Panimula

Light Years


Winter's


Kamakailan lang noong malaman kong hindi na ako miyembro ng masandal-tulog gang. Wala naman akong masyadong iniisip, hindi rin ako problemadong tao, at lalong hindi ako masamang tao na binubulabog ng kung ano-anong isipin. I have yet to consult a doctor as to why I’m having problems sleeping. Naramdaman ko naman na ang signs nito bago pa siya maging full-blown hindi ko nga lang pinansin dahil ang nasa isip ko talaga lilipas din agad. Ayan tuloy, magdadalawang linggo na akong ganap na kuwago.


Nakaupo lang ako rito sa tabi ng glass wall ng Lawson. My wristwatch reads 2:46AM. Ilang minuto na lang makararamdam na ng takot ang mga taong kasama kong gising pa. May ilan pa rin namang pumapasok dito pero hindi rin sila nagtatagal. Bibili lang saglit tapos aalis na. Sinusundan ko lang sila ng tingin para mawala ang pagkaburyo ko. Halos kalalakihan nga ang dumidiretso sa counter, at puro ID na ang sumasalubong sa mukha ng cashier.


Kanina pa mabigat ang mga mata ko. Ubos na rin ang bote ng gatas na binili ko pagkarating ko rito kanina. Nakapangalumbaba ako habang nagmamasid sa labas hanggang sa tuluyan nang lumigalig ang diwa ko. A black sedan parked sa katapat na coffee shop ng Lawson. Doon ako nakatambay noong isang araw; palipat-lipat talaga ako ng pinupuntahan kapag gabi para walang magtaka. Kaunti lang ang tao sa loob ng coffee shop, at mukhang hindi nila napapansin ang nagaganap sa labas.


Unang bumaba ang nagmamaneho, at base sa pag-uga ng sasakyan ay masasabi kong malakas ang p’wersa noong itulak niya ito pasara. Then the passenger followed, frustratedly combing her fingers through her black mane. Mula rito sa loob, hindi ko aninag ang mga itsura nila.


“Nandyan na naman sila,” napalingon ako nang may magsalita. Nginitian ako ng staff na nakapatong ang baba sa rod ng mop stick. Pinat ko ang stool sa aking tabi na agad naman niyang tinanggihan bago tumuro sa nakatutok na CCTV sa p’westo namin. “Kawawa si ma’am d’yan sa boyfriend niya. Lagi na lang siyang pinagtataasan ng boses,” wala sa pamilya namin ang matatawag na usyoso pero nacurious talaga ako sa sinabi ng staff. Mabait naman kasi ‘to; madalas ko pa siyang maabutan kapag bumibili ako ng morning newspaper bago ako bumalik sa bahay.


Oo, minsan talaga inuumaga na ako sa labas.


“Naawat ko na sila one time. Buti nga hindi ako nasapak eh, ang laking bulas pa naman ni sir,” see? Hindi siya judgmental. May experience lang talaga siya kaya nasabi niya ‘yan.


“Sobrang trivial lang naman nung ikinakagalit ni sir that time,” buntong-hininga niya. Tiningnan ko ulit ‘yung dalawa; magkatapat na sila ngayon habang nag-uusap. Pagbuka pa lang ng bibig ng lalaki, alam ko nang sumisigaw ito. Ilang bese na rin niyang dinuro-duro ang babae.


Bitbit ang bote ng gatas na nabasyo ko, tumayo ako na siyang ikinagulat ng staff. “Aalis na po kayo?” tanong niya nang itapon ko ang bote sa designated bin para dito.


Napakamot ako sa batok habang hila ang pinto, “Wala naman akong pasok sa mga susunod na araw. Okay lang naman kung masapak ako ngayong gabi. Pakitingnan na lang din kami, tawag po kayo ng tulong if ever.”


Halong pagka-amuse at takot para sa akin ang nabasa ko sa mukha niya pero sa huli nama’y tinanguan niya pa rin ako. Hinanap ng mata ko ang name plate niya. Napangiti ako nang makita ko ito sa kaliwang dibidib niya, “Ikaw na ang bahala sa ‘min, Sir Andy.”


Inayos ko ang pagkakapatong ng baseball cap sa ulo ko bago tuluyang lumabas.


---


3rd Person's
 

The guy scoffed looking away, clenching his jaw. “Ginagago na ako ng dad mo in front of you, Karina. Wala ka man lang ginawa para tigilan niya ako,” balik tingin nito kay Karina habang nakapamewang. Mapapansin sa tayo niya na nawawalan na siya ng pasensya. Sa stance naman ng dalaga ay mababasang hand ana siyang umilag kung sakali man.


