First shot

Two Shots of Espresso
Please Subscribe to read the full chapter

Naalimpungatan ako sa pag-upo ni Karina sa kama ko.

“Happy 4th anniversary!” masigla niyang bati sabay abot ng handwritten letter at isang pack ng favorite kong dark roast coffee bean.

 

Wala sa wisyong napangiti ako kahit hindi pa nagsisink in sakin ang nangyayari.

“Thank you, baby,” niyakap ko yung gift niya. Parang kukunin na naman ako ng antok.

 

“By, wake up! Anniversary kaya natin!” hinila pa niya yung dalawang kamay ko para bumangon na ako.

 

“Oo naaaaaa,” humihikab kong sagot.

 

Sumandal ako sa headboard ng kama, hawak-hawak yung regalo ng girlfriend ko.

 

Yes, apat na taon na kami. Sa totoo lang, mas higit pa dapat dun eh.

 

Paano ko ba i-eexplain?

 

Best friend ko si Karina simula bata pa kami. As in kasama ko na siya simula kinder palang hanggang ngayong pa-graduate na kami ng college. Same rin kami ng school at kinuhang course.

Pero yung romantic feelings namin sa isa't isa nagstart nung 2nd year high school. Nung una denial pa ako pero eventually nagpatisod na rin ako since mutual din naman pala. Dahil wala pa kaming alam pareho kung paano magrereact sa nararamdaman namin, minabuti naming gumraduate muna ng high school bago kami nagdecide maging official.

Hindi naman naging mahirap para saming dalawa dahil wala namang halos nagbago. Para parin kaming magbest friend na may additional toppings. Alam niyo na kung ano yun!

 

“Wala kang gift sakin?” may pag-pout pa siya.

 

“Hindi pa ba ako enough?” banat ko.

 

Natawa siya. “Daya mo naman! Of course you're enough pero gusto ko sana may bubuksan akong gift!” may pagka-demanding talaga siya minsan.

 

“Pwede mo naman akong buksan ah.”

 

Umupo siya sa lap ko. “You sure?” sabay hawak sa butones ng pajama ko.

 

Napangisi ako.

 

Oo, patola rin siya.

 

Tok! Tok! Tok!

 

“Winter! Karina! Ready na yung breakfast niyo!” sigaw ni Lola.

 

“Yes po, Lola!” sigaw pabalik ni Karina.

 

Napabungisngis kaming dalawa.

 

“Joke lang baby, nasa drawer yung gift ko sayo,” sabi ko.

 

Hinalikan niya yung magkabilang pisngi ko bago excited na puntahan yung drawer.

 

Kinuha niya agad yung maliit na paper bag.

 

“Thank you!” sabi niya.

 

Tumayo ako mula sa kama at naglakad papunta sa kaniya. Tinulungan ko siyang tanggalin yung staple.

 

Kinuha niya yung maliit na box nasa loob ng paper bag at tsaka marahang binuksan.

 

“Happy anniversary!” masiglang bati ko.

 

Kitang-kita yung tuwa sa mga mata niya nang makita niya yung simpleng silver na bracelet na pinag-ipunan ko ng malala.

Matagal na niya kasi yung tinitingnan-tingnan pag nadadaanan namin sa mall. Halos ilang months din akong nag-save para mabili yun.

 

Niyakap niya ako nang mahigpit.

 

“Thank you, baby ko. Speechless ako sorry,” bulong niya.

 

Kahit wala na siyang sabihin okay lang sakin, tama na saking makitang naappreciate niya yung gift ko.

 

“Basta para sayo, by.” sagot ko.

 

“Winter! Karina! Ano ba kayong dalaw—”

 

Nagkagulatan pa kaming tatlo nang biglang buksan ni Lola yung pinto.

 

“— ayyyy! Nagla-loving-loving pala kayo riyan! Pasensya!” sabay sara niya ng pinto sa taranta.

 

Mabilis akong kumawala sa yakap niya.

 

“Hindi po, Lola!” sabay naming sigaw ng baby ko.

 

Di namin napigilang matawa ni Karina.

 

“Tara na nga, kain na tayo,” yaya ko.

 

“Wait! Suot mo muna sakin ‘to,” tinanggal niya sa box yung bracelet at iniabot sakin.

 

Hindi naman ako nag-aksaya ng oras at isinuot na sa kaniya yung regalo ko.

 

“Ayan. Bagay na bagay sayo,” sabi ko.

 

Todo ngiti siya habang pinagmamasdan yung bracelet. “Thank you ulit!”

