Make You Mine

Make You Mine
Please Subscribe to read the full chapter

Winter

 

“So, ano meron sa inyo ni Karina?” 

 

Pa-ulit-ulit na tanong na naman ni Jaemin. Sinimangutan ko siya dahil dito.

 

“We’re just friends nga! Pa-ulit-ulit naman, Jaem!” Pabulong kong sabi. Tinawanan niya lang ang sinabi ko, my frown deepened because of this.

 

“Hindi naman kayo mukhang ‘friends’ lang kapag nakikita kong magkasama kayo.” Nang-aasar na sagot niya naman kaya hindi ko na lang siya pinansin. 

 

“Para kaya kayong mag jowa! Kung hindi lang alam ng iba na magkaibigan kayo, iisipin din nilang mag jowa kayo.”

 

Nasa canteen kami ngayon dahil break namin, siya kumakain ng chips niya habang ako tinitignan ‘yung mga shots na kinuha ko kaninang nagmi-meeting ang dance team sa gym ng school. 

 

In-excuse pa ako sa klase para rito. Katabi ko si Ningning tapos katabi naman ni Jaemin si Renjun na busy sa pagkain niya.

 

“Ganda ni Karina dyan ah,” Sinilip ni Ning ‘yung camera ko habang nakangisi. 

 

“Pang sa newspaper ‘to, sabi ni Pres kuhanan daw ‘yung dance team.” I said, turning my camera off before taking a bite sa sandwich ko.

 

“Parang ang defensive naman ata ng sagot mo, sabi lang naman ni Ning maganda si Karina.” Tumatawang sabi ni Renjun.

 

“Wala namang bago doon,” Mahina kong sabi. “Paulit-ulit niyo naman kasi sinasabi.” Habol ko nang makita ‘yung mga nang-aasar na tingin nila.

 

“Really? I’m pretty?” A familiar voice spoke behind me. I turned my head around and I saw her standing there with a playful smile on her face with Jeno behind her.

 

“Oh, K-karina.. Uh..” Parang nag-loading ‘yung utak ko noong nakita ko siya. Ang lapit lapit kasi! She’s leaning down on me!

 

Tumawa lang siya and stood up properly then held out a blue handkerchief in front of me. 

 

“You left this at the bench earlier sa bleachers, I saw you drop it when you stood up.” Pag-explain niya, her eyes turning crescent. 

 

“Thank you..” Nahihiya kong sabi. Inabot ko ‘yung panyo at ngumiti ng maliit.

 

She told Jeno na mauna na sa table nila before turning to me again. “Come to practice later?”

 

I nodded, my smile widening a little bit. Nginitian niya ako ulit, her eyes disappearing, bago pumunta sa table nila. 

 

Pagkaharap ko kila Jaemin, parang silang nakasagap ng malalang chismis sa mga marites. Tinaasan ko sila ng kilay, asking them.

 

“Akala ko ba wala lang kayo ni Karina?” Tanong ni Renjun, naka-lean na siya ngayon sa table habang naghihintay ng sagot ko.

 

“Wala ngang kami,” Unbothered kong sagot at kumagat sa sandwich ko.

 

“Eh bakit inaya ka sa practice nila?”

 

“Ning para namang bago pa ‘yan sa kanila.”

 

“Pero kasi Jaem, para saan?! Bigla bigla na lang nag-aya!”

 

“Kasi nga ‘best friends’ sila, Ning.”

 

“Nadali mo, Renjun! Hahaha!”

 

“Ang invested niyo naman masyado sakin.” I said, dismissing the topic. Inubos ko na ‘yung sandwich ko at tumayo, grabbing my backpack with me. Pupunta pa ako sa office ng Newspaper Team para ipasa ‘yung pictures kay pres.

 

“Walang kami ni Karina, and us becoming a thing is very much impossible.”



 

“Hi Winter,” A voice called beside me. I lifted my head a bit and opened my eyes, my head was resting on both my arms on my armchair.

 

Beside me sat Karina. Her eyes turned crescent again as she smiled, her cheek resting on her palm as she looked at me. I took a short glance at the mole below her lip before looking at her eyes again.

 

“Hi,” I lazily smiled and rested my head on my arm again. Inaantok talaga ako. Ang aga ko nagising kanina tapos ang late ko pa nakatulog kagabi.

 

“Are you sleepy?” She asked, brushing my hair off my face with her fingers and tucking it behind my ear.

 

I nodded and closed my eyes, getting comforted by her softly playing with the tips of my hair.

