Chapter 02

WISH | Neo Series #2: DoIl
Please Subscribe to read the full chapter

"Taeyong, mamaya nayan." Saway ni Doyoung kay Taeyong. Lunch na nila ngayon at ito namang si Taeyong ay hindi na tumigil sa pagbasa ng libro, mukhang hindi nya tanggap na mali yung nasagot nya sa recitation nila kanina kaya ngayon, paulit ulit nyang binabasa yung book.

Isa pang kinababadtrip nya ay napansin nyang tinatawanan sya nung kablockmate nyang si Jaehyun na akala mo kung sino eh hindi din naman tama yung sagot nya.

"I don't freaking know what happened. I swear nabasa ko yun kagabi dito. Nashocked lang ako na sinabi nung professor namin na mali lahat ng sinagot ko. Ampota sure talaga ako nun eh! Panong mali?" Frustrated na sabi pa nito at padabog na sinubo yung pagkain na nilagay ni Doyoung sa plato nya.

"Kaka advance reading mo yan. Naghalo halo na lahat ng isipin mo to the point na iba na yung nasabi mo." Sabi naman ni Kun.

"Ganun ba yon? Parang hindi naman." Takang tanong ni Taeyong at finally ay nagsimula na din syang kumain.

"Aral aral pa kayo. Mamatay din naman in the end, nako." Banat pa ni Taeil.

"Mamatay din pala eh. Explain mo nga kung bakit ka nag-enroll?" Sabat naman ni Ten kay Taeil sabay subo ng pagkain nito.

"Oo nga no? Tanga mo kasi Ten." Sagot ni Taeil sa kanya.

"Tanga ka pala Ten eh. Move on ka na daw." Sabat din naman ni Kun na nagpasama ng tingin ni Ten at hinampas sya sa braso nito.

"Ikaw na bakla ka wag mo ko inaanet! Magmomove on ako kung kailan ko gusto." Sagot nya at tinuloy ang pagkain.

Umiling-iling naman si Taeil habang nakikinig lang sa bardahan ng mga kaibigan nya na panay parinigan. Buti nalang wala syang sinasabi sa mga to about sa taong gusto nya at baka sya'y paringgan din.

Lalo na nito ni Kun. Mukhang tahimik lang yan pero grabe naman makaparinig.

"Bakla may pogi." Tawag ni Kun kay Ten pero si Yuta ang kinukulbit nito.

"Lah. Wag mo ko idamay wala akong time." Sagot ni Yuta kay Ten kasi nga sya ang kinukulbit.

"Hindi naman ikaw." Sagot ni Kun kay Yuta.

"Edi bitawan moko! Mukha ba akong naghahabol ng ex at panay sabi na nakamove on na kahit hindi pa?" Sabi ni Yuta kay Kun na nagpatawa ng malakas kay Taeil.

"Hoy foul yun!"

"Gago kang pukingina mo ka mabulunan ka sana at di ka na marevive kasi walang nagmamahal sayo! Asan na yung pogi?" Nagmiddle finger pa si Ten kay Yuta bago nito nilingon si Kun, naghihintay lang syang matapos ang baradahan nila.

"Nasa likod ni Yuta."

"Yuta ulo mo nakakabit. Pakitanggal, ghoster ka naman." 

"Akala mo sya hindi. Ako pa mag-aadjust yudipota." Sabi ni Yuta at hindi pinansin si Ten. Bahala sya jan mag-inarte, sila naman yung nakakita, edi sila magtyagang tumingin.

"Gago kay Taeil hyung nalang yan. Tutal wala namang jowa yan eh." Sabi ni Ten at umayos ng upo.

"Yabang mong gago ka ah. Bakit? Meron ka?"

"Oh em gee leave the man alone mga gaga." Taeyong chuckled.

"Hindi pwede. Di tayo dapat pumayag na gagraduate yan na hindi man lang magkajowa. Tanginang yan ayaw kasing sumama samin sa Horizon bar andaming pogi don." Sabi ni Kun.

"Tamo si Yuta nakailang 5 seconds sa iba ibang tao." Sagot ni Doyoung at umiling iling.

"Gago ang wild mo?" Taeyong's eyes widened.

"Maka iba ibang tao to ah! Dalawa lang!" Depensa ni Yuta.

"Oo nga dalawa lang. Triny nya pareho kung sinong mas magaling humalik. Kung babae o lalaki gago."

"Tas yung lalaki pala yung dating ghinost nya." Sabay halakhak ni Ten ng malakas since napag uusapan na nga nila at bigla nyang naalala kaya hindi nya napigilang tumawa. "Si Hasol pala haha namukaan ko sa videos natin! Tangina mo deserved!"

Napagdesisyunan kasi nilang pumunta ng Horizon nun since tapos na ang exam nila at double celebrations sila nun at nanalo din si Winwin sa competition nya. Si Taeyong at Taeil lang ang wala dun dahil tinatamad daw silang umalis at nadatnan nila na nanonood ng anime.

"Yung mukha ni Yuta kinabukasan talaga eh."

"Tangina nyo ayaw ko na kumain."

"Si Taeyong din dapat! Anong study first? Tigilan mo ko!"

"Tapang mo Qian Kun ah! Tigilan mo din ako at susunggaban kita ng libro sa mukha."

"Kung kayo'y lalandi, huwag nyong idadamay yung mga taong may pangarap kagaya namin ni Taeyong." Taeil said at umiling iling sa kanila.

"Wasus. Wag ako, malandi ka din Moon Taeil!"

"Ang tapang mo na talaga no? Kumain ka na nga lang jan!" Saway ni Taeil sabay pisil sa pisngi ni Kun at sinubuan pa ito ng pagkain.

Matapos nilang kumain, kanya-kanya na sila ng hiwalay ng landas dahil may mga klase pa silang pupuntahan sa hapon. Naiwan naman si Doyoung at Taeil na ngayon ay sabay na naglalakad papunta sa building nila.

"Saan ka?" Taeil asked him.

"Ihahatid ka lang. Same way lang tayo." Sagot ni Doyoung kaya tiningnan sya ni Taeil nang nakakaloko na nagpangiti naman sa kanya.

Minsan talaga, may time na ang cute ni Taeil to the point na nakakalimutan ni Doyoung na mas matanda ito ng isang taon sa kanila.

"Weh? Wala ka pang klase ah? Kayo ni Taeyong diba nagsasama after lunch?"

Napakamot naman ng batok si Doyoung at narinig din ni Taeil ang malalim na paghinga nito.

Taeil smiled at tinapik sa braso si Doyoung.

"Bakit hindi mo itry na ligawan? Alam kong gustong-gusto mong ipursue si Taeyong, Dons." He bit his lip pero hindi inalis ni Taeil ang tingin nya kay Doyoung.

Tapang yan eh.

"Sinasabi mo jan Taeil?"

"Alam ko yang mga tinginan mo, halata eh."

Doyoung heaves a deep sigh once again, brushing his hair up frustratedly at tumingin kay Taeil. "Bakit alam nyo? Bakit sya hindi nya naman makita?" He asked at sumimangot.

"Alam mo naman si Taeyong."

"Okay lang. Ayoko din naman na malaman nya."<

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet