finale.

The Only Thing That I Wanted To Stay The Same In This World Full Of Changes
Please Subscribe to read the full chapter

Winter's POV

 

Change.

 

It is a very familiar concept for me. It is one of the constant things in my life that I have come to accept and deal with since I was a child.

 

Change is a concept that I have encountered many times. Examples of changes that are by my being are my hair color, my nail colors, the style of my hair, the way I dress, and many more. 

 

Addition to that, since I was in high school we used to change houses every year to adjust with my father’s job. 

 

At doon ko na talaga natanggap that there is no permanent thing in this world and the only constant thing in life is change.

 

For me hindi naman mahirap na mag-adjust sa mga ganitong bagay. 

 

Sa totoo niyan ay natutunan ko pa na magustuhan sa tuwing lumilipat kami ng house ‘cause I got to meet a lot of friends in different places. 

 

Although it’s hard sa tuwing kailangan naming lumayo sa isa’t isa pero with the help of the internet nagkaroon pa rin naman kami ng connection through messenger and other social media platforms kaya’t nakakayanan naman. 

 

Dagdag pa na konti lang rin naman ang mga friends na nakilala ko na nag stay ‘till now na we’re already in college.

 

Now that I am in college, change is still evident in my life. Though it’s not  like in my high school, na palipat lipat ako ng school and house. 

 

Actually, now I planned to stay here in Manila and found a dorm to stay in and buti na lang pumayag si daddy and mom sa idea na ‘yun. But living alone is one of the drastic changes in my life that I need to get used to until I graduate college. 

 

Buti na lang at kasama ko sa dorm ang 2 friends ko na nakilala ko when I was in 2nd and 3rd year high school from different schools. 

 

We decided to just live together since they’re already close together and we all are in the same course and class.

 

So far wala pa namang complications and mga pasakit sa dorm life namin, pero sa university life marami. 

 

Ang daming nangyari dito sa college na hindi ko naranasan when I was in high school, and nasa 1st semester pa lamang kami.

 

Maraming stressful na changes ang nangyari sa akin for the past few months and it’s starting to my brain up. 

 

Changes in my mental state and sanity are also kicking in and it’s not the good kind of change. 

 

Sa raming stress na binigay sa akin ng changes from University life ay natutunan kong maglaan ng alone time to think and refresh my mind. 

 

Napag-usapan rin namin ito nila Lia and Ningning simula noong naramdaman naming naging mahirap na at mabigat sa pakiramdam ang college.

 

We’ve been together all day every week kaya we’ve realized na we also needed to be separated kahit konting time lang to focus on ourselves better. 

 

And that’s what I’m going to do tonight after a tiring day full of activities, and suitors na ngayon ko pa lang nakilala.

 

I’m now in front of the coffee shop that I am always staying in tuwing gusto at kailangan ko ng alone time. It’s located near our dorm kaya’t kasabay kong pumunta dito sila Ningning at Lia.

 

I’m already stepping towards the door when Ningning uttered a sentence.

 

“Winter, we’ll head na sa dorm ni Lia. Mag-ingat ka, okay?” She said while she and Lia both waved their hand as a sign of leaving.

 

“I will. Kayo rin!” I said and also waved my hand at them at hinintay muna silang makapasok sa dorm namin before entering the cafe.

 

I pushed the door for me to enter at imbis na ang usual na quiet and calm ambiance ng cafe ay ang fully occupied at noisy customers ang bumungad sa akin pagpasok na pagpasok ko.

 

I usually go here tuwing morning that's why hindi ko inaasahang ganito pala ka crowded ang cafe tuwing gabi, or is it because mayroong promo itong cafe ngayon kaya maraming tao ang dumadayo dito? 

 

I don’t want to think much about it anymore; besides, this is one of the small changes in my life na madali lang naman masolusyonan. 

 

Kaya imbis na umalis at humanap ng ibang cafe ay nag patuloy na akong makisama sa line ng customers para mag order ng coffee ko for the night.

 

Saka ko na lang po problemahin ang seat. I can find a seat naman siguro kahit na masyado talagang crowded ang cafe ngayon.

 

Tapos na akong mag-order ng drinks and they said that I needed to wait muna bago makuha ito.

 

Naghanap na ako ng mauupuan while waiting for my drink and wala akong makitang vacant sits malapit sa counter.

 

I turned to look everywhere and when I saw one table with one of the chairs being vacant I immediately walked towards there para hindi na maunahan pa.

 

As I was walking towards the seat, the image of the girl who is sitting on one of the seats became clear to me. And she seems familiar. 

 

She has long black hair and a small face. She's wearing a plain shirt partnered with her weird black jacket and for sure sobrang kapal for our country's weather. She's also wearing big color blue glasses na sakop na ang kalahati ng kanyang mukha.

 

And seeing her is enough for me to realize who she was.

 

I'm late for my first class as a 5th greater at buti na lang ay late rin ang teacher namin kaya hindi ako napagalitan. 

 

Kaso nakita ko na puno na ang room at wala nang vacant seats sa likod kung saan ko gustong umupo. 

 

Inikot ko ang aking mata para maghanap ng seat when I saw one at the front. 

 

Ang seats namin ay yung may desk na pang dalawang tao. Dun sa nakita ko mayroong isang tao sa other side ng chair while yung isa ay vacant.

 

I approached the seat kahit na ayaw ko sa harap. 

 

Nasa gilid nako ng upuan at nakita ko na ang itsura ng makakatabi ko for the whole school year.

 

Meron siyang sobrang habang itim na buhok at kahit hindi siya nakaharap sa akin ay makikita ang sobrang liit ng hugis ng mukha niya.

 

Katulad ko kasi maliit rin daw ang mukha ko and palaging sinasabi ni Mommy na maganda daw ako kaya para sa akin ay maganda rin ang magiging seatmate ko.

 

Maganda siya pero ang weird niyang manamit.

 

Ang init init pero she had partnered up her uniform with a black jacket. Nakita ko rin na she's wearing these blue nerdy glasses that are too big for her face.

 

She looks funny with her outfit pero sabi ni mommy na bawal daw akong magjudge ng tao at first sight kaya let's just say na she looks cute.

 

My thoughts got interrupted when I saw her putting her book down to face me.

 

"You've been staring at me for quite a long time. What do you want?" 

 

The girl is now facing me with a cold look plastered on her face.

 

That was also the phrase that she told me when we first met. Kinda nostalgic I'm not gonna lie. 

 

I guess there are still some things in this world that will never change 

 

"I just want to ask you if I can sit at your table." I asked, struggling to keep eye contact.

 

She just looked at me at tumango bago bumalik sa kanyang pagbabasa.

 

Similar as to what happened when we were in 3rd grade, hindi na ulit siya nagsalita after kong makaupo. 

 

We remained silent as I wait for my coffee katulad ng hinihintay naming makapasok ang teacher namin sa loob: with my seatmate just quietly reading a science related book sa tabi ko.


 

Lumipas ang ilang minuto nang may magsalita sa counter.

 

"One Venti Iced Green Tea for Karina." The barista loudly said on the mic na nagpatayo sa babaeng kanina pa tahimik dito.

 

Karina. 

 

Right. 

 

She’s Karina. 


 

I watched as she left her things on her chair and placed her book at the table making it face down. 

 

I managed to read the title of the book that she is reading and I have remembered when I asked a 5th grader Karina about the book that she's reading and feeling extremely idiotic kasi I couldn't understand anything that she had said.

 

I mean medyo academically inclined  naman ako. Consistent honor student kaya ako since elementary, mas mataas pa nga ang rank ko nun kesa kay Karina eh. 

