Chapter 2

I'm inlove with Yu

Sobrang sakit na ng ulo ko.

 

For the past week, ayan lang ata ang laman ng utak kong tustado na. 

 

Bukod kasi sa naiistress na ako rito sa plates na ginagawa namin, dumagdag intindihin pa yung ganap noong birthday ni Ryujin nung nakaraan na hindi pa rin mawala sa isip ko.

 

Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong maisip na sagot sa sarili kong tanong tungkol sa nangyari that night. Nor even a glimpse of memory from that nga ay wala, eh.

 

Tangina, konti na lang talaga at iisipin kong may bumura ng ala-ala ko.

 

Kasi tipong kahit ata iuntog ko yung ulo ko ng malakas ngayon ay wala namang mangyayari. Yung sayaw sa dance floor lang at lang ang maaalala ko.

 

Legit, walang kasunod.

 

Ang hirap din kasing tanggapin na wala akong maalala ni katiting tungkol doon. Ni hindi nga ako makatulog ng maayos tuwing gabi dahil bigla bigla nalang akong mapapaisip, eh. 

 

I mean, gustuhin ko mang huwag na isipin, nahihirapan pa rin talaga ako. Hindi ko magawang ishrug na lang dahil bothered talaga ako to the maximum level.

 

Alam ko namang it's just a one night stand. Or kung ayon nga ba talaga dapat ang itawag ko roon.

 

And I know that it is something na hindi dapat pinagtutuunan nang pansin dahil malabo naman nang mangyari ulit. 

 

Pero bakit kasi gano'n? 

 

Bakit gustong gusto ng sistema kong malaman kung may nangyari ba sa pagitan naming dalawa o wala?

 

Shuta, masisiraan na ako ng bait!

 

Masyado atang nasobrahan ang pagiging curious ko sa mga bagay bagay na hindi naman dapat iniintindi pa kaya ito! Lugmok si ate mo.

 

Napahilamos na naman ako ng mukha ko sa sobrang pagkairita.

 

One week na ang nakalipas pero yung utak ko stuck parin sa gabing 'yon, jusko! Gusto ko na mag move on!

 

Tapos isama mo pa 'tong sinabi ni ateng pretty girl na nag e-echo sa utak ko tuwing naaalala ko yung pangyayari.

 

"I'll see you soon, Winter."

 

Mas lalo lang akong naaasar kapag naririnig ang magandang boses niya sa likod ng utak ko!

 

Bakit? From SMU rin ba siya?

 

Bakit parang napakasigurado niya namang magkikita ulit kaming dalawa in the future? Or baka nagkita na kami around the campus pero hindi ko maalala ulit?

 

Nakakaloka! 

 

Ang dami kong tanong na at this point ay hindi ko naman sure kung may pag-asa pa bang masagot.

 

Muntik ko pa ngang libutin yung school namin last time para lang maka sigurado kung humihinga ba kami sa iisang eskwelahan o hindi.

 

Malay mo nga naman kasi at nasa paligid ko lang pala talaga siya tapos pinag tatawanan na ako habang nasisiraan ng ulo rito kakahanap.

 

In that way also, may possibility na magtagpo ulit ang landas namin. That leaves me the opportunity to ask kung may nangyari ba sa amin or wala for the sake of my freaking peaceful mentality.

 

Ewan ko ba! Basta super bother ako sa thought to the point nanghihina ako dahil wala man lang akong kaalam-alam or matandaan sa nangyari.

 

Atsaka kung ako lang naman din ang tatanungin dito, alam kong hindi ko magagawa ang ganyang bagay. 

 

Pero knowing kasi na lasing ako that time, parang hindi rin imposible at some point  na makagawa ako ng bagay na kagagawan lang ng alak.

 

Mahabagin, jusko po!

 

Tuluyan na akong napasabunot sa buhok ko dahil sa mga naiisip ko ngayon. Mas nakakastress pa 'to kaysa sa pag intindi ng mga measurement for the plates, eh!

 

Sira na sanity ko, nginang yan.

