Fin.

Instant

Ang swerte ko talaga dahil wala akong teammate na ka-share sa dorm room. 

 

Hindi naman sa ayaw ko sa kanila pero mas gusto ko talagang may privacy lalo na sa kwarto.

 

Soundproof din yung mga pader kaya kung ano mang mga bagay ang ginagawa ng isa't isa ay hindi naririnig, at hindi ko na gugustuhin pang marinig. 

 

Kahit pangatlong taon ko na bilang basketball import athlete dito sa Korea, mahirap pa rin minsan. 

 

Ikaw lang kasi talaga mag-aasikaso sa sarili mo, kahit pagod na sa training minsan need pa din magluto lalo na kung umaasa ka na lang lagi sa convenience store at delivery foods. 

 

Masama pa man din sa katawan ng athlete ang magconsume ng kung ano-anong pagkain. 

 

Pero okay pa rin dahil unti-unti ko ng natutupad ang mga pangarap ko simula nung bata pa.

 

Nagiging independent na din naman ako tulad ng mga kaibigan na naiwan ko sa Pilipinas. 

 

Speaking of kaibigan, ang weird ng kinikilos nung bestfriend ko nitong mga nakaraang araw, hindi naman siya usually ganun. 

 

Yung mata niya kapag magkausap kami sa videocall, hindi ngumingiti kapag ngingiti siya. 

 

Medyo lumalim din yung mga mata niya, natutulog pa kaya yun? 

 

Flight Attendant yung bestfriend ko sa isang kilalang ariline company sa Pilipinas, ang galing nga eh, parehas namin natupad yung pangarap namin nung bata pa. 

 

Nakakaproud lang. 

 

Pero 'di nakakaproud yung maikli at matagal niyang pagsagot sa mga message ko. 

 

Nung una naiintindihan ko pa na baka busy lang sa mga flights nila pero bawat araw kasi patagal nang patagal at paikli nang paikli ang mga reply niya. 

 

Sure ako na may bumabagabag sa kanya o di kaya'y namomoblema.

 

Ang ipinagtataka ko lang, hindi naman na siya hirap sabihin yung mga ganun bagay sakin pero bakit yung iniisip niya ngayon, iwas na iwas siyang magsabi. 

 

Weird. 

 

Hahayaan ko muna siyang ganyan pero kung mas malala pa mangyari kakauspin ko na lang siya. 

 

Kusa naman siyang nagkwekwento kapag ready na siya.

 

Tama, hintayin mo na lang, Minjeong. 

 

Pero tatanungin ko din si Aeri, yung isa nya pang bestfriend. 

 

Minsan kasi pag alam niyang medyo magrereact ako nang hindi maganda, dun siya nagsasabi kay Aeri. 

 

Sobrang open minded kasi nun dahil lumaki sa US, eh dati sobrang conservative ko kaya dun siya madalas kay Aeri nagsasabi. 

 

Kaya alam ko din kung bakit inlove na inlove kay Aeri ang kababata 'kong si Yizhuo, mahilig kasi siya lumabas sa comfort zone niya at mag-explore. 

 

Ayun nagclick sila kahit na polar opposites naman talaga ang maraming katangian. 

 

Para kayang nakalunok ng mic yung kaibigan ko na yun, tapos yung bestfriend ni Jimin chillax lang. 

 

Minsan conyo si Aeri tapos yung kaibigan ko laking kanto, bardagulera. 

 

Naalala ko pa nung mga bata kami, sa basketball lang kasi ako magaling nun pero wala akong bagsak, madalas lang na lutang ako sa klase. 

 

Lahat ng umaaway sa'kin nun, inaaway niya pabalik at takot sa kanya, ang ending tuloy, siya din minsan ang umaaway sa'kin. 

 

Pero alam ko namang paraan nya yun para iparamdam na mahal niya 'ko. 

 

Di kasi ako mahilig sa skinship dati, nito na lang ako nakapag-adjust dahil si Jimin ay ganun din pero tensed pa din yung reaction ng katawan ko. 

 

 

---

 

 

Nakausap ko na si Aeri at ganun lang din ang nakuha 'kong sagot. 

 

Wala rin daw nababanggit si Jimin sa kanya nitong mga nakaraang araw kaya baka talagang busy lang. 

