CHAPTER 1

Counterpart
Please Subscribe to read the full chapter

DISCLAIMER:

This story is entirely fictitious and solely the product of my own imagination as I listened to some music during my leisure time. It does not support any uous relationships and is not in any way an encouragement to begin or try such a relationship in the real world.

 

***

 

"MJ, MJ! repaaa!" 

 

Tumigil si MJ sa pag-takbo halfway through the court, tsaka liningon ang time board. Last 30 seconds at dalawang puntos lang ang lamang nila sa kalaban.

 

Binaling ni MJ ang mata sa kaibigan at nang masigurong libre at malayo pa ang kalaban sa pwesto ni RJ, hindi na siya nag dalawang isip pa at pinasa agad ang bola.

 

Pagkasalo ng bola ay agad sinalo at drinibble ni RJ ang bola. Pumwesto sa three point line— bumwelo— shinoot ang bola— pasok!

 

*Buzzer rings*

 

"Sheeeeez! Nice game, nice game!" sigaw ni RJ bago tumungo sa benches kung saan iniwan ang towel para i-pam-pamunas ng pawis.

 

Si MJ naman ay nakaupo na sa semento— hawak ang cellphone sa isang kamay at busyng nag-i-scroll habang umiinom ng tubig sa dala nitong tumbler.

 

"MJ, una na kami." paalam ng ibang nakalaro at tumango lang siya bilang sagot.

 

"Ingat kayo." pahabol niya at nag thumbs lang sila.

 

"Grabe, napagod ako dun." ika ni RJ nang makalapit ito sa kaibigan.

 

"G na g ka eh."

 

"Naman! Sayang pusta pag natalo." sagot ni RJ sabay lapag ng bottled water sa tabi. "Siya nga pala, anong oras na ulit yung dinner party ni Kars?" 

 

Bigla namang natigilan si MJ sa ginagawa at agad chineck ang oras— 5:30 na ng hapon. 

 

"— ba't ngayon mo lang pinaalala?! 6 pm ang start!" tarantang sabi ni MJ at agad dinampot ang mga gamit— ni hindi man lang niya nasiguro kung maayos ba ang pagkaka-suot ng dala nitong extra t-shirt.

 

"Una na ako. Sumunod ka nalang ha? Paki-check kung may naiwan ako, kunin ko nalang sa susunod. Thank you!" hindi na hinintay ni MJ sumagot ang kaibigan at dali-daling tumakbo patungo sa labas.

 

Binilisan pa ni MJ ang pagtakbo hanggang sa marating ang kinaroroonan ng kotse at hindi na niya ininda ang tumutulong pawis. Wala na siyang panahon para mag-ayos pa. Nasa ***** street pa siya at kung tutuusin ay malayo-layo pa ang bahay nila Karina mula rito.

 

"Ahhh tanginaaaa." mura niya sa isip isip nang mag ring ang cellphone at bumungad sa caller ID ang pangalan ni Katy.

 

Pumasok na siya sa driver seat at hinagis nalang kung saan ang mga gamit tsaka nagmamadaling inandar ang sasakyan.

 

Sinigurado naman niyang naka connect na sa bluetooth speaker ng kotse ang phone niya bago tumingin sa likod at nag bwelta.

 

"MJ! Where are you?!" matinis at malakas na boses ng pinakabatang pinsan ang sumalubong sa tenga niya.

 

"Teka lang, driving na! Mag i-start na ba?" tanong naman niya bago inikot ang manibela.

 

"Not yet, pero almost everyone's here na. Ikaw nalang wala. Kanina ka pa namin hinahanap! Baka nakalimutan mong ikaw ang plus one ni Rina? Where are you na ba??" 

 

Tanginaaaaaa...

 

"Uhm ano, malapit na! Uhh— 

 

"I swear to god— I told you to mind your time kasi, nag laro laro ka pa!" paggagalit ng pinsan.

 

"Ito na nga! Binibilisan na nga mag drive oh.. Oh ayan, liliko na..."

 

Tuloy lang naman sa paggagalit si Katy nang makarinig si MJ ng isa pang pamilyar na boses sa linya.

 

"Who's that? Si MJ ba yan?"

 

"Sino pa nga ba?!"

 

"Akin na ako kakausap... MJ,"

 

"Yooo" sagot nito habang busy ang mga mata sa daan.