 

"Uy, Winter? Ayos ka lang ba?" Tanong ng classmate kong si Yujin at hinawi ang medyo magulo kong buhok palikod ng tenga para siguro makita ang itsura ko.

 

Mabilis naman akong umiwas na ikinagulat niya pa ata. Sana ay ‘wag niyang isipin na galit ako or something, ayoko lang talaga makita nila yung lagay ko ngayon.

 

Nasisiraan ng bait.

 

"Ayos ka lang? Pansin ko stress ka masyado nitong mga nakaraan, ah? Pinapahirapan ka ba ng architecture, Win?" Nag-aalala pang dagdag ni Yena.

 

Umiling ako agad at inayos ang sarili ko. Huminga rin muna ako ng malalim bago sila hinarap.

 

Ayoko na silang mag alala pa sa akin dahil lang sa masyado pagka apektado ko sa nangyari last week. Baka kasi sa susunod na araw ay pare-pareho na kaming wala sa katinuan dito kapag nagkataon.

 

At kilala ko sila, I'm sure anytime soon ay makakarating kila Giselle ang nangyayari sa akin ngayon kung hindi pa ako aayos.

 

And out of all the things that I wanted to happen, getting scolded by those idiots is definitely the last thing I want.

 

Daig ko pa kaya ang hinahatulan sa korte kapag pinapagalitan nila ako.

 

I don't say it that much pero inaamin ko, natatakot talaga ako sa kanilang lahat kapag nagagalit sila. Lalo na yung mag pinsang puro katarantaduhan lang ang madalas na alam gawin. 

 

At knowing the fact that I lied noong sinabi kong umuwi ako ng maaga kasi may gagawin pa akong plate kaya ako nawala? Paniguradong tutustahin nila ako ng sobra.

 

"I'm fine, may iniisip lang." Matipid na sagot ko sa kanila bago hinawakan ang mechanical pen para ipagpatuloy ang ginagawa namin na after the next day na ang deadline.

 

Totoo naman kasi, may iniisip lang talaga ako. Which is obviously, still the event last time na hindi ko naman dapat ginagawang big deal ngayon.

 

Pero siguro tama na.

 

Dapat ko na talagang pigilan ang sarili ko kakaisip doon. Hindi ko na dapat istressin pa yung sarili ko sa mga bagay na gano'n.

 

Kailangan ko nang itatak sa utak ko na starting from now on, what happened at the party and at her place (if meron man) must stay that way.

 

One time.

 

Because that's how it should be in the first place.

 

Sure naman ako sa sarili ko na magagawa kong gawin 'yon, 'di ba? ‘Di ba??

 

Plus, I doubt our paths will cross again. Parang hindi naman kasi siya nag aaral dito, sadyang ino-overthink ko lang.

 

Englisherist kasi siya, which makes me think na she's not from our school even a little bit. May pagka-conyoserist kaya students dito bukod sa amin. Except lang ata kay Chaeryeong na nagpapadugo talaga ng ilong in the daily basis.

 

I shrugged the thoughts away na at hinayaan ang katahimikan na kainin kaming tatlo habang gumagawa.

 

Hindi na rin naman sila nag tanong kung ano bang iniisip ko nitong mga nakaraan at bakit naapektuhan ako nang sobra kaya mas naging komportable ako sa sketching.

 

Ayaw ko ring sabihin yung reason ko. Parang ang babaw din kasi at some point dahil one night stand lang naman iyon tapos grabehan kung isipin ko.

 

Thankful din ako kay Yujin dahil inabutan niya ako ng paborito kong ice coffee kanina para umayos naman daw ang timpla ng sistema ko kahit papaano. 

 

Pero parang gusto ko rin bawiin kasi sabi niya baka raw hindi ako tumagal ngayong araw dahil mukha akong lugmok na sabaw. Pasmado talaga bibig nito minsan, nakakainis.

 

Nang makatapos ako gumawa, inilibot ko muna ang mata ko sa lugar.

 

Ang ganda talaga dito sa café na 'to malapit sa campus. Hindi naman na siya bago sa paningin ko pero nakakamangha pa rin talaga kapag dadayo kaming tatlo para gumawa ng plates.