 

Kaso hindi pa din ako mapanatag dahil iba talaga yung ngiti at kilos niya noong huling videocall namin. 

 

Kabisado ko na kasi talaga siya, weird ba kung parang mas kilala ko pa siya kesa sa sarili ko? 

 

Isa kasi ako dun sa mga tangang nagmamahal sa taong dapat bestfriend lang. 

 

Mas lalo pa 'kong tanga dahil straight ang bestfriend ko. Halata naman siguro dahil kada country na napupuntahan niya ay chinichika niya kay Yizhuo kapag may pogi siyang nakita. 

 

Masakit ba? 

 

'Di ko rin alam eh, siguro? Nasanay na lang din kasi ako sa mga kaflings niya nung highschool. 

 

Wala ring nakakaalam na mahal ko yung bestfriend ko, not in a platonic way. 

 

Bakit ko ipapaalam? Di pa naman ako ganun kalala sa katangahan. 

 

Masasayang lang yung friendship eh, tsaka wala nga kasing pag-asa dahil straight naman si Jimin. 

 

Awit

 

Makapagtraining na nga lang, uunahan ko na lang si coach sa gym. 

 

 

 

.. at tama ang desisyon ko sa buhay.

 

Akala ko mamaya pa dadating si coach pero nandun na siya at may mga bagong equipment siyang dala. 

 

Nakatapat yun mismo sa ilalim ng rim, para siyang safety net? Para sa basketball? Huh? 

 

Nilapitan ko si coach at bumati, tinulungan ko siyang ilagay din sa kabilang rim yung equipment. 

 

Tinanong ko siya kung para saan yun at kung anong pangalan. 

 

Dr. Dish daw ang tawag, machine daw siya for shooting. Parang yun na daw magrrerebound and magpapasa ng bola sayo. 

 

Nakakaexcite naman gamitin 'to! 

 

Isa-isang dumating ang teammates ko at as usual, nagkulitan muna kami bago magsimula at warm-up. 

 

Wala akong problema sa team kahit nung unang beses ko sila makasama, mababait sila, welcoming at masaya kasama. Hindi ka nila hahayaang maleft-out. 

 

Buti nga din at hindi masyadong problema ang language barrier, may mga teammates din kasi akong fluent sa English. 

 

Halos lahat naman nakakakaintindi ng English kaso yung iba kapag medyo lumalalim na yung term ko, syempre hihingi ng tulong dun sa mas fluent sa English para itranslate. 

 

Tinuturuan naman nila ako magkorean kaso tuwing uuwi ako medyo nakskalimutan ko yung iba. Pero marunong naman na akao makipag-usap nung mga basic phrases. 

 

Pagkatapos magwarm-up ay pinagjogging na kami ni coach around the court lang, pero mamaya pag pumito siya, sprint na ang gagawin. 

 

Masaya siya kasi maingay kami lalo na mamaya sa sprint, magpapaunahan kasi kami dun. May parusa kasi kapag nasa bottom three kaya magulo talaga, miski si coach tawang tawa sa'min eh.

 

Di naman sa pagmamayabang pero never pa ako nasama sa bottom 3 at naparusahan. 

 

Ako kasi yung nasa place before yung bottom 3 HAHAHAHAHAHAHA

 

Ball & skill drills lang ata kami tapos light training.

 

Ang ganda din nung ngiti ni coach eh, good mood na good mood. 

 

Pano ba 'yan, coach? Edi ang dami na nating ngakangiti ngayon? 

 

 

---

 

 

PUTANGINA. 

 

SCAM.

 

ISANG MALAKING SCAM. 

 

Ang saya saya pa namin sa jogging pero yun na pala ang huli. 

 

Waterbreak ngayon at hindi ito ang light training na inaasahan namin. 

 

Pagkatapos ng sprinting ay sumigaw ulit si coach ng, "Okay girls, baseline!" 

 

Kitang kita ko yung panlulumo naming lahat. 

 

Conditioning pala kami, jusko po. 

 

Uminom ulit ako sa tumbler na hawak ko at naalala yung nagbigay nun. 

 

Nakakacurious pa rin kung ano ba yung tinatago niya sa'kin. 

 

Mamaya ko na nga iisipin, baka mabaliw ako dito at 'di makapagfocus sa training eh. 