“Hindi gano’n sa ‘yo si dad before. I don’t know what happened between the two of you, okay? He keeps on telling me na mas mabuting sa ‘yo manggaling pero lagi mo namang iniiwasan kapag nababanggit ko,” exasperation is felt in her voice. Walang dalang kahit ano ang babae bukod sa wallet at phone nitong nakabulsa. Mukhang pauwi na sila ng boyfriend niya, at biglaan lang tumigil para magdiskursyo.


Kung hindi siguro sila pumarada, baka naaksidenta pa ‘tong dalawa. Puro kasi m’westra ang lalaki habang nanggagalaiti.


Halata sa mukha ng babae na nahihirapan na siyang magbigay ng effort para pakinggan ang side ng lalaki. Paano nga namang hindi? Kung ikaw ba naman ang tatanungin pero hindi pakikinggan, sinong hindi mawawalan ng gana? Mapapagod ka na langn talaga.


Binasa ng lalaki ang kanyang labi bago humakbang palapit sa girlfriend niya. “Walang manggagaling sa akin kasi wala namang nangyari!” sambit niya through gritted teeth. Karina gulped, saglit na matatanaw ang takot sa mata niya pero she mustered every strength she had left para manatili sa kanyang tindig. “Dad won’t tell me that para lang siraan ka. He was warm to you before. There must be something that pissed him off. Dinala kita sa bahay to talk it out, to solve the problem,” Karina is now staring blankly at him.


“Kita mo ‘yan? I wasn’t invited pala, sinama-sama mo pa ako!” Sinayang n’yo ‘yung gabi ko.”


“Sana tumanggi ka. Hindi ka naman pinilit.”


Mabilis na naglakad palapit ang lalaki, “Alam ko kasing magtatampo ka kapag humindi ako especially that you know I’m free today,” patong niya ng mga kamay sa magkabilang balikat ni Karina. Minasahe ng dalaga ang kanyang sentido, nagdadalawang isip kung hahayaan niya na lang ba ulit mangyari ang ganito.

 

Buti na lang hindi tanga si Karina para hindi mapansin ang harap-harapang panggagago sa kanya.


Nilingon naman ng lalaki ang coffee shop. Busy maglinis ang mga empleyado, ang mga customer naman nito ay nakatalikod sa labas para siguro hindi maistorbo sa kanya-kanyang gawain. Nang mapansin niyang tahimik lang si Karina ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. At nang magtagpo ang kanilang mga mata, "Uwi na tayo. Wala tayong mararating kung parehong mainit ang ulo natin." May lambing pa nitong pagkakasabi.


Nagpintig ang tainga ni Karina sa narinig. Agad kumuyom ang mga kamao niya siya’y yumuko.


Lumayo ang lalaki para pagbuksan ng pinto ang kasintahan, "Love? Mahahamugan pa tayo." Mabilis ang kanyang pagtingala, flinching at the mention of the word 'love.' Impatient na nag-gesture ang lalaki na lumapit si Karina sa kanya.


"You know what?" walang emosyong ngiti ni Karina sa lalaki, taking a step back. "Let's just end this. Ngayon ka lang naging tama, wala na tayong mararating."


Karina clenched her jaw nang makita niya ang pamilyar na toothy grin sa mukha ng ngayo’y ex-boyfriend na niya. Para siyang napako sa kinatatayuan niya na kahit alam niyang kailangan niyang umilag ay hindi niya magawa. Ang tanging nakayanan niya lang ay pumikit habang nanginginig ang kanyang kalamnan. Mauulit na naman, at sawang-sawa na siya.


Ngunit walang lumapat na palad sa kanyang pisngi.


---


Winter's
 

Saktong 3AM na nang makalapit ako sa kanila. May sapat na distansya pa rin naman kaya hindi nila ako napapansin. Pum'westo ako sa likod nung lalaki para mas safe kung kailangan ko man siyang awatin. Halatang preoccupied 'yung girlfriend niya with her thoughts dahil hanggang ngayo'y 'di niya ako natatanaw.


Hinayaan ko lang muna silang mag-usap. Papagalitan talaga ako ng lola ko kapag nalaman niyang sadya akong nakikinig sa usapan ng iba kahit na hindi naman ako involved. Pingot ang aabutin ko kung madulas man ako at bigla na lang maik'wento 'to. Open kasi ako pagdating sa kanya kaya kailangan ko talagang mag-ingat sa susunod kong uwi.


Nahuli ko na lang din ang sarili kong umiiling tuwing magsasalita 'yung lalaki, at tumatango naman kapag ipinagtatanggol na ng babae ang kanyang sarili. Maaayos naman sa usapan 'yung pinag-aawayan nila, sadyang ayaw lang talagang magsabi ng totoo nung guy. Gaano katagal na kayang nagtitimpi 'yung Karina sa ganitong mga ganap sa pagitan nila ng boyfriend niya. Sa k'wento kasi ni Sir Andy parang nasanay na siyang nagtatalo ang dalawa bago pa niya awatin ito. Healthy naman sa isang relationship ang pagtatalo pero sa nasasaksihan ko ngayon, hindi ito 'yung tinutukoy kong healthy arguments.