 

It’s already the last subject of the day and wala ang teacher namin kaya pwede pa matulog. Nasa pinaka likod din naman ako ng classroom kaya okay lang.

 

“Let’s go home together later? Para you won’t have to commute na rin. It’ll be late when practice ends,” She softly asked, still playing with my hair.

 

Tumango na lang ako sa sinabi niya, too sleepy to talk. “Great! I’ll tell tita na lang that you’re going home with me today.”

 

Nawala ang kamay niya sa buhok ko, my sleepiness slowly drifting away too. Binuksan ko ng konti ‘yung mata ko and I saw her typing on her phone, nagsasabi na nga ata kay mama.

 

Pumikit ako nung nakita kong umupo si Yeonjun sa upuan sa harap ni Karina. Eto na naman siya.

 

“Hi Karina!” I heard Yeonjun’s flirty tone when he spoke.

 

“Hi Yeonjun,” I hear Karina greet back, her friendliness radiating from the way she spoke. 

 

“Free ka ba mamaya pagkatapos ng practice niyo?”

 

“Uhm.. Yeonjun-”

 

“She’s not free after practice. Get lost, Choi.” I heard a deep voice speak above the classroom’s noise, halata rin ang coldness ng boses niya.

 

“Bakit naman, Jeno?” Parang nanghahamon na tanong naman ni Yeonjun sa kaibigan ni Karina.

 

Binuksan ko na ang mata ko rito, sitting up straight. I rubbed my eyes, kunwari kagigising ko lang. Naramdaman ko ulit ‘yung kamay ni Karina na inayos ‘yung bangs ko.

 

“I’m going home with Winter later, Yeonjun.” Karina answered for her friend, who was sending daggers at Yeonjun through his stares.

 

Tumingin naman sakin si Yeonjun, tapos kay Jeno bago kay Karina ulit. He nodded defeatedly, standing up, leaving. Umupo naman si Jeno sa pwesto nito.

 

“Wait lang, I’ll just go to the restroom.” Karina excused herself from us then left. 

 

Nakita ko namang sinundan ‘to ng tingin ni Jeno bago tumingin sakin. “Is your friend available tomorrow?”

 

“Ha? Sino? Si Ningning ba?” Nagtataka kong tanong, my head tilting to the side. Bigla bigla naman kasi siyang magtatanong tapos ganon pa!

 

“What? No,” Kumunot ang noo niya at umiling. “Ningning’s not my type, I was asking about Jaemin.”

 

Mas lalo lang ako nagulat dito. “Type mo ‘yung lalaki na ‘yon? Pwede ka pa naman magbago ng isip, Jeno.” Pagbibiro ko at tumawa, natawa rin naman siya rito.

 

“No, I’m sure.” He said then gave a small smile. “So, is he?”

 

Inisip ko muna kung may plano ba si Jaemin bago sumagot. “Parang wala naman siyang gagawin bukas, bakit ba?” Curious kong tanong, syempre dapat alam ko rin para updated sa chika ‘no!

 

Nginitian lang ako ni Jeno at umiling, ang secretive naman nito!

 

“Aayain mo siya magdate ‘no?” Dramatic kong tanong, may paturo pa sa kanya.

 

Tinawanan niya naman ako at binaba ang kamay ko, nodding with his eyes smiling too. Jaemin, mauunahan mo pa ata talaga ako magka love life.

 

“Winter,” Karina called my attention, sitting down beside me again.

 

I hummed in response.

 

“Tita said that she’s going somewhere later at night.” Pag-inform niya sakin, tumango naman ako sa sinabi niya. “She also told me to stay at your place so you have someone to accompany you.”

 

Nanlaki naman mata ko rito. Si mama naman! Bigla bigla! 

 

Karina noticed my expression, kumunot ng konti ang noo. “Why? Ayaw mo ba ako kasama? It’s Saturday naman na tomorrow!” She asked, pouting.

 

“H-ha.. Hindi naman sa ganon.” Nauutal kong sabi, ano ba ‘yan Winter! Parang ewan! 

 

“Ano lang.. Baka hindi ka payagan ng mommy mo.”

 

“Mom already made payag! Nagpaalam na rin ako so no more excuses, Win!” She tapped my cheek before pulling out her phone again, opening a game. 

 

Tinitigan ko lang siya habang naglalaro siya sa phone niya, napaka focused naman! Gardenscapes lang naman ‘yung nilalaro niya.

