Chapter 2

Anak ng Kapit-bahay!
Please Subscribe to read the full chapter

 

"Winter!" Tumingala agad ako nang marinig ko ang boses ni Ningning.

 

"Ba't ganyan itsura mo?" Tanong ko. Nakasimangot kasi at halos parang zombie kung maglakad.

 

"Ang daming binigay ni sir!" Angal niya nang makarating siya sa tabi ko, pinatong pa niya ang ulo niya sa balikat ko at huminga ng malalim.

 

"OA mo naman,"

 

"Edi ikaw gumawa!"

 

Ramdam ko ang mga tingin ng iilang studyante na kakalabas lang rin ng classrooms nila. Itong si Ningning kasi, akala mo taga bundok kung maka salita. Ang lakas.

 

Tumawa na lang ako at pinalo siya ng mahina sa braso. "Hinaan mo nga yang boses mo,"

 

"Pake ko sa kanila," Umikot pa ang mga mata niya. Aba.

 

"Anong sila? Ako ang naaabala. Araw-araw ko to pinagdadaan. Umiiyak na eardrums ko sayo," Ako naman ang sinampal niya sa braso, pero grabe ang lakas naman pumalo nito.

 

"Ewan ko sayo! Tara na nga! Libre mo akong ice cream!" Hinila niya ako palabas ng hallway nila.

 

"At bakit naman kita ililibre? Ano ka?" Tinaas ko ang kilay ko sa kanya.

 

"Chix," Sagot niya.

 

"Baka Chickenjoy," Rebat ko. Hinampas ulit ako ni gaga. Hindi ko talaga 'to lilibre kung uulitin niya pa.

 

"Atleast may joy! Joy ng Red Velvet! Happiness!" Kumanta pa nga! Nakakahiya!

 

Tinakpan ko ang bibig niya. "Ang ingay mo!"

 

"Ano ililibre mo ako o kakanta ako?" Hamon niya.

 

Lumingon ako, ang daming nakatingin samin! Ang ingay kasi!

 

"May kasalanan ka sakin." Binulong ko sa kanya bago hilahin at nagmadaling pumunta sa exit ng building nila.

 

 

 

 

Nabuhayan ang mga mata ni Ningning nang matikman niya ang ice cream.

 

"Tsk, the best talaga ice cream mo, manong." Puri ni Ning sa matandang lalaki na may ari ng ice cream cart sa gilid namin. 

 

Nagtitinda siya ng sorbetes dito sa university namin kada uwian. Mura lang at masarap, tag-init pa kaya marami talaga ang bumibili.

 

Mukhang natuwa si manong at ngumiti sa amin.

 

Ilang segundo ang lumipas at nagsalita ulit si Ningning.

 

"SM tayo," Biglang aya niya.

 

"Huh? Akala ko ba ang daming binigay ng prof niyo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

 

"Hindi naman tayo tatagal! Window shopping lang!" Sabi niya. Umiling ako. Itong batang 'to talaga.

 

"May gagawin ako kaya pass,"

 

"Lame. Dali na!"

 

"Ayoko nga! Yung sila Yiren na lang ayain mo!" Tumanggi ko.

 

Since ang social butterfly nitong si Ningning, medyo marami siyang kaibigan. Naging part na rin siya ng isang circle sa klase nila, sila Yiren. Mababait naman sila, tsaka in fairness, may itsura rin yung Yiren.

 

"Hindi siya pwede ngayon dahil anniversary ng mga magulang niya," Agad naman niyang sinagot. "Dali naaaa!"

 

Tinakpan ko yung tenga ko gamit ang kabilang kamay ko. Dudugo na talaga ang mga tenga ko sa babaeng 'to!

 

"Winter! Ning!" Agad na tumigil si Ning at lumingon kami.

 

"Huy, Yujin," Bati ko.

 

Ito naman si Yujin. Isa rin siya sa mga ka-close ko sa university. Makulit at maingay din katulad ni Ningning, kaya kung nasa iisang lugar sila at kasama ka, isalba mo na ang sarili mo.

 

Para ka talagang may kasama na isang Chihuahua at isang Golden Retriever. Pareho na ngang maingay tapos nag aaway pa. Galawang 2 in 1 Nescafe, creamed with sama ng loob.

 

Tumakbo si Yujin papunta sa amin at huminto sa tabi ni Ningning. Nakita niya ang ice cream cones sa mga kamay namin. Ayan na nga.

 

"Huy, ice cream! Penge!" Iniwasan naman ni Ningning ang kamay niya.

 

"Ayoko! Bumili ka ng sarili mo!" Sinimangutan siya ni Yujin.

 

"Ang damot mo! Patikim lang eh," Lumipat naman ang tingin niya sa ice cream ko.

 

"Yung sayo na lang, Win." Ayoko na ring makarinig pa at tumango na lang ako at binigay ang ice cream sa kanya.

 

Okay, pag usapan natin ang sharing sa ice cream. First of all, hindi naman ako masyadong laway conscious. As long as mukhang matino ang hygiene ng nanghihingi, okay lang. Alam ko namang matino 'tong si Yujin kaya go lang.

 

"Ang sarap! Kuya, isa pa nga pong cone. Parehas po ng flavor ng sa kanya,"

 

"Sige," Sagot ni manong at nagsimula nang gawin ang ice cream ni Yujin. Habang hinihintay naman, kinulit ulit ako ni Ning.

 

"Huy..." Tinapik ako ni Ning, tinignan ko siya. May simangot sa kanyang mukha at nakapout. Nagpapacute na si inday.

 

"Dali na kasi, saglit lang naman tayo. May sale kasi sa Penshoppe ngayon," Nako. Sabi ko na nga ba. Nagsinungaling pa siya kanina at sinabing window shopping lang daw.