Paikot-ikot sila.


Kung mukhang nasanay na si Sir Andy, 'yung Karina naman ay parang nagti-tiyaga na lang. Ni isang patak ng luha wala akong nakita. Hindi rin nga namumugto ang mga mata niya. I wonder tuloy kung nagpipigil ba siya para makita nung boyfriend niya na hindi siya p'wedeng kaya-kayanin lang or nabato na lang siya from this kind of treatment.


And then I saw my cue.


Ibinalibag ko sa bubong ang kanina ko pang pinaglalaruan na bato para matawag ang atensyon ng mga tao sa paligid bago ko hinablot ang padamping palad nung lalaki sa pisngi ni Karina.


Sinamaan niya ako ng tingin at mukhang may intensyon pang suntukin ako when he balled his fist. Mapanghamon ko siyang tiningnan bago bumaling sa coffee shop. A staff was filming the scene, at mukhang ikinatakot niya 'yon dahil agad siyang yumuko shielding his face from the crowd. May lumabas na mga tao galing sa coffee shop para sana pigilan siyang makasakay sa sasakyan noong winaksi niya ang pagkakahawak ko sa kanya.


Malaki nga siyang tao, buti na lang hindi ako tumilapon.


Mabilis niyang pinaharurot ang sedan palabas sa street. Nahagip pa ng mata ko 'yung nakatayong babae sa loob ng coffee shop na may kausap sa telepono. She was probably informing the checkpoints around the area about what happened, giving car's plate number.


Agad akong lumapit kay Karina. Sinubukan pa niyang lumayo nang hagurin ko siya sa likod. May takot sa mga mata niya nang idilat niya ito, "Okay na. Nakaalis na siya." Naramdaman ko ang mahigpit na kapit niya sa suot kong tshirt kaya tuluyan ko nang sinuportahan ang katawan niya. Nanginginig pa rin kasi siya.


Lumabas 'yung tinutukoy kong babae, "Are you guys fine? Pasensya na, hindi kayo audible masyado inside." I smiled assuringly. Pinasadahan niya ng tingin si Karina. Hinaplos niya ang buhok nito, trying to pacify the girl's restlessness. Mas matanda sa amin ang babae.


"I'll inform you kapag nahuli na siya. May I have your contact info?" tanong nito sa akin nang wala siyang makuhang sagot mula kay Karina. She introduced herself as Irene, who's currently reviewing for the bar exam. Bigla tuloy akong napahingi ng paumanhin sa nangyari ngayong gabi dahil mukhang naistorbo pa namin siya. Ngumiti lang naman siya bago bumalik sa pag-aaral, "Wala 'yon, Winter. I'm glad to be of help."


"Saan kita p'wedeng ihatid?" malumanay kong tanong kay Karina nang isa-isang magsialisan ang mga tao sa paligid. Inakay ko siya patawid sa Lawson para makapagpahinga muna siya saglit. Nakaabang na si Sir Andy sa may pintuan, at may nakahanda na ring upuan na may sandalan para kay Karina. "Sir Andy, kuha kami ng water," agad naman niya kaming iniwan.


Karina was shivering. Hindi ko alam kung dahil sa nangyari o dahil malamig ngayong gabi. Walang pag-aalinlangan kong hinubad ang blouson jacket na suot ko, at ipinatong ito sa balikat niya. Mabilis naman niya itong hinapit palapit sa kanyang katawan. Kinuha ko 'yung stool sa likod niya, placing it before her bago maupo. Nag-abot ako ng pambayad kay Sir Andy kahit na pilit niya itong tinatanggihan. It was the least we could do sa pang-iistorbo namin sa kanya.


Tinanggal ko na ang takip ng bote bago ito ibigay sa kanya, "Karina, inom ka muna." Nakatulala lang siya the whole time kaya hinagod ko na lang ang likod niya to make her feel at ease.


Bahagya akong nagulat nang maramdaman ko ang kamay niya sa hita ko. She was probably aiming to grip the hem of my shirt pero dahil nga nakatulala siya ay nagkamali siya. I tucked the fallen strands behind her ear before holding her hand, pinisil-pisil ko pa ito to make her feel safe. "I'm here," sinandal ko siya sa balikat ko when she closed her eyes, nodding.


