Chapter 1

Ang Street ng Halston
Please Subscribe to read the full chapter

THIRD PERSON POV


*Kringgg! Kringgg! Kringgg!

 

Tunog ng alarm ni Seulgi sa cellphone dahilan para maidilat niya bigla yung mga mata niya. Agad siyang bumangon ng maalala yung rason kung bakit nga ba siya nag-alarm. May pagpupulong kasing magaganap sa kanila mamaya para magpractice ng sayaw dahilan para mapabuntong hininga siya.

 

Dati, gustong gusto niya ang subject na P.E dahil sa kahiligan niyang sumayaw ngunit iba na ang panahon ngayon. Kahit sinong tao sa mundo ay mas nanaisin pang humilata kaysa sa gumalaw galaw hindi ba? Miski kasi pagtayo ay nakakapagod na paano pa kaya kapag nagalaw dahil sa sayaw? Edi dumobleng hingal plus pagod pa pero bilang estudyante, wala siyang choice kundi ang kumilos na para hindi malate mamaya. 

 

Ang usapan kasi ay kung sino ang malate, siya ang gagawa ng steps para sa P.E nila which is basic pero dahil tinatamad siya, hindi malabo na mahuli siya. Ngayong araw na rin pala nila mamemeet yung naging close nila nung unang semestre kaya medyo naexcite siya.

 

Matapos maligo ay agad siyang nagbihis ng komportableng damit kung saan ay mas makakagalaw siya ng maayos saka hinablot ang perfume to spray all over her body. Kinuha niya rin yung tote bag niya kung saan ilalagay ang power bank, bluetooth speaker na siya pa ang inassigned na magdala, water bottle at kung ano ano pang kailangan niya sa tuwing lalabas siya at dahil mainit, hinding hindi niya pwedeng makalimutan ang payong niya. Noon kasi ay nasesermunan siya kaya she noted to herself na huwag ng kakalimutan pa. 

 

Kinuha niya ang phone niya para itext ang taong dadaanan niya. Nakakahiya naman kasi kung yong nakasanayan niya na malate dahil sa Filipino Time niya sa kanilang magtrotropa ay dadalhin niya pa sa bagong makakasama.

 

To Byul: Psst

: omw

Sent.

 

Matapos masend ay agad niyang sinuot ang black na face mask saka nagpaalam sa kapatid na lalabas.

 

"Uy Win lalabas lang ako ah." paalam niya na kaagad naman nakatanggap ng tango galing sa kapatid na ngayon ay busy sa paglalaro ng ML kahit may klase.

 

Minsan niya ng pinagsabihan ang kapatid na seryusuhin ang klase kasi hindi talaga biro yung sinasanay kang umasa kay Pareng Google pero wala eh, nauuwi lang sa away ang dalawa kaya mas pinili niyang huwag ng ipilit pa.

 

After 6 minutes ay narating na niya ang destination at kakatok na sana ng bigla siyang makatanggap ng message.

 

From Byul: Pre umalis na ako ahh, si Papa kasi nagpumilit na sumabay daw ako eh kanina ko pa sinasabi na hinihintay kita :)

 

"Awit talaga ohh..." Bulong niya sa sarili niya saka nagmamadaling pumunta sa sakayan ng jeep.

 

Nakahinga naman siya ng maluwag matapos umupo ngunit hindi niya naisip na kailangan pa palang punuin ang mga pasahero ng jeep.

 

Gawain na yun ng mga driver para raw hindi nalulugi kaya wala siyang choice kung hindi ang maghintay. Kinuha niya ulit ang phone para magchat sa gc ng maging aware naman ang mga kagroupmates niya.

 

TIPIANS 🤘

 Uy pasensiya na ah yung isa kasi dyan nang-iiwan eh.

Byul: DI SADYA PROMISE HAHAHAHAHAHA

Lisa: Ay payag ka nun Seul? Dapat dyan ibalibag later eh.

Jisoo: Hala grabe siya oh HAHAHAHA may wrestling talagang magaganap?

Lisa: Oo teh HAHSHAHAHAHAH ganito lang talaga kami sorry >u<

Jisoo: Hala uy hindi ayos lang ano ka ba!

Byul: De pero wala naman bugbugan hehehe naniniwala ka dyan

Jisoo: Akala ko lang hahahaha

btw, saan ako bababa? Asan na sila Wends?

Yung jeep dito, hindi pa naandar huhuhu

Lisa: Dito sa Hanseol street basta sabihin mo lang sa driver baba ka sa Mercalco then sa pangalawang kanto bago mag-seven eleven doon yun

 Huh?

Byul: HAHAHSHAHSHAHA GOODLUCK SEUL

 :)

 

Maya maya pa ay umandar na ang jeep at nagsimula ng magbayad si Seulgi. Dahil bored siya, sinalpak niya ang AirPods sa tenga at nagsimulang pakinggan ang gagamiting kanya.

 

Ang Shake It Off ni Taylor Swift.

 

Actually madali lang yung mga steps, kailangan niya lang gamitin ang mga exercises at ipagcombine combine yun para maging sayaw. Plus points daw kapag gumawa ng sariling steps pero naaayon parin sa discussion kaya mag-iisip na siya ng mga pwede para naman dagdag points.

Sinunod ni Seulgi ang mga sinabi niya at bumaba sa meralco ngunit wala siyang makitang Hanseol Street matapos ilibot ang mga mata.

 

"Huh? Wala naman Hanseol Street dito.." bulong niya sa sarili sabay kamot.

 

Magchachat na sana siya sa gc ng biglang may tumawag sa kanya.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
notjoohyunn
Chapter 2 is uploaded! Don't forget to subscribe and upvote! Comment your thoughts din hehehe and don't forget to visit my twitter account @notjoohyunn <3 nasa pinned tweet yung iba kung stories ayon lang salamat <3

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
update :(
eunxiaoxlove #2
Chapter 2: Ohhhh nice start
Xa1jie11 #3
Sge sge.. otornim thanks hehe.