaka bwiset! Ewan ko ba! Pero naiinis talaga ako! Naiinis ako kasi alam ko naman na namimiss ko na talaga sya. Urghhhh!!! 

 

 

One year narin pala. 

-------


Kanina pa kami naghihintay ni Giselle dito sa coffee shop. Mauubos na nga yung inorder kong kape pero wala parin si Ningning! 

"Lechugas yung babaitang yun!! Abay mag 45 minutes na syang late ah. Umay talaga!!"
Reklamo ni Giselle! 


Paano ba naman kasi sya ang nag set ng time tapos sya pa pala ang wala ngayon! Tinawagan namin kanina sabi nya,  wait lang daw tapos ayun bigla ng naputol. Baka drained na yung phone nya. Hindi man lang kasi nag charge!!! 

 

"Masasakal ko na tala----"
Naputol yung sasabihin ko ng tumunog yung chimes sa pintuan at iniluwal nito si Ningning. Agad syang nag peace sign kasi paniguradong alam nyang lagot sya sa amin dahil sa sobrang pagka late nya at agad din naman syang sinagot ng middle finger ni Giselle hahaha baliw talaga toh! Sumimangot lang si Ningning at tuluyan na nga syang pumasok dito. Napakunot pa nga ako ng noo ng mapansing may kasama pala syang iba. Hindi ko kilala, ngayon ko lang din sya nakita. 

 

 

"What the heck!! Shoot!!" 


Napatingin ako kay Giselle ng bigla syang tumayo at lumapit kina Ningning sabay  yakap nya dun sa isang babae!  


Teka!! Anong meron!? Magkakilala sila? 
Tsk! Halos malamog na yung babae sa pagkakayakap nya! kawawang nilalang. 

 

"Hoy! Maawa ka naman kay Karina!"


Awat ni Ningning at pinaghiwalay nya na nga yung dalawa. 
Lumapit na silang tatlo dito sa akin at saka umupo, katabi ko si Giselle at kaharap naman namin si Ningning pati yung Karina. 


Pinakilala narin sa akin ni Ningning yung kasama nya. Pinsan nya pala. Sa ibang lugar daw galing at dun din sya nag aaral pero lilipat na daw sya sa school na pinapasukan namin. 

Bakasyon ngayon kaya puro gala lang din ang ginagawa naming tatlo. 


Nag kukwentuhan lang kami dito. At pinaliwanag narin ni Ningning kung bakit sya late. Sinundo nya pala sa airport itong pinsan nya. Dapat daw si Tito yung susundo kaya lang may biglaang meeting sa opisina kaya sya na lang yung pinakiusapan. 

 

Medyo tahimik pala tong pinsan niya. Puro silang dalawa lang ni Giselle yung dumadaldal. Ako naman tamang nakikinig lang. 

 

"Grabe! Sobrang na miss talaga kita Karina! Pa hug nga uli!!" 
Pilyang sambit nya at saka lumapit doon upang yakapin uli si Karina pero agad syang hinarang ng mga kamay nito at  itinulak ng medyo malakas habang tatawa tawa pa ng konte. In fairness ang ganda ng tawa nya at maganda din sya actually!

 

"Ayan! Buti nga sayo! Hahaha Alam mo naman kasing hindi komportable tong si Karina sa physical touch ever since mga bata pa lang tayo! Tsk! Kulit mo kasi haha"

 

"Sus!!  Para namang hindi pa alam ni Karina na inaasar ko lang sya. KJ ka lang kamo Ningning kaya ang lungkot ng life mo Hahaha"

 

"Utot mo! Leche ka!!"

At nag bangayan na naman nga silang dalawa hahaha. Kami naman ni Karina tamang tumatawa lang. Hindi kami masyadong nagkakausap. Hindi parin naman kasi ako komportable sa kanya at panigurado ganun din sya sa akin. Ayoko namang mag feeling close! Mamaya sabihin pa nya interested ako sa kanya Tsk!

After namin tumambay sa coffee shop dumeretsyo na kami dito sa beach. Naglalakad lakad lang. Hay!!! Ang sarap talaga dito! Sobrang nakaka relax! 

 

 

-----
"Nice shot! Wooohooo!!" Cheer ko kay Karina habang nakataas pa tong dalawang fists ko. Ang galing nya talagang mag basketball. Kahit ilang beses ko na syang nakitang maglaro neto, humahanga parin talaga ako sa kanya! 

