Chapter 1

Anak ng Kapit-bahay!
Please Subscribe to read the full chapter

 

“Winter!” Lumakas ang boses ni Mommy. Nanatiling nakapikit pa’rin ang aking mga mata.

 

“Winter, gumising ka na diyan! Tanghali na!”

 

Sumimangot ako nang magising na ako ng tuluyan. Bumangon ako’t nagstretch, may sumingit pa na isang malalim na hikab habang nag-aadjust ako galing sa morning daze ko. 

 

Mommy naman. Ang ganda-ganda ng panaginip ko eh! Nandoon pa nga si Suzy! Huhu.

 

Isang sigaw pa ang nakuha ko kay mommy bago ako tumayo na’t lumabas ng aking kwarto. Bumaba ako at agad na nakita si mommy sa kusina. Naghahanda na siya ng hapag-kainan.

 

Mukhang mainit na rin sa labas at tirik na ang araw. Ang haba siguro talaga ng tulog ko.

 

Nagpuyat kasi ako kagabi hanggang madaling araw para matapos ko na yung k-drama na sinimulan ko last month pa. Naputol kasi ang dami kong ginagawa nung nasimulan ko yun. Typical college life. Yan tuloy, di ko na natapos within just several days.

 

Pero bahala na, natapos ko naman na at worth it talaga yung puyat ko since nagkatuluyan sa bandang huli si Kim Bok-joo at si Jung Joon-hyung! Pinigilan ko na lang talaga yung mga tili ko kagabi!

 

Napansin na ako ni mommy at lumingon sa akin.

 

“Nagpuyat ka ba? Ala-una na pero tulog ka pa,” Sabi niya.

 

Sinenyasan niya ako na umupo na para kumain since tapos na rin siyang maghanda. Usually talaga ako naghahanda eh, bukod lang sa araw na to dahil nasobrahan ako ng tulog.

 

“‘Wag mo ulit sanayin yang sarili mo na magpuyat. Mahihirapan ka, maaga pasok mo.” Dagdag niya.

 

Tumango ako. “Opo, ‘nay. Ngayon lang naman po since wala namang pong pasok.”

 

Wala naman nang sinabi si mommy at nagsimula na kaming kumain.

 

Napahuni ako sa sarap. Adobo yung ulam eh, alam din ni mommy na favorite kong ulam ‘to kaya madalas niya tong lutuin. Ang lakas ko talaga sa kanya. Hehe.

 

Tahimik kaming kumain at natapos. Nagkusa na akong maglinis ng pinagkainan at naghugas para makabawi sa hindi ko pagtulong sa pagluluto at paghahanda ng lunch dahil sa puyat. Puyaters ako pero masipag naman ako. Char.

 

“'My!" Tawag ko kay mommy galing sa kusina.

 

"Bakit!?" Sigaw niya pabalik galing sa sala.

 

"Saan niyo po nilagay yung extrang pack na joy? Ubos na po yung sabong panghugas!"

 

"Nasa cabinet kung nasaan yung Xonrox!" Hindi na ako sumagot at nahanap kaagad ang cabinet na sinasabi ni mommy. Binuksan ko yung pack ng joy at nilagay ito sa lalagyan ng sabong panghugas, hinaluan ko rin ng tubig para naman mas matagal maubos.

 

Narinig ko ang mga hakbang ni mommy papasok sa kusina.

 

"Winter," Tawag niya.

 

"Po?"

 

"Alam mo yung bahay sa tabi natin diba? May lilipat na raw sabi ni mareng Helen."

 

"Oh?" Lumingon ako ng kaunti at patanong kong sinabi.

 

Weh? May lilipat na? Medyo matagal na rin kasing bakante yung tabing bahay namin eversince umalis yung dating may-ari. Ilang buwan na rin. Anim ba o pito? Hindi ko maalala.

 

Medyo malaki-laki rin yung bahay na 'yon. Akala ko pa nga may multo doon eh, ang tagal na kasing walang umuupa. Katapat pa ng bintana ng kwarto ko ang isa pang kwarto galing sa tabing bahay. Nakakatakot tignan pag gabi!

 

"Oo, papapinturahan na nga raw. Nalinis na rin ata yung bahay. Mukhang malapit na yung lipat." I snorted.

 

"Pati schedule ng pintura alam ni Aleng Helen? Baka maging marites ka na rin 'my ha." Natawa ako ng kaunti.

 

Napakamarites din kasi ni Aleng Helen, halos lahat ng nangyayari't mangyayari sa kapitbahayan namin lagi siyang informed. Magkakaibigan sila ni mommy kaya hinaluan ko ng pang-aasar. Natawa rin ng kaunti si mommy.

 

"Tigilan mo ako, Winter," Lumakas yung tawa ko sa reply ng nanay ko.

 

"Okay lang yan, 'nay. Mahal pa rin kita. Whatever shape or form– Joke lang!" Agad kong tinaas ang mga basa kong kamay at dinepensahan ang sarili ko nang pabiro akong inambahan ni mommy. May naglalaro pa ring ngiti sa mga labi ko.

 

Umiling na lang si mommy at umalis ng kusina. "Maghugas ka na lang ng maayos at matutuwa pa ako."

 

Natawa ulit ako.

 

 

 

 

"Winter!" Tawag ni Ningning habang naglalakad ako papunta sa gate.

 

Uwian na namin. Ramdam ko rin ang pagod ng katawan ko dahil sa hindi ko pagtulog ng maayos kagabi. Dapat pala hindi na lang ako nanood ng K-drama nung weekend, kahit isang araw lang ay nag-adjust yung katawan ko sa oras ng puyat. Nakinig na lang sana ako kay mommy. Hays.

 

"Bakit Ning?" Tanong ko. Inalis ko rin ang earphones ko para marinig ko siya ng maayos. Well, hindi ko dapat maririnig yung tawag niya because I'm listening to music, pero sa lakas ng boses nitong babaeng 'to, kahit noise cancelling headphones pa gamit ko maririnig ko pa'rin siya.

 

"Pupunta kami sa bilyaran. Sama daw sila Yujin. Ikaw? Sama you?" Tanong niya. I almost felt bad since Ningning looked so hopeful, ang tagal na rin kasi since ng last gala. Ang busy kasi naming magtotropa, hindi pa tugma scheds namin.

 

"Sorry, Ning. Pass muna ako. Babawi pa ako ng tulog, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi eh." I rubbed my nape, feeling sorry. Agad naman akong hinampas ng magaan ni Ning sa braso.

 

"Huy, oks lang! May ne

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
mochikari
didn't proofread the 2nd chap, so i'm sorry for potential typos and grammatical errors!

Comments

You must be logged in to comment
leaguepro #1
♥️
Darnanays
#2
cutie ng character ni Rina!
uchinagassi #3
Chapter 2: Nakakabakla talaga pag conyo-rina ang nasa au huhu goodluck nalang ter pano mo mapapaamin yan si rina na isa siyang protractor
minrinaaaa_
#4
Chapter 2: straight as ruler pero jelly type yung ruler...
minrinaaaa_
#5
Chapter 1: ang interesting nmn
Paparapakyaw #6
Chapter 2: Oy oy oy ano yang nagbblush ha kala ko ba straight yan ba't parang tumatabingi
Min2kmj #7
Chapter 2: Weh sure na bang straight yan? Baka flexible na ruler tinutukay nyan
kang_ddeul
#8
Chapter 2: ayyy bhie!! bat may pagblush 👀
ryujinie__
711 streak #9
Subscribed! 💙
Maatt_booii #10
Chapter 2: Aayy hindi pdi yan,balikoin mo yan winter!