 

"Are you still driving? Don't rush, take your time. May 28 minutes pa naman before the program starts, you'll get here in time. And if hindi man, ako na bahala mag distract sa mga tao to give you more time."

 

"Talaga? Thank you Cass! Kaya ikaw ang favorite cousin ko eh!" 

 

"! I thought you said it's me?!" sa muling pagkakataon ay napatakip si MJ sa kabilang tenga sa sobrang tinis ng nakababatang pinsan.

 

"Uy ano yan? Bakit may favorite favorite na pinag-uusapan? Si MJ ba yan?" isa pang pamilyar na boses ulit mula sa kabilang linya ang nakisali sa usapan.

 

"Sus, lokohin niyo pa sarili niyo. We all know na si Rina naman ang favorite cousin ni MJ." it was Yujin this time.

 

Natatawa lang namang napailing si MJ sa kaguluhang nagaganap sa mga pinsan niya.

 

"Sige na, i'll hang up na. Malapit na ako sa papasok ng subdi, be there in 15 minutes." 

 

"Alright. But like I said, take your time."

 

"Got it, Cass. I'll hang up na. See you." hindi na hinintay ni MJ ang sagot mula sa pinsan at pinatay na ang tawag. 

 

Hindi na rin kasi kinakaya ng tenga niya ang bangayang naririnig mula sa iba pa niyang mga pinsan. 

 

*

 

Humarap muli at tinignan pa sa isang pagkakataon ni MJ ang kabuuhan ng sarili sa salamin— naka white oversized tee na napatungan ng signature style niya ( plaids) ang tanging suot. Sa pang-ibaba naman ay itim na tattered jeans na pinartneran niya ng jordan 4.

 

She doesn't look bad naman and afterall, for someone na nag rush ng isusuot— pwede na.

 

Nang masigurong ayos na, nag spray lang siya ng dalawang beses sa may bandang leeg ng paborito niyang perfume at lumabas na ng kwarto bitbit ang biniling regalo para sa original favorite cousin niya— si Karina.

 

Nagmamadaling lumabas ng bahay si MJ at tinakbo ang pang-apat na bahay mula sa gate nila— oo, magkakalapit lang ang bahay mga Lopez dahil nga magkakamag-anak naman sila at yun ang isa sa mga ipinagpapasalamat ni MJ ngayon.

 

*

 

"MJ pare! What's up!" 

 

"Uy," simpleng tango at ngiti lang ang ginawa ni MJ sa mga kakilalang bumabati sakanya ngayon.

 

Nandito na siya sa frontyard nila Karina at napakaraming tao.

 

"MJ, shot later ha?"

 

"Sige lang." 

 

Inayos muna ni MJ ang plaids na suot at dumiretso na sa loob. Unang hinanap ng mga mata niya ay ang pigura ng mga pinsan na kanina pa nag hihintay sakanya.

 

Sa 'di kalayuan ay nakita niya ang pagtaas ng kamay ni George at agad niya itong nginitian bago pinuntahan.

 

"Oh, ayan na pala si MJ." sabi naman ni Yujin nang mapansin ang kanilang pinsan na pinaka nag standout sa lahat dahil sa naiiba nitong suot.

 

"Seriously MJ? You're wearing plaids? On Rina's birthday?" may pagkadismaya at pang j-judge sa tono ni Katy.

 

Inisa isa naman ni MJ ang mga pinsan at totoo ngang siya lang ang naka casual samantalang ang iba ay naka semi-formal. Even RJ is wearing a blazer.

 

"Kanina ka pa dito? Ba't ang bilis mo naman?" takang tanong ni MJ sa kaibigan.

 

Nagkibit-balikat lang naman ito at tinaas ang champagne glass na hawak hawak tsaka uminom.

 

"The important thing is that you're here." sabat naman ni Cassius at hinawakan sa likod ang pinsan.

 

"Rina's already in front, I think she's looking for you. Go na para makapag start na. We'll catch up later." sabi nito at tinapik sa balikat.

 

"Thanks." bumaling na ulit siya sa mga pinsan niya, "Balik ako." 