 

Pero kasi iba na yung knowledge niya eh. 

 

Alam mo yung talinong pang scientist? Ganun katalino si Karina. 

 

Mababa lang sa ibang subjects kasi mostly on Math and Science lang siya nagpa participate every discussion. 

 

Sa books pa lang na binabasa niya nun alam mong iba yung talino niya sa lahat.

 

I just wasn't aware that time na matalino talaga siya kaya't I asked her a question na I immediately regretted.

 

Ayaw ko ng maulit yun kaya't I'll make sure to not ask her anything related to the book that she's reading.

 

Hindi nagtagal ay bumalik ulit siya sa table namin, with a very familiar blue tumbler on her hand. 

 

Nagkatinginan kami habang naglalakad kaya't I took the phone on my pocket para kunyari busy akong nag browse and hindi tumitingin sa kanya.

 

Tinignan ko ulit yung tumbler na hawak niya at nagfocus ulit sa phone ko pagkatapos.

 

I couldn't point out where I saw that tumbler but I'm pretty sure that it's not the one that she was using back when we're in elementary school. Parehas na blue pero magkaiba sila ng design.

 

My curiosity stopped when the barista talked to the mic again.

 

"One Tall Iced Americano for Winter."

 

Tumayo na ako and I  looked at Karina who's just calmly sipping her drink while reading her book.

 

Kagaya lang ng dati. She still doesn't care about what's happening around her.

 

Pagkatapos ay nag lakad na ako at kinuha ang kape ko sa counter.

 

 After receiving my coffee, I walked back towards my seat.

 

I sat and took out my phone while I sip the Iced Americano that I bought to freshen my mind.

 

The atmosphere between us didn't change. Walang umiimik sa aming dalawa at parehas lang kaming tahimik na may sariling mundo.

 

I wanted to talk to her. I want to have a conversation with her kaso nahihiya akong mag approach.

 

The first time that I approached her was embarrassing and napahiya lang ako so I'll stay quiet nalang. And for sure she won't remember me naman kaya't I'll focus na lang on drinking my coffee and browsing the internet.

 

I was minding my own business when I saw Karina taking a look at me. Sinuklian ko iyun at bigla namang nahiya nang hindi niya iniwas ang tingin niya sa akin. Ako tuloy ang napaiwas ng tingin because of her piercing stares.

 

Ilang minuto pa ang lumipas ay tinignan ko ulit siya at nahuli ulit na nakatingin sa akin. Bago pa ako makaiwas ng tingin ay nakita kong bumuka ang bibig niya at nagsalita.

 

“Stop sipping your coffee so loud. I’m reading.” She said at napatingin lamang ako sa kanya. 

 

Ayaw niya nga pala sa mga maiingay kumain or uminom, . Another pahiya na naman for our first meet.

 

“Sorry.” Nasabi ko na lang at ibinaba ang coffee ko sa table. Sinundan niya ng tingin ang tumbler at bumalik na naman ang tingin sa akin with that blank but sharp stares of hers.

 

“I didn’t tell you to stop drinking, Winter. I just said that you should stop making a lot of noises.” She said habang nakatingin sa akin.

 

Nagulat naman ako nang banggitin niya ang pangalan ko.

 

“Paano mo nalaman pangalan ko? Do you still remember me?” I asked while shyly scratching the back of my neck because of embarrassment.

 

“Your name was called earlier, Miss.” She said while still staring at me.

 

“But yes. I do remember you, Miss Winter Alcantara.” Dagdag niya na kinapula ng pisngi ko.

 

When did her voice become this deep? As far as I remember, Karina’s voice sounded feminine before. Mas matinis pa nga ata boses niya sa akin noong bata kami and I have a really high-pitched voice before until now.

 

I guess pati yung mga hindi natin inaasahang bagay na magbabago ay naapektuhan pa rin talaga ng mabilis na pagtakbo at pagbabago ng panahon.

 

Pero I think Karina’s still the same girl na seatmate ko noong elementary. Nagiba lang yung voice pero yung mga tinginan, mga linya han, ganun pa rin, walang nagbago. Hindi pa rin siya nagbabago.

 

“You’re staring, Winter.” Sambit ni Karina na nagpa balik sa akin sa present.

 

“Sorry, Karina. Akala ko kasi hindi mo nako natatandaan.” I said.

 

“I won’t make any more noises na makaka annoy sayo, promise.” Saad ko at tumango lang siya.

 

Bumalik na siya sa pagbasa habang ako naman ay nagpaka focus na lang sa phone ko para mawala ang hiya ko, at ang pulang tinta na makikita sa pisngi ko ngayon.

 

I focused on my phone and drank my coffee while minding not to make noises na makakapag painis kay Karina.

 

Tapos na ako uminom ng coffee and balak ko pa sanang mag stay sa cafe pero nakaramdam ako ng sakit sa puson ko.

 

I checked my calendar and facepalmed myself when I remembered what day it was. , why did it slip my mind?

 

Before something worse happens, I decided to stand up from my seat.

 

“Karina, I’ll get going na.” Pagpapaalam ko and walked away. 

 

Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay naramdaman kong may papalapit sa akin at pinulupot sa akin ang kanyang jacket. 

 

Tinignan ko kung sino ito and saw that it was Karina. 

 

And suddenly, it was like the scene from grade 5 again. 

 

Nasa 2nd week na kami ng school year and wala pa rin kaming progress ni Karina. She doesn’t look like she wants to talk to anyone kaya hindi ko na pinilit. Ayaw niya rin sa maingay that’s why I tried my hardest not to talk to her kahit na gusto ko ng kadaldalan when it’s break time.

 

Patapos na kami sa discussion para sa last subject this afternoon. After that ay uwian na.

 

While our teacher was discussing our topic, naramdaman kong parang may tumagos sa suot kong palda at naramdaman ko ring sumakit ang puson ko. 

 

Hindi ko muna ito pinansin kahit na nabahala ako, at nakinig na lang sa teacher namin na nagsasalita.

 

“Class dismissed.” Our teacher said and agad namang umalis ang iba kong classmates.

 

Agad rin naman akong tumayo at sumunod sa kanila dahil gusto ko na talagang umuwi. I couldn't take the pain on my stomach anymore.

 

Hindi pa ako nakakalayo sa aking upuan ay narinig ko na ang malakas na tawanan ng aking mga kaklase. I looked at them kasi hindi ko alam kung sino ang tinatawanan nila. 

 

Naglakad ulit ako pero mas lalo lang lumakas ang mga tawanan nila and it was obvious na ako ang tinatawanan nila. I just glared at them pero hindi pa rin sila tumigil at mas lalo lang lumala ang tawanan.

 

“Winter.” Tawag sa akin ng teacher namin and tinignan ko naman siya dahil dun. 

 

“Your..” She said and pointed at my skirt and before I could check it ay naramdaman kong hinawakan ni Karina ang right hand ko at hinila ako palabas ng room.

 

Hindi ako nakapag react at tinignan lang siya. I was just dumb founded habang I watched her removing her jacket at pinalupot ito sa waste ko. 

 

“There's blood on your pants.” Karina whispered to me while I was busy remembering the embarrassing similar incident that also happened before.

 

“Ohh.” Yan na lamang ang nasabi ko kasi I don’t know what to respond.

 

She just looked at me before talking again.

 

“Keep my jacket muna. Para it wouldn’t be embarrassing for you to walk out.” She said. I was embarrassed kaya napa yuko na lang ako ng ulo.

