una

If.

Irene. 

 

Love is such a peculiar little thing. 

 

---

 

" Rene. " Tawag ni Wendy. Kasalukuyang nasa classroom nila si Irene at Wendy. Last day na ng school para sa dalawang linggong semestral break. Halos lahat ng studyante busy at halos lahat ay di na magkandaugaga sa pag kompleto ng mga requirements na kinakailangan nila para maging free sa dalawang lingong pahinga. Maliban nalang kay Irene. 

 

" Bakit? " 

 

" May nagpapabigay. " 

 

Tumaas naman ang kilay ni Irene at nag-aatubili pang tangapin ang isang cup ng kape na may nakadikit na kulay dilaw na nakatuping note sa gillid. 

 

" Nako Wendy. Kung galing kay Byul yan sabihin mo no thanks. " 

 

Napairap naman si Wendy sa kasungitan ng bestfriend niya. Napapadyak ito at labag sa loob na nilapag sa harap ng dalaga ang Kape. Muntik pa itong matapon na siya namang kinalakihan ng mata ni Irene at halos mapabalikwas pa sa kinauupuan.

 

" Girl, di kay Byul yan echosera ka. Tangapin mo nalang ayaw ako tigilan ni Joy jusko. Busy ako, gusto ko din ng peaceful na sembreak no. Galing daw sa kaibigan niya na tiga special class. " 

 

Nag taas muli ng kilay ang dalaga. Special class? Sino naman kaya sa mga nerds dun ang nagkainteres sa kanya. Tsaka, sa lahat ba naman dun pa talaga? 'Di ba pwedeng sa section nalang mga varsity, mas madaming magaganda at pogi dun.

 

Napasinghap ito labag sa loob na kinuha ang cup ng kape na nakapatong sa desk niya. Tinitigan muna niya ito habang iniisip kung sino kaya sa special class ang pwedeng magpadala sa kanya nito. 

 

Hm. Si Lisa? Nah, ghinost na niya yun. Impossible naman na magparamdam pa yun. Si Sana? 'di rin siguro. Huling rinig niya ay " happily in a relationship " na daw yun.

 

" Wala ka bang ideya kung sino nag bigay nito, Wendy? Mamaya may lason to ah. Galing pala to sa mga haters ko na inggit forever sa ganda ko. Balak na ata ako ipatumba. " Pag-jjoke niya. 

 

" Girl, utak. Ano, ganda lang ambag? May note oh. " Napairap naman ito sa kaibigan at dali daling kinuha ang nakatuping note. 

 

Alam niya naman na may note, okay. Ayaw niya lang talagang galawin. Wala lang. Pero dahil nga nauubusan na siya ng ideya sa kung sino ang posibleng nagpadala eh kinuha niya na din. Baket naman kasi dilaw yung note. Ayaw niya ng mga dilaw. Nakakasilaw. Tsaka panget ang mga alalang dala ng kulay na dilaw. 

 

Napairap itong muli sa sarili bago binuksan ang nakatuping note. 

 

 

       ' hi. < 3  -bear. ' 

 

Halos sumakit na ang kilay ni Irene sa sunod-sunod na pag tataas niya dito. 

 

Bear? Sino nanaman 'tong bear na 'to. 

 

Hindi naman na kasi bago para kay Irene na makatangap ng mga ganito. Kilala ito bilang isa sa mga magagandang babae sa paaralan nila. At kung ano man ang trip ng nag padala nito, sumablay ata siya. 

 

Una ayaw ni Irene sa dilaw.

Pangalawa, ayaw niya ng Kape. 

 

 

Tumayo ang dalaga at lumapit ulit kay Wendy. 

 

" Sayo na. Ayoko ng Kape. " 

 

Tiningnan lamang ito ng kaibigan. Wala na itong sinabi dahil talagang madami siyang ginagawa. Kinuha nalang nito ang cellphone niya at pinicturan ang kapeng inilapag ni irene sa Desk niya. 

 

 

To: Joy. 

 'Di tinangap. Waley friendship mo. 

 

 

*

 

Nagising si Irene sa tunog ng alarm clock niya. Napangiwi ito habang nakapikit na pinatay ang alarm sa cellphone at ibinagsak ulit ang ulo sa unan umaasang kainin ulit siya ng antok. Nakahiga at nakapikit lang ito sa loob halos ng tatlong minuto bago iritang tumagilid at inis na binuksan muli ang cellphone. 

 

Nakakainis! Kasalanan 'to ni Wendy eh. Ba't pa kasi kami uminom kagabi ang sakit tuloy ng ulo ko. 