 

Niyakap niya ulit yung leeg ko sabay halik ng marami sa pisngi ko.

 

“Aaaaahhh!!! Taympers!!!” awat ko.

 

Walang humpay pa rin siya sa paghalik sakin.

Ah! Bahala na nga siyang magsawa!

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagkatapos naming mag-agahan nagpaalam na kami kay Lola.

 

“La, magde-date lang po kami ni Karina,” sabi ko.

 

Patango-tango naman siya habang nagpupunas ng mesa. “Saan naman kayo papunta ha? May pera ka ba Winter? Baka naman magpalibre ka kay Karina ha eh aba’y nakakahiya,” napakamot ako sa ulo ko. Si Lola talaga hindi kayang i-filter yung mga sinasabi.

 

“Sa may Intramuros po kami pupunta. Tsaka okay lang naman po kung ililibre ko si Winter,” pangiti-ngiting sagot niya.

 

“Hala. Libre ka diyan!” siniko ko yung girlfriend ko habang nakanguso. “May pera naman po ako,” baling ko kay Lola.

 

Meron pa rin naman akong naitatabi kahit papaano. Tsaka hindi naman ako papayag na lalabas kami kung hindi kaya ng budget ko.

 

May kinuha si Lola sa bulsa ng daster niya.

“Oh, ito limandaan. Pakiinin mo sa masarap na restawran yang si Karina, ‘wag puro pisbol!” inabot niya sakin yung pera at itinaboy kaming dalawa.

 

Ayaw ko sanang tanggapin pero mapilit talaga siya. Alam ko kasing hindi naman ganun kalaki yung kinikita ng maliit naming sari-sari store. Sapat lang din naman samin yung pinapadala ni Mama galing abroad kaya hanggat maaari hindi ako nanghihingi kay Lola.

Pero wala akong magagawa, baka paluin pa niya kami ng walis tambo kung hindi ko tatanggapin yung 500 na iniabot niya.

 

 

 

 

 

Sumakay na kami ng UV na dadaan ng Intramuros.

Balak naming pumunta ngayon sa National Museum of Fine Arts at maglakad-lakad sa Rizal Park sa hapon. Ito lang kasi yung date na abot kaya ko. Ayaw ko namang umasa na naman kay Karina at hayaan siyang magdecide kung saan kami pupunta. Kaya last week palang inunahan ko na siya, sabi ko na around Intramuros kami magcecelebrate ng anniversary. Kasi for sure pag siya yung nagdecide, dadalhin na naman niya ako sa mamahaling restaurant o sa mga bakasyunan outside Manila.

 

Oo, may kaya talaga yung family ni Karina. May business yung tatay niya sa Makati, malaking shop ng mga parts ng sasakyan. Yung nanay naman niya ay Department Head ng isang Solutions company sa Ortigas.

Only child din siya kagaya ko, ang kaibahan lang, sobrang spoiled siya kila Tito at Tita.

Pero kahit ganun, na-maintain niya pa rin yung pagiging humble niya at never niyang sinamantala yung pagiging generous ng parents niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko habang naglalakad kami papasok sa museum. Halatang excited siya, matagal na rin kasi nung huling punta namin dito. Sa sobrang tagal hindi ko na maalala kung high school ba o elementary kami nun.

 

“By, picture tayo dun!” turo niya sa Spoliarium.

 

Kinuha niya agad yung phone niya at pumwesto kaming dalawa kung saan saktong background namin yung malaking painting ni Juan Luna.

 

Iba’t-ibang pose kahit na parehong background.

May parang tita-pose, wacky, naka-peace, naka-pout, naka-ngiti, at meron pang shot na sinungayan niya ako gamit yung daliri niya.

 

“Siguro nagki-cringe na satin si Juan Luna,” sabi ko.

 

“Haha! Yeah, for sure. Sorry po!” sabay bow niya sa painting.

 

Natawa na rin ako sa kalokohan ng girlfriend ko.

 

Inikot namin yung buong hall at isa-isang inappreciate yung mga arts at mga artists.

 

Tahimik kong kinukunan ng picture si Karina habang busy siya sa pag-observe sa mga nakaka-amaze paintings at sculptures.

 

Kahit simpleng t-shirt na naka-tuck in lang sa maong pants yung suot niya, nakaka-in love pa rin siya. Alam mo yung feeling na kahit ilang taon ko na siyang kasama, hindi pa rin nawawala yung kilig at excitement ko sa kaniya.

Curious tuloy ako kung ganun din siya sakin.