 

Bukod kasi sa karamihan ng nagpupunta dito ay inspritant architect from different campuses, the place looks so cozy as well. 

 

There's always this mellow music in the background na pinapatugtog ng staff para hindi ganoong kadistracting sa mga nag aaral.

 

It actually gives the place a calming ambiance. At sa tingin ko naman ay sakto na ito for those who want to relax and at the same time, to study. 

 

Parang kami ngayon.

 

Ganito yung mga bet na lugar ni Giselle at Chaeryeong, eh. Medyo may tao pero at the same time, tahimik lang.

 

Kapag talaga naging free na ulit ang schedule nila ay mahatak nga sila dito.

 

", tangina!" 

 

Nabalik ako sa wisyo when I heard Yujin cuss. Miski si Yena na tahimik lang na nagce-cellphone sa tabi niya ay nagulat din. 

 

Understandable naman dahil madalang lang mag mura itong si Yujin. Kapag nang t-trash talk nga lang ata mostly lumalabas pagkaesa niya.

 

"Anyare?" Curious na tanong ko habang sinusuri ang aligagang pigura niya. Hindi siya kaagad sumagot at nag tingin tingin muna sa paligid na parang may hinahanap. 

 

Napakunot naman ako ng noo dahil sinubukan niyang itago ang matangkad niyang sarili sa ilalim ng lamesa na parang shunga.

 

Edi sana all matangkad! Natutulog naman ako sa tanghali dati pero hindi ako lumaki. Scam masyado!

 

Mas lalong lumalim ang kunot ng noo ko when she pointed at the counter gamit ang mga nguso niya.

 

Nakahiga na rin halos yung kalahati ng katawan niya sa upuan at mukhang napipikon na si Yena dahil doon. Nasisiksik kasi siya masyado at mukhang isang galaw pa ni Yujin ay mahuhulog na. Hindi na rin ako magugulat kung bigla niyang itutulak si Yujin.

 

"Hoy. tangina mo. Umayos ka nga! Mahuhulog na ako sa upuan ko, Ahn!" Mahinang reklamo niya habang pinapalo palo yung pwetan nitong isa na todo pa rin sa pagtatago. Problema ba nito? 

 

Hindi ko tuloy maiwasan matawa sa kanila. Bardagulan at its finest kasi sila palagi kahit noong freshman pa kami. Wala, nakakatawa lang.

 

"Nandyan si ano, eh! Tago mo nga ako!" Yujin said, giving Yena a pleading eyes.

 

"Ha? Gaga, sino? Sino si ano? Anong gagawin ko sa ano mo kung hindi mo sasabihin sa akin kung sino!? At ang kapal naman ng mukha mo, dito ka pa talaga magtatago e mas malaki ka pa sa lamesa, hunghang ka ba?!" Napatakip na ako sa bibig para magpigil ng tawa dahil sa isinagot ni Yena. 

 

Para silang si Yuna at Hyunjin na parating nagsasagutan sa buhay ko pero 2.0 version, kainis!

 

"Taena mo talaga, Yujin Jace Ahn! Kaya naman pala ang arte arte mo! Umayos ka nga ng upo riyan, nakakahiya ka! Makita ka pa, eh!" Biglang saway ni Yena at kinurot sa tagiliran si Yujin na mabilis ding umupo habang nakanguso. Natatawang umiiling na lang ako sa kanilang dalawa.

 

"Ayoko lang magpakita! Hindi ba pwede 'yon?" Depensa naman nung isa sa sarili niya at pinalo sa balikat si Yena na inismiran din siya pabalik.

 

Nag-asaran na sila pagkatapos habang ako ay nanonood lang at umiiling. Minsan kasi nakaka entertain din yung pag aaway nila lalo na kapag nandoon na sa point na parang on the way na sila sa suntukan anytime.

 

"Yena, ano ba! Manahimik ka nga riyan! Tatawagan ko si Yuri, isa!" Pang t-threaten ni Yujin at dinukot ang phone sa bulsa nang magbalak tumayo ang isa pa naming kaibigan.

