Chapter 1

I'm inlove with Yu

SM University; 2015

 

"Oh? Ano naman problema ng isang 'yan?" Kaagad na tanong ko kay Giselle nang makarating sa tambayan namin. Nakabusangot kasi si RJ sa tabi niya na parang pinagsakluban ng langit at lupa tapos mukha pa siyang nagtatampo na ewan.

 

Hindi ko naman sinasabing ang panget niya magtampo pero parang gano'n na nga.

 

"Malay ko sa isang 'yan." Sabi niya. "Hindi naman nagsasalita simula nang dumating dito." Nakita ko pa ang pag irap nito kaya naman mahina akong natawa.

 

Hay nako ka, Ryujin.

 

Naupo na ako sa harap ni Giselle pagkatapos at nag-cellphone na lang. Hindi ko na rin inusisa pa ang problema nung isa dahil paniguradong hindi rin naman siya magsasalita. 

 

Gan'yan naman siya kapag ayaw niya pa talaga kumausap. Magmumukha lang akong tanga rito sa pagtatanong d'yan tapos sisimangutan lang ako. 

 

"Aren't you supposed to do your plates, Cian?" Nag-angat ako ng tingin sa boses na iyon. Si master Chaeryeong englisherist pala nandito na, hehe.

 

"Mamaya na lang siguro. Katamad pa, eh." Nagkibit-balikat ako. Nakita ko pa ang bahagya niyang pag iling sa akin bago umupo sa tabi ng nakabusangot pa rin na si Ryujin.

 

Nandito kasi kami ngayon sa likod ng I.T building at hinihintay ang dalawa pa naming kaibigan na si Hyunjin at Yuna. 

 

Naging tambayan na nga namin ang lugar na 'to sa sobrang tahimik. So whenever we need to review for our individual quizzes or exams, dito ang diretso namin. Mahangin din dito kaya ang presko, nakakamotivate.

 

Not only that. Dito rin namin unang nakilala ni Giselle 'tong mga kumag na 'to kaya parang naging special place na talaga para sa amin.

 

We made a lot of memories here together in a span of three years na sigurado naman ako na hinding hindi ko makakalimutan. Kagaya na lang ni Ali at Hyunjin na laging nag babardagulan dito noong freshman year namin. 

 

Hindi kasi palasalita 'tong best friend ko ever since nagkakilala kami. I don't know rin if it's because she's an only child lang at hindi sanay sa tao or sadyang ayaw niya lang makisocialize.

 

Tapos ewan ba namin, mukhang naasar si Hyunjin sa pagiging tahimik niya so from then, lagi niya na ring inaasar. In his words nga, easy way raw para mapagsalita si Giselle. 

 

Yung isa rin naman ay hindi nag papatalo, mang-aasar din pabalik si Giselle ng Thino-toyo since Hyunjin's full name ay Hyunjin Athino Hwang.

 

Minsan nga ay wala namang kwenta yung mga pinag-aawayan nila kaya nagagalit at nababatukan silang dalawa ni Chaeryeong. Ang ingay ingay raw kasi, hindi siya makapag focus sa pag aaral.

 

"Mag cocomplain na talaga ako kay Mr. Ramos, sinasabi ko sa 'yo! Grabe overtime niya! Nanggigigil ak- TANGINA MO NAMAN LUIGI!" 

 

Sabay sabay kaming napahagalpak ng tawa nila Rj at Giselle dahil bigla na lang binato ni Chaeryeong yung pencil case niya sa direksyon nung dalawang naglalakad na papalapit sa amin.

 

Tinamaan din kasi sa braso si Yuna kaya nagrereklamo malala. Halata namang galit na naman siya sa teacher nilang mahilig mag overtime.

 

"You're way too noisy, Shin!" Reklamo ni Luwi.

 

"Oh, ang puso, ikalma." Biro pa ni Rj habang hinihimas ang likod nung isa. Looks like the encounter a while ago lift her mood kaya nakikisabay na.

