The Tipsy Midget

Fanservice
Please Subscribe to read the full chapter

Winter

Kinabukasan ay pinatawag kaming apat sa company para idiscuss ang isang project kung saan guest kami sa isang show. Sabay sabay kaming nakarating sa meeting room at medyo napaaga kami kaya yung dalawang manager namin at kaming apat pa lang ang nandidito.
"Jimin, bibili muna kami ng breakfast niyo ikaw muna bahala sa mga bata"
"Yes Manager"

After magpaalam ng manager namin ay humarap ako kay Jimin, "Bata kami?"

"Height mo lang siguro" pang-aasar niya.

"Oh, maguumpisa nanaman kayong dalawa jan tapos magkakapikunan tapos isang linggo nanaman kayo hindi mag-uusap" awat sa amin ni Giselle.

"Mag-baby pa naman kayo" sinabayan pa ni Ning with her matinis giggles.

 

Umiling na lang ako sa dalawa, gusto ko lang naman malaman kung bakit kami bata tapos 'tong kapre hindi.

 

"Jimin and Minjeong, yung chemistry niyong dalawa sa netizens ay maganda. Alam niyo naman sa girl group industry ay uso talaga ang shipping diba?" panimula nung show coordinator namin nung nagumpisa na kami sa meeting.

 

Tumango na lang kami ni Jimin habang nakikinig sa kaniya.

 

"And kayo din Ning and Giselle ang mga main ships ng group niyo. But first, I want to know if comfortable kayo muna sa fanservice if I ever request it?" 

 

"Open naman po ako sa idea" sabi ni Ning

"Me too" sagot naman ni Giselle

"No problem" 

 

Sabi nung tatlo, hindi ako sumagot pero tumango ako. Hindi ata nila nakita yung pagtango ko kaya nagsitinginan sila sa akin. 

 

"G lang po ako"

 

"Alright, that's settled. All of the activities na mangyayari sa show na 'to are all surprises so hindi niyo pwede malaman para genuine yung magiging reactions niyo. Is that okay?"

 

Lahat kami ay sumagot ng okay lang, make sense naman kaya sumang-ayon na lang kami. Hindi rin naman kami familiar kung paano ang variety shows pag kami na yung nandun. I just hope na everything goes well.

 

After ng meeting namin ay dumerecho ng gym si Karina at Giselle habang kami ni Ning ay dumerecho sa dorm. 

 

"Himala hindi ka naggym ngayon?" tanong ko kay Ning.

 

"Tinatamad ako, tsaka nag-gym din ako kahapon" 

 

"Ang boring naman, ikaw pa kasama ko dito" 

 

"Swerte ka kamo, tara inom tayo?"

 

"Bawal, baka pagalitan nanaman tayo" suway ko sa kanya

 

"Hindi yan, walang makakaalam"

 

"Ayaw ko, at isa pa, wala tayong alak dito"

 

Hindi siya sumagot at dali-daling pumunta ng kwarto namin, paglabas niya ay may dala siyang tatlong bote ng soju.

 

"Hoy! San galing yan?"

 

"Secret, dali na oh. Maaga pa naman, maaga tayo makakatulog at may insomnia naman tayo pareho"

 

May point naman siya, madali kami makakatulog pag uminom kami.

 

"O sige tara na nga. Lakas mo mang-bad influence" 

 

"Lakas mo din magpa-bad influence" natatawa niyang sabi.

 

Kumuha ako ng snacks para kapartner ng soju, tapos dun kami nag-inom sa living room.

 

Unang soju, wala pa akong tama. Pero ramdam ko yung init ng katawan ko. Ako ay may asian flush, kaya kahit hindi ako lasing; pulang pula lang buong katawan ko kapag may alak sa sistema.

 

"Okay ka pa Winteong?" tanong ni Ning

 

"Oo okay pa, grabe ang lakas mo uminom"

 

"Ganito talaga sa life, need malakas" nagtatawanan kami na parang ewan. Halatang tinamaan na kami ng konti sa soju kasi tawa na kami ng tawa sa mga maliliit na bagay.

 

Naubos namin yung pangalawang bote, nung kalahati na ng pangatlong bote ay dumating sila Karina at Giselle. 

 

"Bakit ang ingay niyong dala-Hoy! Are you guys drinking? Ughh, amoy alak dito" sabi ni Karina nung makita kami ni Ning.

 

"Aware ba kayo na mapapagalitan kayo sa ginagawa niyo?" sita naman ni Giselle.

 

Nagkatinginan kami Ning bago nagsimulang magtawanan kaming dalawa.

 

 

Karina

"What's funny?" naiiritang sabi ko sa dalawang tumatawa. Looks like kanina pa sila nag-iinom. And to think na it's 4pm palang and ganito na sila ka-tipsy.

 

"Hindi ako lasing Ate Jimin, natatawa lang ako dito kay Winter

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
master_siomai #1
Dami nga sila fanservice lang talaga *umiyak
ryujinie__
685 streak #2
Chapter 1: mishuu
EzraSeige
#3
Time to relapse eme again 😳😀😂💙❄
minjeong_01 #4
Chapter 16: updateeee
kwinminjeong
#5
Chapter 16: huy bxjskndjdbsjbh kinikilig akerks gago kau ha pero love u gcell mwaps di k napansin yon lods
kwinminjeong
#6
Chapter 15: huy gago iba na yan wintot ingatan ang osup sis ah so sino ang spy
luh_KEY #7
Chapter 16: Tatagan mo kasi parang ang dami pang pwedeng mangyari...
EzraSeige
#8
Chapter 16: 😍😍😍😍😍
Pengseul
#9
Chapter 16: Aeri! 🤣🤣🤣
iamriou_
1152 streak #10
Chapter 16: Ayan na nga ba sinasabi e. HAHAHAHAHAHA 🤣🤣