 

Nag lakad na si MJ patungo sa harap at i-finocus ang tingin sa iisang tao. Malawak ang mga ngiti niya habang tinatahak ang daan patungo sa kinaroroonan ng birthday celebrant na siyang busy sa pakikipag-usap sa mga bisita.

 

Napalitan ang ngiti at kinang sakanyang mga mata nang biglang may dalawang lalaki na lumapit sa naturang favorite cousin niya. Feeling pa nito ay agad nag dilim ang mga mata niya nang biglang hawakan ng isa ang kamay ni Karina at nag akmang bigyan ito ng halik nang—

 

Ang bilis ng pangyayari. Para bang in just a swift motion, the two other men is already nowhere in sight at nakakulong na sa bisig ni MJ si Karina.

 

Gulat man ay biglang napalitan ng napakalaking ngiti ang reaksyon ni Karina nang mapagtanto kung sino ang nasa harap niya ngayon.

 

"MJ!" masiglang bati nito at nanatili lang ring nakangiti ang isa.

 

"Hi?" 

 

Karina immediately pulled her cousin into a tight hug na para bang kagagaling lang nito sa ibang bansa at ilang buwan silang hindi nag kita.

 

Tulad ng madalas na mangyari, biglang namula si MJ sa mainit na pag tanggap ng pinsan at nakaramdam ng hindi maipaliwanag na emosyon. At bago pa man ito mapansin ng iba ay siya na ang unang pumutol sa yakap at naiilang na napa-iwas ng tingin.

 

"Uhm.." pag-tikhim nito bago bumaling ulit sa kasama.

 

Nagulat naman siya ng mapansin ang paghaba ng nguso nito at tila nag tampo bigla.

 

"Bakit ganyan itsura mo?" natatawang tanong nito.

 

"You don't like my hugs anymore?" at mas lalo pa itong nag pout.

 

Hindi naman maipaliwanag ni MJ ang kabang naramdaman at tila pagwawala ng dagundong ng puso nito sa ka-cute'n ni Karina.

 

"H— hindi naman sa ganun. Uhm— ano..." 

 

Napamura si MJ sa isip dahil sa pagiging utal-utal nito.

 

"What?" tila ba biglang napalitan ng pagiging seryoso ang tono ni Karina kaya napalunok siya sa kaba.

 

"G— galing kasi ako gym. Nag basketball kami tsaka ano.. uhm.. H— hindi ako nakapag shower ng maayos so feeling ko amoy pawis parin ako."

 

Karina suddenly gave her a look of disgust pero agad namang binawi at tumawa ito.

 

"Hindi naman. You still smell like a baby to me. My babyyy." sabi ni Karina at ngiting kumapit sa braso ng isa.

 

"Anyway, that being said. Edi ibig sabihin nagmadali ka lang pumunta dito? Don't tell me you even forget to bring me a gift? Kasi kung oo, magtatampo ako." 

 

"Pwede ba yun? Syempre hindi. Ako pa ba mawawalan ng ibibigay sa special day mo." 

 

"Talaga? If that so, where is it then? Give it to me." sabi ni Karina at inilahad ang kamay.

 

"Mamaya na. Gusto ko ako mahuli mag bigay, save the best for the last ika nga nila diba?" sagot naman nito at itinaas taas pa ang kilay.

 

Naputol naman ang pag-mo-moment ng dalawa nang marinig na nila ang speaker na tawagin sa stage ang birthday celebrant para masimulan na ang program.

 

Nakita din nila ang senyas at pagtatawag sa dalawa na mag tungo na sa harap kaya agad nag ngitian ang dalawa at nag simula nang mag lakad.

 

"Everyone, let us all welcome. The birthday celebrant!" 

 

"Heeeeeyaaaaw!"

 

"Wohohoooo!" 

 

"Tentenenententen!"

 

"Let's go girl! Slaaaay!"

 

"Wooooooo! Pinsan ko yaaaaaan!"

 

Parehong natawa ang mag pinsan sa unnecessary noises na ginagawa ng mga kaibigan at iba pa nilang pinsan. 

 

"Siraulo talaga mga pinsan mo." napapahagikgik na bulong ni MJ kaya nakatanggap ito ng kurot sa isa.

 

"Stupid. They're your cousins too!" 

 

"Nah i'm not claiming them." 

 

Nasa harap na ang dalawa— Karina standing in front of the crowd while MJ just stood behind her.