 

“Psst,” May kumalabit sa balikat ko. Umupo sa harap ko ‘yung kumalabit at hinarap ‘yung upuan sa akin. “Tara laro COD! G ka?”

 

“You guys play Call of Duty?” Tanong ni Jeno, catching Jaemin’s attention.

 

“Oo! Sali ka? Rank tayo, okay lang ba ‘yun?” Jaemin asked, already opening the game on his phone. Nilabas ko na rin ‘yung akin at binuksan ‘yung app. Nawala naman na ‘yung antok ko kaya makikipaglaro na lang ako.

 

“Sure. Here, add me.” Inikot din ni Jeno ‘yung upuan niya at nilapit kay Jaemin at pinakita ‘yung phone. Wow ha, ang bilis naman gagalaw nito.

 

Inaya na rin namin sila Renjun at Ningning, kakatapos lang pala makipaglaro ni Ning ng PUBG kasama sila Chenle.

 

“Jaemin, at your back.” Kalmadong sabi ni Jeno noong nakita ‘yung kalaban sa likod ni Jaemin. 

 

Magaling din pala ‘to maglaro, grabe ‘yung aim niya! Agad naman pinatay ni Jaemin ‘yung kalaban.

 

Naramdaman kong lumapit si Karina sa tabi ko, dragging her chair with her. She placed her chin on my shoulder, nakatingin sa phone ko at pinapanood ‘yung mga kamay kong mabilis ang pagpindot sa screen. 

 

Ang lapit masiyado. “Huy Winter! Sa likod mo, huy!” Biglang sigaw ni Ningning at pinatay ‘yung kalaban. 

 

“Sa laro ang focus, pre! Hindi sa katabi!” Tumatawa na sabi ni Jaemin na may halong asar, tumingin din kasi sa amin ni Karina. Natawa rin si Karina sa sinabi ni Jaemin.

 

Paano ako makakapag focus kung napaka lapit niya sakin! I can already feel her breath hitting my neck because of her closeness!

 

48-35 na ‘yung score, and I tried my best na hindi pansinin ‘yung kamay ni Karina na nakahawak sa inuupuan ko, her arm brushing against my back everytime I would lean back.

 

“And.. Panalo!” I exclaimed, smile wide dahil naka dalawang kills ako sa huli at nakakuha ng final shot. Nag victory fist pa ako na ikinatawa naman nila.

 

“You guys are good.” Jeno said, a smile plastered on his face. Nakita kong tumingin si Jaemin dito kaya napatingin din si Jeno, umiwas din naman agad ng tingin ‘yung kaibigan ko.

 

Tinignan ko ‘yung phone ko ulit at nakitang nag-MVP pa ako. “You should carry me sometimes Winter, your skills are good.” Pag-compliment naman ni Jeno.

 

“Ano ka ba! Galing nga ng aim mo eh!”

 

“Hoy! Isa pa ba?” Sigaw ni Ning from across the room, kasama pa rin kasi nila sila Chenle. 

 

“Okay na ‘yun! Mamaya ulit!” Sigaw pabalik ni Jaemin. 

 

Sakto ang ring ng bell kaya nag sitayuan na ang lahat, Karina also withdrawing from my shoulder. Hindi ko napansin na nakapatong pa rin pala ulo niya sa balikat ko kanina.

 

Tumayo na rin ako at kinuha ‘yung bag ko, waiting for Karina dahil kinuha niya muna bag niya sa upuan niya sa may harap ng room. Bigla namang umakbay sakin si Jaemin. “Sabay tayo umuwi mamaya?”

 

“She’s going home with me tonight,” Karina said, staring at Jaemin bago tumingin sa akin at binigyan ako ng ngiti. “Let’s go?”

 

She held my wrist, her gaze still on me. Tumingin ako kay Jaemin dahil dito, “Sa Monday na lang, Jaem.” I said, giving him an apologetic smile before letting Karina drag me outside the classroom.



 

“Winter,” Someone called my attention, sitting beside me at the bleachers. 

 

Nandito ako ngayon sa gym, pinapanood mag practice ang dance team dahil hinila ako ni Karina rito, hindi rin naman ako makapag reklamo dahil sinabi ko rin kanina na pupunta ako.

 

“Oh, kuya Jaehyun!” Gulat kong sabi nung nilingon ko siya. “What brings you here?”

 

“Ah, manonood lang din, pampalipas ng oras. Kakatapos ko lang ayusin nung mga articles na ginawa ng writers.” Kuya Jaehyun said, showing me the yellow papers with lines of words written on it. “Maybe on Monday pwede na tayo mag-simula mag layout ng newspaper.”