 

 

Nagpatuloy lang kami sa paglakad-lakad at pagpicture-picture sa kada-room na mapuntahan namin.

Grabe, ang lawak pala nito. Sulit naman pala yung pagbisita ulit namin after ilang years!

 

 

 

 

 

 

 

 

Nang mapagod na kaming dalawa, dumiretso na kami sa SM Manila para maglunch sa Mang Inasal. Syempre libre ko.

Umorder kami ng tig-isang PM 1.5 yung spicy paa with large drinks. Nakaluwag-luwag ako ngayon kaya umorder na rin ako ng halo-halo at leche flan, salamat kay Lola!

 

“Ang sarap talaga ng sabaw dito,” sabi niya.

 

Todo agree naman si Karina. “Oo nga. Parang gusto ko nga mag-take out,” biro niya.

 

“Hingi na ba ako ng plastic labo sa waiter, baby?” tanong ko.

 

“Haha! Baliw! Pero pwede ba?”

 

Napahagalpak kaming dalawa sa kakatawa. Hindi ko na alam kung seryoso ba siya o hindi.

 

“Sabihin ko na lang kay Kola ipagluto ka ng sabaw. For sure ilang pack lang naman ng sinigang mix ‘to!” pagbibida-bida ko.

 

“Sige ha, sabi mo yan!” reply niya.

 

 

 

Naka-tig tatlong rice ata kami ni Karina bago kami huminto sa pagkain. Busog na busog kaming dalawa, ‘di ko na rin alam kung paano namin napagkasya sa tiyan namin yung dessert na inorder namin.

 

Parang gusto ko na lang matulog muna sa pwesto ko pero nanlilisik na kasi yung tingin nung ibang customer na naghihintay sa waiting area kaya minabuti na naming pumunta sa Rizal Park para maglakad-lakad at magpagutom ulit.

 

 

 

 

 

 

“Baby, next week na yung graduation natin, hindi ka ba kinakabahan?” tanong niya.

 

Sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko habang marahan kaming naglalakad sa lilim ng mga puno dito sa park.

 

Umiling ako. “Hindi naman. Bakit ako kakabahan? Parang excited pa nga ako eh.”

 

“Really? Bakit ka excited?”

 

“Hmm… Kasi after nun pwede na tayo magwork. Mabibili na natin yung gusto natin.”

 

Sinulyapan ko yung mukha niya. Napangiti siya sa sinabi ko.

 

“Sabagay,” tipid niyang reply.

 

“Mas makakapag-ipon na ako tsaka mai-de-date na kita sa iba’t-ibang lugar. Hindi na rin puro fishball gaya ng sinabi ni Lola yung ililibre ko sayo. Squidball na,” biro ko.

 

“Haha! It doesn’t matter naman sakin kung saan mo ako dalhin eh. Nag-eenjoy naman ako palagi pag kasama kita.”

 

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kaniya.

 

“Alam ko naman yun, pero ewan. Siguro naiisip ko lang lagi na ‘you deserve better than this’ pag alam kong hindi enough yung ibinibigay ko sayo.”

 

“Winter…” tinuck niya yung buhok ko sa tenga ko. “…palagi mo namang binibigay sakin yung best effort mo sa mga ginagawa mo. Enough lahat ng pinapafeel at pinaparanas mo sakin.”

 

Sobra akong namula sa sagot ni Karina.

 

“Yiee. Cheesy!” pangaasar ko.

 

Hinook niya ulit yung braso niya sakin at naglakad ulit kami.

 

“Ikaw ba? Kinakabahan ka ba sa graduation natin?”

 

“Hindi na. Since alam ko na yung nafi-feel mo ngayon about graduation, kampante na ako.”

 

Sinundot ko yung tagiliran niya. “Asus! Cheesy talaga!”

 

Napabungisngis kaming dalawa.

 

 

 

Maghapon kaming tumambay sa park hanggang sa magsawa kami kakakain ng kung ano-anong street foods habang pinapanuod yung fountain.

 

Hindi talaga kami nagkakaroon ng tahimik o boring moments pag magkasama kaming dalawa. Siguro nagiging tahimik lang kami pag nagrereview kami para sa exam or quiz.

 

Grabe noh? Sa loob ng halos isa’t kalahating dekada naming magkasama, hindi kami nauubusan ng kwento.

Siguro salamat na rin sa mga kwentong na nasasagap namin sa mga kaibigan at kaklase namin, dahil dun marami rin kaming nagiging topic.