 

Nakasimangot itong nag s-scroll sa fb habang tinitingnan ang mga notifications niya. As usual sabog ulit. Hello, baka si Bae Irene to. Normal lang sa kanya ang gumising ng may halos 90+ na notifications at messages na puro naman mga walang kwentang bagay. 

 

Pinindot ni Irene ang post ni Wendy kung saan nakatag siya. Mga litrato iyon na kuha nila kagabi sa mini party kuno nila. Hindi nga niya maalala kung ano mismo yung mga nangyare or kung sino ang mga kasama niya. Ang alam niya lang ay they drank, danced and sing. Nag-enjoy naman siya so siguro worth it na din pambawi sa sakit ng ulo at hang-over dinadanas niya ngayon.

 

Habang nalilibang ito sa pag s-scroll ng litrato, nakuha ng pansin niya ang isang picture kung saan nakasandig ang ulo niya sa balikat ng isang di niya kilalang babae. Tinitigan niya pa ng maayos ang litrato para ma sigurado kung sino ba talaga at baka kasi si Wendy lang. Pero andon din si Wendy sa picture, sa may gilid. Nakaupo sa hita ni Joy.

 

" Echosera, pagod na daw pero nakaupo sa hita ng ex. "

 

Ibinaling niya ulit ang kanyang pansin dun sa litrato at sa di kilalang babaeng kasama niya. Nakatawa naman ang babae at halatang lasing na din habang nakaakbay kay Irene. 

 

 

My goodness! I let someone touched me like that? 

 

Halos di makapaniwala si Irene. Masyado silang malapit sa isat-isa at halos magkadikit na ang kalahating parte ng katawan niya sa babae. 

 

Sino 'ba to, pucha. 

 

Triny niyang i-zoom in ang picture pero natural nang blurred yung pagkakakuha nito kaya kahit anong zoom niya eh di niya parin makilala o maiporma man lang ang mukha ng dalagang katabi niya. Halos isumpa na ni Irene kung sino man ang kumuha ng litrato kung bakit ganito ka blurry.

 

Lagi sigurong nag m-mariang palad kaya't ganito ka pasmado. 

 

At ng mawalan na siya ng pag-asa kakazoom-in at out sa picture af wala parin talaga ay dali dali na niyang inexit ang fb at pumunta sa messenger para tawagan ang best friend niya. 

 

Punyeta, asan ba pangalan ni Wendy dito. 

 

Halos itapon na niya sa inis ang selpon niya ng di niya makita ang chathead ni Wendy. Patuloy itong nag scroll sa sandamakmak na messages galing sa mga di niya naman kakilala. Puro hi, hello at stickers. Typical na tinatry lang kuhanin ang attention niya.

 

Busy siya, okay. Busy siya sa mga mas importanteng bagay lalo na sa sarili niya para i-entertain ang mga nagpapapansin sa kanya. 

 

Sure ito na nasa pinakaibaba pa ng inbox niya ang usapan nila ni Wendy. Sa dami ba naman kasi ng messages sa messenger ni Irene mula sa mga taga hanga niya, talaga namang matatabunan ang ibang importanteng messages ng dalaga. 

 

" Kaya ayoko sa messenger eh. Bwesit kasi tong si Wendy ayaw nalang sa insta mag lagi. " Inis nitong bulong sa sarili. 

 

" Aha, huli ka din. " 

 

Agad namang pinindot ng dalaga ang video chat button at inilapag muna ang selpon upang umupo ng maayos at mag inat. Hinintay niya pa ang ringing tone sa messenger at bahagyang nagulat dahil isang beses lang itong nag ring eh halos sampung segundo lagi si Wendy bago sumasagot 

 

" Himala naman bakla at nakasagot ka kaagad. Wala ba si J-- pucha, sino ka?! " 

 

 

" Uhm, ikaw ang tumawag? " 

 

What the ? 

 

*

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
xiethegreat
Henlo, this is actually like part of the first I'm writing in this platform please bear with me. Also I'm a baby luvvie. Help, I can't deal with my seulrene rot. I hope you enjoy. This is slightly inspired by the thing that happened to me. Hh.

Comments

You must be logged in to comment
RVSone0105
883 streak #1
Chapter 3: Ahw please continue this authornim!! Wag niyo po sana ito ighost 🥺😭🙏
seulsbear
#2
Chapter 3: I already like the first two chapters. We'll be waiting for your next update, author. Thank you!🥹
RVSone0105
883 streak #3
Chapter 2: Awit!! First meeting pa lang, friendzone na agad 😢😢
Oct_13_wen_03 67 streak #4
update please author nim 👀❤
eunxiaoxlove #5
Chapter 2: Good start!