Chapter 10

The Wedding (SeulRene/SeulMin)
Please Subscribe to read the full chapter

🐰Irene's POV

 

~~~Fast forward~~~

 

-Reunion-

 

Naupo ako katabi sila Jeongyeon... Nagseselpon lang ako nang biglang dumating si Tzuyu at naupo sa kanang tabi ko.

 

"Jeong, close kayo ni Seulgi Diba? So alam mo na kung kanino siya ikakasal?." halos mabitawan ko ang cellphone na hawak ko sa narinig kong tanong mula kay Tzuyu.

 

Hindi--- mali ako ng dinig imposibleng ikakasal ka at hindi sa'kin.

 

Tumingin muna sakin si Jeong bago nagsalita. "Hindi ko alam kung sino at ano ang pangalan pero ang balita sa isang mayamang business man siya ikakasal. "

 

"kailangan ko pa bang gamitin ang lahat ng connections ko para lang malaman kung sino yang lalaking pakakasalan niya?."
Tzuyu

 

"wag na, kay Wendy ka nalang magtanong bestfriend siya ni Seulgi for sure kilala non, kung sino yung lucky guy na pakakasalan ni Seulgi." sagot ni Mina

 

I looked at Yeri with teary eye pinipigilan kong wag umiyak lalo na't nasa harap ako ng mga dati kong kaibigan.

 

Akala ko meron pang pagkakataon na magkaayos tayo at maibalik kung anong meron tayo dati pero tingin ko huli na ang lahat.

 

Nag request ako ng isang boteng alak sa waiter na naka assign sa table namin, Ang isang bote naging dalawa na naging tatlo na naging pito.

 

Wala akong balak na mag lasing ngayon pero...

 

Ang sakit, hindi ko kayang makita kang masaya na sa iba...

 

Tumingin ako sa Dereksyon mo...

 

I'm selfish when it comes to you. ayoko kong nakikita kang hawak ng iba.

 

Pinagmamasdan kita habang masaya kang pinapanood ang mga larawan na nag play sa stage habang ako malungkot na pinapanood ka.

 

Mahal mo pa rin ba ako?...

 

Dumating si Wendy at nag simula ng kumanta.

 

kasi ako MAHAL PA RIN KITA...

 

Tumayo ako para sana lapitan ka pero bigla ako nakaramdam ng hilo kaya dumeretso nalang ako kasama si Yeri papuntang comfort room.

 

"unnie lasing kana, uwi na tayo."

 

"no Yerim ayos lang ako."

 

"unnie..."

 

"Yerim-ah alam mo bang ikakasal si Seulgi?."

 

Wala akong marinig na sagot mula sakanya.

 

"bat di mo sakin sinabi?."

 

pero gaya pa rin kanina wala pa rin siyang imik at reaction.

 

Tinitigan ko siya at doon nagsimulang tumulo ang mga luha ko.

 

"I'm sorry unnie hindi ko kayang sabihin." wika niya saka ako mahigpit na niyakap.

 

Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.

 

this feeling is worse, than the day I left you...

 

Nagdesisyon akong magpaiwan sa loob ng kotse para sana matulog pero hindi ko magawa kaya nanood nalang ako sa Netflix ng mga movies.

 

Wala pa ko sa kalahati ng pinapanood ko ng makita kitang lumabas ng hotel at huminto sa may gilid ng isang kotse sa mismong tabi pa mismo kung nasaan ang kotse ko.

 

Napansin kong may kausap ka sa phone kaya di mo napansin na binaba ko ng kunti ang window ng sasakyan ko.

 

mula sa loob rinig na rinig ko ang pagiging sweet mo sa kausap mo.

 

"Oh! Mochi? napatawag ka? kumain kana ba?." nakangiting tanong mo

 

Mochi? Ayan ba ang binigay mong nickname sakanya?

 

sumandal ka sa pintuan ng sasakyan mo tsaka nakangiting nagsalita. "hindi pa? anong oras na ah? ano bang gusto mong kainin? bibilhan nalang kita." sweet pang tanong mo sa kung sino mang kausap mo

 

Hindi ko mapigilang di makaramdam ng selos kaya napakuyom ako ng kamay sa mga nakikita at naririnig ko ngayon.


NAIINIS AKO, pero alam ko kasalanan ko rin kung bat ako nasa ganitong sitwasyon.

"basta para sa mochi ko."

Starting today hate ko na yung word na Mochi lalo na yung candy na malambot na half pink and white hindi na ko ulit bibili non.

"yah! may meeting tayo sa organizer bukas tas maglalasing ka?."

kita ko ang paglunok mo dahil nakatingin lang naman ako banda sa lips mong ngayon ay nakangiti.

Ayaw ko sanang sirain ang kilig moments mo pero di ko na kayang manahimik na lang at maging masochista.

Binaba ko na nang tuluyan ang window ng kotse ko at walang emosyong tumingin sayo bakas sa mukha mo ang pagka gulat nang makita ako.

"Joo Hyun ah... " it's been 6 years ng huli mo kong tawagin sa pangalan ko.

"tapos kanang kiligin?." tanging naitanong ko

Bumaba ako ng kotse at nahihilo akong lumapit sayo agad kitang siniil ng halik pumikit ako para iwasan ang mga tingin mo kung sakali mang hindi na ako ang taong mahal mo.

Ayokong makitang hindi mo na ko mahal, mas gugustuhin ko na lang  mabulag. Kaysa makitang magmahal ka ng iba...

Akala ko hindi ka magrerespond sa halik na binibigay ko pero nagulat ako ng maging aggresibo ka sa halikan nating dalawa.

masarap, matamis at makahulugan pa rin ang mga halik na binibigay mo sakin hindi ako pwedeng magka mali.

Ako pa rin...

Ako pa rin ang mahal mo...

unti-unti kang yumuko matapos mo kong halikan.

Iniangat ko ang kabuan ng mukha mo at hindi ko mapigilang mapaluha dahil kita-kita ko kung paano ka nasasaktan ng mga sandaling ito.

Niyakap kita ng mahigpit...

I REALLY MISS YOU SEULGIYAH

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
No comments yet