 

 

 

 

 

 

 

“Good evening po, Tita,” bati ko sa nanay ni Karina pagkarating namin sa bahay nila.

 

Agad niya akong niyakap. “Oh iha, saan kayo galing dalawa ha?”

 

“Nagmessage kaya ako sayo mommy, sabi ko pupunta kami ni Winter sa Intramuros,” sagot ni Karina habang nagtatanggal ng sapatos.

 

“Ay! Hindi ko nabasa. Labas pa kayo ng labas malapit na graduation niyo. Dapat pumirmi na lang kayo sa bahay.”

 

“Hay nako mommy, hindi na uso yung mga pamahiing ganun,” biro ni Karina.

 

“Iha, bakit ka nakatayo lang diyan. Upo ka rito,” yaya niya sa sala nila.

 

“Kumain na ba kayo? May adobo akong niluto,” dagdag ni Tita.

 

“Hindi pa po pero sa bahay na lang po ako kakain, hinihintay na rin po kasi ako ni Lola. Hinatid ko lang po si Karina kaya napadaan po ako.”

 

“Ganun ba. O siya, ipagbabalot na lang kita ng adobo.”

 

“Nako, wag—” hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang samaan ako ng tingin ni Tita.

 

Likas talaga ang pagiging mapilit ng mga guardians namin. Huhu.

 

Niyakap ako ni Karina from behind.

 

“Sleep over ka na lang dito,” bulong niya.

 

“Hindi pwede baby, walang kasama si Lola.”

 

Kinagat niya yung balikat ko. “Araaaayyy!!!”

 

Grabe siya makasimangot sakin.

 

“Next week, baby! After graduation!” sabi ko.

 

Agad naman siyang nabuhyan ng loob. “Promise?”

 

“Ipagpaalam mo ako kay Lola, ikaw malakas dun eh,” reply ko habang kinakamot ko yung bakas ng kagat niya. In fairness ang diin nun ah! Parang may kasamang hinanakit!

 

“Okay! Deal!” mabilis pa sa hangin niyang sagot.

 

Hay nako. Manang-mana sa piangmanahan itong girlfriend ko.

 

“’My, hatid natin si Winter sa kanila,” baling niya sa nanay niyang naglalakad papunta sakin dala-dala yung tupperware na puno ng adobo. Parang walang itinira si Tita para sa kanila sa dami ng ipapauwi niya sakin.

 

“’Wag na po Tita, maaga pa naman kaya madali lang magcommute ngayon,” reason ko.

 

“Sigurado ka ba, iha?” tanong niya pagkaabot ng paper bag na may lamang pa-take out ng adobo.

 

“Ay salamat po… Opo, okay lang po. Update ko na lang po kayo pag naka-uwi na ako.”

 

Wala na silang nagawa nang magmadali na akong magpaalam.

 

 

Saglit kaming nagmoment ni Karina sa gate. Gusto pa niya ng goodbye kiss kaso kitang-kita kong nakasilip yung nanay niya sa may bintana, nakikichismis pa samin. Kaya flying kiss na lang yung nagawa ko para sa girlfriend ko.

 

 

Nasulit talaga namin itong araw na ‘to, tapos meron pa akong freebie na adobo. Ang swerte!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

At ito na nga ang pinakahihintay namin, ang graduation.

 

Sunod-sunod na speech mula sa iba’t-ibang speakers. May motivational story, may pure pasasalamat, may parang promotion pa ng company, at iba pang mga tema ng kwento nila sa podium. Imbis na makinig kami ni Karina, patuloy lang kami sa pagsend ng mga selfies namin. Dahil magkalayo kami ng pwesto nagcha-chat na lang kaming dalawa.

 

Kita ko mula dito si Lola na naiinip na ring naghihintay tawagin ang pangalan ko para sa pag-abot ng diploma sa stage.

Nasa kabilang dako naman yung nanay ni Karina na busy sa pagpipicture sa anak niya kahit malayo.

 

Ilang minuto pa ang lumipas nang isa-isa ng tawagin ang mga students mula sa BS BA course.

 

Nang turn ko na, tumayo si Karina mula sa pwesto niya habang pumapalakpak. Abot tenga tuloy ang ngiti ko habang nakikipag-shake hands sa mga deans at iba pang special guest ng university.

Si Lola naman ay kaway ng kaway sakin habang naglalakad ako pabalik sa pwesto ko. Si Tita ay walang humpay sa pagpicture sakin.

 

Very supportive talaga sila.

 

Huling tinawag si Karina sa course namin.

