ILU: Ika-una

I LOB(O) U~
Please Subscribe to read the full chapter

 

"Sa'n tayo ngayon, bes?" 

 

Narinig kong tanong ng matalik kong kaibigan. 

 

Alam na niya agad na may kailangan na namang asikasuhin tungkol sa supernatural and paranormal happenings dito sa lugar namin dahil sa nakasimangot kong mukha. 

 

Inis kong ibinalik ang aking cellphone sa aking bulsa bago siya sinagot. 

 

"Sinabi ni Papa na pumunta raw tayo sa istasyon. Si Kapitan daw ang mag-papaliwanag." 

 

"Bakit ba kasi hindi nalang maging straightforward si Tito Kas? Habit niya talagang pabalik-balikin tayo sa istasyon, ah." Reklamo ng bestie kong mala-silver ang kulay ng buhok. 

 

Bagay naman sa kaniya at ang maganda pa ay natural ang kulay ng buhok niya. 

 

Sabagay, isa naman kasi siyang taong hangin. Kabilang siya sa angkan ng mga Amihan, isa sa mga hanging elemento na nandirito sa lugar namin. 

 

"Hindi ko nga rin alam sa tanda na 'yon eh." Na-iling kong saad. 

 

Natawa naman si Yiyi bago siya nagsimulang maglakad papunta kung nasa'n ang kotse namin. 

 

Yizhuo talaga ang pangalan niya pero Yiyi ang tawag ko sa kaniya dahil hirap akong i-pronouce ang pangalan niya rati tsaka sino ba naman ako para pahirapan ang sarili ko, 'di ba? 

 

"Sumbong kita kay Tito Kas mamaya. Ayaw pa naman no'n na tinatawag siyang tanda."

 

Nagkibit-balikat nalang ako. Sus, bagay naman kay Papa 'yon eh. Tandang Kasimiro. 

 

Pagsakay namin sa kotse ay pinaandar na agad ito ni Yiyi papuntang istasyon. Wala namang naging aberya at hindi rin traffic dahil hindi pa naman rush hour. 

 

"Winter!" Bungad na bati ni Kapitan Chiko.

 

Ngumiti ako sa kaniya pabalik. 

 

"Ako, Kap? Waley man lang bati?" 

 

Natawa naman ang Kapitan kay Yiyi. "Nandiyan ka pala, Yizhuo." 

 

Sumimangot naman ang babaita. "Grabe ka naman, Kap. Hindi naman ako gano'n kaliit para hindi mo makita."

 

Ngumiti ang Kapitan at inabutan ng dried mangoes si Yiyi. "Pasensya na kaya huwag ka nang sumimangot. Oh ayan, ngatain mo." 

 

Ngiting-ngiti namang kinuha ni Yizhuo ang inabot ni Kap. Paborito niya kasi ito, pero minsan talaga mukhang pagkain din 'tong taong hangin na 'to. 

 

"Kapitan, ano po ang kaso ngayon?" Tanong ko. 

 

Napabuntong-hininga naman si Kap. "May nawala na namang estudyante," umupo siya sa kaniyang swivel chair at ipinakita sa akin ang profile ng nawalang estudyante. "Janice F. Marigondon. Nag-aaral siya sa Makiling University. Hindi ba't malapit lang ito kung saan kayo ni Yizhuo nag-aral dati?" 

 

Tumango ako. Malapit nga lang iyon sa pinag-aralan namin ni Yiyi rati. Hindi nga aabot ng limang minuto ang layo nito sa isa't-isa eh. 

 

"Kagabi huling nakita si Janice at pa-uwi siya no'n galing sa paaralan. Ayon sa mga kaibigan niya ay mayroon silang isang night class kagabi. Hinatid pa nila si Janice sa istasyon ng tren pero nalaman nalang nila kinaumagahan sa mga magulang ni Janice na hindi ito naka-uwi," Napabuntong-hininga muli si Kap. 

 

"Kanina ay pumu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
yujjiman
#1
Chapter 1: inchrestinggg
Topkangseul
#2
Chapter 2: Exciting!!😲
miluh__
#3
Chapter 1: uy ph myth kemeru, inchresting 🤩
u_ujiman #4
Ay, exciting HAHAHAHA
minrinaaaa_
#5
Chapter 1: ahhhhh can't wait for the next update, ang gandaaa
AhnWony
#6
Chapter 1: finally! something supernatural🤩 oks naman first chapter so far. can’t wait for the next chap^^
howdoyouknowmee
540 streak #7
Basta upvoted na agad agad!