Harry Potter

2HY
Please Subscribe to read the full chapter

First Day

 

In the meantime, I'm dragging my luggage round, waiting for a cab to take me to the house I booked in advance. Ah speaking of, I should call them. Andito pa rin ako sa seaport, palingon lingon. Paano ba ako tatawag though naisulat ko na rin naman yung mga numbers na kakailanganin ko if ever and memorya ko na yung sa mga kaibigan at kay Lala. Pero dapat papanindigan ko 'tong naisip ko na wala akong ko-kontakin sa buong bakasyon ko.

 

Pumunta akong tindahan para sana makitawag pero baka kung ano isipin nito, nakakahiya hindi kasi ako magpapaload. Ano bang gagawin sa mga ganitong sitwasyon? Makikitawag na lang siguro ako sa ibang pasahero na andito pa rin sa seaport. 

 

Hmm ayun may mag-isang babae lang doon banda sa CR, siguro kaka CR lang nito. Siya na lang lalapitan ko since siya lang mag-isa. Target locked. Kakapalan ko na 'tong pagmumukha ko.

 

Ang pangit ata pakinggan kasi kinakailangan pa talagang mag-isa yung target ko. Napapatawa na lang ako sa aking iniisip. E kasi naman kung yung mga may kasama lalo na kung group of friends and isa dun lalapitan ko, ang awkward. Yung bigla bigla kang lalapit tapos makikitawag tapos yung mga kasama nung pinaki-usapan mo nakaabang rin sa'yo. Hindi ko kakayanin yung awkwardness. Okay final na si ate na talaga. 

 

"Hello po" smile Ace. Sana nakikita ko yung sarili ko to know if I'm giving that seemingly awkward smile. How to smile in a friendly way pala? May guidebook ba?

 

"Uhh hi?" - si ateng mag-isa

 

"I'm sorry to bother you po but can I ask for a favor? I didn't have my phone with me kasi. Can I use your phone to make a quick call lang po?" mahabang paki-usap ko. Sana hindi niya pag-iisipan ng masama 'tong ginagawa ko. Siguro ang weird pakinggan na may taong walang phone o may taong kinalimutan dalhin yung phone nila. I smiled kay ate kahit napaka awkward na nung smile ko. 

 

 

 

"Oh sure sure. Akala ko kung ano na", she said at binigay sa akin yung phone niya.

"Siguro hindi ka taga rito no?" tanong niya tumango lang din ako habang tina-type yung phone number nung may-ari nung bahay na re-rentahan ko sana.

 

"Salamat po talaga. Sandali lang po ah" sabay tagilid ng kaunti to make the call nag ring naman ng tatlong beses bago ito sagutin.

 

"Hello? Ah yes, I reserved the house po under Winter Abellano. Yes po, the residential house po. Ako lang po mag-isa. Okay po, thanks. I'll be checking in earlier po. Yes po, Papunta na po. Okay po." binaba ko na yung tawag after kong ma confirm and mas maaga pa sa time ng reservation ko pero mukhang mabait yung sumagot ng tawag, sana hindi ko sila nabigla sa kadahilanang ang aga ko sa napag-usapang oras. Hmm accommodating, 4.5 stars agad. 

 

Ay ano ba yan nakalimutan kong magtanong kung may service sila papasundo sana ako. Hays tatanga-tanga Ace. I guess hahanap na lang ako ng masasakyan dito locally. Hinarap ko ulit si ateng mabait.

 

"Thank you po. Pasensya na sa abala miss. Ikaw kasi yung kaya kong ma-approach since ayun mag-isa ka and nakakahiya kapag group of friends yung inapproach ko." nag smile si ate sa akin after kong isauli yung phone at sa dagdag explanation sa ginawa ko.

 

"Okay lang, ano ka ba. Naiintindihan ko. Hindi mo kailangan magbigay ng paliwanag, naiitindihan ko naman since dayo ka. Pero ha nakalimutan mo talaga yung phone mo papunta rito?" sabi na e, nakakapagtaka talaga sa panahong ngayon ang walang dalang phone lalo na kung ang layo ng pupuntahan mo. Pano ko ba 'to sasabihing sinadya ko talaga yung pag-iwan.