 

Ang ingay nga naman kasi nitong pinsan niya, yung lakas ata ng boses niya ay p'wede na umabot sa pinakadulong faculty ng building dito, eh.

 

"Palit tayo ng course, sige! Tapos teacher mo si Mr. Ramos, tingnan ko lang kung hindi ka mabanas sa paulit ulit na pag o-overtime!" Ganti pa niya at masamang tiningnan si Chaeryeong. Si Hyunjin naman ay todo magpigil ng tawa at pinulot yung pencil case sa hindi kalayuan. Kapag talaga ito nautot, jusko naman!

 

"Oh! Oh! Walang aawat! Suntukan na 'yan." Pagchi-cheer ni Giselle. Loko loko, ampotek! Nahahawa na ng kabulastugan ni Hyunjin si tanga.

 

"Luwi, kung matapang ka nga hawakan mo sa tenga si Zoel!" Gatong pa nitong si Ryujin sa tabi at may nakakalokong ngiti. Akala mo talaga hindi niya pinsan, eh.

 

"Sige! Ako na tiga-video mga paps!!" Panggagaya ko rin at kunwaring hinahanda na ang phone para kuhanan sila.

 

The five of us burst into laughter when Yuna raised her arms in the air na parang nag boboxing. May pasuntok pa si tanga sa hangin na mas lalo lang namin ikinatawa.

 

Hindi naman nagtagal ay napag desisyunan na namin magsi-uwi pagkatapos tumambay ng hanggang alas singko. 

 

Gusto pa nga sana namin gumala sa may BGC kaso ang dami namang pinapagawa sa kanya kanya naming department kaya at the end, wala kaming choice kundi ang umuwi at asikasuhin ang mga iyon.

 

At syempre, hindi matatapos ang araw na 'to kung hindi namin maririnig ang pagrereklamo ni Yuna na bibigwasan na raw niya ang SMU pag siya napuno sa kanila HAHAHAHAHAHAHAHA. Iconic line niya na 'yan.

 

Pero sa totoo lang, baka ako rin makasapak na.

 

--

 

"Thank you po, Kuya Gelo." Sabi ko sa driver namin at nag bow. 

 

Naabutan ko kasi siya ro'n sa condo kanina. Nagulat pa nga ako dahil as soon as I leave my car, nandoon din ang sasakyan at hinihintay ako. 

 

Pinapatawag daw ako ng mga magulang ko dahil may sasabihin sila sa akin. 

 

Well, at least that was what Kuya Gelo told me earlier. 

 

"Walang anuman po, ma'am." He said and bowed to me first before walking away,  probably going to his designated position in the area. I just stare at his figure disappearing into nowhere, making me scoff in amusement. 

 

Ipinasok ko ang mga kamay ko sa bulsa ng suot kong pantalon bago naglakad papasok. And as expected, the quietness was the first one to greet me upon opening Kim's territory's wooden door. 

 

"Ano pa nga ba?" Bulong ko sa sarili ko.

 

Nakakatawa lang na they asked for my presence yet weren't able to ask someone to accompany me to the location where they want to talk to me. 

 

Well, expected naman na at some point dahil hindi naman ito ang unang beses. Baka nga kailangan munang bumilis ang pagong bago mangyari ang bagay na 'yon.

 

I quietly make my way to the dining hall. Ayon kasi ang sabi sa akin ni Manang Lourdes kung nasaan at the moment ang mga Kim, obviously waiting for my arrival. 

 

The goofy mood that I had earlier disappeared into thin and suffocating air. Ewan ko ba, iritableng-iritable talaga ako kapag uuwi sa lugar na 'to. Umalis na nga ako't lahat para walang bad vibes, eh.

 

I'm sure rin na meeting na naman ang isang 'to. Tutal ayon lang din naman palagi ang madalas na rason ko sa babalik dito.

 

"Cian Kim." I stopped in my tracks upon hearing a woman's voice. 

 

That familiar loving voice. 

