The Harmless

Fanservice
Please Subscribe to read the full chapter

Winter

 

Medyo kinakabahan ako ngayon kasi ito yung first time namin magpeperform sa SnakeNet, may mga kasabay kaming mga halos bagong group din. 

 

SnakeNet is a music show na super big deal ang trophy dito, kahit panget yung kalakaran dito; since big industry sila ay medyo relevant sila.

 

“Huy Winter, ayos ka lang?” tanong sa akin ni Ning, si Giselle at Karina ay minemake-upan kasi tapos na kami ni Ning

 

“Wala, kinakabahan lang. Sana di ako magkamali” 

 

“Sus ikaw pa? Kaya natin ‘to, mag-enjoy lang tayo sabi nga ni Ate Jimin diba? Wag isipin, kung magkamali man basta nageenjoy diba?”

 

Gusto ko man yung idea na ‘yun ay panigurado pag nagkamali kami, papagalitan yung staffs, tas yung manager namin tas yung manager namin papagalitan si Karina. Ngumiti na lang ako kay Ning at nagpaalam pumunta sa CR.

 

Nagpaalam din ako sa mga staffs at manager na pupunta akong CR na agad naman silang umu-oo pero ingatan ko daw makeup at outfit ko.

 

On my way sa CR na artists lang ang pwede gumamit, napadaan ako sa mga nakatalikod na mga lalaki sa hallway. Boy group ata, nagdadaldalan sila. Parang hindi mga lalaki kung nagdaldalan kasi naririnig ko mga ibang name ng artists.

 

“No Man, that chick is good tho. On our first date? God she’s wild, 9.5/10” 

 

Ew, mga jerks pala ‘to na nag-sleep around tapos punterya pa is mga artists. Nakakadiri kayo mga animal. 

 

Hindi ko na lang sila pinansin kasi ayaw ko na marinig mga nakakadiri nilang kwento.

 

“How about that new girl group ng SM? What you guys think?”

 

“Oh Man, yung Giselle and Karina are totally hot. Yung dalawang bata, ayun mukhang bata. Pero mga type yun ni Sunjeong, diba Sun? Mahilig ka sa cuties?” napatigil ako ng marinig ko pangalan ng mga kagroup ko

 

“Yeah, pero bata pa nila masyado. Intayin ko na lang muna sila” 

 

Ayaw kong magmura pero what the ing hell? Ialis nila sa madumi nilang bibig pangalan namin, kadiri sila.

 

“Iba talaga tong si Sunjeong ohhh! Pero grabe guys, I’ll get the number of Karina ha? Walang aagaw!”

 

“Ako naman si Giselle, yabangan kita pag nakuha ko yun naku kayo. Inggit pikit na lang kayo ha?”

 

Gusto ko sila puntahan at paghahatawin ng tubo sa mukha pero hindi pwede masira outfit ko dahil lang sa mga basurang ‘to. Hindi niyo makukuha number nila mga ulol.

 

Agad akong nagmadali papuntang dressing room at baka hanapin na ako ng staffs. Hindi ko na nagawa yung dapat kong gawin sa CR kasi masyado akong na-occupied sa mga gagong basura sa hallway. Nakakabadtrip talaga yung mga taong ganun.

 

“Oh anjan na pala si Winter” bati sa akin ni Giselle

 

“Bakit naman parang kulang na lang manakit ka sa sobrang kulot ng kilay mo? Okay ka lang?” tanong sa akin ni Ning

 

“Wala” maikli kong sagot

 

Si Karina busy makipag-usap sa mga managers at staff. Sa performance siguro namin yun mamaya.

 

“Huy Winter?” pagkuha ni Giselle ng atensyon ko.

 

“Ano?” naiirita kong sabi

 

“Umayos ka Winter ha? Pag nagperform ka ng ganyan mukha mo, mayayari ka ng bongga. Naiintindihan mo?” panenermon sa akin ni Giselle kaya tumango na lang ako.

 

Pinagready na kami ng staffs kasi 15 minutes na lang ay kami na yung magpeperform. Nawala yung kaba ko at napilitan ng irita. Sana makapagperform talaga ako ng maayos. Buiset na mga basura yun.

 

10minutes before the performance, kinausap kami ni Karina habang magkakawahak ng kamay. Si Giselle at Ning ang hawak kong mga kamay, mahigpit at malalamig ang mga kamay nila. Halatang kabang-kaba, si Karina kaya? Mukha naman siyang kalmado at hindi kinakabahan.

