The Debut

Fanservice
Please Subscribe to read the full chapter

Winter

Hindi na kami nakapagsalita or miski tinginan ni Karina after that. Ramdam na ramdam ko yung awkwardness naming dalawa sa isa’t-isa. Ang masama pa ay yung dalawa, lagi kami inaasar.

 

Wala kasi kami din nagawa kung hindi kainin yung dish na pinili namin.

 

“Serep Winter?” tanong ni Ning after namin kumain.

 

“Ano Karina? Serep din ba?”

 

Sarap paguntugin itong dalawang ‘to, lakas mang-asar.

 

“Kami na nagluto diba? Kayo magligpit at maghugas na dalawa ha? Papasok na ako sa kwarto” sabi ko bago ko sila tinalikuran.

 

Nang matapos ako magshower, agad akong humiga sa kama. Haaaay, heaven talaga pag nasa kama na. Napangiti tuloy ako pagkahiga ko. Sarap humiga, sarap magpahinga at ang sarap matulog. Masarap din luto ni Karina.

 

Ha?

 

Hala?

 

Gagu?

 

Speaking of Karina, okay lang kaya yun? Galing 5-years relationship tapos ganun? Andun naman si Giselle, bakit ako mag-aalala?

 

Tsaka hind ako worried, ang inaalala ko lang ay yung papalapit na debut namin. Baka kasi makaapekto sa kanya at mawala focus niya sa goal.

 

“Lalim ng iniisip mo brad ah? Lovelife? Naku ka, tigil-tigilan mo yan. Tama na si Ate Jimin, nagsisimula pa lang tayo ha?” bungad ni Ning pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto.

 

“Sira, wala pa sa isip ko yun noh”

 

Wala ako sa lugar para sabihin yung tungkol sa lovelife ni Karina dito kay Ning. Buhay niya yun, bahala siya kung sasabihin niya o hindi.

 

Napapikit na lang ako sa pagod at busog.

 

 

Pagdilat ko ng mata ko ay madilim ang paligid.

 

Anong oras na?

 

Tiningnan ko ang phone ko na nasa ilalim lang ng unan ko, 4:30am. Ang aga ko ata masyado nagising? Sabagay maaga din kasi ako nakatulog.

 

Nauuhaw ako kaya lumabas muna ako ng kwarto, pagkabukas ko ng ref ay may biglang nagsalita sa likod ko.

 

“Aga mo ata nagising?” napatalon ako sa raspy at lalim ng boses

 

“Ay penguin! Nagulat ako”

 

“Halata nga”

 

“Bakit ang aga mo din nagising?”

 

“I slept way too early last night, ikaw?”

 

“Same” matipid kong sabi

 

Binilisan ko na lang sa pag-inum ng tubig para makaalis agad ako sa harapan niya.

 

“Try to sleep more, need ko kayo gisingin ng 7am para pumuntang salon. May photoshoot tayo later at mv filming”

 

“Yes leader”

 

Tama siya, need ko muna magpahinga kasi panigurado  gagabihin kami. Umalis na siya sa kitchen at bumalik na sa kwarto niya. Mukhang okay naman siya, parang hindi nga masyado apektado ng breakup.

 

Pagkatapos ko uminom ng tubig ay bumalik na din ako sa kwarto. Pinipilit kong makatulog pero ayaw na ng diwa ko kaya lumabas na lang ulit ako.

 

“Oh bakit di ka pa natutulog?”

 

Anak ng bisugo! Bakit ba bigla biglang sumusulpot to?!

 

“Hobby mo ba manggulat?”

 

“It’s not my fault na magugulatin ka” pagtataray niya

 

“Nye nye, aga mo magtaray”

 

“Aga mo din mambuwisit”

 

“Excuse me?”

 

“Oh daan ka” pangaasar niya

 

Ang galing talaga mang-inis nito noh? Hay nako, bahala ka na nga diyan gagawa na lang ako ng kakainin ko.

 

“Kung gagawa ka ng cereal, igawa mo na din ako” utos niya

 

“May paa ka at kamay ka, bakit hindi ikaw?”

 

“Dali na, minsan lang humingi ng favor oh?”

 

Napa-roll eyes na lang ako at wala na din ako choice, baka kasi humantong nanaman kami sa away.

 

 

Two months passed by quickly, 1 week na lang ay magdedebut na kami. Nakapagadjust naman na din kami sa lifestyle namin at schedules halos.

 

Kami ni Karina ay ganun pa din, walang pagbabago. Ang nagbago lang siguro ay yung dalas ng pag-utos niya sa akin. Minsan nakikipagpustahan pa siya para mautusan ako, eh ako na competitive pagdating sa kanya ay laging natatalo.