 

"Oo nga e, ang tanga lang. Na-excite ata talaga ako papunta rito" pagsisinungaling ko. Nakalimutan? Na-excite? Hays sorry po Lord. I'll do better po, nag-init naman yung tenga ko. Hala baka mabuking pa ako nitong nagsisinungaling. Mabuti na lang at may tumawag na sa kanya. Sundo niya ata yun.

 

"Grace!"

"Hoy Grace dito."

"Wow Grace ha ang tagal mo naman. Hindi ka rin nag re-reply sa akin. Ano ba yan pinaghintay mo ako doon sa labas. Akala ko kinain ka na ng maleta mo sa bigat." sabi nung lalaking susundo ata kay ate "Grace". Ang taas naman ng energy at boses nitong lalaking 'to, nakakatawa din yung sinabi niya. 'Yung nanunumbat siya pero hindi. Kinuha niya lang bigla yung maleta na natatawa.

 

"Hmpp. Pwede ba!? Pakihinaan mo nga boses mo, Noy. Ang lakas lakas parang naka megaphone ka. Mahiya ka naman. At ha? Ano!? Kinain talaga ng maleta? E kung sapakin kita?" inis na irap sa kanya ni ate Grace. Nakakatuwa naman itong little bardagulan nila. Napakamot na lang sa kanyang ulo si "Noy" raw. 

"Ito naman. 'Di ka na mabiro." Napakamot na lang sa kanyang ulo si "Noy" raw na naka pout.  

 

Lumingon naman sa akin si ate "Grace".

"Sige ha, I'll go na. Kainis kasi tong mokong na sundo ko e" pagpapaalam ni ate Grace sa akin at tumango lang din ako at nagpasalamat ulit sa kanya.

 

"Kilala mo yun? Ang ganda nung kasama mo ah, ilakad mo naman ako o. Bakit hindi mo isinama sa atin?" paalis na sila pero rinig na rinig ko yung pinagsasabi ni kuya. Agree ako dun kay ate Grace ang lakas ng boses. Hindi ata niya makontrol yung volume ng boses niya hahaha. Pero kuya parehas po tayo ng gusto, mga magaganda. Joke lang of course, I don't really give much thought of the physical attributes of people. Wala rin akong type when it comes to it. I don't fall for people with good looks, I overlook it actually. I'm more of intimacy, closeness, chemistry, I mean nafa-fall lang ako kapag may connection akong nafe-feel sa tao. Aanhin ko yung beauty diba kung hindi ko rin naman feel. Kaya ata naka isang fling lang ako at naka-isang relasyon.

 

"Hindi..." hindi ko na narinig yung kabuuang sagot ni ate Grace kay Noy kasi malayo layo na sila at medyo mahina din yung boses ni ate Grace.

 

Paano ba ako makakapunta doon sa rerentahan ko?

 

Magtatanong na lang siguro ako dito sa nagbabantay ng tindahan.

_______

 

After a while, I ended up riding a tricycle to get to my destination. Pagdating ko, ang bungad agad ng may-ari sa'kin bakit raw ako sumakay ng trycicle e mayroon silang service.

Pasensya na po ma'am ganito lang ako, medyo tanga. Pero sinagot ko na lang siya na "Ah okay lang po, I forgot to ask po. Babalik na lang po ako bukas sa seaport para po magpasundo." Sabi ko habang tumatawa.

Tumawa lang din si ate (medyo bata yung nakausap ko I think about mid 20s). After the paperworks and such nakahiga na ako dito sa room ko. Mabuti naman ganito yung nakuha kong room, private at parang bahay na rin talaga. Merong kusina at sariling cr. Air conditioned din yung room ko though hindi naman ata masyado need to since maganda ang simoy ng hangin sa islang to.