 

“Pasado ba ‘yung mga pinasa kong pictures?” Tanong ko, my eyes still focused on the people below who are practicing.

 

“Pasadong pasado, puro pictures pa nga ni Karina eh.” Pagbibiro niya at tumawa, I felt my cheeks burn at this. Hinampas ko siya ng mahina at sinimangutan.

 

Close kaming dalawa dahil since 1st year ko sa Junior High, kasama ko na siya sa Journalism Club. Parang magkapatid na rin ang turing namin sa isa’t isa. 

 

1 year above siya sakin at graduating na, pero dati pa lang sinabihan niya na ako na i-drop and pagiging formal.

 

“Sabi mo kaya picture-an ko ‘yung dance team!”

 

“Yeah, pero hindi ko sinabi na puro pictures ng captain nila,”

 

“Marami naman doon picture ng iba ah!”

 

“Puro si Karina pa rin laman ng SD card mo, Winter.”

 

Tumatawa pa rin siya kaya mas lalong lumalim ‘yung simangot ko. 

 

Tumingin na lang ako ulit sa harap and saw Karina looking at us pero mabilis din naman siyang umiwas ng tingin at nag focus sa sayaw.

 

“You like her, ‘no?” Kuya Jaehyun suddenly asked kaya napatingin ako ulit sakanya. Hindi ako sumagot kaya tumingin din siya sakin ng medyo matagal at tumingin ulit sa harap, chuckling. “Sabi na eh.”

 

Napatingin ako sa kanya dahil dito. “Huh? Wala naman akong gusto kay Karina..” Mahina kong sabi, bringing back my gaze to the dance team.

 

“Your eyes tell me the opposite, Winter. I’ve known you long enough to know whether you’re lying to me or not.”

 

Hindi ako ulit nagsalita, still watching her being immersed in her dance. Alam ko namang kaya niya akong basahin dahil close kami, pero medyo nakakapagtaka pa rin kung paano niya napansin.

 

“How do you tell if you like a person?” I carefully asked, thinking deeply about what he said.

 

“Do you feel comforted whenever she’s around? Feel like something’s missing when she’s not with you? Tiredness going away whenever you’re with her?” He asked continuously. Wala sa sarili akong tumango sa mga tanong niya. 

 

“That’s only a few, but if your answers for all of the questions are yes, then you for sure have your answer, Win.”

 

A couple of minutes passed with silence surrounding us, just the music from the speakers and the sounds from the dancers’ feets present. Tumayo na siya, making me look at him. “Uwi na ‘ko, tapos na rin sila oh.”

 

Tumango naman ako sa kanya, he ruffled my hair pa kaya napa-pout naman ako rito pero tinawanan niya lang ako. I gave him a small wave when he bid his goodbye. “Ingat ka pauwi, kuya. Thank you rin.”

 

My eyes roamed around the gym, looking for Karina. Nakita ko siyang lumabas sa CR ng gym, heading towards me.

 

“Uwi na tayo?” Tanong ko, standing up and swinging my bag on my shoulder. Kinuha ko na rin ‘yung duffle bag niya from her hand para ‘yung backpack niya na lang dadalhin niya.

 

“Do you want to go somewhere else?” She asked, linking her arm with mine as we exited the gym. “Ate Irene will be picking us up naman.”

 

“Kasama niya si Ate Seulgi?”

 

“Probably,”

 

“Then wala tayong takas sa gala nila.” Natawa naman siya sa sinabi ko. Nasa gate na kami ngayon, sakto lang din dumating ‘yung black na Ford sa harap namin.

 

Pagpasok ko, bumungad sa akin ‘yung tili ni ate Irene na nakaupo sa passenger’s seat. 

 

“Winter!” She opened her arms, facing me and inviting me for a hug. Niyakap ko naman siya saglit at umupo na, placing me and Karina’s bags sa baba. 

 

Binati ko rin si ate Seul, syempre kapatid ko eh. “Ate, nagsabi na sayo si mama?” Tanong ko.

 

“Oo, doon muna ako kila Irene mamaya,” Sabi niya. “Exchange lang tayo, ako kila Irene tapos si Karina sa atin.” Tumatawang sabi ni ate.

 

Pumasok na rin si Karina at sinara ‘yung pinto, medyo natagalan pa sa labas dahil may kumausap pa sa kanya.

 

“Ate you act like Winter’s your sister instead of me,” Nagbibirong pagtampo naman ni Karina at nag pout, nag cross din ng arms niya.