 

Umalis na siya sa akin pagkatapos niyang ibilin yun.

 

“Thank you.” I uttered enough for her to hear and she just nodded as a response, and bumalik ulit sa pagbabasa niya ng libro.

 

Tumakbo na ako papalabas ng cafe and rushed towards our dorm. 

 

Pumasok na ako sa dorm namin and nakita sila Lia and Ningning na nanonood ng movie sa tv.

 

“What happened to you, Winter? Bakit hinihingal ka?” Ningning asked na nakapagbigay rin ng atensyon ni Lia sa akin.

 

“Bakit pulang pula ka? Nilalagnat ka ba?” They asked at hindi ko sila sinagot. Napa takbo lang ako papunta sa banyo at nilock ang pinto.

 

“Ohhh.” Ningning.

 

“May stock na ng sanitary pads diyan. We’ll leave clothes na lang sa labas ng CR abutin mo na lang.” I heard Lia shouted.

 

“Thank you!” Saad ko at nagsimula ng alisin ang pangbaba kong suot.

 

Pinulupot ko ang towel sa waste ko at kinuha ang mga damit na nilagay ni Lia sa labas ng door.

 

Pagkatapos nun I decided to take a quick shower to cool my head sa mga embarrassment na nangyari sa akin ngayong araw.

 

Ang raming changes ang nangyari sa life ko but why do I still keep on embarrassing myself in front of her?

 

Bakit sa rami rami ng pagbabago na nangyari sa buhay ko, why did her effect on me still remains the same?

 

And in a span of how many years, bakit parang Karina’s still the same just like before.

 

She’s still the same person, tumangkad lang and sobrang nagmatured yung mukha. Pero personality wise, she's still the same.

 

She still hasn't changed.

 

Karina still hasn’t changed. 

 

-

 

It has been 4 days since that embarrassing incident and I still haven't returned Karina's jacket to her.

 

I tried visiting the cafe every night pero hindi ko siya natiyeteyempuhan na pumunta dun. 

 

Sana naman ngayon I would see her already para maibalik ko natong jacket niya sa kanya.

 

Just like the other nights I headed towards the cafe and hindi muna umuwi sa dorm. Pumunta ako sa cafe the same hour noong last kong kita sa kanya and nag baka sakaling nandito na siya sa cafe this time. And hindi ako nagkamali dahil nakita ko ang agaw pansin niyang blue glasses, but ngayon ay naka plain shirt lang siya and walang suot na jacket.

 

She was sitting sa table kung saan ko siya nakita 4 days ago. She was drinking her tea while again reading her book na hindi ko maintindihan kung para saan.

 

I approached her and nakita ko namang tinitigan niya ako kaya't I gave her a wide smile na hindi niya sinuklian.

 

"Good Evening, Karina. Gusto ko lang ibalik 'to sayo." Sabi ko at inabot sa kanya ang black jacket niya na nilabhan ko.

 

Kinuha niya ito at tumingin lang ulit sakin, naghihintay pa ng mga sasabihin ko.

 

"Thank you for saving me from embarrassment the other night. I owe it to you." She just nodded at bumalik na ulit sa kanyang pagbabasa.

 

Nanatili lang akong nakatayo sa harap ng table, hindi alam ang gagawin. Sobrang hirap talagang mag start ng conversation with her. Napapahiya ako palagi.

 

"Aren't you gonna take a seat?" Pagtatanong niya habang nagbabasa pa rin ng kanyang libro.

 

Napaupo na lamang ako dahil dun at hindi na siya nagsalita pa ulit.

 

Wala naman akong balak na mag stay dito pero bakit ako umupo nung nagtanong siya? Paano ko niyan ipapaalam na uuwi nako?

 

I spent my time scrolling on my phone nalang kasi tinamad na rin akong lumabas ng coffee shop.

 

As usual, our table is quiet as ever. 

 

Gusto ko ng umalis. Naiinip nako. What should I do?

 

“It took you four days to return my jacket.” Karina said while her gaze is still on her book.

 

“Sorry. Ilang beses akong bumalik dito kaso hindi kita mahanap. Buti na lang I saw you here tonight.” I answered honestly and I just saw her nod her head habang patuloy pa rin sa pagbabasa.

 

Natahimik na naman at nandito lang ako naghihintay while tapping my right foot on the floor as a sign of boredom. 


Bakit ba kasi hindi ko maiwan ang isang ‘to? 

 

Wala na rin namang patutunguhan yung conversation namin eh. Bakit ba pinili ko parin na magstay?

 

Why does she have this effect on me that makes me unable to think and function properly? 

 

Ilang years na ang nagdaan pero nagmumukha pa rin akong tanga kapag siya ang kasama ko.

 

“If you’re bored, why won’t you leave this cafe already?” Karina said that made me give my attention to her.

 

She has now bright her book down and managed to maintain eye contact with me. 

 

Gosh! 

 

Why is it easy for her to stare directly at me habang ako daig pa ang nakainom ng 10 kape dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

 

“Huh?” I asked kahit naman narinig ko na ang tanong niya sa akin.

 

Hindi siya sumagot at hinintay lang mag process sa akin yung tanong niya. 

 

Nang maging okay na ang utak ko ay sinagot ko na siya.

 

“Ahh. Actually, I don’t know rin eh…” I answered and gusto ko na lang sabunutan ang sarili ko dahil dun.

 

 Anong klaseng sagot yan, Winter? 

 

Malala na pagka kaba mo pag nandyan si Karina. Nagiging bobo ka na.

 

“Are you not going to order coffee?” She asked and I just shook my head.

 

“What are you going to do here, then?” Tanong niya ulit at napapangiti naman ako kasi she’s getting chatty with me katulad ng dati. Knowing her, wala namang pake yan sa kahit kanino, so seeing her treat me just like how she treat me when we were a child medyo ang sarap sa feeling.

 

Siguro nga hindi pa rin talaga siya nagbabago.

 

“Why are you smiling, Winter?” She asked with furrowed brows.

 

“Wala wala.” I said, shaking my head.

 

“To answer your question, hindi ko alam. Kausapin ka siguro? We have a lot to catch up with.” I said, hoping na she also want to talk to me about what happened in our lives after we’ve graduated elementary.

 

“You know I’m not a fan of talking."

 

“I know. Nagbabaka sakali lang naman.” I said, trying to not sound disappointed.

 

It was expected na naman. 

 

I just thought na maibabalik ang dati kaya I tried to ask pa rin. 

 

But I can’t blame her. That was a long time ago, for sure she treats me as a stranger now.

 

“Fine.” She said na nagpakuha ng atensyon ko.

 

Binaba niya ang libro niya at tumingin sa akin.

 

“Winter, what do you want to talk about?” 

 

-

 

I was already in my dorm at binati lang ang mga kaibigan ko bago dumiretso sa room.

 

Nag-ayos ako ng sarili at nagpalit ng damit bago humiga sa kama at magpahinga.

 

The talk earlier was nice and it eases my boredom. 

 

Kaso parang one sided lang kasi ako lang talaga yung nagkukwento pero okay naman. Siguro nasanay na lang rin ako na ganun siya kasi I spent 2 years rin nung elementary na siya lang ang kausap and kasama.

 

Katulad lang ng dati. Strangely, I still feel comfortable expressing myself to her. Parang dati lang. Parang nung Grade 5-6 lang. Walang nagbago.

 

Nag usap lang, or preferably, nagkwento lang ako about sa things that happened in my life. Yung paglipat ng house namin and pag stay ko dito sa Manila para sa studies ko.