 

Mamaya na lang siguro ako mag-aayos ng gamit napagod ako sa biyahe kahit pa man lang puro upo yung ginawa ko nakakapagod pa rin talaga. Itutulog ko na muna tong araw na to.

 

Pagkagising naghanap agad ako ng makakain. Grabe yung tulog ko from 3pm to 2am. Ganoon na ba ako kapagod? I only just rode a plane, taxi then a ferry and lastly a trike to get here. Siguro nga, I was physically exhausted or maybe I'm also emotionally drained too. Hays basta pagkain muna proproblemahin ko.

 

Pero meron bang bukas na tindahan around this time e nasa isla ako. I'm sure people here sleeps early at magsisimula ng araw about 5am pa. I opened my backpack and was about to open my iPad when suddenly I remembered why I turned it off as soon as I decided to come here.  Baka kasi ma-tempt ako na i-connect sa WiFi at doing that would lead me to answer the messages in my inbox. Pero if I use my laptop baka ma-tempt rin ako to connect to the WiFi. Oo, dinala ko 'yung iPad at laptop ko in case na ma bored ako na sa kasobraang boredom gagawa na lang ako ng designs for myself just to pass time.

 

Nilabas ko na lang sa bag ang dalawa at nakita yung dalawang libro. Hmm magagamit ko 'tong librong binili ko 'yun nga if mabagok ako para mapilit ang sariling magbasa. I sighed again, baka mabuksan ko lang 'tong laptop ko to do designs.

 

Pft. Doing designs also felt like doing my job. E diba self nagpunta tayo dito para magbakasyon meaning no work and dagdag na rin ang no communication. I am here to unwind and to just let myself feel everything, to somewhat accept so I could move forward. I mean I accepted naman na ang mga nangyari pero gusto ko lang ng time to absorb everything. 

 

Tiningnan ko yung laptop at yung libro sa mesa. Work or suffering? Oo na, oa na sa suffering. 

 

Ah so that leaves me to just read this book but as soon as I touched the book parang nanghihina ako. Ayokong magbasa. I'll just open the television na lang to distract myself. Truth is I really don't like reading, it makes me sleepy. Kahit pa anong pilit sa akin parang may powers yung book when it comes to me, nakakapanghina. 

 

Kainis naman kasi tong choices ko sa ganitong oras e pagkain lang naman gusto ko. 

 

Nakatulog lang din naman ako after a while of watching whatever was on sa TV. I woke up at around 5am. Naligo na lang rin ako kasi ang lagkit na ng pakiramdam ko hindi pa pala ako nakapag bihis since kahapon.

Aayusin ko na lang rin pagkatapos yung mga gamit ko doon sa cabinet.

 

After kong magawa ang dapat kong gawin I readied myself to get out. Sayang hindi ko naabutan yung sunset.

 

Tiningnan ko yung wristwatch ko mag se-seven na pala. Tumunog naman yung tiyan ko, oo nga pala gutom ako. So I'll go out and explore this little island that I'll be staying for a month.

 

Yes, a month. I just needed this staycation where all people are strangers.

 

Pero seriously I really need to get out to look for a place so I can eat. Nag lock na ako ng pinto, tinuro na sa akin kahapon kung ano mga gagawin kapag aalis ako.

 

How would I find a restaurant when I don't even have a phone para mag search? Ah the old way - ask around.

 

 

Ayun may tindahan katapat ng nire-rentahan ko, I mean may pagitang kalsada pero yun na rin yun, magkatapat. Pagkarating ko sa tindahan tumitingin ako pero parang walang tao.

Paano ba 'to? "Tao po! Tao po! May tao po ba?" pasigaw sigaw na ako rito.

 

"Ineng anong bibilhin mo?" nakakabigla naman tong si ali bigla biglang sumusulpot. Bakit po kasi andiyan kayo sayo sa gilid.

 

Sa gulat ko, napahawak ako sa aking dibdib. Hays ali naman e. Pero ano ba gagawin ko? Ang pangit naman kung magtatanong lang ako e nakadisturbo na nga ako. Bibili na lang siguro ako ng shampoo.