Lumapit  sya sa akin ng konte at saka pinat yung ulo ko.

"Basic!" sabay smirk! 


Ay iba rin talaga!! Tsk!

 

 

One month na simula nung nakilala ko sya. At masasabi ko na medyo nagiging komportable na sya na kasama ako. Kasi kung hindi, edi sana hindi ko sya nakakasamang mag isa ngayon. Oo dalawa lang kaming lumabas at pumunta dito sa arcade. Sila Ningning ayun! busy sa kung ano mang bagay na pinagkakaabalahan nila.

 

Dati pag niyayaya ko tong si Karina ng kaming dalawa lang, mailap talaga sya. Hindi ko sya niyayaya dahil sa may gusto ako sa kanya, gusto ko lang din talaga sya makilala. At saka yung dalawa kasi may sariling mga trip din nitong mga nakaraang linggo. Kaya sya nalang yung inaaya ko, since hindi ako mapirme sa bahay namin. Nakulitan na rin siguro sya sa akin kaya napapayag ko sya. Kung hindi ako nagkakamali maraming beses na kaming nakakalabas na kaming dalawa lang.

 

Inamin din naman nya sa akin na gumagawa lang daw sya ng dahilan dati para hindi sya makasama sa akin. Medyo disappointed pa ako nung marinig ko yun. Pero gets ko naman, kasi hindi pa sya komportable. Buti na lang pala at may pagka madaldal din ako, dahil dun kaya unti unti narin kaming nagiging malapit sa isa't isa.

 

And I must admit na iba sya sa mga taong nakasama at naging close ko. I'm starting to get interested in her, honestly! At hindi ko idideny sa sarili ko yun! 

 

Ang totoo nyan, nahalata na rin nila Giselle at Ningning yun dahil daw wala na akong bukambigbig netong mga nakaraang araw kundi si Karina. Lagi pa raw akong excited pag nag kukwento sa kanila kung anong ginawa namin. Ganun na pala ako ka obvious sa mga mata nung dalawa! Pero na mamanage ko pa naman kasi ang sarili ko pag kasama ko sya! 

 

 

---
"Hello Karina!" 


"Hoy! Hello daw oh!" Bulong at siko ni Giselle sa kanya. 
Nandito kami sa may school gate namin, kakatapos lang kasi ng klase. Tatlong linggo narin ng mag simula ito. 


"Hayaan mo sila" simpleng sagot naman nya ng hindi man lang nililingon yung babae at mga kaibigan nito. 

Sa bagay napapansin kong ganito talaga sya sa ibang tao lalo na kung hindi naman sya komportable o kaya naman hindi nya kakilala. 


Napa ngiti ako ng bahagya sa ginawa nya. Tiningnan ko yung babaeng bumati kani kanina lang, at ayun nakasimangot at ang sama ng tingin kay Karina. Buti nga sa kanya at hindi sya pinansin hahaha. Madalas talaga nilang hinihintay si Karina dito sa may gate ewan ko ba kung bakit hindi pa sila kinakain ng lupa dahil sa kahihiyan na ginagawa nila. Actually hindi lang sila ang gumagawa nito kay Karina!  Madami pa! Yung iba mga mas bata pa sa amin.

Hindi narin naman nakakapagtaka kung bakit madaming interested sa kanya. Paano ba naman kasi, talagang Iba yung dating nya! Mukha pang misteryosa! Tapos pag mas nakilala mo pa sya paniguradong mahuhulog ka talaga, tulad na lang ng nangyayari sa akin ngayon. 

 

Buti na lang din pala at pinsan sya ni Ningning, doon pa lang lamang na ako sa iba! Tae! Ano ba tong pinagsasabi ko!? Halata namang hindi interesado sa akin itong si Karina. Pero ayos lang naman, hindi parin naman ganun kalalim ang pagkakagusto ko sa kanya. At hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nangyari yun.

 

 

---
"Matunaw naman yung pinsan ko sayo Winter!" 
Napatalon ako ng bahagya ng biglang tumabi sa akin si Ningning. Langya tong tao na to oh!! Nang gugulat!! 

