7-eleven ni Ate Irene

Mayroong Parte ng Ikaw na Gustong Gusto ko
Please Subscribe to read the full chapter

 

Tatlo. Tatlong oras ng nagmamaneho si Wendy papunta sa... saan nga ba siya pupunta? Hindi siya sigurado kung saan nga ba siya pupunta. Ang daang tinahak ay di na pinag isipan pa. Diretso, liko sa kanan, liko sa kaliwa. Hindi niya alam kung dapat bang magpatuloy papalayo pero isa lang ang kasiguraduhan sa isip niya. At iyon ay ang magpakalayo muna at maghanap ng inspirasyon para sa susunod na pelikulang gagawin niya. Kaya kung iniisip natin na nagpakalayo layo si Wendy dahil sa isang hiwalayang hindi niya matanggap, o dahil sa isang one sided love, ang sagot ay hindi.

Trabaho ang priority ni Wendy. At naniniwala siya na hindi dapat mag exist ang love together with her career. Distraction lang ito ang palaging sabi niya. Kaya eto siya ngayon, nag hahanap ng inspiration, kahit synopsis lang, makakuha lang ng grasp of the storyline she wanted to create.

Wendy is a director for 4 years, and despite having that less of an experience than the veterans, may creativity at imaginition siya na nagbunga para makakuha siya ng sandumakmak na awards in her indie films. Horror, musical, action, ang mga genre na yan ay nacover na ni Wendy sa kanyang mga works. Pero never pa niyang naranasan na gumawa ng pelikula tungkol sa pag-ibig. Bakit? Kasi sa tingin ni Wendy ay hindi niya mabibigyan ng hustisiya ang pag lalarawan ng isang tunay na pag ibig.

"I wanted to try a challenge," iyan ang sagot ni Wendy sa nakaraang interbyu niya, at iyon ay isang hint para sa genre ng pelikula na gagawin niya. Love story, paano nga ba siya hahanap ng isang perpektong love story, o love story na maaantig ang mga manonood. Ang plano ni Wendy ay humanap ng couple na pwede niyang interbyuhin sa mga pinagdaanan nila at love story nila. Kwentong simple lang pero nakakaantig, yan ang hanap niya.

Pero eto siya ngayon, nagmamaneho at narinig ang pagkalam ng kanyang sikmura. Gutom na siya. At ang totoo ay pagod na ang kanyang mata sa pagmamaneho. Gabi ngayon at kailangan niya munang magpahinga.


Subway, cup noodles bulalo at isang pepsi. Iyan ang mga pagkaing nasa isip niya. Pero ang problema ay saan siya bibili ng mga iyan?  7-eleven. Sa 7-eleven siya dapat pumunta. Ang problema lang ay hindi niya alam kung saan ang 7 eleven dito. Binagalan ni Wendy ang takbo ng sasakyan niya at nagmasid sa kapaligiran. Nang may makita siyang mga nag iinuman sa isang kanto ay ihininto nito ang sasakyan tsaka ibinibaba ang bintana upang magtanong.


"Magandang gabi ho. Tanong ko lang po kung saan ang malapit na 7 eleven dito?"


"Ah, iha, diretso ka lang tsaka pag may makita kang intersection sa kaliwa, kumaliwa ka, diretsohin mo lang dun saka mo na mahahanap 7-eleven dun" Sagot ng isa sa kanila.


"Sige ho. Salamat ho"


"Sige ingat ka nak,"


Sinunod ni Wendy and direksyon na ibinigay kanina. Itinigil ni Wendy and sasakyan at lumabas sa kanyang kotse. Tinignan niya ang signage sa itaas. Nakapagwala nalang siya ng sarkastikong tawa habang binabasa ang signage na hindi glow in the dark, at hindi orange at green ang color. Pure black lang na ipininta, hindi glow in the dark. Hindi lang basta basta 7 eleven ang nakasulat kundi 'Irene's 7-eleven'. Tama naman sagot sa direksyon nung lalakeng nakikiinuman sa kanto. 7-eleven nga. Tama naman. Pero hindi eto yung 7-eleven na inaasahan ni Wendy, lalo nat walang aircon. Parang sari sari store ang itsura sa harap at may mga lamesa at upuan sa gilid. Mukhang malawak at hanggang sa kalikod likuran ay may mga tinda pa. Mukhang malaki nga etong tindahan na to kaysa sa mga sari-sari store lang. Kaya siguro 7-eleven ang tawag. Pero sa 7-eleven hindi ba lahat ng hanap mo nandun? Kaya nag do-doubt si Wendy sa kung anong mga benta ni Aling Irene. Kung sino man si Irene.


"Tutunganga ka lang ba diyan o bibili?" Rinig ni Wendy sa likuran niya matapos niyang maglakad sa harapan ng tindahan.

Tumingin si Wendy sa likuran niya at may nakutang siyang babaeng naka face mask. Maganda ang mata niya. Mukhang maganda talaga siya kahit mata lang ang nakikita. Yung babae may dala dalang case ng rc cola na maliliit.

Hindi nasagot ni Wendy ang tanong, hindi niya sinasadya pero tinitignan njya ang mga kahon kahon sa likuran ng babae. May mga kahon pa ng empi lights at mga chichiria. Hindi yung chichiriang malalaki gaya ng clover o tempura, kundi mga chichiria na tig pipiso, yung pang inuman gaya ng dingdong, at alibaba.

