Chapter 2

Ang Street ng Halston
Please Subscribe to read the full chapter

THIRD PERSON POV

 

"Teka timepers! Hingal na hingal na ako." Awat ni Lisa at naupo muna sa gilid.

 

"HAHAHAHAHAHA pano kasi tawa ka ng tawa dyan! Ayan tuloy HAHAHAHA." Daing ni Yeri dahilan para matawa na naman sila.

 

Sa totoo lang, hindi nawala ang tawanan at mga hagigik nila dahil sa sayaw pero ganito talaga ang bonding. Kahit ultimo seryuso na gaya ni Seulgi ay natatawa na rin dahil sa kanila kaya nagpahinga muna ulit sila for a while which is pang 3rd time na.

 

"Oh heto tubig at pagkain.." Naglapag naman ng tray ang katulong nila Jisoo saka sila nagpasalamat.

 

"OMG siomao!" Lisa exclaimed at didikwat na sana ng pinigilan siya bigla ni Seulgi.

 

"Wala pa tayo sa kalahati kakain ka na niyan?" 

 

Nagpout na lang si Lisa saka kumuha ng tubig at ininom yun. 

 

Habang nagpapahinga ay pinagmasdan na naman muli ni Seulgi ang bahay na nasa tapat nila. May terrace ngunit nangingitim na sa sobrang tagal ng pintura at ang lumang design ay parang pang 90s pa.

 

"Byul tara.." tawag niya at hindi naman nagdalawang isip na lumapit si Byul at tumabi sa kanya.

 

"Itong bahay na nasa tapat natin parang ano no, may something." Panimula niya at napatingin naman si Byul kung saan siya nakatingin.

 

"Ang weird ng kurtina, parang anytime may sisilip na white la—"

 

"Huy huwag kayong ganyan.." Sulpot ni Jisoo dahilan para mahinto si Byul sa sinasabi niya. "Rinig na rinig ko kaya kayo." Dagdag pa nito.

 

"Pero ang creepy nito Soo oh..." Sabay turo ni Byul na agad naman hinampas ni Jisoo.

 

"Kagatin mo yung daliri mo sabay dura." Turo ni Jisoo sa kanya.

 

Wow, sino ba naman ang hindi mamamangha na kahit mayaman ka ay naniniwala ka sa mga pamahiin na sinasabi ng matanda, walang iba kundi si Seulgi lang naman.

 

"Huh?" Tanong ni Byul saka siya pinanlakihan ng mata ni Jisoo. 

 

Naghugas muna ng kamay si Byul saka sinunod ang utos ni Jisoo dahil sa sinabi na masama raw ang magturo sa kung saan-saan.

 

"About sa tinutukoy niyo, what if meron?" Sambit ni Jisoo matapos ni Byul gawin ang dapat gawin. "What if meron talagang white lady dyan?" Dagdag niya pa dahilan para matigilan ang dalawa.

 

Hindi naman nakakatakot manood ng horror movies pero kung ikaw na yung nasa ganoon na scene, hindi malabong kumaripas ka na lang ng takbo bigla.

 

"Meron? Nakakita ka na?" Tanong ni Byul habang kita ang expression ng takot na nakaukit sa mukha niya.

 

Jisoo shrugged it off saka tumayo at pumunta sa gawi nila Wendy habang ang dalawa naman ay natahimik na lang.

 

"Sa totoo lang, para siyang 90s tapos yung scene ni Romeo and Juliet." Sambit ni Seulgi para naman medyo gumaan yung pakiramdam nila.

 

"Dahil sa terrace ganun ba?" Byul asked.

 

"Oo parang ganun na nga plus yung kulay pa." 

 

Sumenyas na si Wendy na bumalik sa position kaya tumayo na sila ngunit sa pagtingin ni Seulgi sa 2nd floor ng bahay ay napansin niyang gumalaw ang kurtina,

 

O hindi kaya namamalikmata lang siya? She thought.

 

Ayaw niyang isipin ang tungkol sa white lady na yan dahil mag-isa lang siya sa kwarto niya at ang malala may cr pa. Dadaan na lang siya sa simbahan mamaya para humingi ng lakas kay Lord na sana ay makatulog siya.

"Uy nagchat si Prof sa gc!" Announced ni Yeri dahilan para magkumpulan sila.

 

"Ano raw sabi?"

 

"Cancel na ba yung P.E?"

 

"Iba na raw ipapagawa?"

 

"Teka kalmahan niyo mga budhi niyo.. " Sambit niya saka tumingin sa phone. "Sabi niya pwede na raw ibahin yung music tapos hangga't maaari ayos ayusin daw. " She added.

 

"Ang funny naman niya, mukha ba tayong nagbibiruan dito? Maggagabi na nga oh." Sabat ni Lisa habang nakapameywang na.

 

"Lah bat ngayon niya lang sinabi?" Byul said sabay kamot sa ulo niya at umupo sa gilid.

 

"Nakakainis! Wala nga siyang ginawa kundi magtanong tungkol sa second chance ng ex niya." Sambit ni Yeri saka hineart yung message ng Prof nila sa gc.

 

"Asus gusto mo rin naman, ayaw mo nga ng klase diba kaya mas gusto mo ng chika ni Prof about sa ex niya." Paglalantad ni Lisa na hindi naman maitatanggi ni Yeri which is true.

 

Mas kapana-panabik kasi kung chismis ang pag-uusapan kaysa sa magklase na ubod naman ng boring. 

 

"Edi walang saysay yung practice natin o itong music na lang ulit gagamitin?" Wendy asked saka tumingin sa kanila.

 

Lahat naman sila hindi alam ang isasagot kaya tinignan nila si Seulgi na ngayon ay nakatitig lang sa bahay.

 

"Seul?" Pagtawag ni Wendy.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
notjoohyunn
Chapter 2 is uploaded! Don't forget to subscribe and upvote! Comment your thoughts din hehehe and don't forget to visit my twitter account @notjoohyunn <3 nasa pinned tweet yung iba kung stories ayon lang salamat <3

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
update :(
eunxiaoxlove #2
Chapter 2: Ohhhh nice start
Xa1jie11 #3
Sge sge.. otornim thanks hehe.