Nandito ako ngayon sa gym pinapanood ang dance practice ng dance club members ng school namin at kasama nga rito si Karina. Grabe! Napaka lakas talaga ng appeal nya pag sumasayaw! Ang saya nyang panuorin! Masasabi kong lutang na lutang din yung kagandahan nya sa mga members nila! Potek!! Ang sarap nyang titigan!


"Hinay hinay lang naman woi!" 


Tuluyan ng kumunot ang noo ko ng humarang na sya sa harapan ko !  Ang ganda ganda na ng panunood ko kanina eh, kaya lang bigla namang sumulpot tong asungot kong kaibigan. Kaya pilit ko syang itinataboy pero ang lakas nya! Nakaka asar! 

 

"Hoy hoy hoy!"


Natigilan kaming dalawa ni Ningning sa bangayan namin ng dumating na dito si Karina. At ang loka! Pinagtatawanan kami tsk! Hindi namin namalayan na tapos na pala yung practice nila.


"Ang cute nyong mag bangayan haha"
Pang aasar pa nya sabay gulo sa buhok ng pinsan nya at pagkatapos nun umakbay naman sya sa akin. 

 

Oo naaakbayan nya na nga ako ngayon. Samantalang dati hindi nya ako magawang hawakan tulad ng simpleng high five o tapik man lang sa balikat. Pero habang tumatagal nagbabago ang pakikitungo nya sa akin. Dati rati, isang tanong isang sagot lang talaga sya pag kinakausap ko. Pero ngayon nasasabi nya na sa akin kung ano man ang tumatakbo sa utak nya. Nakakapag kwento narin sya tungkol sa sarili nya, hindi na yung puro ako lang yung nag kukwento tungkol sa buhay ko. 


Halos araw araw narin kaming nagkaka chat. Dati kasi parang once a week lang dahil nagkikita rin naman kami dito sa school tapos madalas din naman kaming lumabas dati bago pa magstart ang klase at saka wala naman kaming masyadong pinag uusapan. Pero ngayon iba na rin talaga! Kung ano ano na nga lang ang topic namin. Minsan mga walang kwentang bagay lang. Minsan naman mga seryosong usapan. At pag sinumpong naman sya ng pagkahyper nya, mangungulit sya ng mangungulit tapos biglang mag jojoke. Madalas ngang corny pero natatawa parin talaga ako. Hindi ko akalain na may ganun pala syang personality. Kasi tahimik ko lang syang nakilala tapos mailap sa tao. Hindi pala kwento. Kumbaga ang dating nya sa akin dati ay isang napaka pribadong tao. Buti na lang din talaga at determinado akong makilala sya. Kaya umabot na kami sa ganitong closeness kung anong meron kami ngayon. 

 

Pero aaminin ko na minsan hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko kung meron narin ba syang nararamdaman para sa akin. Wala naman sigurong masama kung iisipin kong ganun diba? Kasi parang may iba narin talaga sa mga ikinikilos nya pag kaming dalawa nalang ang magkasama pero hindi nya lang masabi. O baka sadyang nag aassume lang din ako sa puntong ito. Ah!! Hindi ko narin alam!! 

 

 

---
"Grabe ang ganda talaga ng Garden dito sa school. Sobrang nakaka relax yung ambiance" sambit ko habang pinagmamasdan ang paligid ng nakangiti. Ang aliwalas dito at sariwa din ang hangin. Napaka peaceful! Katulad parin ng dati. Iba nga lang yung epekto sa akin ng garden na to ngayon pag kasama ko si Karina. Mas masaya ako at mas relaxed.

 

Wala ng masyadong tao kasi gabi narin naman na. Tapos sila Ningning at Giselle umuwi na kanina pa. Ako naman hinintay kong matapos ang practice nila Karina. Ilang araw narin silang nag i-ensayo para sa event ng school namin next week. 

 

"Salamat uli sa paghihintay ah!"
Ngumiti sya at saka ako tinapik ng marahan sa ulo. 


"Sus wala yun! Lakas mo sa akin eh hahaha" 


"Haha mas malakas ka parin! "


"Utot mo!!"


"Hahahaha ayaw pang maniwala! Mas malakas ka nga!! Ikaw weakness ko eh!" 


Napakurap ako sa hirit nya at medyo na papause pa ako. Bumalik lang ako sa sarili ko ng sundutin nya ang aking tagiliran.


"Kinilig ka no? Ayieee!"


