CHAPTER 2

Counterpart
Please Subscribe to read the full chapter

 

Naalimpungatan si MJ nang masinagan ang mukha niya ng araw. Sinubukan niyang matulog ulit ngunit hindi na ulit siya makaramdam ng antok kaya buntong-hiningang napa-upo siya sa kama. 

 

Napatingin siya sa bintana at mataas na ang sikat ng araw. Napatingin siya sa wall clock at nakita ang oras, 9:45 am na pala.

 

Nag-unat muna siya bago dumiretso sa sariling banyo para mag hilamos at mag-sipilyo. In the middle of brushing her teeth, may narinig siyang katok sa pintuan kaya pansamantala niyang tinigil ang ginagawa nang maalala na may kasama nga pala siyang inuwi kagabi.

 

Agad siyang nag-tungo sa pinto at binuksan ito, revealing Minju who had just woken up.

 

Sandaling nag loading ang utak ni MJ nang obserbahan ang kabuuhan na ayos ng bagong kakilala.

 

Black oversized shirt, underneath it was a short-shorts na halos hindi na makita sa sobrang haba ng damit na suot niya. Eyes are still sleepy at cute na nag hikab.

 

"Hey," bati nito para maputol ang pag-lo-loading ni MJ.

 

"A— uhm.. Hi?" utal utal na sabi nito.

 

Minju chuckled at the sight at nilampasan si MJ para makapasok sa loob.

 

"Do you have an extra toothbrush or mouthwash, at least??" tanong niya.

 

"U— uhh y—yeah.. Dito, teka. *clears throat*" MJ lead Minju inside her bathroom at binuksan ang mini cabinet sa taas para kumuha ng unused toothbrush and soap.

 

MJ continued with what her doing at sa tabi niya ay si Minju who's doing the same thing. They also both washed their faces at sabay ring lumabas ng banyo.

 

MJ even lend Minju some better clothes para hindi siya mukhang naka underwear lang.

 

"Uhh.. gusto mo bang mag breakfast muna dito?" tanong ni MJ nang mapag pasyahan na nilang lumabas ng kwarto.

 

"You're really asking me to have breakfast with you?" 

 

"Of course.. I mean, why not? It's just a breakfast?" 

 

"Hmm.. okay." kibit-balikat ni Minju at pinagpatuloy na ang pagbaba sa hagdan.

 

Halfway through the stairs, biglang nakarinig is MJ ng unusual noises na nang-gagaling sa kusina at huli na nang mapagtanto na her cousins might broke into her house at nag fi-fiesta na sa kusina.

 

Napahinto si MJ sa paglalakad at nagtataka namang napalingon si Minju sakanya. 

 

"Thought you said you don't have anyone here with you at this moment?" nakataas ang kilay na tanong nito.

 

"Uy gising na si MJ! MJ good morni—" hindi naituloy ni George ang sasabihin at nabitawan ang hawak niyang mangkok na may laman ng cereals.

 

"Georgina— what the ?!" reklamo naman ni Katy ng matalsikan ito ng gatas.

 

Napatakip lang naman sa bibig si Georgina at tinuro ang kinaroroonan ng pinsan na ngayon ay nanlalaki rin ang mga mata.

 

"Ano bang— *gasps* oh. my. god."

 

"Guys, it's still early in the morning why are you—" even Cassius got surprised nang makita ang pinsan na may kasamang pamilyar na babae from last night.

 

Now everyone got their eyes stuck on MJ na hindi alam ang gagawin and Minju who obviously doesn't have any idea on what's going on.

 

"Uhh.. good morning?" unsure na bati niya sa mga ito kaya nag simula nang mag kagulo ang lahat.

 

"MJ... oh my ing gawwwddd..."

 

"Skdhskshdjsks gagii my innocent mind."

 

"I— it's not what you guys think—" MJ tried to explain na hindi ito kagaya ng iniisip ng mga pinsan niya nang mapako ang mga mata niya kay Karina na nakatayo sa salas malapit sa guest room at matatalim ang tingin sakanya.

 

She tried to open pero walang salitang lumalabas kaya minabuti nalang niyang itikom ito. Karina gave her a disappointed look bago ito nag walk out at binalibag ang pinto ng kwarto na malapit sa kinatatayuan niya.

 

.

 

That's what she thought.