 

Nagsimula na ulit mag drive si ate Seulgi at tumawa naman kay Karina. “Magpakasal na lang kayo ni Winter para maging kapatid na nga ni Irene si Win,”

 

Tumingin pa siya sakin sa rear mirror at ngumisi, nag agree pa ‘tong si ate Irene sa jowa niyang sira! Namula naman ako rito, avoiding Karina’s gaze na kanina pa na sa akin.

 

“Pwede naman ate,” Napatingin ako kay Karina dahil sa sinabi niya. She was only looking at me, smiling with a hint of playfulness in her eyes.

 

“Hoy! Anong pwede!”

 

“Why? Am I not wife material enough for you?”

 

Napatigil naman ako dahil dito, bakit naman ganyan ‘yung mga tanungan!

 

“Ate hindi pa ako ready sa lifetime roles.” I dramatically said, ignoring Karina’s question.

 

“Hoy sagutin mo ‘yung tanong ni Karina,”

 

“Ate!” Sumandal ako sa upuan at kunwaring nagtatampo. Ako na naman hinotseat nila!

 

Sinama nga nila kami sa lakad nila. 

 

Kumain kami sa isang Japanese restaurant, libre raw ni ate Irene dahil ngayon niya lang ako ulit nakasama. Ang spoiled ko naman sa kanya!

 

We talked about a lot of things, tungkol sa studies namin ni Karina, sa dance team niya, sa Journalism Club ko, and many more.

 

Marami rin chika si ate Seulgi, katulad na nung kinwento niya sa amin na ‘yung si Aling Marie raw nahuli ‘yung asawa na may kabit na kasama sa bahay nila noong kakauwi galing sa Japan. 

 

“Ate where do you get these informations?” Natatawang sabi ni Karina, her sushi in between her chopsticks. Bentang benta naman sa kanya ‘yung mga chika ni ate!

 

“Marami lang akong connections.” Kumindat pa si ate Seulgi at kinagatan ‘yung Tempura niya.

 

Hinatid din kami pauwi ni ate Irene since halos 9pm na rin, nagtanong pa siya kung magdadaan pa raw ba siya ng damit ni Karina rito.

 

“No need na, ate. I already have clothes here,” She said when we got out of the car, waving at the couple inside before they drove off.

 

“Mag behave kayo, ha!” Pahabol na sigaw ni ate Irene bago sinara ‘yung bintana niya.

 

Pagpasok namin sa loob, walang nakabukas na ilaw sa sala kaya I assumed na nakaalis na si mama.

 

Dumiretso kami sa kwarto ko at binaba ‘yung mga bag namin. Dito siya matutulog sa kwarto ko, lagi siya rito natutulog tuwing pumupunta kasi ayaw niya raw sa guest room.

 

“Pwede ka mauna mag shower, Karina.” I said, sitting down on my bed. Tumango siya at kumuha ng damit niya sa section ng mga damit niya sa sliding closet ko.

 

Akala mo rito na siya nakatira dahil sakop niya ‘yung 1/4 ng closet ko!

 

After she went out pagkatapos maligo, suot pa niya ‘yung robe niya pagkalabas, pumasok na ako sa cr and did my usual night routine.

 

After finishing everything I needed to do, lumabas na ako ng cr and saw Karina sitting down on the

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
IceWolf23 #1
Chapter 1: pasali naman sa relasyon nyo
yujisaurus
#2
karina na ‘yan eh, syempre gagawin mo talagang tahanan. hdhsjsjsjsh naiinggit na naman ako sa relasyon ng ibaaaa
KindaGaeforSana
#3
Chapter 1: when kaya yung karina ko?
Myoui_Son324
#4
Chapter 1: HIHU SANA ALL DIBA
hiver_pogi
#5
Chapter 1: pasali naman sa relasyon niyo
BleuHyacinthJ
#6
Chapter 1: Karina pakandong din sana 🤭 dejoke baka may magalit na maltese , kilig ako
Maatt_booii #7
Chapter 1: Buti nahanap ko tong story na'to..sana all na lang talaga
jysowee
#8
Chapter 1: ang sarap lang malunod sa kilig at mainggit at the same time hahah c:
theia-quinn
#9
Chapter 1: ughhhh something about aus talaga na si rina yung una nagkagusto kay win and sya yung nage-effort >>>>

ang cute lang nito 🥺🥺 for sure babalik-balikan ko to after a long and tiring day
allgayinthepink
#10
Chapter 1: [pinader ang sapak]