 

"A-ano po pabili po ng shampoo." sabi ko habang kinakamot yung kilay ko.

 

"Sige sandali lang ha." iikot pa ata siya para makapasok doon sa tindahan.

 

Tiningnan ko rin yung ayos ng tindahan nila. Yung tindahan nila yung typical talaga kailangan mo pang sabihin yung mga kakailanganin mo para ma serve sa'yo. Nakaseparate building pala tong tindahan nila sa kanilang bahay though mga ilang lakad lang din naman yung pagitan naka fence din yung buong lugar nina ale.

 

"Anong shampoo pala yung bibilhin mo?" andito na sa harapan ko na pala si ale.

 

"Isang dosenang Head and Shoulder's po yung green po or 'pag meron po kayo nung isang bottle po " bibili na lang rin naman ako why not damihin diba total magagamit ko rin naman talaga. Sinagot naman ako ni ale na sachet lang daw meron sila. 'Yun na lang kukunin ko at nag-abot ng isang daan.

 

"Ineng ikaw ba yung bagong umuupa dun sa beach house katapat namin?" pagtatanong ni ale. Ay ang chika pala ni ale, maganda to. Tumango ako para sagutin yung tanong nya. Tatanungin ko na rin siguro siya about doon sa purpose ko.

 

"Ay ale saan po pala yung restaurant na malapit dito? Hindi ko kasi kabisado dito at wala rin po akong dalang cellphone para makapag search." pagpapaliwanag ko sa aking pakay. Natawa naman si ale sa akin. Hala nakakatawa na pala ako ngayon?

 

"Meron pa palang tao ang hindi nagdadala ng selpon? Kayo kasing mga kabataan halos hindi niyo na mabitawan yung mga gadgets niyo. Pati sa pagpaligo dala-dala niyo. Parang namamatay kayo kung mawala sa paningin niyo iyong mga selpon e." may tama rin naman si ale. Napatawa na lang rin ako sa sinabi ni ale. Pero ibahin niyo ako ale, I'm an independent woman kaya kong mahiwalay sa phone ko no pero wag lang yung ballpen at laptop ko. 

 

Kapal ko naman. Guilty rin naman ako 'dun sa sinabi ni ale na first thing in the morning ito agad hinahanap ko.

 

"Ay tungkol pala doon sa tanong mo. Meron dito malapit lang, seafood restaurant. Pumara ka lang ng tricycle sabihin mo lang na XXX restaurant." nag bow ako sa kay ale para magpasalamat at aalis na sana ako nang magsalita siya.

 

"Ang tawag ng mga tao sa akin ay Pacita o sa mga nakababata sa akin ay Aling Pas" friendly naman ni aling pas. Parang sinasabi niyang yun na rin itawag ko sa kanya. Nice, hindi ako mag-ooverthink kung ano itatawag ko.

 

"Salamat po. Sige po alis na po ako" habang kinuha ko yung sukli at nag-ba-bow na nagpapasalamat, nakasanayan ko na talaga to eh.

 

Ikaw ba naman mapunta sa isang Catholic school, iyong mga ganung bagay ang una nilang tinuturo for greetings. Naalala ko tuloy na doon palang sinanay na kaming hindi umasa sa phones. Bawal phones, bawal gadgets

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 2: ang cutie nung tatlo w/ aling pas! HAHAHA pero yung way ng pagsusulat nyo otor-niiim~ amazing po! hihi thank you po sa update 🤩🥰
dork_seulgi_k
862 streak #2
Chapter 1: yiiieeee nakakakilig naman toh enebe
kang_ddeul
#3
Chapter 1: hala kakilig naman yung unang meeting nilaaaa 😍😍😍
Nevusxc
#4
Chapter 1: OKAY AUTHOR G NA G NA AKO DITO, TRUENESS BA NA FIRST AU MO TO?? YOU SEEM PRETTY GOOD PO. ANW WAIT KO UD MO AUTHOR AND LABYU AGAD!!😝