 

Huminga ako ng malalim at inisip kung hectic ba ako sa mga kailangang gawin ngayong araw. May binigay rin yung mga prof namin, pero wala namang due bukas. Ay meron pala, dalawa. Pero simpleng book activities lang naman.

 

Alam kong hindi ako titigilan ni Ningning kaya bumigay na ako. Pero syempre nagdrama muna ako. Nagbuntong-hininga ulit ako bago tumango.

 

"Oo na,"

 

Agad na umalis ang lungkot sa mukha ni Ning at napalitan ng nagwawaging ngiti. Kahit kelan talaga 'to. "Ayan tayo eh!" Maligalig na sabi niya.

 

"Hoy hoy, ano yan?" Sumulpot ulit si Yujin na may hawak nang ice cream.

 

Naramdaman ko ang paglusot ng braso ni Ning sa braso ko't hinila ako ng kaunti palapit sa kanya. May naglalarong yabang sa kanyang mukha. "Pupunta kaming SM ni Winter,"

 

Halatang iniinggit niya si Yujin. Lumaki at kuminang ang mata ng matangkad. "Sama ako!"

 

"Ayoko nga," Tinaasan siya ng kilay ni Ning.

 

Pabiro kong inirapan si Ningning. "Ang arte nito. Akala mo naman hindi o-oo," Sabi ko. Alam ko kasing inaasar lang nito si Yujin, sa araw-araw ba naman na pang-aasar nila sa isa't isa.

 

"KJ neto," Sabi ni Ning, umiling na lang ako at ngumisi. "Oo na, oo na! Hays. Tara na nga!"

 

Natawa ako nang kumaway pa ang dalawa kay manong ice cream bago ako hilahin papuntang gate. Close yan?

 

"Ikaw magbayad ng pamasahe," Sabi ni Ningning. Kakasakay pa lang namin ng tricycle. Agad na nagkunot-noo si Yujin.

 

"Ba't ako!? Ako na nga naka-upo dito!" Tinuro niya yung maliit na upuan, yung katapat ng pasukan sa tricycle. Baby chair ba tawag dito? Basta yung maliit na silya.

 

"Ikaw huling sumama diba? Ikaw magbayad."

 

 

 

 

"This is so cute!"

 

Nakarating na kami sa mall. Dumiretso agad kami sa Penshoppe dahil baka raw maubusan na ng mga magagandang clothing pieces si Ningning. Sale nga kasi.

 

Muntik nang tumili si Ning nang makakita ang isang cropped denim jacket na may patches. Ganyang yung mga tipo niyang damit, yung colorful at kakaiba yung design. If it were anyone else, siguro mapapaisip ako kung bakit ganon yung taste nila sa pananamit. Pero halos lahat naman kasi ng suotin ni Ning, kaya niyang dalhin.

 

"Maganda ba?" Sinukat niya ito at humarap sa amin. Hinayaan ko na lang na si Yujin ang sumagot dahil mas similar ang taste nila ni Ningning.

 

"Maganda," Sagot ni Yujin. "How about this? Maganda?" Si Yujin naman ang nagtanong. Pinakita niya ang nahanap niyang off-shoulder na plain white at tinapat ito sa harapan niya. Nang makita niya kasi na nagsale ang Penshoppe, nakisali na rin siya sa pagtingin ng damit.

 

Ako? Well, wala. Nakatayo lang tapos sunod-sunod lang kila Yujin. Hindi kasi ako masyadong mahilig mamili ng damit. I just don't see why I need to buy clothes at this moment, okay naman ang wardrobe ko.

 

"Yup, bagay sayo." Sagot ni Ning, even giving a thumbs up and a wink bago siya bumalik sa paghahanap niya ng damit.

 

Kung halos lahat ng bagay pinagaawayan nila, tanging sa damit at shopping lang sila nagkakasundo.

 

"Ikaw, Winter? Di ka titingin?" Tanong ni Yujin while browsing through the rack of clothing. Umiling ako.

 

"Okay lang ako, bilisan niyo na lang d'yan dahil inaantok ako,"

 

"If you say so," Sumagot si Yujin at binilisan ng onti ang pagtingin niya.

 

Hinayaan ko muna sila at naghanap ng upuan. Umupo ako at naghintay, naglaro muna rin ako ng temple run, pampalipas ng oras.

 

"Uy!" Namatay ako nang may biglang tumawag sa phone ko. Lumingon ang mga malapit sa akin, medyo napalakas kasi yung boses ko.

 

Ano ba yan! Palapit na ako sa high score ko eh

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
mochikari
didn't proofread the 2nd chap, so i'm sorry for potential typos and grammatical errors!

Comments

You must be logged in to comment
leaguepro #1
♥️
Darnanays
#2
cutie ng character ni Rina!
uchinagassi #3
Chapter 2: Nakakabakla talaga pag conyo-rina ang nasa au huhu goodluck nalang ter pano mo mapapaamin yan si rina na isa siyang protractor
minrinaaaa_
#4
Chapter 2: straight as ruler pero jelly type yung ruler...
minrinaaaa_
#5
Chapter 1: ang interesting nmn
Paparapakyaw #6
Chapter 2: Oy oy oy ano yang nagbblush ha kala ko ba straight yan ba't parang tumatabingi
Min2kmj #7
Chapter 2: Weh sure na bang straight yan? Baka flexible na ruler tinutukay nyan
kang_ddeul
#8
Chapter 2: ayyy bhie!! bat may pagblush 👀
ryujinie__
711 streak #9
Subscribed! 💙
Maatt_booii #10
Chapter 2: Aayy hindi pdi yan,balikoin mo yan winter!