 

Sinabi ko sa kanya yung course na kinuha ko and yung mga struggles na na encounter ko as a freshie and nakinig lang naman siya sa mga kwento ko.

 

Halos ako lang ang nagkwento and the only thing that she told me about her is the profession that she took after she had graduated college.

 

Tama yung nabasa niyo. She’s already graduated from college kahit na we’re the same age lang.

 

At the age of 21 ay nagtatrabaho na siya as a theoretical physicist dito sa Philippines. 

 

Honestly, hindi ko alam kung tungkol saan yan basta nasa field daw ng physics. Sobrang proud lang ako sa kanya kasi nakamit niya na yung dream niya before.

 

2 years na siya sa trabaho niya and halatang she enjoys her profession just by seeing the glow on her face while she’s talking about it. 

 

Cute.

 

It reminded me of when she was talking about some topic on science na as a 6th grader ay hindi ko maintindihan.

 

Ramdam mo talaga na she really loves talking about physics.

 

Hindi ko nga lang siya masabayan kasi hindi ganun kalawak ang knowledge ko about it, pero kagaya ng dati ay I’m trying to listen carefully sa mga kwento niya just like how she listened sa kadaldalan ko.

 

Habang inaalala ko ang mga nangyari kanina ay narinig kong bumukas ang pintuan ng room and nakitang pumasok ang dalawa kong kaibigan.

 

“Girl, what are you smiling about? Ang saya mo ah?” Ningning asked and binato ko lang naman siya ng unan na ikina sigaw niya.

 

“Aray! Bakit nambabato!?” Binato niya rin sa akin ang unan na naiwasan ko naman. 

 

“Tama na! Magugulo pa yung bed sa inyo eh!” Pag-awat ni Lia nang makita na gaganti ulit ako sa pag bato ng unan kay Ningning.

 

Natahimik kaming dalawa ni Ningning dahil ayaw naming mapagalitan. 

 

“Good.” Lia.

 

“Now, why are you smiling after mong umuwi? What happened?”

 

“Pati ba naman ikaw, Lia? Nahahawa ka na talaga dito sa chismosang ‘to.” Tinuro ko si Ningning na nag roll lang ng eyes sakin.

 

“We were just curious. Usually kasi nakasimangot ka pag uwi o kaya calm lang expressions mo. What happened ba?” 

 

“Wala naman. Binalik ko lang yung jacket nung naka sama ko sa cafe noong nakaraang araw.” Napa ‘ahh’ naman silang dalawa ng maalala yun.

 

“Oo nga pala. Yung jacket na hindi mo masauli sauli.” Sabi ni Lia na ikinatawa ko.

 

“Kung nagsauli ka lang ng jacket bakit nagtagal ka? Nag date kayo no?” Tanong ni Ningning na nakakuha ng sapok galing sa akin.

 

“Aray!” 


“Syempre nag usap pa. Catch up sa life ng isa’t isa ganun.”


“Odi date nga?” Sinapok ko ulit siya.

 

“Lia oh! Nakaka ilan na si Winter!” Napatawa lang si Lia sa kanya at pailing iling na lang na nanonood sa bangayan naming dalawa ni Ningning.

 

“Kung ano ano kasing iniisip mo. Nag usap lang date na agad?”

 

“Eh bakit kasi ganyan ngiti mo?”

 

“Bawal ba ngumiti kapag nakakita ng friends from elementary ha?” Sagot ko at tinignan ulit siya ng masama.

 

“You’re so malisyoso kasi Ningning. Friends nga lang daw eh.” Sabi ni Lia at kumindat na parang nakikigatong pa sa pang iinis ni Ningning.

 

“Oh sige, friends na nga lang.” Sabi ni Ningning.

 

“Ayan ha? Okay na?” Sabi ko sa kanila at tumayo mula sa aking pagkaka higa.

 

“Oo, okay na. Gets na naming masarap talagang makipag catch up sa mga friends. Kaya siguro nakalimutan mong ibalik ‘tong jacket ng friend mo sa sobrang sarap ng pag uusap niyo.” Muling sambit ni Ningning habang kinukuha ang jacket ni Karina na nilagay ko sa upuan kanina.

 

Namula naman ako ng maalala yung reason kung bakit nasa akin ulit ang jacket ni Karina.

 

“Alis na kayo kainis! Istorbo kayo sa tulog ko eh!” Hinila ko silang dalawa at tinaboy mula sa kwarto ko.

 

Napatawa lang si Lia at Ningning habang papalabas ng kwarto.

 

Tinignan ko ulit ang black na jacket ni Karina at naalala kung bakit nag stay sa akin iyon at hindi ko pa naibabalik.

 

Ang lamig. 

 

Hindi pa kami nakakaalis sa cafe dahil sa sarap ng kwentuhan namin. And habang lumilipas ang gabi ay mas lalo ring nagiging malamig ang loob ng cafe.

 

Dahil sa lamig ay hindi ko maiwasang yakapin ang sarili ko and hagudin ang mga braso ko para naman makaramdam ng init.

 

Nakita ko naman na tumingin sa akin si Karina at inilahad ang jacket niya na kakabalik ko lang.

 

“Here. You look like you’re freezing.” Sabi niya habang inaabot sa akin ang jacket niya. Hindi ko naman ito nakuha agad dahil tumayo siya at siya na mismo ang nag suot nito sa akin.

 

Ang lapit namin sa isa’t isa and naaamoy ko na yung perfume niya.  

 

Ang bango niya talaga. Same lang yung scent niya nung una naming kita 4 days ago.

 

And katulad nun ay bumibilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sa ang lapit namin sa isa’t isa.

 

When she had already put her jacket on my back ay bumalik na siya sa upuan niya.

 

“Use that muna.” Sabi niya pagkaupo at pagkaupo niya.

 

“But I just returned it to you..”

 

“It’s fine. You can return it tomorrow. I’ll be here at exactly 7 pm.” She said at napatango na lamang ako dun.

 

“Okay. Ibabalik ko na lang ulit ito sayo bukas.”

 

Napangiti ulit ako sa thought na I’ll see her again tomorrow.

 

Ningning is right. 

 

Sobrang sarap nga talagang makipag usap kay Karina. 

 

-

 

It has been 2 weeks since binalik ko ulit sa kanya yung jacket niya na pinahiram niya sa akin. And since then ay halos araw araw na rin akong bumabalik sa coffee shop at the exact time kung kailan siya usually nag stay para lang makasama siya.

 

Wala pa rin namang nagbago sa dynamic namin. Usually ako pa rin palagi ang nagkukwento lalo na sa mga rants ko sa university life and siya naman ang tagapakinig.

 

Although may nagbago sa way ko ng pag alis ng stress ko sa katawan. Yung mga alone time ko sa cafe ay nagiging time with Karina. 

 

And I think mas effective pa ‘tong detox kaysa when I’m alone.

 

Mas naging calm ako and nailalabas ko yung feelings ko when I’m talking to Karina than when I’m spending my time alone.

 

And syempre napansin na rin yun ng mga kaibigan ko kaya’t palagi nila akong iniinis na nakikipag date. Buti na lang hindi nila alam kung sino ang kasama ko kung hindi ay baka palagi na akong iniinis ng mga yun kay Karina.

 

And speaking of my kaibigan ay kasama ko silang maglakad from dorm hanggang dito sa university.

 

Nasa entrance na kami and I was checking my ID pero hindi ko ito makalkal sa bulsa ko. I tried checking it sa bag ko pero kahit anong hanap ko ay hindi talaga ito nagpapakita.