---
 

Nagtagal kami ng 20 minutes sa loob ng Lawson hanggang sa mapagpasyahan kong ayain na si Karina na lumabas. Sa buong oras na ginugol namin do'n, hindi niya pa rin kami inimik. Ang nakukuha lang namin mula sa kanya ay panaka-nakang pagtango at pag-iling. Bago lumabas, bumili muna ako ng kape para sa kanya. Hindi na kasi ako umiinom no'n dahil wala na talaga akong nakukuhang tulog; bakit ko pa nanaising magising?


Mabuti nga't kahit papaano'y kaya na niyang maglakad at natigil na rin ang kanyang panginginig. Paminsan ko siyang sinusulyapan para siguraduhing nasa tamang wisyo na ang kasama ko. Suot na niya ang blouson jacket ko ngayon habang marahang dumadaplis sa katawan niya ang malamig na simoy ng hangin ngayong madaling araw. Nakuntento na ako sa katahimikan niya kaya nagmasid na lang muna ako sa paligid.


Nagsesettle na ang morning dew sa ibabaw ng mga dahon. I reached out for one para damhin ito sa aking mga daliri. Nang matapat kami sa isang street lamp ay muli ko siyang tiningnan; umiinom na ng kape si Karina. Okay, p'wede ko nang tawaging progress 'yon.


Isinuksok ko ang mga kamay ko sa bulsa ng suot kong pantalon habang pasipa-sipa lang sa daan. Medyo mabagal kasing maglakad ang katabi ko ngayon; mukhang nagmumunimuni pa.


Right, left. Right, left. Right--


Agad akong napalingon nang bigla siyang huminto sa paglalakad. "May problema ba?" bahagya kong pagyuko nang makalapit ako sa kanya, sinusubukang silipin ang mukha niya dahil nakatungo si Karina. "I'm sorry," sakto namang pagtingala niya to meet my gaze. Naaktuhan ko pa how she fiddled with her fingers nang pasadahan ko siya ng tingin to check if something's wrong.


"Ah," alangan kong tugon, palming my nape. "Hindi mo kailangang magsorry. Okay na ako sa thank you," ngiti ko sa kanya. Mabilis siyang tumango, "Thank you..." there was a long pause. I tilted my head slightly, hinihintay ang kadugtong na mga salita.


"Oh," nahihiya pa akong tumawa nang mapagtanto ko kung bakit. "Winter," lahad ko sa aking kamay. Tinitigan niya lang 'yon. "Sabi ko nga," snapping my fingers, at babawiin na sana ang kamay ko nang hawakan niya ito.


Hindi niya na nga lang ito binitawan pa kahit na nagsimula na siyang maglakad. At one point, parang hinila niya pa nga ako—a gentle tug lang naman—dahil napako ako sa aking kinatatayuan. Nauuna siyang maglakad habang nakahawak sa aking kamay. Mukhang nakarecover na siya dahil lumilinga-linga na siya. Naghahanap siguro ng basurahan para sa cup na hawak niya.


I returned the tightness of her grasp. Nginitian ko siya when she looked over her shoulder to check on me. Ako na ang naglead ng way papunta sa trash bin nang masabayan ko siya.


We were sitting at the tail gate of my pickup, bakante ang mga kamay. Muli na naman kaming sinakop ng katahimikan. Comforting naman siya lalo na’t masarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin. It felt na para bang pareho kaming nagpapakalunod sa sarili naming mga iniisip. Pero 'yung mind ko ay clouded with the unknowns of her habang siya siguro is thinking about what happened kanina.


Malayo-layo na rin ang nararating ng utak ko nang marinig ko siyang bumuntong hininga. Hindi ko masabi kung frustration or relief ang pinahihiwatig nito. "He has always been the receiving end," tumatango-tango lang ako rito sa tabi niya. Participation kumbaga; para alam niyang nakikinig ako kahit hindi ako direktang nakatingin sa kanya. Ayaw ko namang mailang siya sa akin.


"Is it bad na I'm relieved dahil finally naubos na ako tonight?" nang bumaling ako sa kanya, nakatingin na pala siya sa akin. Her eyes hope for an answer. Is she asking for my opinion dahil stranger ako? Na I wouldn't be biased? Mabigyan ko kaya 'to ng sound answer kung wala akong alam prior to the scene kanina?


I found myself disagreeing, "Alam mo, Karina..." Dahan-dahan. Tinitingnan ko kung interesado ba talaga siya sa opinyong ibibigay ko. When she adjusted herself para hindi hirap ang leeg niya sa paglingon sa akin, noon ko lang itinuloy ang sasabihin ko. She was genuinely seeking for an answer.


But then my phone suddenly buzzed. Si Ate Irene; tatawag daw siya. Nginitian ko si Karina, "Si Ate Irene. She helped us kanina. She'd call about uh, alam mo na," kamot ko sa temple ko. "Gusto mo ba siyang makausap or ako na?"