 

Si Yuri kasi is yung crush nitong ni Yena since first year kami. Tapos nasaktuhan pa na kapitbahay at kababata lang ni Yujin kaya ginagamit niya rin minsan pang blackmail dito sa isa.

 

"Subukan mo! Tatawagin ko talaga si Minju sa counter, sige! Ako pa hinamon mo, kingina ka!" 

 

Automatic naman akong napatingin sa counter nang marinig ang sinabi ni Yena at nakita ang magandang babae na parang ka-edaran lang din namin na nag se-serve.

 

"Edi go! Id-dial ko na 'to." Hindi ko na pinansin yung dalawa at tumitig na lang sa counter kung saan ang tinutukoy ni Yena. 

 

Wala, bet ko lang suriin si ate girl na cause ng gay panic ni Yujin. Napatango-tango ako sa sarili. 

 

Infairness, maganda siya, ha?

 

At hindi naman sa nilalait ko pero mas maganda pa rin sa paningin ko si ateng pretty girl from the party hehehe. 

 

Loh, sige, Winter. Isipin mo pa, tanga tanga mo amp.

 

"Sino ba 'yon? Crush mo, Yuj?" Nang-aasar na tanong ko sa isa ko pang kaibigan na nakikipagtalo pa rin kay Yena hanggang ngayon, tinataasan siya ng kilay. Ayaw paawat nitong dalawang 'to, oh.

 

Mabilis naman siyang umiling pagkatapos niya tampalin yung kamay ni Yena at sinamaan ako ng tingin na ikinatawa ko nang malakas.

 

Ang defensive ni gaga HAHAHAHA.

 

"Hindi niya talaga crush yan, gagi!" Pagsingit ni bibe ng may nakakalokong ngiti sa labi. Daig ko pa siguro chismosa ngayon sa sobrang pag kaintriga.  

 

"Yena Lorei Choi, manahimik ka! Tatawagan ko talaga si Yuri!" Pero hindi naman nagpatinag yung isa at tumingin lang ulit sa akin.

 

"Ex niya kasi." Medyo nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at napa 'ohh' na lang. 

 

Ahh, so ito pala ang ex na madalas ikuwento ni Yujin sa amin kapag napag uusapan namin ang topic about lovelife.

 

We do talk about it kasi pag free time but never really tried dropping a name as a respect to each other na rin. Rule namin 'yun, eh. 

 

Pero hearing that information right now? Nacurious ako bigla. 

 

Parang gusto ko rin magkaroon ng konting information dito sa ex niya. Chismosa lang ang peg pero wapakels kasi gusto ko mainggit sa lovelife ng iba.

 

Most of the time rin kasi, Yujin talks about her like she was her greatest treasure. 

 

The one she's willing to protect at all cost. 

 

Siguro nga gano'n. 

 

Kasi sabi niya rin dati sa amin, her ex is her first and greatest love at handa raw siyang gawin ang kahit ano para rito. Na kung kailangan niyang talikuran ang ibang bagay na importante sa kanya, then she'll do it voluntarily. 

 

She sounded so whipped that time, one that will earn a few teasing from the others and such. Pero kilala ko 'to, at alam kong gano'n lang talaga nagmahal si Yujin. Hopeless romantic siya, eh.

 

Grabehan, nakakainggit.

 

Edi sana all na lang siguro?

 

"Ano name?" Curious na tanong ko ulit. Napatingin din ako kay Yujin na simpleng tinitingnan yung babae sa counter.

 

Ang obvious ni tanga, halatang 'di pa fully moved on.

 

Actually, I couldn't blame her for staring either. Maganda naman kasi talaga si ate nyo girl at hindi nakakasawang tingnan. Baka nga kung p’wede matulog dito ay ginawa na ni Yujin so that hindi matitigil ang pagtitig niya sa babae.

 

Feeling ko rin ay sikat ang isang 'to sa kung saan man siya nag-aaral. The visual is on another level, hindi na nakakapagtaka at hindi rin naman maikakaila. Everyone will turn their head in her way, that's for sure.

 

"Minju." I heard her whisper. Nakangisi na rin si Yena ngayon habang sinisiko siko sa tagiliran itong si Yujin na titig na titig pa rin.