 

. Hindi ako makakapasok kung hindi ko nakita yun.

 

“Girl, okay ka lang?” Tanong ni Ningning sa akin habang ako ay patuloy pa rin sa bag ko.

 

Mangiyak ngiyak ko siyang hinarap ng hindi ko makita ang ID ko.

 

“Ano ba ang hinahanap mo diyan?” Kinuha ni Ningning ang bag na nabitawan ko.

 

“Don’t tell me na hindi mo nadala yung ID mo?” Tanong ni Lia and I just nodded at that.

 

“What!? Balikan mo na habang maaga pa! Hindi naman pwedeng mag absent ngayon since may quiz tayo ngayong 1st class.”

 

“Ningning’s right. Mas okay na ang late kaysa absent. Kaya balikan mo na yun!” Lia said na dahilan para kumaripas ako ng takbo.

 

Medyo malayo layo ang dorm namin sa univ and for sure magiging super late na ako if tinakbo ko lang kaya’t nag stop ako and nag abang ng tricycle.

 

Habang nagaabang ng masasakyan ay may nag stop na kotse sa malapit ko.

 

It was a blue Range Rover na sobrang pogi tignan. 

 

Sino kaya ang may ari nito? 

 

Siguradong gwapo rin ang may ari katulad ng car niya.

 

Ilang segundo pa ay bumaba ang owner ng sasakyan and it was revealed na si Karina ang may ari ng Range Rover.

 

She was wearing her usual black jacket na nakapatong sa kanyang white shirt, but ngayon ay hindi niya suot ang kanyang big glasses and instead she’s wearing specs. 

 

She’s much attractive kung walang sagabal na makapal na salamin sa mukha niya.

 

I’m right. 

 

Gwapo nga talaga ang may ari nitong Range Rover na ‘to. 

 

Magandang gwapo to be exact. 

 

Karina looks attractive before pa, pero mas prefer ko ang suot niyang specs kaysa sa usual glasses niya kasi it looks hot on her and mas lumalabas yung attractiveness niya dito.

 

“You need a ride, right?” She asked at napatango lamang ako kahit na nasa appearance niya pa rin ang atensyon ko.

 

“What are you still doing? Let’s go.” She said as she gently grabbed my hand and dragged me on the side where the shotgun seat was. 

 

Pinagbuksan niya ako ng pinto and she proceeded to the driver seat when everything’s fine na.

 

She again started her engine and drove me papunta sa dorm ko.

 

Agad agad akong umalis sa car niya at kumaripas ng takbo papunta sa dorm namin.

 

Kinalkal ko ang room ko and when I have found my ID ay sinara ko ulit ang dorm at umalis na. 

 

Nakita kong nandun pa rin ang car ni Karina habang ang window niya ay nakabukas.

 

“Hurry up! You’re walking so slow.” She said na nagpa bilis sa akin.

 

Nakabukas na ang door ng car niya kaya’t umupo na ulit ako and nung nakaayos na ako sa pwesto ko ay pinaandar niya na ang kotse.

 

Nang nag stop na ang kotse malapit sa university, bago umalis ay tinignan ko siya at nagsalita.

 

“Thank you talaga, Karina ha? I’ll make it up to you na lang next time, I promise.” I said and tumango lamang siya.

 

Bumaba na ako sa kotse niya at kinaway ang kamay ko bago kumaripas ng takbo papuntang first subject.

 

Nakarating na ako sa room at buti na lang ay wala pa ang prof. Kaya’t nakahinga ako ng maluwag.

 

Dumiretso ako sa pwesto ko and nakita ko yung bag ko sa upuan ko.

 

“Thank you.” I said sa mga kaibigan ko na katabi ko lang and tumango lang sila sa akin.

 

Sakto naman at dumating na ang professor namin kaya’t tumahimik na ang lahat and nakinig na lang sa lecture niya for today.

-

We were currently walking towards the cafeteria and nakikita namin na maraming mga tingin nasa amin, especially sa akin.

 

We just chose to ignore it since ganyan naman talaga sila everyday.

 

Hindi naman sa pagmamayabang pero I can say na medyo kilala ang friend group namin dito sa Campus even though we’re just a freshman dito.

 

We’re all part of the music club and naranasan na rin naming mag perform kahit na newbie lang kami kaya a few people recognize us lalo na sa Tourism department.

 

But I wouldn’t call myself lucky for gaining the attention of other people kasi it can be a burden sometimes. Kagaya ngayon.

 

Naghahanap lang kami ng upuan and hindi pa rin matigil ang mga nakaka intrigang tingin nila sa amin. 

 

When we have already seated ay may isang girl ang lumapit sa amin at nagsalita.

 

“Nakita kitang bumababa sa isang Range Rover kanina ah. Ano yun, manliligaw mo?” She asked na parang close kami.

 

I just awkwardly laughed habang iniiling ang aking ulo as an answer.

 

“Hindi! Friend ko lang yun haha.” I said na hindi niya naman pinaniniwalaan.

 

“Sus.. You’re lying pa eh nahuli ka na nga.” Pagpilit niya pa.

 

Nakita ko naman ang masamang tingin nila Ningning sa babae na para bang hindi ito belong sa table namin.

 

“If wala ka nang ibang magandang sasabihin, umalis ka na. Napaka chismosa mo talagang tunay, Tanya.” Sabat ni Ningning na nakapag pataboy kay Tanya.

 

Pagkatapos nitong maka alis ay sa akin naman natuon ang mga tingin ng aking mga kaibigan.

 

“Ikaw naman.. Ano yung sinasabi ng chismosang yun na bumaba ka from a Range Rover? Kanino yung sasakyan na yun? May jowa ka na ba ha? Naging kayo na ba nung kadate mo sa coffee shop everyday?” Tuloy tuloy niyang tanong habang si Lia naman ay tahimik na nakikinig lang.

 

Nilagyan ko ng tinapay ang kanyang bibig at sinensyasan siya na tumahimik.

 

“Ang ingay mo, Ningning. And to answer your question, nakita ako ni Karina kanina kaya sinabay niya na ako para hindi na ako magmadali sa paglalakad.” Nakita kong magsasalita na sana si Ningning na inunahan ko.

 

“And bago ka mag react, si Karina yung kasama ko palagi sa coffee shop. And kaibigan ko lang yun, okay? Hindi ko siya ka date at lalong lalo ng hindi ko siya jowa. Never mangyayari yun.” I answered that made the both of them shut up.

 

Hindi na nila ako kinwestiyon at nagpa tuloy na lamang sa pagkain ng foods na inorder nila.

 

Ganun rin naman ang ginawa ko at nag focus na sa pagkain.

 

About sa sinabi ko kanina, that’s true naman.

 

I just see Karina as friends and I don’t think that would turn into something more.

 

Isa pa, Karina clearly doesn’t even like me as a friend and just tolerates me kasi makulit ako, kaya it's impossible for us to be together romantically.

 

Although may chance na mahulog ako pero I’m pretty sure na hindi ganun kadali yun since hindi talaga ako nahuhulog sa mga tao na sa tingin ko ay walang pakialam sa akin.

 

Confident akong sabihin na hindi mag grow ang feelings ko for Karina. Hinding hindi ako mahuhulog dun. Malabo yun na mangyari.

 

Sobrang malabo yun na mangyari.

 

Right?

 

-

Okay..

 

Binabawi ko na ang mga sinabi ko last month.

 

Maybe, just maybe, there’s a chance nga talaga na mahulog ako for Karina.

 

Hindi pa sigurado, okay. 

 

Baka pa lang. 