 

Hindi ko napansin ang biglang pag higpit ng kamay kong ngayon ay nasa doorknob na ng dining room. Para tuloy ang sikip sikip ng lugar kung nasaan ako.

 

"Please, look at me." 

 

But I didn't.

 

I didn't bother turning my head to spare her a glance. The feminine yet strict figure of hers leaning against the wall a while ago is enough for me to recognise.

 

"You're waiting for my appearance, aren't you?" Diretsong tanong ko nang tuluyan na itong lumapit sa pwesto ko, keeping a few distance away.

 

Bahagya kaming natahimik pareho. I can sense that she's hesitant to say it. Wala naman siyang dapat ikabahala dahil alam ko na kung ano bang rason at pinapunta ako rito.

 

"I am." Her answer came out almost a whisper as she looked away. 

 

"Uuwi na 'ko." Malamig na sabi ko at maglalakad na sana palayo ngunit bigla nitong hinawakan ang palapulsuhan ko. 

 

"Win, please-"

 

"Don't." Pagpuputol ko sa kanya, "Alam ko na ang sasabihin mo." Umikot ako para matingnan siya ng diretson sa mata. Marahan ko ring inalis ang kamay niya na nakahawak pa rin sa akin at nagsalita, "Ayon pa rin naman ang isasagot ko."

 

"Winter.."

 

"Hindi na ako uuwi rito, Ate." I said sternly at hindi na siya hinintay pang makasagot at naglakad na lang palabas at palayo sa nakakasakal na lugar na 'yon.

 

I didn't call for Kuya Gelo na at nagbook na lang ng grab pabalik dahil medyo malayo ang condo ko, gabi na rin at kailangan niya magpahinga. Kaya ko na rin naman kaya uuwi na lang akong mag-isa.

 

Nang makasakay, nakisuyo ako kay manong na dumaan muna sa jollibee dahil bibili na rin ako ng hapunan ko at para isang labasan na lang.

 

Nung una nga ay ayaw pang tanggapin ni manong driver yung binili kong pagkain para sa kanya kasi raw nakakahiya sa akin. Pero buti na lang talaga at lumaki akong matigas ang ulo kaya in the end, napilit ko rin si manong na kuhanin na. 

 

Shin cousins could never! 

 

Mga timawa 'yon sa jollibee, eh! Lalo na sa mga happy meal na may laruan. Nakolekta na nga ata nila lahat yung jollibots. At sa pagkakatanda ko pa ay hindi talaga nila tinigilan hanggat hindi nila nakukuha lahat.

 

"Ay, pusang gala ka!" Sigaw ko at mabilis na napahawak sa dibdib nang may makitang nakaupo sa sala. 

 

Tangina, muntik na mahulog yung hapunan ko dahil doon!!

 

"Masyado akong malaki para sa pusa," Sagot niya nang hindi ako tinitingnan. Tingnan mo, ang pilosopo pa ng hinayupak! Tadyakan ko 'to palabas ng unit, e!

 

"Perhaps try sitting somewhere else, 'no? Ali?" Reklamo ko at binuksan na ang mga ilaw. 

 

Syempre umirap muna ako sa kanya bago dumiretso sa lamesa para ihanda yung friend chicken ng all time favorite kong jollibee.

 

Parang tanga naman kasi nitong si Giselle, nag cellphone ba naman dito sa madilim kong lungga, nagmukha tuloy siyang white lady! 

 

She could have open the light, for 's sake! Siya lang ata magiging dahilan ng kamatayan ko at this point.

 

"Gusto ko rito, ba't desisyon ka?" Pang aasar niya pa. She was looking at me with a smug grin plastered on her lips this time. Sungalngalin ko siya, makita niya.

 

I just shook my head at inaya na lang din siya kumain dahil alam kong hindi na naman kami matatapos sa pag aasaran kung gagantihan ko pa. Ang daldal pa naman nitong si Giselle kapag kaming dalawa lang.

 

I also take note to change my unit's passcode later para hindi na siya makakapasok dito basta basta. 