 

Tumayo rin ako nang makasampa na siya sa stage. Ako yata yung may pinakamalakas na palakpak sa lahat ng nasa hall.

 

Sakin lang nakatingin si Karina habang hawak-hawak niya ang diploma.

 

Para bang sinasabi ng mga mata niyang “We did it, baby,” ganun yung feeling.

 

Maluha-luha ako habang inaalala ko yung struggles naming dalawa during college. Yung sabay naming paggawa ng mga projects, activities, at homework. Yung halos madurog ako nang bumagsak ako sa exam sa isang major subject namin. Lalo na siguro yung sleepless nights namin during thesis.

 

Naka-survive kami sa lahat ng yun nang magkasama.

 

Nakakaproud at masaya akong dinaanan ko yung part ng buhay kong yun na nasa tabi ko siya.

 

 

 

 

 

 

“Congratulations sa inyong dalawa kong dalaga,” mahigpit ang yakap ni Tita samin.

 

Si Lola naman ay hinihimas-himas ang likod namin at tahimik na humihikbi.

 

“Lola naman, bakit ka umiiyak? Dapat happy tayo dito,” sabi ko.

 

Hinila siya ni Karina at niyakap din. Para kaming mga penguins na magkakayakap sa labas ng campus.

 

Maya-maya pa nagring ang phone ko.

Agad kong kinuha at chineck kung sino.

 

“Si Mama!” sabi ko kay Lola.

 

Sinagot ko agad yung videocall niya.

 

Lahat kami ay kumaway kay Mama.

 

“Congrats, anak!” masigla niyang bungad sakin.

 

Inilapit niya yung phone sa mukha niya para makita kami ng malinaw.

 

“Oh! Si Rina pala yan, ke-gandang bata talaga! Congrats sayo, Rina!”

 

Nambola pa si Mama.

 

“Hello sa inyo Balae at Nanay!” kaway ni Mama sa camera.

 

Ngiting-ngiti naman si Tita sa kaniya habang patango-tango naman si Lola.

 

Lumayo ako saglit sa kanila para kausapin ang nanay ko.

 

“Sorry anak, hindi ako nakauwi sa graduation mo.”

 

“Okay lang yun Ma. Alam ko namang busy ka rin tsaka masyadong mahal ang ticket ngayon,” sagot ko.

 

Kahit na nagpromise siya sakin before na uuwi siya, okay lang. Naiintindihan ko naman yung sitwasyon, tsaka alam ko namang gustong-gusto rin niyang umuwi dito pero hindi pa kaya.

 

“Thank you ‘nak. Pero dahil hindi ako naka-uwi ngayon, pinanggastos ko na lang sa regalo ko sayo yung dapat na ipambibili ko ng ticket,” abot tenga ang ngiti ni Mama.

 

“Mama naman eh. Sabi ko sayo hindi na kailangan ng rega-regalo sa graduation ko.”

 

Kumunot yung noo niya. “Last na ‘nak. Send ko sayo yung picture ha, wait lang,” sabi niya.

 

Halos noo na lang ni Mama yung nakikita ko sa camera habang fini-figure out niya kung paano isesend yung picture sakin sa Messenger.

 

“Ayan, na-send ko na yata.”

 

Tiningnan ko agad yung picture.

 

“Coffee shop? Anong meron? Voucher ba sa coffee shop Ma?” tanong ko.

 

Tawang-tawa si Mama sakin.

 

Nakasimangot naman akong nakatingin sa kaniya.

 

“Yan mismo regalo ko sayo ‘nak. ‘Di ba nabanggit mo na gusto mo ng coffee shop business?”

 

Seryoso ba yung nanay ko?

 

“Totoo ba Ma?”

 

Tumango siya. “Ayan yung pinagiipunan ko kaya medyo nabawasan yung pinapadala ko sa inyo kada buwan. Kaya hindi rin ako nakakauwi…”

 

Unti-unti nang tumulo yung luha galing sa mga mata ko habang nakatitig sa picture na sinend niya.

Matagal ko nang kinukwento kay Mama yung pangarap kong coffee shop. Halos lahat ng detalyeng sinabi ko sa kaniya nandito.

 

“…Sorry ‘nak. Alam kong hindi ganun kalaki at ka-engrande yung pinagawa ko. Tama lang talaga para sa bagong simula tutal graduate ka na,” patuloy niya.

 

Pinunasan ko yung luha ko.

 

“Thank you, Ma. Thank you talaga,” napahikbi na naman ako.