Binigay ko na sa kanya 'yung phone ko nang ilahad niya ang kamay niya. Nagmouth pa siya ng thank you bago dumistansya. Saglit ko siyang inobserbahan; naglalakad-lakad siya habang kausap si Ate Irene sa telepono. Mukha namang maayos ang takbo ng usapan nila.


Naglihis na ako ng tingin pagkatapos; binusy ko na lang ang sarili ko sa pagtanaw sa mga bukas na tindahan.


Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla siyang magsalita. "Done. Let's continue with what you're about to say kanina, Winter." Nakangiti niyang saad nang maibalik niya sa akin ang phone ko.


"Hindi mo tinanong si Ate Irene? Mukhang mas may sense kung ano mang manggagaling sa kanya."


Nginitian niya lang ako.


"Gano'n naman talaga 'yan diba? When you said yes, you've also risked the potential of making the wrong move. 'Yung nawitness ko kanina?" titig ko sa malayo, avoiding her piercing gaze. "It was redemption."


"It's okay to feel relieved kasi you chose to end it to save yourself."


"Isn't it selfish? Mapag-uusapan pa naman 'yon diba?"


Napangisi ako. Siguro pinabayaan na lang muna niya 'yung ex niya. I hope nagawan ng paraan ni Ate Irene na mabura 'yung captured video kanina para hindi na lumaki pa 'tong away nila kung may balak man silang ayusin 'to.


"Kung babalikan natin 'yung mga sinabi mo sa kanya kanina, okay lang sigurong iassume ko na you've long been selfless 'no?"


Ngiti lang ulit ang nakuha ko.

Binangga ko slightly ang balikat niya, offering a kind smile, “Bumabawi ka lang sa sarili mo.”


"I still have to go back, and get my things," a niya, waving her hand, "but that's for another day na siguro. Baka sa unit rin siya dumiretso. I don't want to see him yet."


Oh?


Binulsa ko na ang phone ko while fishing out the car key sa kabilang pocket ko, "Kasya ba sa sasakyan ko?"


"What?"


"Tingin mo ba 'yung hahakutin mong gamit kasya sa sasakyan ko?"


Mabilis naman siyang umiling, "Masyado na kitang naabala, Winter."


"Saan ka pala uuwi?" pagsasawalang bahala ko sa sinabi niya. Bumuka ang bibig niya na agad niya rin namang tinikom. Tumayo na ako, at agad naman siyang sumunod para maisara ko na ang tailgate. Pinagbuksan ko na rin siya ng pinto, "Winter--"


"Tinitingnan na tayo ni manong guard," napatawa ako nang dungawin niya ito bago mabilis na sumakay.


Habang pinapainit ko ang makina ng sasakyan ay muli ko siyang tinanong, "Gusto mo na bang umuwi?"


"I... I don't pa," parang itatanggi niya pa sana nung una sa ngiting ibinibigay niya sa akin ngayon. "I don't even know kung saan ako uuwi."


Nagsimula na akong magmanuever palabas ng parking lot. Hinihintay ko lang talagang sabihin niya sa akin kung saan niya nais pumunta.


Mga limang minuto na rin akong nagmamaneho nang marinig ko ang pagshift niya sa upuan. Saglit ko siyang sinulyapan, "Hmm?" nakatagilid siya paharap sa akin.


"Hakutin na natin 'yung gamit ko?"


I nodded, gesturing towards the infotainment, "Is it a lot?"


"Not naman." Karina was apologetically smiling at me nang matapos siyang mag-input ng destination. At dahil ramdam ko na ang impending speech niya, "Save it, Karina. Sabihin mo na lang sa 'kin 'yan before we part ways. Ipunin mo muna," ngisi ko sa kanya when I stole a glance at her. She was fiddling with her fingers again.


And off I drove habang sinusubukang kumbinsihin ng Sweet Disposition na magdahan-dahan ang nananabik na pagsikat ng araw.


Nilingon ko pa si Karina nang makarinig ako ng soft taps na sumasabay sa kanta. She was mouthing, 'oh, reckless abandon like no one's watching you,' with her wide-eyed gaze on the road.


"Our rights," panimula ko. She bit her lip, "Our wrongs."


Sabay kaming tumawa bago tuluyang lunukin ang aming hiya.


---
 

Karina's
 

It was a quick trip because most of the city's still asleep. I've learned from Winter as we ascend the building na 'yung coffee shop ay parang midpoint between our residences. Habang nakasakay kami sa elevator, I was saying sorry and asking for forgiveness na ulit. Kinakain na kasi talaga ako ng conscience ko. Dapat sana namamahinga na siya ngayon. At isa pa, halata na sa mga mata niya ang pagod.