 

Plano niya pa ata lusawin.

 

"Minju Shyle Kim."

 

 

"Sa wakas!" Sigaw ko at ibinagsak na ang sarili sa kama. Niyakap ko rin ng mabilis ang mga unan na nasa gilid ko lang dahil feel ko ay isang taon ko silang hindi nakita at nayakap.

 

Ang OA pakinggan pero kasi, namiss ko ang kama ko.

 

Tatlong araw din kaya akong hindi natutulog dito. Madalas kasi ay naaabutan na ako ng antok sa sala kapag gumagawa. Ang hassle naman kung lilipat pa ako. Para nga akong uuwi lang dito para magpalit ng damit.

 

At kung alam ko lang talaga na ganito ang mangyayari after nung study a.k.a the hangout namin nila Yena doon sa café, edi sana sinulit ko na yung tulog ko that day.

 

After that kasi ay sunod sunod na ang lapag ng mga gawain ng mga teacher na akala mo sila lang ang subject na dapat pagtuunan ng pansin.

 

Idagdag mo pa yung mga deadline nila na most of the time ay kinabukasan agad.

 

Nakakapagdabog, legit!

 

Ngayong araw lang tuloy ulit ako makakapag pahinga ng maayos. Like pahinga pahinga kasi tapos na yung requirements na kailangan ipasa. 

 

Buti na lang din at may awa pa yung professor namin kanina at nagdismiss ng maaga ngayong araw. Dahil malakas ang kutob ko na mapapa-breakdance na ako ng tuluyan doon para mag makaawa.

 

Mga tulo uhog + Luwi

 

Hyunjin Athino: Yuna! Pakopya ako ng peta mo!

Ryujin Elijah: Oy! Oy! Oy! Bawal yan! Makikinig ka kasi, Hyunjin!

Hyunjin Athino: ELI BASHER BASHER BASHER!

Yuna Zoel: Bahala ka sa buhay mo, Hyunjin! Ang tamad tamad mong 6mal ka! 

Chaeryeong Luigi: Surprising but right behaviour, Yuna. Don't let him copy your peta. Kapag kinulit ka, sampalin mo sa mukha.

Hyunjin Athino: LUWI!?

Yuna Zoel: Gagi, deserve! HAHAHAHA!

Giselle Alison: First time ipagdamot ni Yuna yung sagot niya, ah? Hindi ka siguro naliligo.

Winter Cian: Ikaw pala yung naaamoy ko, Yuna!

Yuna Zoel: GAGO KA ALI ANONG KONEK!?

Yuna Zoel: Ikaw Winter shutangina mo! Minsan ka na nga lang magparamdam dito ang pangit pangit pa ng tabas ng dila mo!

Winter Cian: Poppin' veins, bruh. Stay mad. (✯ᴗ✯)

Ryujin Elijah: Ayan ba nagagawa ng walang tulog? ಥ‿ಥ

 

Hindi ko maiwasan matawa sa palitan namin sa GC kahit yung mata ko ay napipikit na. Nagkukulitan na kasi ulit yung dalawa na magkaibigan naman daw sila kaya dapat sharing is caring kuno.

 

Gini-guilt trip na nga ni Hyunjin 'tong si Yuna na kapag daw siya ang nanghihingi ng sagot ay binibigay naman niya agad samantalang kapag siya na ang nanghihingi, ayaw.

 

May pagka-maarte din kasi 'tong si Hyunjin, eh. Akala mo naman hindi inuutusan si Yuna ng kung ano ano at inaasar bago niya bigyan ng sagot.

 

Hinayaan ko muna sila magkagulo sa GC at nagpunta na lang sa kusina para uminom ng tubig. Matutulog muna ako kasi hindi na talaga kaya ng mga mata ko ang dumilat. Maaga pa naman kasi at mahaba pa ang time so magpapahinga muna ang pagod na soon to be architect. 

 

Kasalukuyan akong napahinto sa pag inom at napatitig na lang sa may bandang sahig sa tabi ng sala. Ganun na ba ako ka busy to the point na hindi ko napapansin ang isang 'to rito? 