 

Hindi naman sa ayaw ko siyang papasukin dito. Well, it's just that wala kasi akong planong mamatay ng maaga. Oo, naiirita rin ako sa buhay ko minsan, pero never ko naman naisip na mategibombs ng napaka aga. 

 

Atsaka, nakakasawa na rin kaya makita ang mukha niya everyday? No offense, Giselle.

 

Nang matapos kami ay umuwi na rin siya kaagad. Magbabasa pa raw kasi siya ng mga anakin niyang libro, sadyang idinaan niya lang daw yung plates ko na hindi niya sinasadyang iuwi. 

 

Nagreklamo pa nga na napaka tagal ko raw. Sorry, ha? Hindi ko naman kasi alam.

 

Tinatawagan niya pa nga raw ako kanina pero hindi ako macontact kaya pumunta na lang siya dito sa taas. Sabi ko naman dapat iniwan niya na lang sa may lobby kaso baka daw makalimutan ibigay sa akin. Alam niya raw kasi na need ko 'to. 

 

Buti na nga lang din at hindi na nagtanong kung saan ba ako nanggaling. Wala pa naman akong balak pag-usapan ang nangyari kanina kung nagkataon.

 

Though hindi naman tanga ang isang 'yon. For sure ay kahit papaano, alam niya na may nangyari. Hindi naman ako umaalis ng unit ko sa ganitong oras. Unless na lang talaga kung importante yung lakad. 

 

Dumiretso ko kaagad sa banyo para magshower at makapag skincare routine na rin. Nakakapagod ang araw today, grabe. 

 

Humilata ako sa kama pagkatapos ko. Matagal pa naman ang deadline nung plates na dapat gagawin ko ngayong gabi so baka bukas ko na lang tapusin. Gusto ko na lang kasi talaga matulog.

 

Pumikit na ako at bumuntong hininga.

 

"Hay, buhay.."

 

--

 

"Hoy mamaya, ah! Pumunta kayo! Oo, Win, ikaw talaga pinaparinggan ko rito." Pagmamaktol ni Rj habang nakatingin ng masama sa akin kaya napairap ako.

 

"Desisyonada ang tanga" Sabi ko.

 

Birthday niya kasi ngayon at nag aaya siya sa kanila mamayang gabi. Hindi naman daw big party ang magaganap, but there will be visitors na malapit sa kaniya. Paniguradong taga SMU lang din ang mga 'yon. 

 

"Oo nga, Winter! Para kumpleto tayo." Dagdag pa ni Yuna na nagliligpit na ng gamit sa harap ko. Tapos na agad mag take down ng notes, ah? Parang kakaumpisa niya lang kaya magsulat.

 

"Kung makapagsalita naman kayo parang hindi ako sumasama?" 

 

"Hindi naman talaga." Napairap ulit ako nang sabay sabay silang sumagot. Heh! Nakakatamad kaya minsan!

 

I mean, hindi naman sa bawal akong sumama or something. Pero you know, minsan kasi nakakatamad din gumala nang gumala. Lalo na at wala namang bago sa pinupuntahan namin.

 

Also, I want to focus on my studies din muna para walang nasasabi sa akin yung mga tao sa bahay na 'yon. Kesyo ganito gan'yan. Baka makasungalngal na ako kapag nagkataon.

 

"Oo na, oo na, sasama na 'ko." Sabi ko na lang para matapos na. 

 

Hindi naman kasi nila ako tatantanan hanggat hindi sila nakakakuha ng maayos na sagot sa 'kin. Although maayos naman talaga ang mga sagot ko everytime.

 

Umuwi na ang lahat pagkatapos para makapag ayos na rin daw sila para mamayang gabi. Nagsasabihan na nga sila sa GC kung sino ang susunduin at sino sino ang solo lang na pupunta.

 

Atat na atat ang mga hinayupak na 'yon samantalang ako, ito, nakahiga sa kama at nakatitig lang sa kisame.

 

Shuta, hindi ko kasi alam ang isusuot ko!

