ILU: Ikalawa

I LOB(O) U~
Please Subscribe to read the full chapter

 

Changed it to third person dahil sa tingin ko parang mas okay siya :)

 

Nakatingin lang ang mag-bestie sa pinto sa harap nila, tila ba para silang mga timang na hinihintay na bumukas ang pinto mag-isa. 

 

"Ano na?" 

 

"Buksan mo na, bes." 

 

Agad namang umiling si Winter sa sinabi ng kaniyang kasama. "Eh, ayoko nga. Ikaw na."

 

Si Yizhuo naman ngayon ang umiling at talagang iwinagayway niya pa ang kamay niya sa harap ni Winter. 

 

"Ayoko rin! Baka mamaya may biglang humatak sa'kin papasok pagkabukas ko niyan."

 

"Eh kung ako kaya ang humatak sa'yo pabalik kayla Tita Sil?" Nagbabantang saad ni Winter. 

 

Nangingilabot namang umiiling-iling si Yizhuo at nagmamakaawang tumingin sa kaibigan. 

 

"U-uy, joke lang! Ito na nga eh. Ako na magbubukas." 

 

Labag sa loob na hinawakan ni Yizhuo ang doorknob habang si Winter naman ay tawang-tawa na sa kaniyang isipan. 

 

Takot kasi si Yizhuo sa nanay niyang si Silangan, ang kasalukuyang tagapamuno ng angkan nila. At isa pa, kapag pina-uwi siya ng kaniyang bestie sa kanila ay baka makaranas siya ng araw-araw na pagbubunganga ng nanay niya. 

 

Ayaw na ayaw niya pa naman 'yon. Para raw kasi siyang binabaril ng armalite na hindi na-uubusan ng bala. 

 

Dahan-dahang binuksan ni Yizhuo ang pinto at si Winter naman ay alerto sa kung anong maaaring mangyari. 

 

Pagkabukas ni Yizhuo ng pinto ay kadiliman ang bumati sa kanila. Kinuha ni Winter ang dalawang maliit na flashlight mula sa kaniyang bulsa at ibinigay sa kaibigan ang isa.

 

Naglakad sila papasok. Parang pasilyo lamang ang kanilang tinatahak na hindi gano'n kakipot kaya naman magkatabi pa silang naglalakad.

 

"Ay, bwakanangshet!" 

 

Napatakip ng bigbig si Winter nang dahil sa gulat dahil kay Yizhuo.

 

Kinurot niya sa tagiliran at sinamaan ng tingin ang kaibigan niyang mala-silver ang kulay ng buhok. "Gaga ka. Manahimik ka!" Pabulong niyang bulyaw. 

 

Ngumiti nang tabingi sa kaniya si Yizhuo at nag-peace sign. "Sorry, bes. Na-carried away lang."

 

Patuloy silang naglakad sa madilim na pasilyo, hanggang sa may marinig silang tinig.

 

Tinig ng paghingi ng saklolo.

 

"T-tulungan niyo ako!"

 

Agad na nagkatinginan ang dalawang magkaibigan bago nagsimulang tumakbo papunta kung saan sa tingin nila nagmula ang tinig. 

 

Dahil sa bilis ng pagtakbo nila ay natanaw nila agad ang nangyayari. 

 

May isang pigura na nakatayo sa harap ng isang babaeng nakatali ang kamay at naka-upo sa sahig na sa tingin nila ay isang estudyante dahil sa uniporme nitong suot. 

 

Nanliit ang mga mata ni Winter sa pigurang nakatayo. Kaparehas nito ang suot ng lalaking nakita nilang pumasok sa pinto kanina. 

 

'Walang dudang siya iyon.' Sa isip ni Winter.

 

Humarap sa kanila ang lalaki nang marinig ang mga yapak nilang magkaibigan. 

 

Ang taong mukha nito kanina ay hindi na pangkaraniwan ngayon. Mukha na itong halimaw. Matutulis ang mga ngipin na tila ba mga pangil ng hayop, matutulis ang tainga, at pula ang mga mata. 

 

Sa madaling salita, isang aswang. 

 

"Hoy, panget!" Bulyaw ni Yizhuo sa aswang. "Lumayo ka sa kaniya!" 

 

Umangil naman ang aswang bago dumako ang mga pula nitong mata sa Babaylan-Mandirigma. 

 

"Arkanghel." Singhal ng aswang sa dalaga.

 

"Luh? Ako 'yong nagsalita pero si bes ang pinansin?" Offended na saad ng dalagang taong hangin.

 

"Kahit kailan talaga walang modo ang mga shonget na aswang." Umiiling-iling pa niyang dagdag. 

 

"Sa nakikita ko ngayo'y wala na sa isip mo ang kasunduan." Walang emosyong saad ni Winter sa aswang. 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
yujjiman
#1
Chapter 1: inchrestinggg
Topkangseul
#2
Chapter 2: Exciting!!😲
miluh__
#3
Chapter 1: uy ph myth kemeru, inchresting 🤩
u_ujiman #4
Ay, exciting HAHAHAHA
minrinaaaa_
#5
Chapter 1: ahhhhh can't wait for the next update, ang gandaaa
AhnWony
#6
Chapter 1: finally! something supernatural🤩 oks naman first chapter so far. can’t wait for the next chap^^
howdoyouknowmee
541 streak #7
Basta upvoted na agad agad!