 

Pero may tiyansa..

 

And honestly, I didn’t expect for my thoughts about her to change this easily kasi akala ko talaga wala siyang pakialam sa akin.

Kagaya lang ng dati.

 

When I was having thoughts about growing deep feelings for Karina, naaalala ko ang mga realizations ko when I was in grade 6 and it’s also because of her.

 

She was the first person to make me feel the kilig that my other classmates were telling me they’ve been experiencing every time their crush would talk to them.

 

And every time na tatanungin nila ako kung sino yung crush ko I would always mention Karina’s name dahil nga sa mga things na pinaparamdam niya sa akin.


And syempre as a child na hindi naturuan about the community, yung other classmates ko palagi akong kino correct kasi nga babae si Karina but I always insist kasi alam ko sa sarili ko na Karina’s effect on me ay katulad ng effect ng mga crush na boys ng mga girl classmates ko before.

 

Ngayon ko lang narealize na kaya pala hanggang ngayon eh medyo nagiging embarrassing ako around her eh kasi yung attraction ko for her ay hindi pa nawawala.

 

Now that I’m fully aware of my uality, alam kong I’m in danger when it comes to my feelings for Karina.

 

Alam kong sinabi ko na hindi ako mahuhulog kasi nga cold siya around me, pero meron pa rin talaga siyang gestures that were making me feel some type of way.

 

That was making me feel the kilig that I felt before but 10x more intense.

 

And alam kong kahit ano mang mangyari, 

 

I have to suppress it. 

 

Kasi I’m pretty sure na there would be no chance for Karina to reciprocate my feelings for her.

 

I need to try to prevent it.

 

Habang maaga pa.

 

Para hindi na masakit kapag tumagal.

 

Getting rid of my feelings for her would be easy naman diba?

 

I’m sure I’ll just see her as a friend next month.

 

And I would make sure it will stay that way forever.

 

-

 

It has been 2 months and nararamdaman kong mas lumalim pa ang feelings ko for Karina.

 

I tried suppressing it, okay? 

 

Pero kasi she keeps on doing things that are enough to make my heart fall after the countless tries of making it stand up steadily.

 

Masyado na ata talagang mababaw ang kilig ko kaya ang simpleng pag tulong niya sa akin sa mga subjects na I find very hard ay enough na para hindi ako maka bangon sa kanya.

 

But who could blame me?


I know na she’s not the type of person to adjust and she hates having changes in her lifestyle, and when she offered to tutor me on my free time na hindi consistent at pa iba iba ay syempre kikiligin talaga ako dun no.

 

She’s the first one who made an effort to adjust para sa akin and it made me feel very special.

 

My past romances aren’t understanding sa mga problems and responsibilities ko. 

 

Laging ako na lang ang inaasahan nila sa lahat ng bagay and laging ako ang kailangang mag adjust sa mga needs nila. 

 

Kaya having Karina to help me when I’m struggling really matters to me.

 

She adjusted her schedule para matulungan ako, katulad ngayon.

 

It’s 6 am and I have an exam mamayang hapon kaya need talagang mag review. I still need to do a dry run sa mga lessons and Karina had offered to help me kahit na I didn’t ask her to.

 

I’m already walking towards the coffee shop where we’re always studying and nang pumasok ako ay bumungad agad sa akin si Karina na nakaupo sa usual spot niya.

 

Pinuntahan ko na siya and when she saw me ay tinignan niya lang akong lumapit at hindi nag salita.

 

Ganyan siya palagi. 

 

Hindi man lang siya ngumingiti or babati man lang. Basta nakatitig lang siya sakin tuwing lalakad ako papalapit sa kanya.

 

Medyo nakaka ilang noong una pero sanay na naman ako.

 

Minsan nga nakaka kilig kasi her focus were always focused on me lang and wala ng iba.

 

Hindi ko naman pina paasa ang sarili ko kasi knowing her ay wala namang meaning yun.

 

But there’s nothing wrong with dreaming naman diba?

 

“Good Morning, Karina.” Pagbati ko sa kanya and as usual tango na naman ang sinagot niya sa akin.

 

Umupo na ako and inilabas na ang mga books ko and mga reviewers na ginawa niya for me.

 

Right.

 

Siya gumawa ng mga reviewers ko kahit na hindi ko naman nabanggit sa kanya yun.

 

Basta bigla na lang isang araw may dala siyang reviewer for me and hindi naman ako makatanggi kasi effort niya rin yun and alam kong it will help me a lot para maka bisado yung mga important details na possible lumabas sa exam.

 

“Good Morning. Let’s start.”

 

Hindi na ako nakapag react sa greetings niya dahil kinuha niya na agad ang reviewers and started asking me questions.

 

-

“1 Venti Iced Americano and 1 Tall Iced Americano for Miss Karina!” I heard the barista say on the microphone.

 

We were in the middle of studying but it got postponed kasi kinuha na ni Karina ang mga orders niya.

 

Nakuha niya na yung drinks niya when I have noticed a difference sa orders niya.

 

Bubuksan ko na sana ang bibig ko nang ibigay niya sa akin yung tall iced americano habang sa kanya naman yung venti.

 

“Thank you, Karina.” Sabi ko and was about to bring out cash nang pigilan niya ako.

 

“It’s on me.” 

 

“Ay hindi! Naka ilang libre ka na sakin, hindi na pwede yun!” Sabi ko at pilit na binibigay sa kanya ang bayad ko.

 

Hindi niya lang naman ako pinansin at ininom na ang order niya.

 

Hindi ko na pinilit ang sarili ko at binalik na yung cash ko sa wallet.

 

Ininom ko na yung libre niyang coffee para sa akin. And as usual she has already memorized my favorite.

 

Alam ko rin na green tea palagi ang inoorder niya kaya nakakapag taka na same kami ng drinks.

 

“Iced Americano? Diba sabi mo you only drink tea?” I asked habang paunti unting umiinom sa drink ko.

 

“You wanted me to try your favorite drink yesterday kaya, this is what I ordered.” She said while taking a sip of her coffee.

 

Nakita kong nag iba ang timpla ng mukha niya and it looked like the expression of someone who tasted something not nice.

 

“You don’t like it?” 

 

“It’s not like that. It tastes nice. I just need to get used to it siguro.”

 

She took a sip on her drink again. She tried her hardest to not make an expression para siguro ma prove na nagustuhan niya nga yung lasa kahit na halata naman na hindi.

 

Hindi ko maiwasan na tumawa ng bahagya dahil sa pag try niyang magustuhan yung favorite drink ko kahit na it was evident na it’s not for her taste.

 

“Huwag mo nang pilitin if you don’t like the taste haha. Baka mamaya masuka mo pa yan.”

 

“But it’s your favorite.” She said with a hint of sadness on her voice na nagpa tibok na naman ng malakas sa puso ko.

 

“A-and? Ano naman kung favorite ko? Kung ayaw mo naman yung lasa wala naman na akong magagawa dun.”

 

“But I promise it tastes good. It just wasn’t my type.” 

 

“Sige nga. Kung it tastes good, ubusin mo nga.” 

 

“I will. It would be a waste if I didn't finish it.” She said na nagpa ngiti ng patago sakin.

 

“Just stick na lang sa usual iced green tea mo. Ang hilig hilig mo kasi, nakiki gaya ka pa.”

 

“You were the one who told me to try it, kaya I obeyed you.”

 

“Uto uto ka naman?”

 

"When it comes to you, Oo.” “One grande pumpkin spice latte for Miss Glenda!"

