fake

paghinga/winrina
Please Subscribe to read the full chapter

"Huy okay ka lang ba?" 

 

Napatingin ako kay Ning ng tanungin niya ako tumango lang naman ako at ngumiti sa kanya. Nandito kami ngayon sa tipulo kakain ng dinner bigla daw kasing nagcrave si G sa kare-kare hindi ko rin alam kung bakit dito pa ang mahal mahal ng servings nila dito iba talaga magcrave ang mga rich kids. Sumama nalang din ako kasi ayoko pa umuwi ayoko pang makita si ate na hindi pa alam ang gagawin sa buhay niya.

 

"Miss niya na ata bebe niya kaya ganyan" Pang-aasar naman ni Ryujin kaya inirapan ko nalang siya.

 

Noong monday kasi hindi kami nakapag-usap ni Karina biglang tumawag yung mama ko. Kinausap niya ako kung pwede ko daw ba pilitin si ate Taeyeon na sumunod na sa kanya doon sa spain siyempre sabi ko si ate pa rin naman ang madedesisyon doon pero sabi niya sakin daw kasi nakikinig si ate, jusko matanda na si ate para magdesisyon sa sarili niya. Tatlong taon na rin kasi niya pinipilit si ate na sumunod sa kanya doon pero si ang dinadahilan ay ako, wala daw kasi akong kasama dito na totoo naman. Sa totoo lang din kasi ayoko din umalis si ate sanay na kasi ako sa presensya niya yung kahit kaya ko naman yung sarili ko iba parin pag nandiyan siya.

 

Mas madali pa rin yung buhay pag nandyan lang siya, pero mukhang ngayon wala na siya madadahilan kay mama. Ayaw niya kasi talaga pumunta doon bukod sa boyfriend niya, sa pilipinas niya lang daw kasi talaga nakikita ang sarili niya pero sabi niya malaki daw kasi yung utang na loob niya kay mama kaya hindi siya maka-hindi. Nainis pa ako sa kanya pagkatapos namin mag-usap kasi sabi ko anong magagawa ng utang na loob kung hindi ka naman masaya. Sabi niya hindi ko daw talaga siya maiintindihan dahil hindi ako nabuhay buong buhay ko sa utang na loob, siyempre napikon ako. Naintindihan ko naman kasi siya pero sinabi ko rin na tutulungan ko naman siya mag-explain kay mama, badtrip din kasi tong nanay ko hindi nalang intindihin yung buhay niya.

 

Thursday na ngayon tatlong araw na kami hindi nagpapansinan ni ate hindi niya na rin kasi kami nagkakaabutan, sinasadya ko talagang umuwi ng gabing-gabi tatambay lang sa bahay nila Ryujin. 

 

"Huy kanina ka pa tinatanong ni G ano daw sayo ililibre ka daw niya." Pagyugyog sakin ni Ryujin.

 

Bigla naman ako napatingin kay Giselle na nanlalaki ang mga mata.

 

"Uhhh.... may kasalanan ba ako sayo? last day ko na ba ngayon?" nahintatakutan kong tanong kay Giselle.

 

Nagtawanan lang naman yung ibang mga kasama namin, kumpleto sana kami kung nandito sila Karina and Yeji. 

 

Tatlong araw na din hindi pumapasok si Karina, hindi rin kasi kami nakapag-usap noong gabi ding yun nireplyan ko lang siya na hindi ako makakatawag kasi after nung tawag ni mama nag-usap agad kami ni ate at napikon nga ako kaya nawala ako sa mood buong gabi tapos sineen lang din ni Karina yung message ko nun at hanggang ngayon nga hindi parin kami nakakapag-usap bigla daw kasi silang umuwi ng ilocos sabi ni Giselle. Hindi ko nalang rin tinanong kung anong reason, medyo nagtampo ako kasi hindi manlang siya nagsabi sakin tapos hindi pa siya nagmemessage kaya hindi rin ako nagmemessage sa kanya.

 

"You're so lungkot kasi these past few days you look like a puppy, it's so hard to make sungit to you." Sabi niya lang pero hindi ko rin alam kung nang-aasar siya o ano.

 

Wala kasi sa tono niya na nang-aasar siya pero yung mga sinabi niya ginawa pa akong aso.

 

"Miss niya na kasi si beshie niya." pang-aasar pa ulit ni Ryujin kaya binatukan ko na siya.

 

"Gago tigilan mo ko Rj."

 

"So what's yours nga?" tanong ulit ni G kaya napatingin ulit ako sa kanya.