 

“Girls, have a lot of fun pero at the same time focus sa performance okay? This is our first stage and we should make it memorable. Okay?”

 

“Yes leader!” sabay sabay namin sagot na nagpangiti naman kay Karina.

 

5minutes before the performance ay pinapwesto ba kami sa mga position namin.

 

Dito ko na naramdaman yung kaba pero hindi katulad kanina. May mga butterflies sa tyan ko sa sobrang kaba pero nung tumango sa akin si Karina, medyo kumalma naman yung butterflies sa tyan ko.

 

Nagstart ang music, nakafocus ako sa boses sa in-ear ko. Dito kasi sinasabi kung may mali kaming position or angle na dapat namin iayos pati yung timing ng kanta namin.

 

Sa una smooth, pero nung dumating sa chorus, eto yung sayaw na ayaw ko kasi bali talaga sa buto kung di mo papractisin ng maigi.

 

Naitawid ko naman siguro yung chorus ng ayos kasi ang naririnig ko lang sa in-ear ko ay puro good job.

 

Nasa bridge na kami ng kanta, medyo mataas yung part ko dito pero mas mataas yung kay Ning. Kaya nung malapit na sa part ni Ning, inaabangan ko ang birit niya.

 

“Ijeeeeeeeeeeeeh~”

 

Di ko mapigilan ngumiti, napakagaling ni Ning sa birit na yun grabe. Nakakaproud, baka Ning namin yan.

 

Sa wakas at natapos din ang kanta, si Karina at Ning ang ending fairies kaya nung tinapat na sa kanila yung camera ay nagkatinginan kami ni Giselle at napatawa.

 

Si Karina, as usual, napakagandang ending fairy. Yung kay Ning ang nakakatawa kasi ang awkward ng mukha niya, parang hindi niya alam ang gagawin kaya pigil na pigil ko yung tawa ko.

 

Nang matapos na yung performance at ending, tumawa na ako pero hindi naman malakas.

 

“Epic ng mukha mo Ning, hahahah!”

 

“Sige Winter, tawa lang. Pag ikaw naging ending fairy tingnan mo” pikong sabi ni Ning

 

Pero eto ako at inaasar pa din siya, lumingon ako at wala si Giselle pati si Karina kaya hinanap sila ng mata ko.

 

Pagkakita ko sa kanila ay nagkukuwentuhan sila sa may gilid at nagtatawanan. Currently kasi kami nasa backstage habang chinecheck ng director if may need bang i-retake.

 

Aalisin ko na sana yung tingin ko sa kanila ng mahagip ng mata ko yung 3 lalaki na papunta sa kanila. Kamukha nung suot ng mga lalaki sa hallway kanina.

 

Oh no no, not on my watch trashies.

 

May sinasabi ata si Ning pero nag-excuse ako kay Ning at nagmadaling pumunta kila Karina at Giselle.

 

Lalo akong nairita nung mauna sakin yung tatlo, kaya lalo kong binilisan yung lakad ko.

 

“Hey uhm, Karina. You did really great kanina sa stage niyo. Grabe ni-rip niyo yung stage. You guys own it!” rinig kong ka-oahan nung isang lalaki.

 

“Thank you po Senior” matipid na sagot ni Karina

 

“You guys are damn good kanina, ikaw din Giselle. I really like how you deliver your lines” yung isang asungot naman kay Giselle.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
master_siomai #1
Dami nga sila fanservice lang talaga *umiyak
ryujinie__
682 streak #2
Chapter 1: mishuu
EzraSeige
#3
Time to relapse eme again 😳😀😂💙❄
minjeong_01 #4
Chapter 16: updateeee
kwinminjeong
52 streak #5
Chapter 16: huy bxjskndjdbsjbh kinikilig akerks gago kau ha pero love u gcell mwaps di k napansin yon lods
kwinminjeong
52 streak #6
Chapter 15: huy gago iba na yan wintot ingatan ang osup sis ah so sino ang spy
luh_KEY #7
Chapter 16: Tatagan mo kasi parang ang dami pang pwedeng mangyari...
EzraSeige
#8
Chapter 16: 😍😍😍😍😍
Pengseul
#9
Chapter 16: Aeri! 🤣🤣🤣
iamriou_
1149 streak #10
Chapter 16: Ayan na nga ba sinasabi e. HAHAHAHAHAHA 🤣🤣