 

Akmang susundan niya ito nang hawakan siya ni Minju sa braso at tinanong,

 

"Is everything okay? Or is it a bad idea na naabutan ako ng mga pinsan mo dito? I mean, it's fine if I just go?" 

 

"Hindi hindi hindi.. uhm ano lang.. Wala lang, nagulat lang din sila pero after a minute or so, titigil na rin yang mga yan. Like I said, you can stay and have your breakfast here." pag-explain ni MJ.

 

"... I think we should just have our breakfast some other time." 

 

"But I already said it's fin—"

 

"Mhmm.. *clicks tongue* but I prefer to have breakfast with you sana where I can say na we're both free and comfortable with our surroundings." 

 

Napalingon silang pareho sa mga pinsan ni MJ na ngayon ay tahimik lang nakikinig at inoobserbahan ang bawat galaw ng dalawa.

 

"I swear, it's fine. I'm fine." natatawang sabi ni Minju at tinapik sa balikat sa MJ.

 

Tumango-tango lang si MJ, though she really couldn't think straight dahil nga nasa iisang tao lang ang buong concern niya.

 

"Hatid kita sa labas?" is all that she could offer while impatiently tapping both of her feet on the ground.

 

That didn't go unnoticed by Minju kaya she just dismissed her.

 

"No na. I can manage. Just talk to your cousins, I think they're about to die from curiosity." tsaka bumaling sa ibang mga Lopez.

 

"Hey, uhh.. I'll probably get going na. Nice to meet you again, guys." paalam ni Minju at nag-si-tanguan lang ang  ilan sakanila at ang iba naman ay nanatili lang nakaawang ang mga bibig.

 

Paglabas ni Minju sa pintuan ay saka nagsipag-ingayan ang magpi-pinsan at dinumog si MJ para mag kwento.

 

"Preee, ano? Naka homebase ba????" taas kilay na napatingin si MJ sa kaibigan nang mapagtanto na all this time nandito rin pala ang mokong.

 

"Putangina anong ginagawa mo dito? Pinsan ba kita?" 

 

"Grabe ka naman tsong! Parang 'di tropa. Sinabay kaya ako ni Georgina dito!" 

 

"MJ, you better tell us everything and do not ever think of leaving any single detail." seryosong sabi ni Cassius.

 

Bigla namang nakaramdam ng pressure si MJ. Pero iniisip niya na mamaya nalang siya mag-ku-kwento at pupuntahan muna si Karina.

 

"Pwedeng mamaya na? I swear to tell the deets later, unahin ko lang yung isa." hindi na hinintay ni MJ na makapag-sagot muli ang mga pinsan.

 

Dali-dali siyang nag tungo sa kwarto kung saan nag-kulong si Karina at binuksan ito gamit ang spare key na nakasabit lang rin sa may dingding.

 

Pagkapasok ni MJ sa loob ng kwarto, dahan-dahan niyang isinara ang pinto at linock ito. Karina seemed to notice her presence kaya napalingon siya dito at nagkatitigan sila bago siya nginisian ng isa.

 

Confusion is written all over MJ's face nang bumungad ang tila mapang-asar na ngiti at tinginan ni Karina instead of receiving a cold treatment because that's what she is expecting.

 

"What? Come sit over here." pag tawag ni Karina at tinap ang space sa tabi niya.

 

"Uhh..."

 

"Why do you look so stiff and awkward? Loosen up couz." natatawang sambit ni Karina at inakbayan ang pinsan.

 

"I uhh... aren't you mad?" 

 

Saglit na tinitigan ni Karina si MJ bago ito humagalpak ng tawa.

 

"Pfftt... the hell would I be mad?"

 

"Nag walk out ka kaya kanina, I— you look disappointed and—"

 

"Chill out, dude. *laughs* I did that on purpose para sundan mo ako dito tapos ako unang makakaalam ng tea and guess what? It really worked." she winked.

 

MJ looked at her cousin with disbelief at pinalo ng unan sa mukha.

 

"You made me worried for nothing." 

 

Karina once again burst in laughters.

 

"What's there to be worried about in the first place? Anyway, the deets. How is it? Is she good?" tinaas-taas pa niya ang kilay kasama ng nakakalokong ngiti pero umiling lang si MJ.

 

"Anong malay ko, wala namang nangyari samin. We just slept— in different rooms." 

 

"You're not fooling anyone here, MJ."

 

"Whaat? It's the truth!"