 

Inubos ko na agad yung tubig at dahan-dahang naglakad sa upuan, taking the familiar paper bag in my hand. Yung diwa ko rin ay biglang nagising.

 

Sinilip ko ang loob nito at tama nga ako. The clothes that I used at the party are still inside and neatly folded. Halatang hindi ginagalaw. 

 

Pasensya sa akin, busy ang tao.

 

Nasilip ko naman na 'to last week kaso tinamad ako ayusin so hinayaan ko muna. Marami rin kaming ginagawa kaya hindi ko pa rin maasikaso kahit sipagin man ako or something. 

 

Medyo matagal din akong nakatitig sa damit at bigla na lang napangiwi nang may maalala.

 

Hindi pa nga pala ako nakapag-thank you kay ate pretty girl sa party. I've taken note of this matter to myself last time already na but since medyo naging busy nga (ulit ulit ha), nawala na naman sa isip ko.

 

Susko, na-stress na ako't lahat sa event that night pero ni isang thank you ay hindi ko man lang nasabi sa kanya, kahiya. May konsensya pa rin naman ako kahit she stressed me big time.

 

Mamaya naging alagain pala ako at gumawa ng mga kahiya hiyang bagay tapos (that specific thing still lingers inside my head pero huwag na natin isama) wala man lang akong thank you.

 

Kahit naman hindi kami totally magkakilala ni ate pretty ay ayaw kong magkaroon siya ng bad impression sa akin. Strangers na nga tapos magiging ganon pa.

 

Napabuntong hininga na lang ako sa sarili ko. 

 

Idagdag mo pa na wala naman akong contact niya na pwedeng magamit or matawagan so I can make it up-

 

Naputol ang pag-iisip ko sa kung paano ako makaka-reach out kay ate pretty nang may nahulog na papel in between my turtleneck and pants.

 

It's a number scribbled on a paper.

 

Pinulot ko ito kaagad at bumalik na sa kwarto ko, immediately reaching out for my phone at the side table to typed whatever it is on the paper.

 

To: Ate pretty girl

 

 

"Tanginang 'yan." Bulong ko sa sarili at mariing napapikit sa pagkainis ng matagal kong titigan ang screen ng phone.

 

Parang kanina lang ready na akong mag thank you sa kanya, ah? So bakit ngayon ay hindi ko na alam ang sasabihin ko?

 

Ang confident ko pa na dapat mag pasalamat pa rin ako kahit isang linggo na ang nakalipas, pero bakit nakatitig na lang ako sa phone ko ngayon?

 

"Easy to be said than done. Great." Napatakip na ako ng mukha at hinayaan na lang ulit bumagsak ang katawan ko sa kama. Yung phone ay nasa may bandang tyan ko.

 

Ano ba kasi ang sasabihin ko? 

 

Do I even have something to say in the first place? Like, if ever I send her my gratitude and she decides to continue the conversation, what will I respond?

 

But then napaisip ako.

 

What if hindi niya naman pala ako gustong makausap dahil sa nangyari sa amin? Let alone the fact na I didn't take responsibility for it?

 

What if-

 

"Winter! Napaka overthinker mo!"

 

Napabalikwas ako sa kama ko at mabilis na naupo ng marinig ang galit na boses ni Kuya Kibum. Saglit pa akong napatitig sa pader bago marealize na wala siya rito. I shook my head.

 

Kuya and his annoying angry voice that will appear at the back of my head whenever I'm thinking too much.

 

Naalala ko tuloy bigla yung time na nadapa at nagkasugat ako sa tuhod nung bata pa kaming tatlo. Highschool pa lang ata sila, if I remember.

 

I don't have a clearer view pero ayon ata ang sinigaw ni Kuya sa akin habang nag aapply siya ng betadine sa sugat kasi panay ako sabi na mamahalin ko pa rin sila kahit wala na ako.

 

Nabatukan pa nga ako ng malakas ni Ate kasi sugat lang naman daw iyon na hindi ko naman ikakamatay pero kung magsalita ako akala mo lilisanin ko na ang mundo.