 

Hay nako, Jimin. 

 

 

 

Natapos na ang training namin at hindi ko na maramdaman ang braso ko, kumalas na ata siya.

 

Yung legs ko buti di pa naman bumigay, joke madrama lang ako. 

 

Masaya yung paggamit namin sa Dr. Dish pero nakakangawit, binabad pa ni coach yung mga guard kaya ito ang kinahantungan ko. 

 

Nung ako na kasi yung gagamit, sinet ni coach sa 500 shots yung equipment, 100 each corner. 

 

Robot ba 'ko? Tao din naman po kami! #OustDepEd

 

Chariz. 

 

Yung nga ang explanation kung bakit parang pagod na pagod ako, kami.

 

Kasi binudol kami ni coach. 

 

Buti na lang at may dalawang day pa before nung match namin. 

 

Nakapasok kami sa semifinals at konti na lang ay sa finals naman. 

 

One step at a time nga lang daw, yan ang mantra namin this season. 

 

Speaking of, magbabakasyon din muna ako sa basketball. 

 

Sana maka-abot kami sa Finals at kung papalarin ay magchampion. 

 

After kasi ng season na 'to ay uuwi na ako sa Pilipinas ng medyo matagal para magbreak muna sa basketball. 

 

Nakakasawang makipagbonding sa bola araw-araw, minsam pati sa panag-inip ko nagttraining ako, shuta. 

 

Nasabi ko na din 'to sa isamg interview eh, pero 'di ko lang alam kung kailan nila ire-release. 

 

Actually, sila pa lang ang nakakaalam dahil wala talaga akong pinagsasabihan nitong plano ko. Surprise kasi dapat kaya pati yung mga kaibigan ko walang alam.

 

Itatanong ko na lang siguro kung kailan nila balak i-release para maunahan ko sila. 

 

Magtatampo kasi si Jimin sa'kin kung sa social media nya pa malalaman, kesa kung sa akin mismo galing. 

 

Matampuhin pa naman yun malala, ang hirap din suyuin. 

 

Been there, done that. 

 

Akala mo nga jowa ko kung magpasuyo.

 

Pero sana talaga jowa ko na lang siya

 

Joke!

 

Bawal nga! Sayang ang friendship! 

 

Pagod lang ako at kulang sa tulog.. tama, yun lang. 

 

 

 

Mamaya na lang siguro ako kakain, shower muna tapos tulog. Tinatamad pa ako gumalaw para magluto eh.

 

Pagkatapos ko maligo ay pinatuyo ko muna yung buhok ko tsaka humiga sa kama. 

 

Nagcheck ako ng phone at nakita ang notification galing sa tropahan pero wala ni isa kay Jimin. 

 

Ngayon talagang sigurado na ako na may tinatago sakin 'to. 

 

Hindi naman kasi lumilipas ang isang araw na hindi siya nagtetext kahit maikling paalala or update, ngayon dalawang araw na pero wala pa rin. 

 

Baka talagang seryoso yung pinoproblema niya, hihintayin ko na lang nga siya magsabi, ayaw ko namang isipin niya na pinipilit ko siya. 

 

Bestfriend niya ako kaya dapat alam ko yung mga ganitong bagay. 

 

Awit, hanggang bestfriend na lang talaga

 

 

 

---

 

 

 

1 week. 

 

1 week na simula nung huling usap namin ni Jimin. 

 

Hindi na ako mapakali kaya ngayon, kakausapin ko talaga siya. 

 

Nagkausap naman kami nung isang araw pero halos isang tanong, isang sagot lang ang nangyari, videocall pa yun.

 

Edi sana nagtalkshow na lang kami, diba? 

 

Saktong rest day namin ngayon at walang training, off niya din ngayon kung ganun pa rin yung schedule niya. 

 

Pero mamaya pa yun magigising kaya hihintayin ko muna. Nag-iwan na din naman ako ng message na magreply siya kung gising na siya. 

 

Sa ngayon, waiting game muna tayo. 

 

 

 

1 hour and 30 mins din siguro nung nagtext siya pabalik, nagtatanong kung may nangyari ba sakin o may problema. 

 

Dapat nga ako nagtatanong niyan eh. 