 

Mga trenta minutos na nga ata akong nag hahalughog sa loob ng closet ko pero wala pa rin akong mapili na gusto ko. 

 

I don't know if I already lost my sense in fashion or sadyang ayaw ko lang talaga pumunta kaya hindi ako makapili ng maayos. Gano'n ako minsan, eh.

 

Napahilamos na lang ako ng mukha bago tumayo at tinitigan ang dalawang pares ng damit sa kama na hanggang ngayon at pinagpipilian ko pa rin. Dagdag 30 minutes na naman 'to!

 

The first pair that I've chosen is a black sweater turtleneck and skinny jeans that I planned to pair with a white fila shoes. Yung pangalawa naman ay plain white crop top then a high waist slant pocket black jeans na paparisan ko naman ng run star hike shoes.

 

Dapat ba tinanong ko si Ryujin kung ano theme ng party niya? Tae, pang bata na lang yung theme theme na 'yon, eh. H’wag na lang kaya ako pumunta?

 

Kagat kagat ko ang ibaba ng labi ko when I remember na may mapagtatanungan nga pala ako. Without wasting more seconds, mabilis pa kay flash kong kinuha ang phone sa may side table at nag dial. I'm sure matutulungan ako nito. 

 

Napangiti ako nang sa ikatlong ring ay may sumagot na agad sa kabilang linya. 

 

"Luigi." Tawag ko.

 

"Sup? You sounded so serious. What's the problem, Kim?" Napairap na lang ako sa itinawag ni Chaeryeong sakin kahit hindi niya kita. 

 

Too formal, ayaw ko.

 

I set it aside na lang muna at sinabi sa kanya yung concern ko sa choices ng pagpili ng damit na isusuot.

 

Fashionista kasi 'tong si Chaeryeong kaya halos lahat kami sa tropa ay siya lagi ang tinatakbuhan kapag opinion na sa sinusuot na damit ang usapan. Sorry amin na lang siguro, Luwi.

 

"You're the second," Naimagine ko bigla ang paghilot niya sa sentido kaya natawa ako slight.

 

"Sowy~" Tapos nag peace sign pa ako. She immediately dismissed it naman at sinabing ayos lang. Pinaulit niya rin saglit yung mga napili ko which is sinunod ko naman agad.

 

"Choices A is your style. I suggest you wear it since you are a lot comfortable while wearing them." Napangiti ako doon. 

 

Mukha lang talagang walang pakialam 'tong si Chaer most of the time, pero siya talaga ang pinaka observantsa amin. Yung tipong parang magiging conscious ka sa bawat galaw mo kasi hindi mo alam kung kailan ba siya nakatingin.

 

"Oks, noted. Thanks, Luwi! I'll see you in a bit." I heard a chuckle on the other line before it finally ended. 

 

Dumiretso na agad ako sa banyo para maligo after that dahil naiinitan na ako at feeling ko ay napaka lagkit kong nilalang. 

 

Nang matapos na akong gumayak ay kinuha ko na ang susi ng sasakyan ko at bumaba na sa parking. 

 

Syempre hindi ko kinalimutan yung regalo kong calculator para kay Ryujin. Subukan niya lang akong pag inartehan, babalibagin ko talaga siya ng sapatos ko. Casio na yan aba, mag iinarte pa ba siya?

 

Atsaka, at least may regalo ako sa kanya kaysa sa wala 'no!

 

At sinasabi ko lang, kapag nambulabog pa 'to ng isang linggo mananapak na talaga ako.

 

"Winter!" Rinig kong sigaw ng kaibigan ko sa may gate. Napakalakas ng boses ampota! Saya lagyan ng tape yung bibig eh! 

 

Nag papark pa lang ako ng sasakyan sa may kanto, susme! Tapos yung boses niya mas malinaw pa ata sa crystal sa sobrang lakas. 