 

Napatawa ako ng mahina sa memoryang 'yon.

 

Ang gago ko na pala dati pa lang? HAHAHAHAHA.

 

Huminga ulit ako ng malalim bago kinuha ang phone ko na medyo nag slide sa may bandang hita at nag umpisa na ulit mag-type. Napatitig ako sa name na nilagay ko.

 

Ate pretty girl

 

I sighed.

 

Pati pangalan niya nakalimutan ko pa talaga. Hays, bahala na nga! Gagawin ko na lang yung lagi kong ginagawa kapag bumabawi ako sa tropa. 

 

To: Ate pretty girl

Hello! This is Winter Kim. The girl from the party :)

Uhm, I know it's really late to say this to you pero sasabihin ko pa rin kasi nga it's better to be late than never.

Ano, gusto ko lang sana mag thank you sa pag aalaga mo sa akin (kung naging alagain man ako, syempre) kahit hindi mo ako kilala. And sorry rin kung may ginawa man ako sa 'yo, gano'n. 

So If you will let me, let's eat somewhere around the city so I can make it up to you. Para na rin makapag thank you ako personally.

 

Saglit ko munang binasa ang text ko bago isend. Ang haba pala.

 

Hindi naman siguro ako creepy sa biglaang pag aaya ng kain sa labas, 'di ba? I mean, gusto ko lang kasi talaga mag thank you in person. Parang ang rude kaya kapag through text lang. 

 

Kahit naman a part of me is still annoyed by the fact that she's the reason why I'm stressed for almost a week. Hindi pa rin naman maitatanggi na she takes care of me when I'm not in my usual sanity. And I'm thankful for that alone.

 

Mag tatype na ulit sana ako para ihabol na that is kung okay lang sa kanya yung idea pero hindi ko na natuloy dahil may nag pop bigla na message.

 

From: Ate pretty girl

Took you long enough, Winter :)

 

Bahagya akong napakunot sa reply niya pero hindi rin nagtagal dahil sa hindi malamang dahilan, bigla akong napalunok nang makita na typing ulit siya.

 

From: Ate pretty girl

But sure! I'm up for it. Hit me up kapag free ka na ;)



 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
showlls
We're nearly 200 subs! Salamats salamats!! Send tots kayo?

twt and cc: ranselo_

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Welcome back otornim 😣😤😍💙❄🙌
Darnanays
#2
kamusta kaya to?
winjeongkim21 #3
Chapter 3: hi po author hehe
jmj1117 #4
Chapter 1: Prologue pa lang amoy angst na
yulliseek #5
Chapter 3: Ay ang cutie huhu gusto ko ‘yung nagpapanic si Winter pero I think wala namang nangyari sa kanila, sadyang tease lang itong si Karina. HAHAHAHA Anyway, i love the progress, author. Ganduh po ng pace since nagkaroon kami ng sneak peek of the future (mukhang masakit nga lang, pero sila sana ang end game hngk) and magkakaroon kami ng idea kung paano sila nag-start as strangers.. Willing to wait, author! Looking forward po sa story. :)))
Haha-hakdog #6
Chapter 3: uY ANG CUTE TLGA i love the strangers with a past Prologue tsaka ung pagkkwento nubg development paano napunta don, un kang otor willing to wait po >_<
TYTFshipper
271 streak #7
Chapter 3: Ay salamat otor sa jinjoo scene dito ha huhu ittreasure ko din to as if my greatest treasure charrr shempre i'm really up for winrina x jinjoo dito sobrang tamang choice yon 👉👈 hehe anyways really curious na talaga for karina's pov hmmm see you next chap for sure otor!! 🥰

Ps. Best bro yenjin yeah 😎 hahahaha
_Jisoo_ #8
Chapter 3: Bat may pa wink mareng karina?? Cute niyo
u_ujiman #9
Chapter 3: Let's enjoy it while it last siguro HAHAHA nagsisimula na, ang cute lang ni Cian, inaabangan ko talaga 'to.
rinalovesyouu #10
Chapter 2: Ohhh… see you in the next chapter po!