 

Tinanong ko siya kung ayos lang ba sa kanya na tumawag ako. 

 

Medyo natagalan pa sya magreply dahil binubura niya rin yung tinatype niya, nag-iisip siguro ng isasagot.

 

"Okay, sure." 

 

Pinindot ko agad ang videocall icon at nakatatlong ring ito bago niya sagutin. 

 

The usual lang, nagbatian muna kami at nagkamustahan pero ngayon natahimik kami pagkatapos nun, parang parehas na tinatantsa ang isa't isa. 

 

Hindi na ako nakatiis kaya ako na ang naunang magsalita. 

 

"Jimin, may problema ba tayo?" Seryosong tanong ko sa kanya. 

 

"I was just really busy nung mga nakaraan. I'm sorry for what I've done nung last usap natin." She apologetically smiled. 

 

Kung pagod siya nung mga nakaraang araw, ngayon visible na yun.

 

Kitang-kita ko na lumalim at lumaki eyebags niya, pumayat din siya pero hindi naman sobra.

 

"Sure?" Paninigurado 'kong tanong. 

 

"Yup." Ito nanaman siya sa isang sagot niya. 

 

"Iniiwasan mo ba 'ko?" Pagtatanong ko ulit sa kanya. 

 

Parang nabigla naman siya sa tanong ko dahil nakita 'kong napatigil siya sa paglalaro dun sa dinosaur keychain na hawak niya. 

 

"What? 'Di kita iniiwasan ah! Why would I?" Hindi makapaniwalang sagot niya. 

 

"May nagawa ba ako? O nasabi?" Nag-aalala pa ring tanong ko. 

 

Minsan kasi matigas ulo niya eh, hindi niya ivo-voice out yung concern niya. 

 

Kunware na-offend siya sa sinabi nung isang tao, papalipasin niya lang yun hanggang sa okay na siya, which is not good dahil nga naiipon lang. 

 

"No, really. There's nothing naman kasi." Pero hindi siya makatingin sa'kin. 

 

"Hindi ka nga makatingin sakin oh, ano ba'ng meron? Need mo ba ng space? Ibibigay ko naman, Jimin." Nag-aalalang sabi ko.

 

Nanatili lang siyang tahimik at nakayuko, hindi makatingin sa'kin. 

 

Lumipas lang ang sandali at nakita 'kong humugot siya ng malalim na hinga, sabay tumingin ng diretso sa mga mata ko. 

 

"I'm pregnant, Minjeong." 

 

Huh?

 

Teka.. tama ba yung pagkakarinig ko?

 

Parang nabingi ata ako.. 

 

Anong.. bakit? 

 

Paano? 

 

Hihimatayin ata ako, jusko po. 

 

Huminga ka, Minjeong! Hinga!

 

Napapikit ako at kinalma ang sarili. 

 

Doon ko na lang narinig ang mga hikbing kumakawala galing sa cellphone na nasa harapan ko. 

 

Wala man lang akong magawa para mapatahan siya, nakakainis! 

 

Hindi na muna ako nagsalita at hinayaan siyang umiyak, nung kumalma na siya, tsaka ako nagsalita. 

 

"Anong plano mo?" Tanong ko. 

 

"I don't know, wala talaga akong alam but I want to keep the baby." Naiiyak pa ring sabi niya. 

 

Ang ganda ganda pa din niya kahit kagagaling lang sa iyak. 

 

Ang sakit sa puso ng ganda mo, Jimin.

 

"Hindi ka ba galit? I won't force you to be my bestfriend pa rin naman. Gets ko naman if you want me out of your life." Tuloy-tuloy niyang sabi kaya hindi ako makasagot. 

 

Natawa na lang ako at dun lang siya huminto. 

 

"Minjeong naman eh! Bakit ka tumatawa?!" She's whining. 

 

"Jimin, kaya ba hindi mo sinasabi sa'kin? Kasi natatakot ka sa magiging reaction ko?"

 

Tumango naman siya nang parang bata. 

 

"Mgakakababy ka na tapos ngayon pa kita iiwan? Stucked ka na sa'kin, wala ka ng magagawa." Natatawang sabi ko. 

 

Nataranta naman ako nung umiyak nanaman siya. Wala naman akong ginagawa ah?! 

