Ang kapatid ni Irene

Mayroong Parte ng Ikaw na Gustong Gusto ko
Please Subscribe to read the full chapter


"Taho, Taho kayo diyan" mahinang dinig ni Wendy. Dahan dahan niyang binuksan ang mga mata niya at nanlaki ang mga ito ng makita niya na napakalapit ng mukha niya sa isang babaeng natutulog. As in sobrang lapit. 1 inch ganun? Agad umupo si Wendy at tinignan ang paligid niya.



Naalala niya na wala pala siya sa condo niya. Nasa ... nasaan na ulit siya? Hindi niya alam saang lupalop ba siya naroon. Basta alam niyang nasa bahay nila Irene siya.


Tinignan ni Wendy ulit si Irene. Maganda talaga siya. Pagkakita palang niya sa mga mata nito, alam na niyang maala diyosa na to kahit naka face mask siya nung una niyang nakita si Irene. Left side ng mukha ang una niyang nakita kay Irene, but it doesn't stop her from saying the same words--na maganda si Irene. Nakatalikod si Irene actually from her nung una siyang kinausap to, pero nung makuta niya si Irene in her face, it was the left side of Irene's face. At gaya ng inaasahan niya. Mas maganda pa nga siya lalo kapag walang face mask. Sobrang amo ng mukha kapag natutulog, napakaganda, pwede to mag artista eh, panigurado. Model din pwede. Kamukha niya nga yung model ng chamisul soju eh. Yung koreana.



Napa ahem nalang si Wendy ng mapagtanto niya na nakatitig na siya kay Irene ng matagal. Agad nitong binaling ang tingin sa orasan sa mesa at nakita niyang 11:15 na. Late na pala siya ng gising, kaya pala nasa tabi niya si Irene. Well hindi naman siya nag cocomplain na nakatabi niya si Irene pero inaalala lang niya na may pandemic, pero mukhang hindi naman alintana ni Irene yun diba? Kasi pinatuloy niya si Wendy sa tahanan niya.




Tumayo nalang si Wendy at nilipat ang kumot para kay Irene.

Matapos nun ay lumabas na siya ng kwarto ni Irene. Gutom na siya.

'Sayang nakaalis na yung taho, masarap pa naman sana yun' sabi ni Wendy at dumiretso ng tindahan. Pero pano nga ba siya bibili kung tulog sj Irene diba? Naisip lang niya ang tanong na iyan ng makapasok na siya sa tindahan. Pero nasagot naman ito agad ng makita niya si Irene sa tindahan.


Hindi makapaniwala si Wendy ng makita niya ulit si Irene sa tindahan. Hindi bat natutulog palang siya? Kaya naman ay agad siyang nag rub ng eyes para malaman kung totoo bang nasa tindahan na siya. Pero walang pagbabago. Nandun parin siya. Nakangiti pa nga sa kanya eh.


'Multo ba tong si Irene.'


"Bat parang nakakita ka ng multo diyan?" Tanong ng nakangiting si Irene sa kanya.


"E-eh kasi diba, natutulog ka lang dun sa kwarto? Pero nandyan ka kaagad. Pano nangyari yun, may teleportation powers ka ba?" Tanong ni Wendy na mukhang gulat parin


"Ah. Si ate Irene" sagot naman ng babae sa harapan ni Wendy.


"Ano?" tanong ni Wendy na nanlalaki parin ang mata sa gulat

 

"Kapatid po ako ni Ate Irene" tsaka tumay ang kapatid ni Irene. "Ako po si Eunbi" sabi ni Eunbi at tsaka ngumiti

 

nagprocess pa ang sinabi ni Eunbi ng ilang segundo at saka tumango si Wendy. 

'Oo nga, magkamukhang magkamukha sila, carbon copy ba? tapos may beauty mark pa sila sa mukha, pero magkaiba nga lang ang placement. Pero mukha silang magkakambal. 