 

"Ha?" Tanong ko kasi hindi ko na narinig ang sagot niya sa last na question ko.

 

Hindi na siya umimik at nagpatuloy sa pag inom ng order niya.

 

Hindi ko na lang rin naman inisip pa iyon kasi I know na I wouldn't get any answers from her na.

 

Siguro it's not that important naman kaya ipagsa walang bahala ko na lang ngayong araw.

 

"Let's start again." Rinig kong sabi niya habang hawak hawak ang reviewer ko.

 

Hindi na ako umangal at nakinig na sa kanya.

 

-

We stayed at the coffee shop ng 3 hours, reviewing for my exam.

 

Nang matapos, we said goodbye to each other but I told her to meet me ulit dito sa cafe mamayang tanghali because I’m determined to treat her to a meal after all of the things that she has done to me while I was preparing for my exams.

 

I didn’t give her the chance to say no kaya, I'm expecting na darating siya mamaya.

 

I was already in my room, taking an acad break, and I can’t seem to remove the smile plastered in my face since earlier.

 

I didn’t know that studying would be this fun kasama si Karina.

 

Siguro mas stressful kasi nga minsan ay Karina’s getting more serious sa pagtulong sakin, pero mas nananaig yung enjoyment lalo na everytime that we’re taking a break from studying.

 

One of the things that had been stuck on my mind was the coffee incident earlier.

 

Alam kong mababaw pero I can still feel my heart warm everytime that I remember it.

 

The way that she keeps on trying to like it, even when it’s clear that she doesn’t like the flavor, just because it was my favorite drink.

 

Those little things never fail to bring joy in my heart and that’s keeping me from officially moving on from her.

 

I already accepted that these feelings couldn’t be helped unless I stay away from the one that is causing it.

 

And as of now, mas pipiliin ko pang tuluyang mahulog kaysa hindi makita si Karina.

 

Mahuhulog pa lang naman. Malay mo magbago pa diba?

 

Although I think it would be hard to change lalo na at nagiging comfortable na kami sa isa’t isa. 

 

Pero falling without wanting a commitment would be possible naman diba?

 

I’ll accept this feeling kahti na it’s one sided.

 

I’ll accept that it’s already too late for these feelings to change.

 

I just couldn’t really hide the fact that I’m already falling for her, hard. 

 

And I couldn't seem to get out of it that easily.

 

-

 

We’re already inside the restaurant and Karina looks uncomfortable around this many customers.

 

“Karina, are you sure you don’t want to change places? Punta tayo dun sa walang masyadong tao. Pwede pa naman ata since hindi pa naman tayo nakapag order.” I said and hindi siya tumanggi.


I can see her fidgeting irritably, annoyed with the noisy and hot atmosphere inside the restaurant of my choice.

 

Seeing her ay hindi na ako nagdalawang isip na ilabas siya at humanap ng restaurant kung saan walang masyadong tao.

 

And sa rami ba naman ng tao and sa konti ng establishments ay halos lahat ng restaurants malapit sa spot namin ay limited lang ang tables and lahat ay occupied and full of customers. So wala kaming mapuntahan and nag stay sa tapat ng coffee shop habang nag iisip kung saan pwedeng magpunta.

 

“It’s fine. I’ll just eat lunch at my house.” Sabi niya and that sparked an idea in my mind.

 

Tama, homemade lunch.

 

I’ll just cook for her since ang sabi naman nila Lia ay masarap akong mag luto.

 

It’s not worth a lot pero at least I made an effort, diba?

 

“I already know where I’m going to take you.” Sabi ko and dragged her papunta sa dorm namin.

 

Wala naman na siyang time para umangal at sumunod na lang.

 

Nang makarating na kami sa dorm ay agad kong binuksan ang pintuan at dinala si Karina papuntang kitchen. 

 

Pinaupo ko muna si Karina sa seats namin and focused on searching ingredients para sa lulutuin ko.

 

I was focused on what I was cooking and nakalimutan ko ng mayroon pala akong dorm mates na ngayon ay pabalik balik ang tingin sa akin and sa acquaintance ko na si Karina.

 

“Ehem.” Ningning cleared na nagpa gulat sa akin at sa kasama ko.

 

Tumayo si Karina and offered her seat kila Ningning na ngayon ay hindi ko mabasa ang tingin.

 

“Okay lang kami. Suit yourself diyan-” She stopped as if asking for Karina’s name.

 

“Karina.” Sagot ko kasi alam kong hindi sasagot si Karina lalo na’t Ningning is a stranger for her.

 

“Nice to meet you, Karina.” Ningning offered her hand na tinignan lang ni Karina.

 

Para hindi mapahiya si Ningning ay ako na lang ang nakipag kamay sa kanya na ikina taka niya naman.

 

“Ikaw na ba si Karina ngayon, ha?” 

 

Lumapit ako sa kanyang tenga at bumulong.

 

“She’s not used to meeting new people. Just understand her na lang.” I explained na ikina tango na lang ni Ningning.

 

“Hi, Karina.” Pagbati ni Lia na sinagot lang naman ni Karina ng tango.

 

I stared at Karina, trying my hardest not to giggle at how awkward she was at socializing.

 

Hindi talaga nagbabago. 

 

Ayaw pa rin talaga sa tao since elementary.


Nakita ko naman si Ningning na nakatingin lang sa akin with her judging look.

 

“What?” I asked as she made her glaring more obvious.

 

“Friend pala ah.” Sabi niya na nakapagpa blush sa akin.

 

“Mag explain ka samin mamaya.” She said again bago umalis sa pwesto ko at lumapit kay Karina para itry na kausapin siya.

 

I can see Lia stealing a look and winking at me.

 

Napalunok ako bago magsimulang magluto ng food for the 4 of us.

 

Looks like I couldn't really hide these feelings from them anymore.

 

-

 

It has been a month since I brought Karina to our house and it's been a week since nalaman nila Ningning yung feelings ko for her.

 

Ever since ay hindi na nila ako tinigilan sa pag push ng feelings ko for Karina. They’re always asking about what’s going on between us and palagi na lang nakiki chika sa ganap sa aming dalawa. 

 

And ako naman na atat ring magkaroon ng ka kwentuhan about sa mga kilig moments with Karina ay syempre g na g sa pagkukwento hanggang sa dumating sa point na nakalimutan ko na yung plan kong pagmo move on from Karina. 

 

And worst pa diyan ay may part sa akin na umaasa ring magkagusto siya sakin. Alam kong it’s impossible, I’ve been telling myself na impossible yun pero si Ningning kasi eh!

 

Napapadalas na yung times ng pag hang out ni Karina with the three of us and itong si Ningning na chismosa masyadong observant sa galaw ni Karina.

 

Napapansin niya daw na may mga times na tumutitig sa akin si Karina lalo na kung nakatingin ako sa ibang direction. Tapos kita daw sa actions ni Karina na parang may feelings daw sakin. And ako naman ‘tong uto uto medyo napapaniwala niya. 

 

Pero slight lang naman. Kilig lang ng konti tapos proceed ulit sa pag convince sa sarili na walang chance kasi ayaw kong masaktan lang sa huli.

 

I decided na huwag na lang pakinggan si Ningning para wala nang overthinking na mangyari and mag stay na lang yung feelings ko as a happy crush.

 

Kaya ko naman yun, right?

 

Kakayanin ko naman siguro yun.

 

-

 

We’re here sa coffee shop nang kami lang dalawa and walang kasamang mga asungot for tonight.

