pangalawa

If.

Irene. 

 

" Hoy Wendy. "

 

Nakasimangot at nakapamewang si Irene na nakatayo sa harap ng kaibigan sa isang coffee shop. Napaubo naman si Wendy at dali-daling ibinaba ang kapeng iniinom sa lamesa at tumayo para batiin ang dalaga. 

 

" Good morning, bestie! Ang sungit naman natin diyan. Ang ganda ng umaga oh. " pabirong sabi ni Wendy. 

 

Napasinghap naman si Irene at naiiling na umupo sa kaharap na upuan ni Wendy.  Nanlaki naman ang mata ni Wendy na siyang ipinagtaka ni Irene pero nginitian lang siya ng kaibigan. 

 

" Problema mo? "

 

" Wala! Anyways, bakit ba. Ba't gusto mo makipag-kita? Miss mo na ako agad? "

 

" As if, girl. Yung picture. Yung babae sino yon? "

 

Straight to the point. Walang paligot ligoy na tinanong ni Irene si Wendy sa litrato. Napansin niya namang bahagyang nagbago ang reaksyon ni Wendy bago ito muling inosenteng ngumiti. 

 

" Girl anong picture? Sinong babae? "

 

" Ay nako, Wendy. Ilang taon na tayong magkaibigan wag mo na subukan mag arte-artehan diyan baka masapak kita. " Banta nito. 

 

Napasinghap naman si Wendy at maayos na umupo at hinarap ang kaibigan. Alam ni Wendy ang mga pinagdaanan ni Irene. Alam niya din kung bakit ganito ka-irita ang dalaga. Nag titigan muna sila ng mga ilang segundo bago pa mag salita si Wendy. 

 

" Rene, mamatay pa ako. Wala talaga akong alam. Ang alam ko lang pumayag ka na makipag party tayo sa section nila Joy. Nag KTV tayo. Uminom, kumanta. Ayon lang din naalala ko. "

 

Halos matawa naman si Irene sa seryosong pagsasalita ng kaibigan. Bahagya pa siyang naguilty sa pag susungit niya. Iniling nalang niya ang ulo bago sumandig sa kinauupuan. 

 

" Weh? 'Di mo naalala na nakikipaglandian ka ulit sa ex mo? Akala ko ba pagod kana, marupok pucha. " 

 

Agad naman siyang tiningnan ng masama ni Wendy, inirapan nito si Irene bago sumandig din sa kinauupuan niya. 

 

" Mahal ko eh. "

 

Bakas ang lungkot sa boses ni Wendy ng sinabi niya iyon. Malungkot itong nakangiti habang tinititigan ang kape niya. Bahagya ring nalungkot si Irene. Naalala niya yung mga pinagdaanan ni Wendy at mga nangyare sa kanila. She somehow understands, she's been there. Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa kanila bago ulit nag salita si Irene. 

 

 

" Nga pala, ba't ka ba andito? Pag text ko g na g ka ah. Were you here already when I texted? "

 

Nanlaki ulit ang mata ni Wendy at bahagyang napaayos sa upo. Nginitian nito si Irene bago nag 'hehe' sa kaibigan. 

 

Napataas ng kilay si Irene. Alam na alam niya na anong ibig sabihin ng tawang yun ni Wendy. Napatingin ito sa paligid nila at napansin na may bag sa katabing upuan ni Wendy. 

 

" Puta, kay Joy ba yan!? "

 

" Bestie, kalma, chill! "

 

" I t-thirdwheel niyo nanaman ako? Ba't hindi mo sinabi agad Seungwan edi sana di nalang ako pumunta. " 

 

 

" Eh... "

 

" Hay nako. Uuwi na ako. "

 

Napairap ito sa kaibigan bago bahagyang tumayo para sana umalis na. 

 

" Uy, Irene! Andito ka na pala! " Mas lalong nag salubong ang kilay ni Irene ng masaya siyang binata ni Joy nakagagaling lang sa banyo. Lumakad ito sa kinaroroonan ni Irene at akmang yayakapin ang dalaga ngunit napigil ito ng itulak ni Irene ang noo niya gamit ang hintuturo nito. 

 

" Social distancing, di tayo close. " 

 

Napatawa na lamang si Joy sa kasungitan ng dalaga bago umikot at umupo sa katabing upuan ni Wendy. Tama, sa kanya nga yung bag. 

 

" Anyway, aalis padin ako. Bye. " 

 

Mabilis itong tumalikod para umalis na sana ng may makabanga ito. 

 

Ang malas ko naman ngayon? 

 

Napailing ito bago yumuko at nag sorry sa nakabanga bago humakbang papalayo. 

 

" Uy, Seulgi bear! Tagal mo ah. " 

 

Bear? 

 

Agad namang nag flashback sa kanya ang kape noong isang araw at isang dilaw na note na may bear at heart na nakasulat. 

 

Napatigil si Irene sa pag bati ni Joy. Ilang segundo itong nahinto sa kinatatayuan bago muling nilingon ang babaeng nakabanga na siya ring nakatitig na pala sa kanya. 