Pero she was uncomplaining. Nginingitian niya lang ako habang umiiling whenever I'm saying sorry tapos ililihis na niya ang topic. Eventually ay tumigil na rin naman ako dahil baka 'yun pa ang maging reason ng pagkainis niya sa akin.


On the way to my ex and I's unit, Winter was just trailing behind me. She was looking everywhere with her hands placed behind her back. Mukha siyang student who's enjoying a tour. Whenever our eyes would meet kapag nililingon ko siya to check kung nakasunod pa ba siya, she'd flash me a beaming smile which I would return din naman agad; kahit na I know mine looked timid, hindi naman siya pilit.


"Sabihin mo lang kung gusto mong ako ang magbukas ng pinto ha?" pabiro niyang bulong as I punch in the passcode. I shook my head, laughing as I cranked the lever knob. My ex is nowhere inside. But to make sure, tiningnan ko ang home slippers niya. It was still there.


I gazed back at Winter na nakatayo lang sa may pintuan. She was probably waiting for my instructions. "Anong ginagawa mo d'yan? Come in, Winter," hila ko sa kanya papasok. "What would you like to drink? I'll prepare one for you."


She waved her hand, "Hindi na, Karina. Hintayin na lang kita."


Hindi na ako nagpilit pa. Baka pagod na rin kasi siya, at gusto nang umuwi. Mabilis kong napack ang mga damit ko. Buti na lang talaga, I've only spent a week living here kasi kung hindi baka abutan pa kami dito.


I was actually arguing with Winter sa sasakyan kanina. Nagwoworry kasi ako, ayaw kong makita agad ang ex ko. Kinumbinsi lang ako ni Winter; she was stating reasons na as if alam niya how my ex-boyfriend thinks. Hindi raw agad uuwi 'yon knowing na he has done me wrong. According to her, the guy lacked sincerity kaya hindi siya didiretso sa unit to wait for me.


There was a part of me that wished na sana mali si Winter. Na dala lang ng pagkabigla 'yung pag-iwan niya sa akin. Na he still cares about me kahit na ako 'yung nag-initiate ng break-up. Pero she ended up right. Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko ngayon.

Nang makalabas ako sa room, nakita kong nakatayo si Winter. She was looking at our framed photos. Hindi ko namalayang I released a heavy sigh na pala at the sight of my memories with him.


Winter turned, "Wala kang gustong kunin?" Nakangisi niyang tanong, pointing at the frames. Umiling ako, "He made that kaya it stays with him." There was a hint of disbelief written on her face right after. I wonder kung dahil ba hindi siya makapaniwala na a man did it or 'yung thought that it appears na madali lang sa akin to let things go. I shrugged nang mapagtanto kong she wouldn't ask further questions.


I sat on the couch, browsing through the papers na nakapatong sa coffee table. Umupo si Winter sa tabi ko, leaning back.


Hagip ng paningin ko how she was playing with the metal wire puzzle she had inside her car. Hindi pa rin pala niya nasosolve.


"What do you do? Wala ka bang pasok bukas?" tanong ko, eyes still fixed on the papers. "I write," she nonchalantly answered. Nilingon ko siya, prodding her to continue. "Documentaries. I research and write about people, places, and culture."


Binitawan ko ang mga hawak ko. Shifting on my seat, elbows atop my knees habang nakatingin sa kanya. "I've never met anyone who has that job!" I probably sounded too excited. No one could blame me, it's Winter whom I am having this conversation. However tall people's walls are, parang madali lang niyang mapapasok 'yon.


"Pero if 'yan ang work mo, aren't you supposed to be asleep and resting by now?" the smile on my face was immediately replaced with a frown. Was she working when she saw me?


"Ang taas naman agad ng tingin mo sa 'kin. Tingin mo talaga gano'n na akong writer?"


"Aren't you?" I am certain na may lines na sa forehead ko.


"I am."


I smiled, hitting her arm. Bumalik na ako sa pagsosort ng paperworks, satisfied with her answer. I should really hurry para makapagpahinga na siya.


Until I heard her speak again. "A week leave. They gave me a week leave kasi I haven't been performing well," when I looked at her again, she has solved the metal wire puzzle na. A piece on each hand with a sad smile plastered on her lips.


"Kaya take your time, Karina. Nag-eenjoy naman ako rito. I mean, ano, hindi ako nag-enjoy sa--" I bit my lip to suppress my laugh nang bigla na lang niyang sinabunutan ang sarili niya, at nakayukong tinakpan ang kanyang mukha. "Sorry! Basta, ano, 'wag ka magmadali. Wala naman tayong hinahabol."


I shook my head kahit hindi niya kita, "I need to go to work tomorrow, Winter." Time to time, I'd look back at her, at bigla na lang mapapangiti dahil nag-iiwas siya ng tingin—busying herself with the sovled puzzle.