'Sari sari store lang ata to,' Ang iniisip ni Wendy kahat hindi siya nakasagot. Etong anak ni Aling Irene siguro ang dahilan kung bakit nakakabenta sila. Mata plng ang ganda na eh.


Dumiretso nlng yung babae sa loob ng 7 eleven version ng tibfahan tiyaka tinignan ni Wendy ang mva natirang kahon at malaking clear na plastic na ang laman ay mga chichiria.

Bumuhat si Wendy ng isang kahin ng empi lights para tumulong. Kung tinatanong niyo bakit niya to ginagawa, hindi dahil nagpapa good points siya sa anak ni aling Irene, kundi kusang mabait lang talaga siya. Kaya eto siya naglalakad papunta sa tindahan. Tumigil siya sa pintuan kasi ayaw niyang pumasok sa loob, baka mamaya off limits pala ang customer doon di gaya sa 7 eleven.


"Oh, tumulong ka pa pala. Thank you," Sabi nung dilag at kinuha ang kahon na buhat ni Wendy at ipinasok sa loob. Nasilip ni Wendy ang nasa loob at malawak ito. May mga lamesa sa loob. Hindi niya alam kung pano ito nagkasya. Parang sa seven eleven ang ayos, may mga shelf na ang laman ay paninda. Aba matindi. Seven eleven nga. Ang pagkakaiba lang ay walang aircon at medyo madilim dito sa loob ng tindahan.

Bumalik si Wendy para kunin ang plastic ng mga chichiria sa labas at ng nasa pintuan na siya ay sinabihan siya na pumasok sa tindahan.


"Pasok ka, salamat sa pagtulong magbuhat ah. Yung tricycle driver na sinakyan ko may service pa raw kaya di ako natulungan. Gabi na pero may service pa, oh diba? Pero siya. Anong bibilhin mo. Nakita ko kotse mo naka parking sa tapat ng tindahan ko. Nasa biyahe ka noh, saan punta mo?" Tanong ng dilag habang nag aalcohol at tinatanggal ang face mask. Naka talikod siya sa kay Wendy pagkatapos tabggalin ang face mask, kumukuha siya ng tablia para may inumin naman siya. Gusto niya ng hot chocolate eh.


"Ah, sa totoo lang di ko alam kung saan ang punta ko eh. Pero eto, needed to stop lang for a while, nagutom kasi while driving,"


"Ah ganun ba. Sige ano ang gusto mong kainin ngayon?"


Hindi agad napasagod si Wendy sa kadahilanang hindi siya sigurado kung meron bang subway dito or cup noodles, pepsi meron pa siguro or kung wala man meron namang rc cola. Panigurado walang subway dito noh?

"Uhm..." napatigil si Wendy sa pagsasalita ng makita ang babae na nagtanggal ng face mask niya at dahang dahang humarap sa kanya. Napakaganda niya. Hindi maipaliwanag ni Wendy ang ganda ng babae sa harapan niya. Pang artistahin, pwede kunin to sa isang pelikula niya kung magaling lang unakting to eh. Feeling niya naman talented tong babae sa harap niya. Pero nabigla talaga si Wendy sa ganda niya. Grabe lang. Makalaglag ba yung ganda niya, nakakatawa pero yun lang yung term na kayang idescribe ni Wendy.

"Ano? Naku naku, wag mong sabihing mabubusog ka na sa kagandahan ko ha?" Napatawa nalang yung dilag sa harapan njya at ng marinig to ni Wendy ay bigla siyang naturn off. Mukhang mayabang porket alam niya na maganda siya. Pero she doesn't eabt to judge totally, though she did earlier, she believe na her first impression towards sa babae ay originally positive, pero nadagdagan ng kontung negativity nung marinig niya yung mga salita kanina lang. Still, she will not say na na turn off siya totally. She still finds the girl attractive, period.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
deemasalang
Yung subway pala hotdog yun ah, yung benta sa 7-11 sorry na sanay lang akong subway ang tawag dun 😭

Comments

You must be logged in to comment
speac_sci
#1
Chapter 2: ang cute hehehe nakaka-excite kung pano iinterrogate ni eunbi si wendy. hintayin ko next update mo otor
anothersabstory
#2
Chapter 1: hindi ko maimagine na nagsasabi ng "dzai" si irene, lmao. cute.
Ot5langlakasam
#3
Chapter 2: Shshhah ang cute ng dynamics ng wenrene, and ang cute na may crush pala rong si irene kay wends hahahaha. Sobrang bagay na magkapatid eunrene kasi the resemblance is uncanny. Nakaka-kilig ahahahaa abangan ko po next updates!
mklarisse_ #4
Chapter 2: Hala ang cute may pagtingin din pala si ate irene <3 eunrene magkapatid super bagay parang 2nd fic ko palang nabasa na sila ung siblings heheeh pero grabe similarities !!
speac_sci
#5
Chapter 1: ang ganda nito tapos very interesting din nung plot, super aprub. hintayin ko next update mo otor☺️
mklarisse_ #6
Chapter 1: Omg !!!!! Love this plot vvv interesting ! Sana all ng tindahan may ayren xD