RH - 1

Ride Home

Sabi ng mga taong laki sa luho, being poor is a choice. Kung nagttrabaho lamang daw sana kaysa magreklamo ay aahon pa sa hirap. Why are privileged people so entitled? 

Sila Mama at Papa ay parehas Government workers. Ilang dekada na silang nagttrabaho ngunit sakto lamang ang kanilang sweldo para sa pang-araw araw namin. 

Kahit naman siguro magkanda-kuba kuba na lahat sa pagttrabaho, hindi pa rin sigurado ang pag-ahon sa buhay. It is a matter of making a situation an opportunity. 

And not everyone can do that. 

Kaya naman noong unang taon ko pa lamang sa Kolehiyo ay nagpasya akong pag-aralin na lamang ang aking sarili. Desisyon ko naman ang mag-aral sa Maynila, kaya naman sinabi ko na lamang sakanila na ittry kong magtrabaho para makabawas sila sa gastusin. 

"Nandito na po tayo," nakangiti kong sabi sa pasahero. She nodded her head before paying the fare. Nag-iwan pa nga siya ng tip. 

Napabuntong hininga ako nang makita ang oras sa may screen ng sasakyan. Lampas midnight na, mayroon pa akong 2 pasahero na kailangang sunduin at ihatid. 

I closed my eyes briefly. Sana naman ay makauwi ako bago mag-alas tres ng umaga. 

Mayroon pa akong gagawin na report para sa isa kong subject. Second-year college na rin naman ako. Two more years and I'm done, I can support my family. I can work one job and have enough to feed myself and my family. Hindi ba ganoon naman ang goal?

Pagkatapos ko ihatid ang isa sa mga huli kong pasahero ay nagdrive na muli ako para sa pick up ng last na customer. 

I hummed as I drove to pick the stranger in front of a well-known bar in the city. Sana lahat kayang mag-bar bar lang. I never had the chance to enjoy my life as is. 

Kung wala ako sa school, nagtatrabaho ako. Kung wala rin ako sa trabaho, siguro ay namamahinga ako.

Nagpark ako sa may entrance ng bar at tinawagan ang number ng pasahero ko. 

"Nasa labas na po ako," I said. I heard murmurs from the other line. No one answered, or even acknowledged what I have said. 

"Stop being stupid, Winter!" Rinig kong sabi sa kabilang linya. I cleared my throat. I don't have the time to eavesdrop. Not that I want to eavesdrop or something. Masama kaya yun.

"Miss Kim? I am outside na po," sabi ko ulit. I waited pero wala pa rin namang sumasagot. Maya-maya lamang ay biglang nagdrop ang call. 

Someone entered the backseat. 

"Are you Miss Winter Kim?" I asked. Syempre, baka mamaya hindi pala siya ang last passenger ko.

"Yes. Can you please drive now, Mister?" Napakunot ang noo ko. Alam ko naman na medyo deep ang boses ko kumpara sa ibang babae, pero hindi naman sobrang deep na mapagkakamalan akong lalaki.

"It's Miss, but okay," bulong ko at agad na nagmaneho paalis sa bar. 

I heard a deep sigh from the backseat. Hindi ko na lang din pinansin kasi baka may pinagdadaanan siya. Ayaw kong makialam sa problema niya. 

"Wala ka na bang ibibilis, Miss?" Naiiritang tanong ng pasahero ko. Napakunot naman ang noo ko  Napaka-demanding naman. 

"Maooverspeeding po tayo, Miss." Sagot ko. Totoo naman. Hindi naman siya ang matiticketan if ever, ako naman. 

"Miss?" I hummed. Tiningnan ko siya gamit ang rearview mirror. She looks anxious. 

"Do you mind sitting here in the backseat?"

I parked the car sa may gilid para tumingin sa kanya. 

Ngayon ko lang napansin ang itsura niya. She's wearing smart casual attire. Her hair is reddish brown. Maputi rin siya at singkit. She looks fine as hell. 

Kung hindi lang siguro ako straight ay mag-gagay panic ako nang makita siya. 

Nakakunot na ang noo niya sakin. 

"I'm sorry po, pero why would I do that?" Tanong ko. Bakit naman ako lilipat sa backseat? Eh driver nga ako. 

"Just do it. Sit here, beside me." I can hear the authority in her voice. Hala. May balak kaya siyang masama sakin? May bagong modus na ba ang mga holdaper at carnapper?

"Uh, I refuse po, Miss. I don't swing that way po! Tsaka huwag niyo naman po sana kuhanin mga kinita ko." Sabi ko. The girl looked at me with confused eyes. She raised a brow and shook her head. 

Maya-maya lamang ay bigla siyang tumawa nang malakas.

", no! What the are you talking about?" Tumatawa pa ring tanong niya. 

I blushed. Tangina naman. Eh ano kailangan niya sakin? 

"E-eh bakit niyo po ako pinapalipat ng upo?" Tanong ko. She winced.

"Gusto ko lang magdrive. Tsaka ang bagal mo e. May lisensya naman ako, ito oh," pinakita niya sakin ang driver's license niya. 

Her name is Winter Troian Kim. Pangalan pa lang pang-mayaman na. Second name ko nga sobrang common: Mae. 

Mas bata pala siya sakin ng isang taon. 

"Ano na? Tititigan mo lang ba yung lisensya ko? Lipat na." Utos niya at marahang tinapik ang balikat ko. I shook my head.

"Bawal nga po, Miss. Ako yung driver dito oh, ang unethical naman kung hahayaan kotang magdrive." 

She scoffed when she heard my reason. 

"You need this job, no? Pwede naman kitang ireklamo sa management." 

"Pero I abide by the rules po. You can't file a complaint about me because of nothing," sabi ko. Hindi naman ako uto-uto. Lahat ng kailangang gawin ay ginagawa ko. I never break rules. 

Model citizen yata 'to.

"I can easily make up any reasons. I mean, sino ba ang paniniwalaan satin? Customers are always right, ain't they?" Nakangising tanong niya. Hindi ko na mapigilan na hindi siya irapan. 

"Fine! You can drive." Lumabas ako sa kotse at binuksan ang pinto niya. Lumabas na rin naman agad siya at lumipat sa may driver seat. I slumped my back and sighed as the car seat made contact with my back. , sobrang pagod pala ako. 

"I suggest you buckle up!" Sabi ni Miss Winter at biglang idiniin ang pagkaka-apak niya sa gas. Napahawak agad ako sa upuan. 

This girl will be the death of me. Hindi lang figuratively, literally din.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Chapter 1: Ud?
Yooji-ah
#2
I'm interested
ryujinie__
693 streak #3
Chapter 1: 👀
Akemi38 #4
Chapter 1: straight ba talaga jimin?
AhnWony
#5
winrina with 2kim in the tags. i’m in!🤩
howdoyouknowmee
539 streak #6
Whut
chadchad #7
uh huh 😌😏
KatarinaYujimin
#8
this is interesting 🙊