 

Napaatras pa sa gulat ang dalaga ng makita ang mukha ng dalaga. Putangina, ito yung ka video call ko kanina ah. Para bang kung may anong kumirot sa puso niya ng matitigan niya ng maayos ang maamong mukha ng dalaga. Ang layo ng mukha niya dun sa video chat. Walang wala sa mukhang nakikita niya ngayon sa personal. 

 

Puta, maganda. 

 

" Bear? Ikaw si Bear? " Wala sa wisyong bangit ni Irene. 

 

Nginitian lang siya ng dalaga at napakamot sa ulo. 

 

" Hello Joohyun. " 

 

*

 

Halos di na maalis ang simangot sa mukha ni Irene. Limang minuto na silang nakakulong sa nakakabinging katahimikan sa lamesang ito dahil iniwan sila ng dalawa. Paalam lang daw ay mag babanyo, di niya alam kung anong pinagagawa ng dalawa at kagagaling lang naman ni Joy sa banyo pero sumunod parin kay Wendy. 

 

Eto namang kaibigan ko, malandi. Payag din agad, iniwan pa ako dito sa beat na'to. Ang tahimik, napaka-awkward. Jusko. 

 

" Kanina ka pa nakatitig sakin. Alam kong maganda ako pero tama na, nakakailang ka na. " Sumbat ni Irene na siya namang sinuklian lang ng mahinang tawa ng kaharap na dalaga. 

 

Hay, ba't ba kasi siya umupo ulit. Dapat umalis nalang din siya. 

 

" Ba't ba kasi ako nag pauto kay Wendy. " Bulong nito sa Sarili. 

 

" Uh, nag-enjoy ka ba kagabi? " 

 

Kagabi? Anong meron kagabi? 

 

" Huh? Kilala ba kita? " 

 

" Haha, you're really stingy aren't you. Joy was right. "

 

" Ah so binabackstab ako ni Joy sayo? " Nakataas ng kilay na tanong ni Irene habang minamata ang babae. Tiningnan niya ito from head to toe. Maitim na buhok, matangos na ilong, monolid at singkit na mga mata. 

 

, my type. 

 

 

" No! No, that's not what I meant.. "

 

" Then what? "

 

Napakamot naman ang kaharap na dalaga at nginitian si Irene. 

 

" Uhm.. we were at the party last night? " halos lumuwa ang mata ni Irene sa narinig. Puta..di kaya? 

 

" Andon ka? "

 

" Uhm, oo? Ako nag aya eh? "

 

" Ikaw? "

 

" Oo. "

 

" For what? Galante ah. "

 

" Celebrate a week of break from school? Tsaka to meet you of course. "

 

To meet me? Wait.. is she really? 

 

" Ikaw ba yung nag padala ng kape tsaka panget na note? " Napatawa muli ang babae. Malumanay nitong tiningnan si Irene bago tumango. 

 

" Haha, sorry 'di ko alam na 'di ka pala umiinom ng kape. 'Di din alam ni Joy. " 

 

Irene just smirked and leaned back on her chair. 

 

" So crush mo ako? " the girl was slightly shocked. Her cheeks tinting habang nag iiwas ng tingin sa dalaga. 

 

" Oo. " Napatawa naman si Irene sa inakto ng dalaga. Umiling ito bago seryosong tumitig sa kausap. 

 

 

" Hindi ako nag i-entertain. " 

 

Katahimikan. 

 

Nawala ang ngiti ng dalagang kausap ni Irene. Kita din ni Irene ang bahagyang pag bago ng mukha at pagkahulog ng balikat nito. Para bang nawalan ito ng enerhiya sa sinabi ng dalaga. Hindi kumibo si Irene at tinitigan lang din ang babae. Ilang segundo pa ay malungkot itong ngumiti kay Irene at tumawa. 

 

" Well, how about friends? " Bakas yung lungkot sa boses ng babae. Irene could tell, she's feeling kind of guilty but she has to. Ayaw niya din naman makasakit, kasi hindi pa talaga siya handa kahit anong ganda at pogi pa yan. 

 

" Hmm... friends? "

 

She leaned back and stared at the girl infront of her. 

 

Friends huh? 

 

" Okay. " 

 

*

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
xiethegreat
Henlo, this is actually like part of the first I'm writing in this platform please bear with me. Also I'm a baby luvvie. Help, I can't deal with my seulrene rot. I hope you enjoy. This is slightly inspired by the thing that happened to me. Hh.

Comments

You must be logged in to comment
RVSone0105
883 streak #1
Chapter 3: Ahw please continue this authornim!! Wag niyo po sana ito ighost 🥺😭🙏
seulsbear
#2
Chapter 3: I already like the first two chapters. We'll be waiting for your next update, author. Thank you!🥹
RVSone0105
883 streak #3
Chapter 2: Awit!! First meeting pa lang, friendzone na agad 😢😢
Oct_13_wen_03 67 streak #4
update please author nim 👀❤
eunxiaoxlove #5
Chapter 2: Good start!