Kinunot ko ng sadya ang aking noo at saka ngumuso habang pinipigilan ko yung tawa ko. Kunware hindi totoo yung sinabi nya. Bwiset!! Yung butterflies sa tummy ko ayaw tumigil!!

 

"Asa ka naman!" Sabay irap ko sa kanya. Potek!! Ang arte ko kadiri!!!

"Ang cute mo talaga! Hahaha isang irap pa nga!"


"Lagi mo nalang sinisingit yang cute na yan! Urghhh ayoko ng ulitin."


"Hahaha see!?" Pumunta sya sa harapan ko "Ang cute mo!" at pinisil ang mga pisngi ko. naman! Yung kuryente dumadaloy na naman sa katawan ko! 


"Tae ka talaga Karina!!" Pag pipigil ko parin sa kilig ko. Nakaka inis naman tong taong to! 


Tinanggal ko na yung mga kamay nya sa mukha ko at ako naman ang gumanti sa kanya haha. Kahit matangkad sya sa akin wala akong paki! 


Pagkatapos naming tumambay saglit sa garden, dumeretsyo na kami dito sa fast food. Kumakain lang kami tapos konting kwentuhan at tanungan din.

 

 

"So ano wala parin bang nan liligaw or nag coconfess sayo ngayon?" 


Napatawa ako ng bahagya sa tanong nya.


"Bakit ba madalas mong itanong sa akin yan? Hahaha wala nga! Ang kulet!"


"Naninigurado lang naman!" 


Sabay yuko nya tapos ewan pero nakita ko ata syang nag smile ng konti. Tsk!


Madalas nya talaga itanong sa akin yun. Hindi ko nga alam kung bakit.


"Hmmm eh ikaw may nagugustuhan ka na?"


"Madalas mo ring itanong sa akin yan hahaha"


Natawa ako kasi totoo din naman talaga haha.


"Naninigurado lang din. Kasi lagi mong sagot wala. Baka this time meron na diba!?" Sabi ko tapos ininom ko uli yung Iced coffee ko.

 

"Meron na nga." 


Mabilis nyang sagot. Napatigil ako sa paginom ko at saka ko itinaas ang aking ulo upang tingnan sya. Nakatingin din pala sya sa akin. Straight into my eyes!! Napalunok ako kasi hindi ko alam kung may ibig sabihin ba yung pag sagot nya ng meron na nga at kasabay pa nun ang pag tingin nya sa mga mata ko. Leche!! Baka nag aassume lang talaga ako!! Ayoko ng ganitong pakiramdam!

Kumurap ako at saka huminga ng malalim at kinalma yung sarili ko, ayokong magpahalata.

 

"Oh talaga!!? Umamin ka na ba?"


Umiling sya at ngumiti sa akin tapos tumayo sya ng kaunti at marahan na  tinapik ako sa ulo.


"Sa tamang panahon"

 

-----


"Sa tamang panahon" 
"Sa tamang panahon"
"Sa tamang panahon"


Kanina pa paulit ulit yan sa isip ko urghh!! Hindi tuloy ako makatulog ng ayos.


Bakit ba kasi ganun yung sagot nya sa akin!! Nakaka inis!! Mahirap ba talagang umamin!!?


Bigla ako napatigil sa tanong ko. Kasi na realize ko na hindi parin naman ako umaamin sa kanya. Siguro nga mahirap talagang umamin. Wala naman kasi akong lakas ng loob. Saka natatakot ako na baka may mag bago sa amin. Ayoko lang din talagang umasa na ako yung tinutukoy nya sa sagot nya kanina. 

 


-----
Lumipas na ang ilang linggo, buwan at taon walang pag amin na naganap. Oo hinihintay ko na umamin sya sa akin kasi umaasa na ako na ako yung taong tinutukoy nya dati. Subalit sa tagal ng pag hihintay ko walang nangyaring ganun. Siguro nga hindi ako yun. Pero nakukwento nya na rin kasi sa akin yung personality ng babae at sobrang pareho kami. Kaya hanggang ngayon napapaisip parin ako. Nakakainis naman yung ganito na hindi mo alam kung ano na ba talaga kayo!! Sweet naman na kami. Minsan narin kaming nag holding hands at hug pero leche wala man lang clarification sa amin yun. Ayoko naman na ako yung mauunang mag tanong o umamin. Natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi ko marinig mula sa kanya yung gusto kong sagot.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
546 streak #1
UPVOTED