With the gathered files on my left arm, I patted her head with my right hand nang makatayo ako sa harapan niya. Once na tumingala siya, "Tara?"


Winter settled my things sa backseat ng car dahil hindi naman siya karamihan. Shoes, clothes, gadgets, and paperworks lang naman ang dinala ko. Hindi na ako nag-abala pang mambawi ng gamit from the unit. Kung ano man ang naiwan ko ro'n, bahala na siya sa kung anong gusto niyang gawin.


"Where to?" .


She was looking at me expectantly, a hand on the steering wheel while the other rests on the shift. "Ah," Winter smiled na para bang nabasa niya na ang nasa isip ko.


"Nearest hotel? I'll stay there muna hanggang sa makahanap ako ng lilipatan."


"Sa bahay na lang," bahay nino? "May isang room pa do'n na walang gumagamit. Doon ka muna."


"Bahay?"


"Bahay ko. Doon ka muna magstay."


"Winter, no na. Ang dami ko ng utang from you."


Bigla na lang siyang tumawa, dahilan ng pagkunot ng noo ko. "What?"


"Hindi ako naniniwala sa utang na loob. Kusa 'to, okay? I'm not asking for anything in return. I just want to do this."


"What if hindi ako kind person pala? Na bad pala ako tapos I'll take advantage of th--"


"Konsensya mo na 'yon," saglit niyang lingon sa akin habang nakangiti.


I resigned in my seat. Hindi ko kayang makipagtalo sa kanya. If she's this kind, I wonder tuloy kung may umaabuso sa kabutihan niya.


"I'm not a bad person," lingon ko sa kanya nang malampasan namin ang street where the coffee shop is located.


"Alam ko naman," natatawang sagot niya, relieving the strain on her neck. "Gusto mo ng penoy? Kumakain ka ba no'n?" nakangiting alok niya pero bago pa man ako makasagot, she was already pulling over sa tapat ng street vendor.


I rolled my windows down dahil sa side ko nakatayo si manong. "How many 'yung want mo?" tanong ko kay Winter, fishing a bill from my wallet. "Treat mo?" pinag-ikutan ko siya ng mata.


I faced manong, smiling, "Tumatanggap po ba kayo ng tao?" Then I felt her strike a punch sa braso ko. "Winter, akala ko hindi ka na darating!" She leaned closer, pulling the safety belt with her after sticking her tongue out at me. "Manong, the usual po!" she beamed. Usual? She frequents him? Lagi ba siyang gising at this hour? "Ikaw? Ilan gusto mo?" I was pulled out of my trance, raising two fingers. Winter unlocked her door, at bumaba to chat with the vendor.


Nakikinig lang ako sa usapan nila dahil hindi naman nakatalikod sa akin si Winter, as if engaging me sa kung ano mang pinag-uusapan nila. I leaned sa may window, chin propped in my hand.


Her air of mystery clouds my mind. Within her presence, connections seem as though they aren't achieved through constant effort. Hindi nakakapagod imaintain.


---


Winter's

Hindi ko maikakailang distracted si Karina buong biyahe pauwi. Mukhang nakasama pa yata sa kanya ang panghihikayat kong kunin na namin ang gamit niya mula sa unit nila. Kanina ko pa rin pinapagalitan ang sarili ko habang nagmamaneho; parang sumobra na kasi ako. Tulala lang naman ang katabi ko sa labas kaya hindi ko na muna siya inistorbo. Mukhang ang lalim na kasi ng iniisip niya; ayaw ko nang dagdagan pa.


The least I want to be is a hero to her. Hindi naman 'yun ang intensyon ko kung bakit ko siya gustong tulungan. Ang prinsipyo ko kasi, hangga't kaya kong iextend ang tulong na maibibigay ko ay gagawin ko. Madalas na rin akong napapagalitan dahil d'yan pero okay lang naman, wala pa naman akong naeexperience na naging harmful sa akin 'tong ginagawa ko.


"Winter, what should I feel right now?" napabaling ako sa kanya nang basagin niya ang katahimikan. Sa labas pa rin naman nakatuon ang atensyon niya. Walang ibang pumasok sa isip ko kundi pagod. "Kanina mo pa ba iniisip 'yan?" nakangisi siyang humarap sa akin. Hindi siguro niya inaasahang sasagutin ko ng tanong ang tanong niya.


"Yeah. I don't know. Parang wala pang nap-process 'yung mind ko from what happened."


I signaled for a right turn kaya habang lumiliko ako, 'yung car hazard light beeps lang ang umaaliw kay Karina na halatang naghihintay pa rin sa isasagot ko.


Nginitian ko siya before extending my hand to place it above her eyes. "Maganda kung ia-acknowledge mo muna 'yung pagod," ramdam ng palad ko ang pagbaba ng eyelids niya. "Baka kaya wala kang maprocess masyado kasi pagod na 'yang brain mo," bawi ko sa aking kamay.