 

"Nako, Rj, tigil-tigilan mo ko, ha! Baka gusto mong iheadlock kita riyan, napaka ingay mo." Pagbabanta ko nang makalapit at tinignan siya ng masama. Nag gesture naman siya na parang nagzip ng bibig at tumango tango pa.

 

"You look good, Kim." Chaeryeong complimented upon seeing me at tinapik tapik pa ako sa balikat. Si Giselle naman ay nakangisi lang sa akin saka ako inakbayan. 

 

Si Ryujin ay umalis din kaagad kasi may gagawin pa raw. Probably aasikasuhin ang mga bisita niya. 

 

Si Thino at Zoel naman ay hindi mahagilap ng mga mata ko. Hindi naman na nakakapagtaka dahil takaw sa alak ang dalawang 'yon kapag magpupunta kami sa lugar kung saan may alak.

 

Pumasok na kaming tatlo sa loob di kalaunan at- oh? akala ko ba konti at mga close lang sa kaniya ang dadalo? May mga galing pa atang ibang school ang nandito ngayon, ah? 

 

Tiningnan ko ang birthday celebrant at napailing na lang sa sarili ko. 

 

Of course susulitin ni Rj ang araw na 'to para sa lahat ng kakilala niya, walang pasok bukas, eh.

 

"Not a big party, my ." Bulong ko at sumunod na lang sa mga kasama kong naglalakad din papunta sa isang table kung saan nakita kong nakaupo si Yuna at Hyunjin na umiinom na agad.

 

"WINTER!" Malakas na sigaw ni Zoel na parang ang layo layo ko. Feel ko nga may tama na ang bonak na 'to.

 

I just shook my head in amusement at naupo na sa tabi ni Chaeryeong. Dito ako, mas matino ang babaeng 'to compare kay Yuna na napaka gulo at kay Giselle at Hyunjin na nag-aaway na naman sa hindi malamang rason. 

 

Nagmamasid-masid ako sa paligid habang umiinom ng alak na dinala ni Ryujin sa table kani-kanina lang habang ang mga kasama ko ay isa isa nang nahahatak paalis. 

 

Kada ata mapapalitan ang mahinang tugtog ay may nahahatak sa kanila paalis ng table.

 

Alam kaya nila tita pinag gagagawa ni Ryujin dito? Balita ko rin kasi ay may business trip sila outside the country so for the meantime, mag isa ang kupal dito.

 

"You got a nice attire, it's a shame that you're alone here." Napa angat ako ng tingin sa baso ko nang marinig ang hindi pamilyar na boses iyon, making me chuckle.

 

"I'm not alone," Tipid na sagot ko. I even heard her low ohh na nakapag pangiti sa akin saglit. Is she hitting up on me or something?

 

"Can I sit here to accompany you then?" Tiningnan ko muna saglit ang babaeng hindi ko naman kilala ng maigi bago tumango. Baka scam, mahirap na.

 

At kagaya nga ng sabi niya, we just sit there. Ilang minuto na siyang nakaupo rito pero walang kahit anong lumalabas sa bibig niya. Hindi na rin ako nag start ng conversation since wala namang dapat pag uusapan. Not that I want to talk to someone right now anyways.

 

I fish out my phone again upon feeling the sudden vibrations to see the few messages and missed calls from my sister. Napairap ako. Ano na naman bang kailangan nila?

 

"Hoy, tara dito! Wag kang kj d'yan sa gedli, Wintol!" Narinig ko ang pagtawa ng babaeng katabi ko sa malakas na sigaw na 'yon. Napasapo ako sa mukha.

 

Tangina mo talaga, Ryujin Elijah Shin. Nakakahiya! 

 

"Seems like your friend over there is calling you na," Sabi ni ate girl. Tumayo na ako and kindly excuse myself from the table and make my way towards my friends in the middle part where a lot of people who I don't know the names were dancing.

 

Parang naging mini dance floor kasi yung sala nila. Hindi naman pang headbanging yung music kaya hindi rin crowded masyado dito sa gitna. Pero marami pa ring tao, if that makes sense ba.