 

"Come on. You're keeping secrets from your favorite cousin now?"

 

"Says the one who kept his suitor from me." MJ scoffed.

 

"This isn't about me."

 

"Pero ikaw naunang nag-lapag ng favorite cousin card." 

 

"Fine. I'll tell you if you tell me what really happened to the both of your first."

 

"Wala na. Overdue na yung sa'yo. If hindi ka pa nalasing kagabi, I wouldn't even know." 

 

"Heeeey! Sinadya ko talagang sa birthday ko ipaalam sainyo kasi by that, wala na kayong magagawa. Plus, grabe ka kasi makabakod."

 

Oh...

 

That's the only thing that came to MJ's mind. 

 

"Y—you really like him?"

 

Karina gave her a tight-lipped smile and nod.

 

"I do." 

 

Silence.

 

Karina's being bothered by the sudden silence kaya siya na ang naunang nag-salita.

 

"Now about you and the girl. Wala talagang nangyari? Ang hina mo nama—"

 

"We made out."

 

"Hm?"

 

"That's it. We just kissed and made out a little tapos nakatulog na siya."

 

"O- oh.. uhm, is she good naman?"

 

MJ chuckled.

 

"Ayos na. Anyway, the others are waiting sa kitchen. Tara na."

 

Hindi na hinintay ni MJ si Karina at nauna nang lumabas ng kwarto. She knows that she still need to give her cousins the answer they've been meaning to know right after they saw the girl which they just met last night coming out of Winter's house.

 

***

 

Nanatili si MJ sa loob ng sasakyan habang hinihintay si Karina at Giselle. They were those who are tasked na bumili ng kakailanganin para sa little get-together nila— food, foil wrappers, condiments, alak, party cups, etc.

 

Tapos naman na sila maka-pamili ng nasa listahan kanina pa sa mall, pero may iilan kasing kulang at naubusan ng stock kaya dumaan sila ngayon sa malapit na 7-Eleven. 

 

Mahigit 15 minutes na ang nakakalipas pero hindi parin bumabalik ang dalawa kaya pinagdiskitahan nalang ni MJ ang lollipop na nakapa niya lang rin sa glove compartment bago lumabas ng sasakyan.

 

"The 's taking them so long?" bulong nito sa sarili at naisipang sumunod na rin sa loob.

 

Nilibot ni MJ ang tingin sa paligid at ang unang hinanap ng mga mata niya ay si Karina. Ngayon naiintindihan na niya, packed up pala sa loob at mostly ay studyante rin ang laman kaya nahirapan siyang hanapin ang kasama.

 

Nadako ang mata ni MJ sa aisle ng drinks at namataan niya ang kaibigan—si Giselle, na tila nahihirapan sa pagpili kung The Bar Gin ba or GSM Blue Mojito ang kukunin.

 

Nakaisip naman ng kalokohan si MJ at naisip niyang gulatin ito. Dahan dahan siyang nag lakad making sure na the girl wouldn't notice her and when she's already behind her back, nag-salita ito.

 

"Gigi!" malawak ang mga ngiti.

 

Nagulat si Giselle at muntik na mabitawan ang isang alak, mabuti nalang at mabilis ang reflexes ni MJ kaya nasalo niya ito.

 

"Gosh, you startled me!" reklamo ni Giselle at pinalo sa balikat ang isa.

 

"Kaka-iced coffee mo yan kaya magugulatin ka." binalik muna ni MJ sa aisle yung bote ng alak bago bumaling ulit sa babae.

 

"Alak nanaman? Kulang pa ba yung mga pinamili natin?"

 

"Puro hard kasi yung kinuha natin. I think we should also get ng pang starter para hindi tayo mabigla. Anyway, GSM Blue or The Bar?"

 

"GSM nalang, traydor yang The Bar. 'Di pa ako nakaka-get over sa last nomi sesh natin na napadasal pa ako kay lord sa sobrang dami ng naisuka ko."

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
neggyL
Thoughts?

Comments

You must be logged in to comment
Chaegoblin
#1
interesting po, Sana ituloy
Yooji-ah
#2
sounds good but I wish it was in eng😩😩
Nevusxc
#3
Chapter 2: OMG OMG PLS, IWAIT KO TALAGA TO
Topkangseul
#4
Chapter 2: Sana naman d sila tunay na mag pinsan noh😭
howdoyouknowmee
540 streak #5
Upvoted!