Yakult.

di naging tayo
Please Subscribe to read the full chapter

 

Kim Minjeong

Magandang magandang umaga! Second day ko na nga pala at ito ako kakapatay lang ng alarm.

 

5:00 

 

Ang aga pa! ang lamig. Maaga talaga ako nag aalarm since mabagal ako kumilos. Ang daming ko kasing distractions tuwing umaga. Napapabagal kilos ko.

 

Dahan dahan akong bumangon at ginawa na muna ang morning stretchings ko. Niligpit ko ang aking kama at inayos ang placement ng aking mga unan at stuff toy. 

 

Sinuot ko na yung shark slippers ko na pang bahay. Nakita ko nga lang to sa tiktok. Cute kasi eh.

 

Dala dala ko ang cellphone ko pababa ng bahay para mag luto na ng almusal at ihanda na ang mga gamit ko. Hindi ko na ginigising si mama para ipag handa ako ng pagkain. Maliit na bagay nalang naman to. Mas gugustuhin ko pang mag pahinga siya.

 

 

Habang hinihintay kong kumulo yung tubig. Biglang may narinig akong notification sa cellphone. Ang aga pa, sino nanaman to?

 

Bestfriend ka lang, Yuqi!

 

Shuhua : Magandang Umaga sa mga hampas lupa.

Winter : Anong kailangan mo? Ang aga aga pa.

Shuhua: Bawal ba mangamusta? 

Yeji : Good morning to you too, Shu.

Shuhua : Loe! Tulog pa ata yung dalawa. Anyway, Breakfast tayo sa jabee. My treat na.

 

Anong meron? Iba talaga kapag nakakakin to ng luto ni mama. Maraming salamat sinigang!

 

--------

"Teh! ready ka na ba mamaya? Hintayin ba namin kayo after?" Tanong ni Shuhua. Nasa jeep na kami at as usual nasa harapan.

 

Passenger Princess lang ang peg.

 

Tinutukoy ni Shuhua yung meeting mamaya sa Student Council. Actually, ready na ba ako? Feel ko hindi.

 

"Ewan ko. Bahala na, didikit nalang ako kay Yeji." Sabi ko. Tumawa siya nag simula na mag kwento ng chismis. Araw araw may dala dala tong chismis eh. Kahit hindi pa ako nag ttransfer dito marami na siyang kinekwento sa akin.

 

"Naalala mo yung cool kid na si Jeno? Siya yung na kwento nila Yuqi kahapon na may pinag awayan dahil sa babae. --" Blah blah blah. Sa basketball team daw galing yun.

 

Nililigawan daw kasi ni Jeno yung girl. Tapos may isa pang manliligaw yung girl na hinamon daw si Jeno ng sparring. Ending, na reject sila parehas. Hindi lang nung girl pati yung basketball team.

 

"Hanggang ngayon bitter pa rin sila. hindi nga tinitigilan si --"

 

"Oo na! oo na! Manong para po!" Masyadong na cacarry away kami sa chismis. Buti nakita ko yung school sa gilid. Nahagip ng mata ko baka malagpas pa kami.

 

Kinaladkad ko na pababa si Shu sa jeep.

 

Tingin muna,

 

Kaliwa

 

Kanan

 

At tawid na. Clear walang sasakyan . Tumawid na kami papuntang jabee.

 

Sinalubong kami ng bati ng mabait na crew sa may glass door. Nginitian namin to ni Shuhua at hinanap na sila Yeji.

 

"Oy! Win dito!" Tumingin kami sa kaliwa, nandun lang pala sila. Si Yuqi tumawag sa akin.

 

Nako po. Parang may nag tatampo ah.

 

"Sige, ganyan ka Yuqi. Hindi ka na nang babati ah." Reklamo ni Shuhua habang umupo tabi kay Yuqi. Katabi ko si Yeji kaya bale apat kami lahat. 

 

"Teka, asan si Ning?" Tanong ko. ngayon ko lang napansin ah, absent si Ning ngayon.

 

Natawa yung katabi ko. Anong nakakatawa?

 

"She went inside the school na. May early practice daw sila ng Music Club. Pinapatawag na siya." Kwento ni Yeji. 

 

Pero anong nakakatawa dun?

 

"Ayaw na ayaw kasi ng bruha na yun sa early practices. Parang hinihigop daw kaluluwa niya pababa kapag kumakanta nang ganto kaaga." Sila Shuhua at Yuqi naman yung tumatawa.

 

6:30 am

 

Ang aga nga. Kawawa naman si Ning. Buti pala hindi na ako nag Music Club at ganto pala sila kaaga mam bulabog ng members. Hay nako.

 

"Oorder na ko. Ano sainyo?" Tumayo na si Yuqi at nilapag muna yung cellphone at wallet niya sa lamesa.

 

Ang comfortable naman ng suot ni Yuqi. Naka t-shirt lang naman siya tapos may naka patong na gray hoodie.  Tapos naka baggy pants.

 

"Aba, Ikaw mag oorder?" Asar ni Shuhua.

 

Naka tingin lang kami parehas ni Yeji sa kanila.

 

Umirap si Yuqi.

 

"Ate, baka nakakalimutan mo, Libre mo ngayong umaga." Sarcastic na sabi ni Yuqi. 

 

Mukhang na realize rin ni Shu yun at biglang..

 

"Pusang gala! Oo nga pala! Put--" 

 

"Shuhua." 

 

Nakakatakot. Biglang hininto ni Shuhua ang dapat niyang sabihin. Oo tama yan wag mo na tuloy. Si Yeji ba naman sasawayin ka.

 

Pero galit pa rin titig niya sa mapang asar na mukha ni Yuqi.

 

"I'll have the usual. Ikaw winter?" Bigla naman akong napa tingin kay Yeji. 

 

Ang gara, biglang nag bago tono ng boses niya.

 

"Kung ano nalang din kay Yeji, Same same nalang kami." Sabi ko. Kahit ano naman kakainin ko, Libre na nga lang netong siraulo choosy pa ko.

 

Ito pinaka inaabangan ko. Free almusal! Kaya nag kape lang ako kanina sa bahay.

 

"Sige. Alam ko na sayo, Shu. Wag ka na magalit, pa iyak ka na eh."

 

Natawa kami ni Yeji.

 

Habang nag oorder na si Yuqi. Kumakalma na si Shushu. 

 

"What's the occasion ba? why the sudden libre?" Yeji asked. Hindi naman kasi nang lilibre si Shuhua nang ganto. May magandang nangyari tuwing nang lilibre siya.

 

Ngumiti naman ang gaga. ay sus.

 

"Wala! nakuha ko lang kasi allowance ko ule, Bilang mabait na kaibigan, Syempre naisip ko kayong ilibre." Pag eexplain ni Shuhua.

 

Sows. Duda

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hakuyah
oops. after a year of updating nag kamali ako sa recent update. sila yeji, shuhua, at win pala ang mag kaklase 😆

Comments

You must be logged in to comment
TakuyaKen
#1
Chapter 3: Ahehehe di ko sure kung maging angst to pero cge ready nmn ako s mga mapanakit n tao 😅
Emgeelex
#2
Chapter 1: Katulad sa Burnout, baka pag complete na yung status neto tsaka ko nang basahin lol mapanakit masyado yung title at synopsis po eh 😅
howdoyouknowmee
569 streak #3
Upvoted
sungoesdown
#4
sakit ng title