 

Alam kong malaking sakripisyo yung ginugol ni Mama para mapagawa ‘to. Kaya pala napapansin kong palagi siyang pagod pag kausap ako. Totoo rin siguro yung haka-haka kong nagdo-double job siya kasi minsan madaling araw na sa oras nila kung magreply sya sa mga messages ko. Halos magkasakit na siya sa kakatrabaho. Kaya pala. Ito pala yung reason.

 

“Alagaan mo yan, Winter, anak,” paalala niya.

 

“Opo, promise.”

 

Hindi ko ‘to papabayaan, Mama.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Two months na ang lumipas.

May trabaho na si Karina at ako naman ay busy na sa pagaasikaso ng maliit kong coffee shop.

 

Tulad ng nasa imagination ko na ikinuwento ko kay Mama, gusto ko yung katulad sa Kurasu coffee shop.

White painted wall at wooden ang mga furnitures. Yung tipong pagpasok mo, cozy at hindi nakakasilaw dahil sa warm lights na bumabalot sa loob.

May mahabang countertop kung saan naghahanda ng mga orders. May Breville espresso machine na nasa tabi ng sink. Nasa kabilang sulok yung cashier.

May slab ng kahoy na ginawang mesa na naka-fix sa wall at merong parang wooden barstool bilang upuan.

 

Dahil maliit lang ang coffee shop ko, kaya ko lang mag-accomodate ng 8 to 10 persons sa loob.

 

 

 

“Ito yung portafilter, imo-move mo siya ng paganito para matanggal mo tapos lalagyan mo ng coffee grounds. Then ito yung tamper, ipe-press mo yung coffee hanggang macompress. Tapos ibabalik mo siya dito then pipindutin mo ‘to,” paliwanag ko kay Ningning.

 

Pinangkamot niya ng ulo yung hawak niyang ballpen.

 

“Ano nga ulit ‘to?” tanong niya.

 

“Portafilter.”

 

“Ito?”

 

“Steam Wand.”

 

“Anong spell ng portafilter?”

 

Napahinga ako ng malalim.

 

“Hayaan mo na nga.”

 

“Joke lang! Ang seryoso naman nito,” sabi niya.

 

“Ikaw na lang kaya sa espresso machine, ako na lang dito sa cashier,” suggestion pa niya.

 

Malapit na yata akong mabaliw dahil kay Ningning.

Hindi ko ba malaman kung bakit ko siya hinire. Siguro kasi siya lang yung mabilis na kumagat sa offer kong sahod.

 

“Hay nako,” sabi ko na lang.

 

Chineck ko yung phone ko.

Uy may message si Karina.

 

Karina: ootd.jpeg

 

Wow. Ang ganda niya sa suot niyang formal attire. Malayong-malayo sa suot kong white shirt na may naka-burdang Coffee Works sa left side at black na maong pants.

 

Me: nakaka-in love ka talaga by… dadaan ka dito maya?

Karina: hello baby! yes! help kita magsara.

Me: gege. enjoy your day baby may customer na kami. lunch ka na rin pls.

Karina: alrighty love you! :*

 

Walangya si Ning. Nagulat pa ko sa kaniya nang mahuli ko siyang nakadungaw sa phone ko, mukhang kanina pa siya nagbabasa ng messages namin ni Karina.

 

“Jowa mo yun?” tanong niya.

 

Tumango ako. “Oo,” tipid kong sagot.

 

“Ang ganda! Parang model!”

 

Tinulak ko na siya nang mahina papunta sa counter para i-assist yung customer na kanina pa samin nakatingin. Hay nako talaga, sana naman magkasundo kami ni Ningning. Hindi ko talaga kayang mag-isa lang ako dito sa shop eh.

 

 

 

 

 

 

 

 

Inilagay ko na yung close signage sa pinto ng shop ng eksaktong 8PM.

 

Nagsimula na rin kaming maglinis ni Ningning. Siya ang nakatokang maglinis ng CR, magwalis, at magmop ng sahig. Ako naman ang bahala sa paglilinis sa mga equipments at utensils.

 

Lagpas kalahating oras rin ang ginugol namin.

 

Saktong dumating si Karina pagkalabas namin ni Ningning sa shop.

 

Niyakap niya agad ako from behind habang nilo-lock ko yung front door.

 

“Hala! Totoo nga! Jowa mo nga!” reaction ni Ning.

 

Kala niya ba jino-joke ko lang siya kanina?

 

“Hi!” bati ni Karina kay Ning habang nakayakap pa rin sakin.