I took a brief look; she still had her eyes closed while taking calm breaths.


May 10 minutes pa naman bago kami makarating sa bahay. The clock reads 4:42 AM. Papasok pa nga pala 'to mamaya. Diniinan ko na ang tapak ko sa accelerator, cutting the ride home to 6 minutes.


Nakaidlip si Karina nang lingunin ko siya pagkapark ko sa garahe. Hinayaan ko muna siya ro'n habang binababa ko ang mga gamit niya. Inayos ko na rin 'yung k'wartong gagamitin niya. Saglit kong sinilip 'yung dalawang k'warto, mukhang tulog pa sila. 5:30 pa naman ang usual na mga gising nito kaso by that time dinadalaw na ako ng antok.


"Winter?" napahawak ako sa dibdib ko bago lumingon sa may pintuan. Nagpipigil ng hikab si Karina nang maaninag ko siya. "I turned the engine off na. I hope you don't mind," alangang ngiti niya.


"Okay lang," lapag ko ng spare slippers sa harap niya. "Thank you, Winter."


"Sigurado ka bang papasok ka mamaya?"


"Yeah, I have an important meeting mamayang hapon." Nang matapos siyang magtanggal ng sapatos, sinamahan ko na siya papasok sa k'warto. Family house namin ang bahay na 'to na iniwan na ng parents ko under my care when they retired. Since tapos na raw akong mag-aral at retired na sila, nagdesisyon silang magpagawa na ng retirement house sa province ni mommy.


Binuksan ko ang pinto para kay Karina. In-on ko na ang aircon kanina kaya malamig naman na sa k'warto. "May cr pala dito, Karina," turo ko sa kanang bahagi ng silid.


"Anong oras ka pala papasok mamaya?"


"Around 6," dukot niya sa phone mula sa bulsa ng kanyang pantalon. "I still have an hour to rest," bahagya niyang tawa nang makita niya kung anong oras na. Pagkaupo niya sa kama ay nagpaalam na rin ako agad.


"Saka ano pala, may dalawa pa kasing nakatira dito aside from us. 5:30 sila usually gumigising," napangisi pa ako nang bigla siyang humikab habang tumatango. "Sorry."


"Walang masama sa pagyawn, Karina. Sige na, pahinga ka na."


Pero bago ko pa tuluyang maisara ang pinto, tinawag niya ulit ako. "Winter?"


"Hmm?" dungaw kong muli. "Salamat talaga. I know you won't accept my apology pero I really am sorry. Ang laki ko nang abala sa 'yo. Thank you for being patient with me," she was still clad in my blouson. Napangiti ako nang makita kong pinaglalaruan ng kamay niya ang zipper nito.


Tinanguan ko na lang siya, no longer prolonging our conversation. "Rest easy, Karina," flashing her a soft smile before pulling the door close.


Matapos kong maglinis ng katawan, I made sure to message Ning and Giselle, informing them na may bago kaming makakasama sa bahay.


At 5:23 AM, noon lang ako natigil sa pag-ikot sa kama, finally drifting off to dream land.

​​​​​​​

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winrinagfs
#1
Chapter 2: bat ngayon ko lang ba ‘to na-discover 😣 i saw someone on twitter tweet about it, saying this story feels like a movie (and it really does). ang ganda! i love how well-written this one is ❤️
rinagayed
#2
Chapter 2: prneidhdubsriebjdbfjwndi sorry yung kilig q
mina_sr_my #3
Chapter 2: nabasa ko sa isang comment na para raw itong short indie film haha i agree! will be checking out ur other works for sure :D
mina_sr_my #4
Chapter 2: ang ganda, very poetic. reading this made me Feel. i loved every bit of this! thanks for sharing this story with us ♡
winter6arden
#5
Chapter 2: OHMYGOD THIS IS SO CUTE????!!!! kahit at some point sa huling part medyo nabobo ako hahshsjajjs kiligerzzzz grabe this is a gem!!!
aecewinter
#6
Chapter 2: authooooooor 🥺❤️
Luwijen
#7
Chapter 2: ang sarap sa puso ❤️❤️❤️
jysowee
#8
Chapter 2: hindi ko alam if i have a poor comprehension pero hindi ko masyadong nasundan yung story >< eitherway it gives a madaling araw comfort feels^^
renczq #9
Chapter 2: grabe nakaka amaze po talaga mga works mo huhu grabe ‘yung kilig ko dito. 🥹
yukimin
#10
Chapter 2: OMG GRABE ANG FEELS HUHU GANDA TALAGA NG MGA WORKS MO AUTHOR NEVER DISAPPOINTS ❤️❤️❤️