 

"Hindi na G okay lang ako pero kung mag-iinsist ka parang gusto ko ng binagoongan." Ngiting ngiti kong sabi.

 

Ito ang first time na ililibre ako ni G, sino ba naman ako para tumanggi sa libre diba tsaka ang mahal ng foods dito sakto na din.

 

"Drinks?"

 

"Ice tea nalang."

 

"Want something for dessert?"

 

"Kung ano nalang sa inyo, hati hati nalang tayo."

 

Bigla naman siyang tumutol sa sinabi ko at pinanlakihan pa ako ng mata, hindi ko naman naintintindihan kung anong ibig sabihin niya kaya ginaya ko nalang din siya at pinanlakihan ko din siya ng mata pero inirapan niya lang ako, sungit talaga!

 

"You like cakes right? I'll just buy you a slice nalang." 

 

Pagktapos kong magpasalamat sa kanya tumingin naman ako kay Ning at Ryujin na parehas nanlalaki din ang mga mata, eto ang first time na naging mabait sakin si Giselle. Isang taon na kaming magka-ibigan pero lagi niya padin akong sinusungitan yung bang parang ayaw na ayaw niya sakin. Kaya nga akala ko bitter siya kasi ako yung ginawang bff ni Karina na magulo parin naman sakin kasi mas close kasi si Karina sa kanya.

 

"Wait G si Winter lang ba ililibre mo how about us?" Tanong naman ni Mark na sinang-ayunan ng iba.

 

"You guys are malaki na you can pay for yourselves." 

 

"Malaki naman na din si Winter ah" Pagtutol ni Ryujin.

 

"Hindi pa.." tapos ngumiti siya sakin ng pagkalaki-laki

 

"Huh?"pagkunot noo kong tanong.

 

"She's not lumalaki pa." tapos tumawa siya.

 

"Ay true yan." Pag-sang ayon naman ni Ning tapos nagtawanan yung iba.

 

"G hindi sapat ang panlilibre mo para asarin ako" umiirap pero natatawa kong sabi ko.

 

After namin magtawanan tinawag na nila yung waiter tapos nagsi-order na rin. Umorder si G nung kare-kare niya tapos yung binagoongan ko at kumuha pa sila ng dalawang ulam. Pagka-alis ng waiter biglang tumayo si Giselle sabay tinaas yung phone niya mukhang may tumawag sa kanya kaya naiwan naman kami sa lamesa. busy yung dalawang lalaki mag-usap tungkol sa ML kaya kaming tatlo yung nag-uusap ulit.

 

"Bago yun ah.." sabi ni Ning

 

"Inaalaska ka din niya ngayon Win." dugtong ni Ryujin.

 

"Ewan nagulat nga din ako" 

 

 

"Baka last day mo na talaga ngayon baks damihan mo kain mo ah." Pangaalaska pa ni Ryujin.

 

"Dadamihan ko talaga libre kasi." pang-aasar ko pabalik sa kanya.

 

"Sana all." Sabi ni ryujin t

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
A4_chae
Sorry for madalang na update this week medyo sabaw lang po bawi ako this week tadtarin ko kayo ng updates labyu ol <3

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 5: yieeee, mag-uusap na silaaa 😭
iamriou_
1170 streak #2
Upvoted and subscribed. <3
yukimin
#3
Chapter 5: usap for real na ha may nag imissyou na eh nako bff g pabulong naman
yooji_____ #4
Chapter 5: mag first move is the key everyone hahahaha
dork_seulgi_k
872 streak #5
Chapter 5: yiieee gagi baka alam ni giselle na may gusto talaga si jimin kay winter hehe char
kwonjess13 #6
Chapter 5: ayan na mga bakla mag uusap na ung magbff in person!!! ang sus na ni g tas ang sus pa ni ning. ung totoo anumeron bakit ang sus ng mga tao. fishing ba si gi ng info about sa feelings ni winter kay karina? bakit biglang bait sya ha. at sino namang kalandian ni ning at blooming sya lately.....kilig malala sa dulo hmpf miss nyo na pala isat isa e di magpansinan na kayo!
yurielle
#7
ito na, babasahin ko na tlga...🥲 nakalimutan ko basahin noong nakaraang araw huhu
yukimin
#8
Chapter 4: ay hmm binakudan na pala dati?baka naman may effect ang kiss kaya umiwas👀
oofiee 1055 streak #9
Chapter 4: hala winter dapat matutunan mo ring magtext first-
renebae_joohyun #10
Chapter 4: jelly ace