 

“Uhm, baby, si Ningning yung sinabi ko sayong bagong kasama ko dito sa shop. Ning si Karina, girlfriend ko.”

 

Naka-nganga si Ningning habang nakikipag-shake hands kay Karina.

Mukhang na-starstruck pa nga siya.

 

“Nice to meet you!” masiglang sabi ng girlfriend ko.

 

“Wow, boss! Iba ka!” biro ni Ning.

 

Tinaboy ko siya. “Sige na, umuwi ka na. See you bukas,” sabi ko.

 

 

Nagpaalam siya saming dalawa at naglakad na papalayo.

 

 

“Mukhang nice naman siya, baby. Feeling ko magkakasundo kayo.”

 

Kung alam mo lang yung stress na inabot ko ngayong araw by.

 

“Sana nga. Nagdinner ka na ba? Tara, dinner tayo?”

 

Umiling siya. “‘Di pa nga eh. Galit na yung tummy ko,” nag-sad face pa siya sakin habang hinihimas yung tiyan niya.

 

“Haha! Sige kain tayo sa Señor Polo?” yaya ko.

 

Syempre, may enough budget na ako para i-date siya sa mas maayos na restaurant.

 

“Sure baby!” mabilis niyang sagot.

 

 

 

 

 

Hindi kalayuan yung Señor Polo dito sa coffee shop kaya minabuti na lang namin maglakad papunta kesa magdrive pa siya. Sayang ang gas tsaka mahirap na, baka wala siyang ma-parkingan dun.

Umorder kami ng dalawang quarter roast chicken with 2 sides. Coleslaw and white rice yung sakin, yung kay Karina naman ay sweet potato mashed at french fries.

 

 

 

 

“Kumusta naman work, by?” pag-open ko ng topic.

 

Pinupunasan niya yung kutsara’t tinidor gamit ang tissue.

 

“Okay naman! Feeling ko nakapag-adjust na ko with stuff. Big help talaga si Giselle sakin, parang mahihirapan ako magsurvive kung wala siya dun,” sagot niya.

 

Si Giselle yung ka-close niya sa company nila. Mas ahead ng 1 year si Giselle sa kaniya kaya natutulungan niya yung girlfriend ko sa mga bagay-bagay sa office.

 

“Buti naman. Nag-eenjoy ka naman ba?”

 

Inabot niya sakin yung spoon and fork.

Nagsimula na rin kaming kumain.

 

“Yes! May mga stressful days pa rin pero nahahandle ko na. Totoo nga yung sinabi nila, ibang-iba talaga pag nagta-trabaho na. Iba yung environment tapos kailangan mo pang makisama sa mga katrabaho mong malayo yung agwat sa age mo at may iba’t-ibang background.“

 

Buti naman nag-ease na yung anxiety niya sa trabaho. Nung mga unang weeks kasi palagi siyang kabado. Siguro ganun talaga, for some people it’ll take time para makapag-adjust.

 

“I’m so proud of you, by. Sabi sayo, kayang-kaya mo yan.”

 

Nginitian niya ako. “Thank you! Alam mo ba iniisip ko minsan, mas masaya siguro kung katrabaho rin kita.”

 

“Haha! Baka naman magsawa ka na sakin pag ganun,” sagot ko.

 

“Duh! Ngayon pa ba ako magsasawa.”

 

Oo nga naman. Kahit naman may work na siya halos araw-araw pa rin kaming nagkikita dahil madalas pa rin siyang bumibisita sa coffee shop.

Thing na yata namin yung pagiging clingy sa isa't isa. Thing na ayaw kong mawala.

 

 

 

 

 

 

 

 

Habang tumatagal, mas dumadami na ang nagiging customer namin. Effective yung ginawa ni Ningning na marketing strategy sa social media. May talent pala siya sa pagpipicture.

Ang daming nagshe-share ng post niya tapos madalas may caption na “Estetik”. Pina-explain ko pa kay Ning kung ano yung meaning nun. Napagiiwanan na talaga ako.

Ang mas nakakatuwa pa dun, may mga regular customer na rin kami. Yung tipong tatango na lang sila pagpasok sa shop tapos alam na namin yung ihahanda for them.

 

Dahil umookay na ang kita ng coffee shop, sinuggest ko kay Lola na isarado na yung sari-sari store sa bahay para makapagpahinga na lang siya palagi, pero sermon lang yung inabot ko.

Sabi pa niya gusto ko raw ba siyang patayin sa pagka-buryo.