 

Mas lalo ko tuloy siya kinainisan, ang galing din kasi siya mamprovoke kapag ayaw ko makipagpustahan.

 

“Wala ka pala eh, hanggang ganyan ka na lang kung hindi mo susubukan”

 

“Ano Minjeong? Natatakot ka sa akin?”

 

“Forever loser huh?”

 

“Let me know if hindi ka na duwag”

 

Taena, sino hindi matitrigger?

 

Ngayon ay kakagaling ko lang sa solo filming, buti na lang ay tapos na yung mv filming. Yung solo filming namin ay may sari-sarili din kaming schedule, balita ko kay Karina ay nag-aral pa magdive.

 

“Nandito na ako!” paalam ko sa kanila, rule na kasi namin apat na laging nagpapaalam kapag nakauwi na para alam kung sino pa wala.

 

Naabutan ko si Ning sa dorm na nakahiga na. 7pm pa lang nung nakauwi ako.

 

“Tapos ka na sa solo shots mo?”

 

“Yep, ikaw? Aga mo ata nakauwi?”

 

“Madali na lang din naman yung final touch up, kaya maaga din kami natapos”

 

“Sila Aeri?”

 

“Anjan na si Ate Jimin, si Aeri na lang wala”

 

“Hmmm”

 

Lumabas ako sa kusina para uminom ng tubig, saktong pagbukas ko ng fridge ay sumigaw si Karina.

 

“Minjeong!” ugh ano nanaman ba yun

 

Bahala ka diyan hindi ako pupunta sayo.

 

“Minjeong dali tingnan mo to!”

 

Yung curiousity ko biglang nagsparks, bihira kasi may ipakita sa akin tong si Karina.

 

“Ano yun?” bungad ko sa kwarto nila

 

“Pakipatay ng ilaw” utos niya

 

“Ayun lang?”

 

“Yep, thanks Minjeong”

 

“Tamad mo tumayo, kainis” sabi ko bago ko pinatay yung ilaw at lumabas ng kwarto nila.

 

For some reasons, lagi kami nauuto ni Ning nung dalawang tao dun sa kwarto na yun para magpatay ng ilaw nila.

 

Pagkapasok ko ng kwarto ay agad nagtanong si Ning, “Nagpatay ka ng ilaw noh?”

 

“Ano pa ba? Nauto nanaman ako”

 

Tumawa si Ning with matching matinis na boses,

“Ahh basta ako, hindi na nila ako mauuto”

 

“Sus sinasabi mo lang yan; pero bukas bukas nagpapatay ka nanaman ng ilaw”

 

“Mark my words noh”

 

“Tingnan natin”

 

“Hindi ka kinakabahan?” biglang tanong ni Ning

 

“Kinakabahan saan?”

 

“Sa debut natin? Ilang araw na lang nanjan na”

 

“Siyempre kinakabahan, natatakot pero naeexcite din. Nasa isip ko din kung magugustuhan ba nila tayo?” sagot ko, kasi sa totoo lang hindi pala biro yung kaba kapag magdedebut na

 

“Yeah, nakakapressure din na wala pang failed group ang company natin”

 

“Naglabas na sila ng mga teaser ah? Chineck mo na ba mga comments?”

 

“Hindi tayo pinapayagan magcheck diba? Bawal nga tayo mag-install ng app sa phone natin”

 

“Kahit sa safari lang?” pang-uudyok ko

 

“Gusto mo tingnan?”

 

“Shempre, gusto ko makita eh”

 

“Hoy Minjeong, tigil nga. Nandedemonyo ka nanaman eh”

 

“Ako na lang, bahala ka diyan”

 

“Ang korni mo hoy! Spoiler ka, sabay sabay tayo tumingin after ng debut”

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
master_siomai #1
Dami nga sila fanservice lang talaga *umiyak
ryujinie__
691 streak #2
Chapter 1: mishuu
EzraSeige
#3
Time to relapse eme again 😳😀😂💙❄
minjeong_01 #4
Chapter 16: updateeee
kwinminjeong
#5
Chapter 16: huy bxjskndjdbsjbh kinikilig akerks gago kau ha pero love u gcell mwaps di k napansin yon lods
kwinminjeong
#6
Chapter 15: huy gago iba na yan wintot ingatan ang osup sis ah so sino ang spy
luh_KEY #7
Chapter 16: Tatagan mo kasi parang ang dami pang pwedeng mangyari...
EzraSeige
#8
Chapter 16: 😍😍😍😍😍
Pengseul
#9
Chapter 16: Aeri! 🤣🤣🤣
iamriou_
1159 streak #10
Chapter 16: Ayan na nga ba sinasabi e. HAHAHAHAHAHA 🤣🤣