 

Mostly ata ng bisita niya ay nasa may palikuran na at gumagawa ng milagrong ayoko isipin pa.

 

"Chill up, Kim. Let's enjoy the night and worry about our problems the other day." Nakangiting bulong ni Chaeryeong at inabutan ako ng isang basong tequila. 

 

Napaisip naman ako sa sinabi niya. 

 

Sabagay, may point naman yung sinabi niya. Sa dami rin ng ganap ko sa buhay, I think I deserve this break somehow.

 

Minsan lang naman.

 

"Cheers?" Tanong nito sa akin. Itinaas ko na rin ang baso ko after ilang segundo at mahinang inuntog iyon sa baso niya.

 

For once, I'll let myself be completely free.

 

Tonight, I will let myself do what I can't.

 

"Cheers."

 

--

 

"Aray!" Agad akong napahawak sa ulo ko nang makaupo sa kama. Isabay mo pa ang sinag ng araw na tumatama rin sa mukha ko.

 

Taragya, napasobra ata ako ng inom kagabi! Sasabunutan ko talaga 'yon si Giselle at Chaeryeong kapag nagkita kami. Nandadaya sa dart, ampochi!

 

Saglit akong bumalik sa pagkakahiga bago tuluyang tumayo. Muntik pa akong matumba dahil umiikot talaga ang paningin ko.

 

Letcheng alak 'yon!

 

I was holding my head while walking towards the door because of the throbbing ache of my head. Exaggerating, pero feel ko lalabas yung utak ko anytime.

 

Nagpunta agad ako sa may counter para uminom ng tubig at mahimasmasan kahit papaano. Pero hindi pa man din ako nakakalahati sa iniinom ay napansin ko ang isang paper bag sa may lamesa.

 

Tinitigan ko 'yon ng matagal at inalala kung may nilagay ba akong ganoon doon kagabi bago umalis. Or kahit man lang pagbalik ko. But as far as I remember, wala naman. 

Hindi sinasadyang lumagpas ang tingin ko sa paper bag ng may marinig akong kaluskos sa sala. Pag ito si Hyunjin na naman jusko, baka sipain ko 'to palaba-

 

I immediately froze on my spot upon seeing a girl in pj's and staring at me with curious hazelnut eyes. Mabilis akong napakurap at napakusot ng mata in hopes to remove the blur vision of mine from my hangover.

 

"Tangina." Bulong ko sa sarili ko at palihim na inikot ang tingin sa paligid. 

 

Gago, wala ako sa unit ko! 

 

Napahakbang ako pabalik nang malinaw ko nang matitigan ang taong nakaupo sa sala at nakatitig pa rin sa akin. Halos maubo ubo ako nang magsalita siya.

 

"Good morning," Nakangiting bati nito.

 

It was the girl from the party.

 

Pero imbis na bumati ako pabalik ay kaagad ko munang tiningnan ang katawan ko at nakitang hindi na yung itim na turtleneck kagabi ang suot ko. 

 

Mahigpit kong hinawakan ang katawan ko na parang tinatago ang sarili. Which is, well, what I am trying to do talaga.

 

Shutangina kasi bakit iba na yung suot ko!?!?

 

I was snapped out of my dilemma when I heard a faint but low tone chuckle that I suppose is from the girl I don't know the name of. Kami lang namang dalawa ang nandito, so malamang. 

 

"Aren't you going to greet me back?" Inosenteng tanong niya sa akin habang naglalakad, leaning at the countertop nang makalapit at ngumiti.

 

"May nangyari ba sa atin?" Is what I asked na nakapag patigil sa kanya. 

 

The atmosphere between us became a little bit awkward. I notice as well how her face suddenly turned serious, tingin ay hindi nawawala sa akin. Ramdam na ramdam ko rin ang pagkalabog ng dibdib ko sa kaba.

 

Napatanong tuloy ako sa sarili ko bigla; 

 

She's not saying anything, does that mean that we did??