Hay nako. Ano bang laban ko kay Lola.

 

Tuwang-tuwa naman si Mama kapag kinukwento ko yung lagay ng business namin. Proud na proud siya sakin dahil nahahandle ko raw ng maayos yung ipinundar niya. Hindi ko naman inako lahat ng recognition, sinabi ko na malaking tulong si Ning sakin.

 

Tama talaga si Karina sa sinabi niya before na magkakasundo kami ni Ning.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Lumipas ang ilang months, naging busy lalo si Karina sa trabaho.

Madalas din siyang lumalabas kasama ang mga colleagues niya. Kampante naman ako kasi nandun si Giselle palagi.

Ilang beses ko na rin na-meet si Giselle dahil sinasama siya ni Karina minsan sa shop.

Madali naman kaming nagkasundo. Sa totoo lang parang mas madaling nagkasundo si Giselle at Ningning. Para silang long time friends na noon lang ulit nagkita. Ganun sila ka-click.

 

Hindi na ako nagtaka, sa daldal ba naman ni Ning parang lahat kaya niyang pakisamahan at kausapin which is naging malaking advantage din sa shop namin. Kaya malaki ang pasasalamat ko kay Ning.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Maaga kaming nagsara ng coffee shop. May planned dinner date kasi kami ni Karina ngayon sa isang restaurant sa Makati.

 

Dahil mala-fine dining yung restaurant, pinaghandaan ko talaga yung outfit ko ngayong gabi.

 

“Tarushh! Kabog ang mga artista!” bungad ni Ning pagkalabas ko sa CR.

 

Inaayos ko pa yung kwelyo ng white longsleeves ko.

 

“Ewan ko sayo, Ning. Bakit ba hindi ka pa umuuwi?”

 

“Gusto ko lang makita yung outfitan mo. Judge ko lang ganorn,” sagot niya.

 

Napabuntong hininga na lang ako habang umiiling.

Sinuot ko na yung wristwatch na regalo sakin ni Mama at nagspray ng pabango sa kwelyo ng shirt ko.

 

“Okay, since naprove ko na mukhang tao ka naman today, lalarga na ko,” pakaway-kaway niyang sabi.

 

“Enjoy kayo ng bebe mo! See you tomorrow!” dagdag pa niya bago tuluyang lumabas ng shop.

 

Hindi nagtagal, dumating na rin yung binook kong grab.

 

Pinatay ko na yung ilaw sa shop. Minake sure ko rin na nakalock yung pinto bago ako umalis.

 

 

 

 

 

Halos isa’t kalahating oras ang byahe ko dahil sa traffic.

 

Pagdating ko sa restaurant, agad akong inassist ng staff papunta sa pinareserve kong table.

 

Agad din silang nagserve ng complimentary bread at oil na may something.

Buti na lang tinuruan ako ni Karina kung para saan yung oil na yun. Sawsawan pala yun ng tinapay.

 

Agad kong tinikman yung bread habang inaappreciate yung atmosphere

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
bae_dantes #1
Chapter 3: grabe ang hagulgol ko ngayon ah, it was amazing story thanks otor ^_^ yeji ako nalang nandito ako hihi
kmjaureader
#2
Chapter 3: Ang ganda nung kwento pero bakit parang di ata deserve ni rina na binalikan sya ni Win? Magkaka pov po ba ni rina? Para kasing borderline cheating yung mga paglabas nila ni rj nung sila pa ni win eh
fifth_
#3
Chapter 3: yeji ako na lang
Etoile__
344 streak #4
Chapter 3: dang still one of the best fics i've read thank you soo much for this
jiCHUyaa
#5
Chapter 3: Otor bigyan mo dn si yeji ng jowa for life 🥺🥺🥺
kang_ddeul
#6
Chapter 3: awww, bebe yej 😭 grabe sobrang kahabambuhay material dito ni yeji 🥺
TYTFshipper
261 streak #7
Chapter 3: otor?? di ko alam kung saang lupalop ako naroon nung pinublish mo tong last chap na to huhu sorry na pooo 🥹 pero masakit pa din ang puso ko para kay yeji haystststst salamat dito otor! (kahit gusto ko sabunutan si rina like paisa lang pls charot HAHAHAHA)
yujiwinteo
51 streak #8
Chapter 1: Grabe naman ang jiritz ko! Iba talaga nagagawa ng kabadingan sa tao 😩
wnddmks_ 657 streak #9
Chapter 3: Sumakit puso ko para kay Yeji.
ymirisgay #10
Chapter 3: hays