 

Ganun pa rin naman yung set-up namin. Nagkikita lang every 7 pm sa coffee shop kasi yun yung time na nakasanayan niya and that schedule never changed kasi ako lang naman ata yung may gustong puntahan siya kaya’t ako ang kailangan mag adjust.

 

Although something shifted ever since that moment noong she was tutoring me for my exams.

 

Napansin ko na she’s gotten more talkative with me and nararamdaman kong hindi na lang one-sided yung conversation namin.

 

Isa rin yun sa dahilan para mag overthink and umasa ako pero pinipilit ko na lang na pigilan.

 

Siguro kaya ganun is because she’s gotten comfortable being friends with me already.

 

Friends, right. 

 

She had never confirmed if we’re already friends pero her being talkative and opening maybe means na we already were, diba?

 

Masaya ako sa thought na she’s already welcoming me in her life platonically pero bakit parang may part na masakit?

 

“What are you thinking?” Narinig kong tawag ni Karina sa akin na nag interrupt sa mga thoughts ko.

 

“Nothing important.” 


Liar.

 

“You sure?” She asked while having a concerned look on her face na nagdala ng tuwa sa akin.

 

“Yep.” 

 

She just nodded and nagbasa na ng book niya.

 

It looks like she’s still not in the mood to talk kaya kinuha ko yung phone ko and my airpods.

 

Ininom ko na yung coffee ko and makikinig na sana ng music sa phone ko nang ma deadbat ito.

 

I frowned and binaba ang phone ko. 

 

“Hmm?” Tanong ni Karina habang naka tingin sa akin.

 

“Deadbat.” 

 

“What are you going to do ba?” 

 

“Just trying to listen to music habang nagbabasa ka.”

 

Nakita ko siyang tumango and kinuha ang phone niya sa bulsa at ibinigay ito sakin.

 

“Here, gamitin mo muna.” She offered. 

 

I hesitated at first kasi she never lend me her phone kasi sabi niya wala namang interesting stuffs dun pero kinuha ko pa rin kasi who am I to say no to her diba?

 

After that ay bumalik na siya sa pagbasa habang ako naman ay binuksan ang spotify niya and tiningnan ang mga playlists niya.

 

Hindi ko maiwasang mapangiti when my eyes landed on one playlist that she made.

 

‘Winter’s favorites.’ It reads and I swear I felt butterflies fly on my stomach because of that.

 

I tapped the playlist and checked yung mga songs na nakalagay doon and felt a heat on my cheeks nang marealize na it was from the artists that I liked listening to na minsan nashare ko rin sa kanya.

 

Akala ko she wasn’t listening everytime na I’m talking about it.

 

Turns out na I’m wrong.

 

And dahil dun na feel ko na parang ang haba ng hair ko kahit na alam kong ginagawa niya lang ‘to as a friend kahit na hindi ko alam kung friend na ba talaga ang turing niya sakin.

 

Patuloy lang ako sa pagtingin ng playlist nang may makita akong songs na nakapag patawa sakin.

 

“What are you laughing at?”

 

She asked habang inaalis ang tingin sa libro niya papunta sakin.

 

“Barbie songs talaga, Karina? Mukha ba akong bata?”

 

“With your height, yes.”

 

Aba bastos ‘to ah.


“Nakakasakit ka na ah! Gusto ko lang sana tanungin bakit may barbie songs na nakalagay sa ginawa mong playlist pero nire realtalk mo ‘ko.” I sulked that elicited a small laugh from her.

 

Magtatampo pa sana ako eh kaso umurong bigla. Bakit naman kasi ang gwapo niyang tumawa. Tanggal tuloy ang angas ko.

 

I crossed both of my arms and kunyaring naiinis na nilalayo ang tingin ko sa kanya kahit na ang totoo naman ay kinikilig ako deep inside and tinatago ang mukha ko kasi sobra na akong namumula ngayon.

 

“I’ve put all your favorite songs diyan sa playlist para everytime na your phone dies ay meron kang magagamit while I’m busy reading my book.”

 

“Anong connect dun nung barbie songs?”

 

“Diba, that was your favorite when we were in elementary? I decided to add it to the playlist kasi I remembered that you used to listen to those songs everyday when we were young.”

 

“Ohh.” Nasabi ko na lang at napa tango habang si Karina naman ay nagpa tuloy na lang sa pagbabasa.

 

I clicked at the first barbie song on the playlist and couldn't help but to smile widely remembering her explanation earlier.

 

I didn’t know that listening to a barbie song would make me smile like this.

 

Karina kasi eh..

 

Pafall. 

 

Kapag tuluyan akong nahulog tapos hindi mo ako sinalo mukhang masakit.

 

Ayaw ko munang masaktan kaya hindi ko muna iisipin yun.

 

These feelings wouldn’t change na naman. What’s the use of repressing it diba?

 

I’ll just enjoy our moments together muna. 

 

Bahala na kung masaktan. 

 

At least kahit papaano sumaya ako kasama siya.

 

-

 

I was at the back of our stage waiting for our names to be called.

 

It’s already the end of the 2nd semester and halos 9 months na rin nang makilala ko si Karina and halos 6 months na rin akong humahanga sa kanya secretly.

 

I’ve never brought up about my feelings for her kasi I don’t want her to be freaked out and ayaw kong baka umalis siya sa buhay ko because of that stupid confession; kaya I decided to keep it to myself and my friends na lang para wala nang problema.

 

We were still talking and sobrang dami ng nagbago sa pakikitungo niya sa akin.

 

She’s more open and sensitive when it comes to me, and she’s already willing to try something new if I asked her to.

 

Mas naging close sila nila Lia and Ningning and I’m happy with that kasi she’s willing to be close sa mga taong important sakin knowing na it’s hard for her na makipag associate sa maraming tao.

 

Ningning teased na kaya ganun is because Karina sees me as someone special in her life pero syempre hindi nako naniniwala sa kanya kasi natanggap ko nang hanggang friends lang.

 

Hindi ko mapagkakaila na nag ooverthink pa rin ako sometimes. 

 

Pero unti unti ko ng tinatanggap na wala na talagang chance. 

 

And sure na akong hindi na yung magbabago.

 

But enough about my feelings for Karina. Me and Lia had a performance coming up so kasi kami yung pinili sa mga freshman na mag perform for the music club and syempre hindi kami

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
idkhtwags
https://curiouscat.me/irdkhtwags

Message your thoughts here po para mabasa ko haha, thank you for reading!

Comments

You must be logged in to comment
triggeredace
#1
Chapter 1: ayoko na Ang ganda talaga ahahhaa bakit ngayon ko lang to nakita
cleofierayne #2
Chapter 1: Nakakataba ng puso huhuhu ang gandaaaaaa🥺🥺😍
jysowee
#3
Chapter 1: Lalong napuyat dahil dito HAHAH pero oks lang ^^ tbh nawindang ako ng slight sa time skip hahah pero ayos lang at least naging okay sila in the end <3
jiminjeongerist
#4
Chapter 1: 😭😭😭 ang cute cute naman
mjeonggs #5
Chapter 1: nugagaWHEN 😞😞
wintongie
#6
Chapter 1: part 2 naman jan oh pls 😔
Emgeelex
#7
Chapter 1: Still as heartwarming as ever 🥰
syrenity
#8
Chapter 1: Di ako maka move on 😔
syrenity
#9
Chapter 1: Ang ganda nito. Sobra. 🥲 This deserves more love.
kmjaureader
#10
Chapter 1: ang ganda ganda nung story grabe sobrang worth it basahin and nakakakilig din
shet bat ngayon ko lang nabasa to? ganda ganda talaga