 

Parang gusto ko na lang magpakain sa lupa sa thought na may ginawa nga akong kabulastugan kagabi. Ang nakakainis pa ay ang katotohanan na wala naman akong maalala na kahit ano. 

 

Panigurado akong itatakwil ako ng mga kaibigan ko sa oras na may malaman silang ganito, shet!

 

Nabalik lang ako sa wisyo nang magsalita ito. At seryoso, sana pala ay hindi na lang siya nagsalita kasi mas lalo niya lang ginulo ang nagsisising utak ko.

 

"I'll leave that to you to remember," Napanganga ako habang nakatitig. Hindi 'yon dahil sa ganda na meron siya. Aminado naman ako na she's a beauty pero hindi talaga 'yon ang rason!

 

Jusko lord, ano ba 'tong nangyayari sa buhay ko!!

 

"Oh, by the way," Pag umpisa niya ulit. Ako naman ay nakatingin pa rin sa kanya at parang takot na takot sa kung ano mang lalabas sa mga bibig na iyon. 

 

Baka kasi another bomba. Please, tama na muna!

 

"Y-yeah?" Nag aalinlangan kong tanong. 

 

Ate girl then flashes me a wide smile. So wide that I almost think she isn't the same girl who made me think insanely crazy with her words just right now.

 

"What's your name nga pala?" Nagtaka naman ako bigla sa tanong. Ang random kasi, eh. But nonetheless, as a mabait na tao, sinabi ko pa rin.

 

"Winter." I said, "Winter Cian Kim." Ulit ko pa at tipid na ngumiti sa kanya. Hindi naman din kasi kami close. Duh! Kagabi ko nga lang nalaman na may nag eexist pa lang siya dito sa mundong ibabaw! 

 

"Nice name. I'm Karina, by the way." Pagpapakilala niya at mas lalong ngumiti ng malaki sa akin. I never knew na may mas ilalawak pa pala ang mga ngiti niya. Hindi ko na rin maalis ang tingin ko for some reason. Napalunok ako.

 

Her smile is breathtaking.

 

Dahan-dahan akong nag angat ng tingin to meet her hazelnut eyes, "Karina Koleen Yu."

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
showlls
We're nearly 200 subs! Salamats salamats!! Send tots kayo?

twt and cc: ranselo_

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Welcome back otornim 😣😤😍💙❄🙌
Darnanays
#2
kamusta kaya to?
winjeongkim21 #3
Chapter 3: hi po author hehe
jmj1117 #4
Chapter 1: Prologue pa lang amoy angst na
yulliseek #5
Chapter 3: Ay ang cutie huhu gusto ko ‘yung nagpapanic si Winter pero I think wala namang nangyari sa kanila, sadyang tease lang itong si Karina. HAHAHAHA Anyway, i love the progress, author. Ganduh po ng pace since nagkaroon kami ng sneak peek of the future (mukhang masakit nga lang, pero sila sana ang end game hngk) and magkakaroon kami ng idea kung paano sila nag-start as strangers.. Willing to wait, author! Looking forward po sa story. :)))
Haha-hakdog #6
Chapter 3: uY ANG CUTE TLGA i love the strangers with a past Prologue tsaka ung pagkkwento nubg development paano napunta don, un kang otor willing to wait po >_<
TYTFshipper
271 streak #7
Chapter 3: Ay salamat otor sa jinjoo scene dito ha huhu ittreasure ko din to as if my greatest treasure charrr shempre i'm really up for winrina x jinjoo dito sobrang tamang choice yon 👉👈 hehe anyways really curious na talaga for karina's pov hmmm see you next chap for sure otor!! 🥰

Ps. Best bro yenjin yeah 😎 hahahaha
_Jisoo_ #8
Chapter 3: Bat may pa wink mareng karina?? Cute niyo
u_ujiman #9
Chapter 3: Let's enjoy it while it last siguro HAHAHA nagsisimula na, ang cute lang ni Cian, inaabangan ko talaga 'to.
rinalovesyouu #10
Chapter 2: Ohhh… see you in the next chapter po!