 

"Wow, look at her. Isn't she the prettiest?" sabi ng announcer kaya nagkaroon pa ng mas malakas na hiyawan.

 

Karina just shyly shook her head at tinakpan ang mukha tsaka lumingon kay MJ. Sumenyas naman ito na wag takpan ang mukha and that she should be proud to show them her beauty.

 

"Sige ayan na, hindi na natin patatagalin ito. Let us hear a message from the parents first." 

 

Binigay naman ng announcer ang mic sa daddy ni Karina and he gladly took it tsaka lumapit sa anak.

 

"Good evening, everyone. First of all, I would like to thank all the people who came here para samahan kaming i-celebrate ang 19th birthday ng unica hija namin." nagkaroon nanaman ng palakpakan from the crowd.

 

"I really have nothing much to say since yearly naman itong nagaganap. Nauubusan na ako ng sasabihin tsaka nag rereklamo na nga itong anak namin na paulit-ulit nalang daw yung sinasabi ko." everyone laughed from what they heard. 

 

Even MJ starts teasing her cousin about it already.

 

"Ayun lang, si misis baka may gustong sabihin?" baling ng daddy ni Karina sa asawa ngunit natatawa lang itong umiling but still leaned towards the mic anyway.

 

"Even I have nothing in mind. But maybe MJ has something to say? Mj, hija? Why don't you take it from here?" 

 

Now it's Karina's time to cousin nang makarinig sila ng malakas na kantsawan at tawanan sa mga bisita.

 

Nag simula nanamang mamula si MJ dahil sa hiya at hindi rin nakakatulong ang pangangantsaw ng mga pinsan nila sakanya.

 

"Hoooooo! Ganyan yan si MJ pabibo!" rinig nilang sigaw ni George kaya mas lalo pang natawa ang lahat.

 

Nonetheless, MJ took the mic and tapped it for about 2 times para masigurong gumagana ang mic.

 

"Ahh ahh. Mic check. Georgina ang pangit mo." 

 

The crowd once again roared in laughter nang umakto si Georgina na magwawala dahil nabanggit ang tunay na pangalan.

 

"Good evening, everyone—"

 

"Boooooo! Inulit mo lang yung sinabi ni tito eh!" George once again disrupted MJ from talking kaya hindi na natigil sa kakatawa ang lahat.

 

"I would like to say sorry to everyone. Nagpapa-pansin lang po yang isa kasi bukod sa kulang siya sa pansin, siya yung pinaka least favorite namin sa angkan." 

 

"Gago foul!"

 

"Words!" 

 

Napailing nalang si Karina sa bangayan ng dalawa niyang pinsan kaya sumenyas ito sa baba na tumigil muna para madali nalang matapos ang opening program at nang makakain na ang lahat.

 

Na gets naman ni Cassius ang gustong iparating ni Karina kaya siya na mismo ang umawat kay George at nag thumbs up sa mga tao sa harap.

 

"Anyway, as I was saying. I hope everyone is feeling great tonight as how grateful I am to witness how this wonderful girl beside me grow up..." 

 

*

 

Mag-kakasama at napag pasyahan ng mag-pi-pinsang Lopez— including RJ at Giselle, na mag pahangin sa labas. Mainit daw kasi sa loob at packed up ang tao kaya minabuti nilang mag palamig sa garden, yung malapit sa fountain. 

 

Habang nag-ku-kwentuhan na may kasamang kulitan, hindi maiwasan ng mga bisita na mapukaw ang atensyon sa grupo ng mag-ka-kaibigan.

 

"Arrrrghh! Yung boots ko!" — Katy "bunso" Lopez.

 

Pinakabatang Lopez. Ang pinaka-masungit at pikunin sa angkan. —"Hindi na baleng pag-tripan mo ang lasing, wag lang si kuting."

 

N

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
neggyL
Thoughts?

Comments

You must be logged in to comment
Chaegoblin
#1
interesting po, Sana ituloy
Yooji-ah
#2
sounds good but I wish it was in eng😩😩
Nevusxc
#3
Chapter 2: OMG OMG PLS, IWAIT KO TALAGA TO
Topkangseul
#4
Chapter 2: Sana naman d sila tunay na mag pinsan noh😭
howdoyouknowmee
540 streak #5
Upvoted!