Ms. Sungit

di naging tayo
Please Subscribe to read the full chapter

 

Kim Minjeong 

 

"Alam kong biglaan yung pag file ng COC kasi yung preparations for the campaign and sa mga partylist ay matatagalan." Pag explain ni Yeji. 

 

Ngayon, Kaming tatlo  ay on the way na sa Student Council club since nag volunteer ule si Yeji na tulungan ako. Hindi na rin ako tumanggi kasi wala rin akong kilala sa club na 'to. Baka mamaya ano magawa ko.

 

Kasama rin namin si Yuqi since may dadaanan lang din daw siya sa Sports Club. Medyo duda ako sa sinabi niya kasi parang dun lang ulit siya sa Music tatambay. Sila Shuhua at Ning naman ay nauna na sa SM Aura dahil may bibilhin pa raw sila for the preparations sa Buwan ng Wika.

 

Binuksan na ni Yeji ang pintuan papasok sa office ng Student Council at binati na ang mga kakilala neto. Pansin kong tinititigan lang ako ng iba kaya nginingitian ko nalang sila. Nakakahiya naman na iwasan ko lang din sila.

 

May malaking table na nakapalibot sa gitna at office chairs. Taray, Ibang klase naman to. 

 

"Una na ako! Yejs, Ikaw na bahala kay Minjeong. Minjeong, Alis na ko." Bulong ni Yuqi. Bumeso ito sakin at nilapitan si Yeji. 

 

Ano nanaman kaya gagawin nito.

 

"Ako na bahala. Dun ka na kay Jeon." Sabi ni Yeji na may nakakaasar na ngiti. Kita kong nagulat si Yuqi sa pag bigkas ng ni Yeji na -- Jeon? Grabe ang expensive pakinggan ng apilido.

 

"Che! Alis na ko." Natawa kami parehas ni Yeji sa pag takbo nito at kumaway na rin kami sa kanya. 

 

Okay! Hindi ko alam kung san ako lulugar. Tayo nalang kaya ako? Or umupo sa upuan. Kaso baka isipin nila masyado na akong nagiging komportable sa--

 

"Min! Upo ka muna dito.Coffee?" Whee! Thank you talaga Yeji.

 

At may coffee maker din pala sila dito? Like yung literal na coffee machine tas coffee beans. 

 

Umupo na ako sa tabi ni Yeji at nginitian siya, "Gagawa ka? Sige lang. Salamat." Sabi ko at ngumiti naman sakin si Yeji pabalik. 

 

Habang nagpapaka busy na gumawa ng kape si Yeji. Inobserbahan ko na muna ulit yung office ng Council. Hindi gano crowded sa loob. Yung mga nakita ko lang din kanina ay nandito pa rin hanggang ngayon.

 

Siguro sila yung candidates, Explain din ni Yeji kanina na yung mga pwede lang daw pumasok dito ay yung mga seryoso na mag fifile ng COC at yung mga head members ng Council. 

 

Ang lamig din sa loob. May dalawang aircon sila dito at malaking bulletin board na may mga past members ng Studen Council. Mga senior ata namin to eh.

 

Pansin kong tinititigan nanaman ako ng dalawang babae na nakasalubong namin sa harap kanina. Hindi ko nalang ito pinansin at hinintay si Yeji patiently.

 

"Here, Hope you can handle it." Natawa naman ako dahil kapeng barako ang ginawa nito ni Yeji. Ano kala mo sakin? Suki ako sa iced americanos duh.

 

Umupo na si Yeji sa tabi ko at sinakop kami ng komportable na katahimikan. Parehas lang kaming iniinom ang kape namin. Walang nag sasalita.

 

"So, What position are you interested in? Secretary? PRO?" Nakakagulat naman to at ayan na agad ang tinanong niya sa akin. Sa totoo lang wala pa akong naiisip. Biglaan din naman kasi yung pag sali ko sa Student Council eh.

 

Nahihiya akong tumawa, "Uhmm, Ano ba meron?" Natawa si Yeji sa tanong ko. Pansin ko na nawawala yung mga mata niya kapag ngumingiti o kaya pag tumatawa.

 

Wala, Ang cute lang. 

 

"Hmmm, So far, May dalawa na nag file sa Secretary, Including me. And sa pro wala pang bet mag try." Pag explain ni Yeji habang tinuturo sa akin ang mga candidates na nag submit na ng COC nila. 

 

Hmm, Ang ganda ng kalaban ni Yeji. 

 

Anyway.

 

"PRO nalang din  ako." Sabi ko at ngumiti si Yeji habang tumayo para kumuha ng plain copy ng COC.

 

Bumalik na siya at nilapit ang upuan niya sa tabi ko.

 

Madam! 

 

"So, All you need to do is attach your ID picture here. Tas fill all the blanks here parang exam lang. The partylist part leave it blank muna since i aannounce naman daw kung saan tayo naka assign." Pag explain ni Yeji. Hindi naman pala siya ganun ka komplikado. Need din pala ng parent's consent.

 

Binigay na sakin ni Yeji ang COC at sabi na hanggang bukas daw ang pasahan nito. Ang bibilis naman ng deadline. Ano meron?

 

Iwan daw muna si Yeji sa Office dahil tutulong na muna siya kay Ms. Alcatara

 

Lumabas na akong Student Council office at kikitain na si Shuhua sa lobby. Sabay kaming uuwi dahil malapit lang naman ang bahay nila sa amin. Kaya pwede tumambay si Shuhua sa aming t

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hakuyah
oops. after a year of updating nag kamali ako sa recent update. sila yeji, shuhua, at win pala ang mag kaklase 😆

Comments

You must be logged in to comment
TakuyaKen
#1
Chapter 3: Ahehehe di ko sure kung maging angst to pero cge ready nmn ako s mga mapanakit n tao 😅
Emgeelex
#2
Chapter 1: Katulad sa Burnout, baka pag complete na yung status neto tsaka ko nang basahin lol mapanakit masyado yung title at synopsis po eh 😅
howdoyouknowmee
549 streak #3
Upvoted
sungoesdown
#4
sakit ng title