 

Pinatahan ko lang muna siya, diba masama sa buntis ang iyak nang iyak? 

 

Sorry naman! Hindi ko naman alam na iiyak siya! 

 

Nakahinga ako nang maluwag nung tumahan na siya. 

 

Natahimik ulit kami at siya naman ang naunang nagsalita. 

 

"It was the last time na nagparty ako," napangiwi naman ako. 

 

"I know, I'm so stupid to let it happen. But here it is.." 

 

Parang kahit siya hindi makapaniwala sa nangyari. 

 

"Kilala mo ba?" Maingat 'kong tanong. 

 

Tumango naman siya at naiiyak nanaman. 

 

"Minjeong, he doesn't want to take the responsibility. Marami pa daw siyang priorities." Umiiyak na pagkwekwento niya. 

 

Eh gago pala siya eh! 

 

Babangasan ko mukha nun kapag nakilala ko ang tarantadong yun. 

 

"Alam na nila tita?" Tanong ko ulit sa kanya.

 

Umiling ito bago sumagot, "I don't know kung paano sasabin sa kanila." 

 

Narinig ko nanaman ang mga hikbi niya kaya napapikit ako. 

 

May nabubuo ng solusyon sa utak ko pero hindi ko alam kung tama ba 'to. 

 

Bahala na kung nadadala man ako ng emosyon, pero mahal ko si Jimin

 

At gusto 'kong alagaan siya, lalo na ngayon sa sitwasyon niya. 

 

Kahit walang kapalit, gusto ko lang iparamdam sa kanya na hindi siya yung pangkama lang o knocked up party girl lang.

 

Kung sino man yung lalaking nakadale sa kanya, tangina mo sagad. Sure ako na it will be a wonderful baby, kaya hindi deserve ng lalaking yun ang maging magulang niya. 

 

"Jimin." Nakapikit ako pero ramdam 'kong nakatingin siya sa'kin ngayon. 

 

Madami pa kaming pag-uusapan pagkatapos nitong sasabihin ko pero handa naman ako mula sa paano nangyari at hanggang sa pag-aalaga sa kanila ni baby, willing ako matuto. 

 

"Stay with me, kayo ni baby." 

 

Pagmulat ko ng mga mata, isang gulat na Jimin ang bumungad sa'kin. 

 

Namumula pa ang ilong niya at mugto ang mata, ang ganda pa rin. 

 

Pero palagi ka namang maganda, paraluman ko

 

Hindi pa rin siya gumagalaw at iniisip pa rin siguro yung sinabi ko. 

 

Wala naman akong hihingin na kapalit, kung mahalin man niya ako pabalik, edi masaya. 

 

Natawa ako sa iniisip, edi masaya kasi akala ko dati pancit canton lang ang pwedeng instant, ngayon pati pala ang pagpapamilya at pagiging magulang. 

 

Hay nako, Minjeong

 

Wala ka ng pag-asa, down bad ka malala, hehe.

 

 

 

 

 

 

 

 

hi! kindly read the author's thoughts below. thank you! 😄

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aefictionfiles
hi!

i just tweeted na dito na ako magsusulat since mas comfortable ako sa way ng pagsulat dito. binasa ko kasi yung socmed type kaso parang hindi masyadong nacoconvey yung thoughts and emotions nila. thank you for understanding! sorry po ulit 💟

Comments

You must be logged in to comment
Jaeeeeee_
200 streak #1
Chapter 3: Thank you. Gusto ko din may katuloy 🤧
jysowee
#2
Chapter 2: may continuation po ba ito? huhu pls waiting po :'<
howdoyouknowmee
541 streak #3
Waiting....
kang_ddeul
#4
Chapter 3: ayaaan! hihi thank you po otor-niiim! ^^
howdoyouknowmee
541 streak #5
Chapter 3: SALAMAT!
minrinaaaa_
#6
Chapter 3: ayun hehe~ thank you pi !
wo3muff
#7
Chapter 3: yun! hahahaha thanks po 🙆
Topkangseul
#8
Chapter 2: Fluff fluff lang tayo dito pls🥲🤧
howdoyouknowmee
541 streak #9
Chapter 2: Sana di masakit huhu
Gwapako987
#10
Chapter 1: Can't wait po !!