 

 

"So ikaw ang naka day shift?" tanong ni Wendy habang kumukuha ng pagkain sa tindahan. 

 

"Oo, maganda naman magwork dito, besides natutulungan ko ang ate ko, and syempre may sweldo pang allowance"

 

Tumango nalang si Wendy habang nasa section na ng mga cup noodles. Paborito niya kasi to talaga. at gaya ng kagabi, ang pinli niya ay seafood ulit, pero this time, maliit lang na cup noodles. Kumuha rin siya ng absolute bottled water sa refrigirator. lumibot lang si Wendy sa section ng gardenia bread at ng malman ni Eunbi na mukhang natatagalan na si Wendy sa section ng mga tinapay, at agad siyang nagsaita. 

 

"Ate, want mo ba ng toasted bread. avail naman siya ngayon kahit alas onse na" Sabi ni Eunbi. 

 

Napatingin si Wendy kay Eunbi at tsaka niya nabasa ang nasa likuran ni Eunbi na poster na may linyang 'Toasted bread available 4AM to 6AM' 

 

mukhang nakakahiya magpatoast kung lagpasss na sa availability time. Pero biglang tumunog ang tiyan ni Wendy ng isipin niya ang toasted bread. 

 

"Sabi na nga ba gusto mo ng toasted bread eh, teka lang set up ko lang toaster ah" sabi ni Eunbi at naglakad sa mesa isinet-up niya na rin ang toaster at pagatapos nun ay tumakbo si Eunbi sa looob ng bahay pagkatapos sabihing 'wait lang ah'. 

 

Pagbalik ni Eunbi ay may isang Irene na nag rurub ng kanyang mata mula sa pagtulog. 'Grabe, mukhang kambal tong magkapatid na to ah'

 

"Ilang toast ba, dzai" tanong ni Irene. 

 

nakatitig lang si Wendy kay Irene na naglalagay ng butter sa gardenia na inabot ni Eunbi. Pero nakatitig lang si Wendy kay Irene, nagtataka siya kung bakt napaka ganda ni Irene kahit bagong gising, tapos hindi pa bad breath, amoy listerine and hininga actually. 'Grabe, tao ba to. Daig pa niya kasi ang mga artistang nakatrabaho ko' 

 

"DZAI, ILANG TOAST ANG GUST MONG BILIHIN?" rinig ni Wendy, this time mas malakas, at tila nawala siya sa mga iniisip niya. 

 

"A-ah, magkano ba?" sagt ni Wendy ng nauutal.

 

Natawa si Eunbi, mukhang nag pipigil na siya ng tawa at this time, nalabas niya. Hinampas naman siya ng ate

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
deemasalang
Yung subway pala hotdog yun ah, yung benta sa 7-11 sorry na sanay lang akong subway ang tawag dun 😭

Comments

You must be logged in to comment
speac_sci
#1
Chapter 2: ang cute hehehe nakaka-excite kung pano iinterrogate ni eunbi si wendy. hintayin ko next update mo otor
anothersabstory
#2
Chapter 1: hindi ko maimagine na nagsasabi ng "dzai" si irene, lmao. cute.
Ot5langlakasam
#3
Chapter 2: Shshhah ang cute ng dynamics ng wenrene, and ang cute na may crush pala rong si irene kay wends hahahaha. Sobrang bagay na magkapatid eunrene kasi the resemblance is uncanny. Nakaka-kilig ahahahaa abangan ko po next updates!
mklarisse_ #4
Chapter 2: Hala ang cute may pagtingin din pala si ate irene <3 eunrene magkapatid super bagay parang 2nd fic ko palang nabasa na sila ung siblings heheeh pero grabe similarities !!
speac_sci
#5
Chapter 1: ang ganda nito tapos very interesting din nung plot, super aprub. hintayin ko next update mo otor☺️
mklarisse_ #6
Chapter 1: Omg !!!!! Love this plot vvv interesting ! Sana all ng tindahan may ayren xD